Share

Kabanata 10.1 - Paskuhan

I'm now wearing red sleeveless dress na napakaikli pero nag cycling naman ako kasi nagsu-sway ang baba nito tuwing gumagalaw, sumasabay sa pag-indak. Si Oly din naman ang ka-partner ko kaya no worries, I trust him. 

Tonight is the night of our musical theater play as well as the auction. Yes, may auction din mamaya at ang mga perang malilikom ay ibabahagi namin sa napiling charity. Mga artworks ang ipapa-bid at kasama doon ang iba kong artwork. Sumilip ako sa curtain para makita ang mga tao. Halos mapuno na ang venue sa dami ng tao, natanaw ko naman sila Isaiah kasama si Mateo at Davis sa third row, malapit sa stage. Iris is also here together with her blockmates, nasa bandang unahan sila kaya tanaw na tanaw ko. 

I'm not nervous, sasayaw lang naman ako, 'di naman ako aarte. Una naming sasayawin is ballroom type, tatlong pair lang kaming sasayaw dito, next ay interpretative at huli ay modern na may halong hiphop, lahat na kami sasayaw dito para pasasalamat na rin sa mga nanood, so bale makakatatlong palit ako ng damit tonight. 

Kinumusta ko ang mga lead roles isa isa, I checked if they are fine especially their voice kasi musical 'tong play namin. They are fine naman daw, may kaunting problem lang kay Ivy na may solo performance mamaya, intermission number niya, pero ayos lang naman daw sabi niya. 

After few minutes ay nagsimula na, mula sa backstage ay nakatanaw ako sa mga nanonood. Kita ko ang tuwa sa mga mukha nila, minsan ay natatawa kapag nagbitaw ng joke ang mga naganap, minsan naman ay nalulungkot kapag malungkot ang eksena. This is my dream, I really want this! 

Since I was a kid, I know that performing in front of many people, capturing moments and doing films will have a big place in my heart. This is my passion, I'm really into this kind of stuffs, if only I can pursue it, why not? I've been performing for years already, usually back up dancer lang kasi more on behind the scene ang ganap ko, perks of being a director but the pressure is on you, it's never been easy. 

Sinenyasan ko ang mga kasama kong mag ready na kaya pumwesto na kami. May suot akong in-ear monitor since co-director ako para mabigyan ng instructions, informations or commands ang production team incase na may problema. 

As soon as the curtain opened and the music began, Oly held my waist and we started dancing. It is modern songs na ginawan namin ng steps for ballroom, seductive steps to be exact. I can hear the audiences scream, they're too loud. I saw Iris, nakatutok ang camera niya sa 'kin, she's also cheering for me. I gave her a smile and I wink at her. Ramdam kong sa bawat ikot ay nataas ang laylayan nitong dress na suot ko, buti at nag cycling talaga ako. 

Oly is a great dancer, siguro kung hindi mo siya kilala ay magkakagusto ka rito. Lalaking lalaki ang datingan, lalo na kapag sumasayaw. Hindi siya katulad ng iba na malambot gumalaw, 'di rin siya nananamit ng pambabae. Ayaw niya ng ganoon.

Nang matapos yon ay agad kaming nagpuntang backstage para magpalit, I remind them that they did great, I always remind them that. Ayokong ma-feel nila na hindi enough yung ginawa nila that's why I'm reminding them always.

Mahigit isang oras na ang makalipas, malapit na rin matapos ang play, naghahanda na nga ang mga actors and actresses dahil finale na kaya puro intermission number muna. I clapped my hands and cheered for my club mates who are now dancing, Oly is part of it and I can see how hot he is. May swag.

"TREIA, DID YOU HEAR ME?" Nasa gilid ako ng stage at pinapanood ang galaw ng mga dancers when I heard our director.

Umalis agad ako sa pwesto ko at nagtungo sa backstage. 

"Treia speaking, is there a problem?" tanong ko kaagad, marahil ay may problema at kinakabahan na 'ko sa kung ano man 'yon. Our director sounds frustrated. 

"PUMUNTA KA DITO SA DRESSING ROOM, NGAYON NA!" sigaw niya, I can sense the frustration on his voice. Mukhang malaking problema nga! 

Dali-dali akong pumunta sa dressing room at nadatnan doon ang director pati ang ibang lead roles, nakapalibot sila kay Ivy na nakahawak sa lalamunan niya. Mukhang alam ko na ang problema, sabi na nga ba't hindi ayos 'tong isang ito! 

"You think you can do it? Patapos na yung auction, ikaw na ang susunod Ivy," sabi ni Noel, isa sa mga lead roles.

Ivy is now crying, she shook her head while uttering 'no'. I feel bad, baka masyadong nabugbog sa rehearsal ang lalamunan niya kaya nagkaganito, patayan pa naman ang rehearsal namin noong nakaraan dahil gusto talaga naming maging perpekto. 

Pero hindi naman kami nagkulang sa pagpapaalala sakanila na magpahinga. Still, we are the ones who are responsible for this. I felt bad. 

"We don't have enough time! Kailangan may mag-perform doon sa stage, hindi tayo pwedeng magkaroon ng dull moment. Hindi pa nakaayos ang ibang a-acting sa finale kaya kailangan may mag-perform doon! Hindi na kakayanin, we need substitute!" hysterical na sambit ng director namin, lumapit ako kay Ivy para tanungin kung okay lang ba siya pero panay senyas lang ang ginagawa niya. 

Shit! We are in a major trouble! 

"We need someone who can sing, who can perform. Or atleast someone who can entertain the audience while the actors are preparing," sambit ko, lahat ng atensyon ay nasa akin.

Nagkatinginan ang director at script writer bago tumingin sa 'kin. 

"Someone like you, Treia!" sambit nila. What the, no! I hate this!

Tiningnan ko silang lahat at mukhang desidido talaga silang ako ang gawing substitute kay Ivy. 

"I'm not ready, iba na lang!" sambit ko. 

Napabuntong hininga ang director at seryoso akong binalingan ng tingin. Mukhang hopeless na siya ngayon. 

"Let's make a vote, anyone who's in favor of Treia being the substitute, raise your hand," aniya. 

Isa isang nagtaasan ng kamay ang mga nakapalibot sa amin. Wala ni isang natira!

"This is unfair!" singhal ko. 

"We're living in a democratic country, Treia. Be ready, mag pe-perform ka na!" ani director. 

Wala na 'kong nagawa. Napabuntong hininga na lamang ako. Inabutan nila ako ng isang gitara at nag practice na ko sa isang gilid doon. Marunong akong mag gitara, piano, drums at marami pang ibang instruments. In-enrol ako ni Papa sa mga ganoon, yung iba naman ay sariling aral lang gaya ng gitara. Marunong din akong kumanta but I don't think I'm a great singer. Siguro ganoon talaga kapag ikaw mismo ang kumakanta, hindi mo ma-criticise ng maayos ang sarili mo dahil ikaw 'yon, e. 

Hindi na 'ko nagpalit ng suot, siguro naman ay ayos na 'to. Nang matapos na ang auction ay pumwesto na 'ko sa stage dala ang gitara, naghihintay nalang ng go signal mula sa emcee. Nakaupo ako sa isang upuan at nakatutok sa 'kin ang mic, hawak ko na rin ang gitara at handa na tumugtog. Unwell by Matchbox Twenty ang napili kong kantahin, 'yun kasi ang pinaka-kabisado ko sa lahat ng kantang paborito ko. 

"Let us all give a round of applause to the Pride of Silangan, Chantreia Sage Fabregar!" aniya. 

Pagkasabi niya no'n ay biglang bumukas ang kurtina. Nagpalakpakan ang lahat at nang magsimula na 'kong mag strum ay natahimik na sila.

"All day starin' at the ceilin' makin'

Friends with shadows on my wall,"

Pumikit ako nang marahan at dinama ang kanta. Paminsan-minsa'y napapatingin sa crowd, hinahagilap ang mga mata ni Iris. Sa mga ganitong sitwasyon ay kailangan ko ng pagbabalingan ng atensyon, kailangan ko ng lakas, baka kasi bigla akong mag-panic lalo pa't nakanta ako ngayon, ayos lang sana kung sumasayaw, e! Mas magaling ako roon. 

Imbis na mga mata ni Iris ang mahagilap ay mga mata ni Isaiah ang nakatagpo ko. Tahimik lang itong nakikinig sa akin. Slightly, I saw him smiling. Napangiti rin ako dahil doon.

 

"But I'm not crazy, I'm just a little unwell I know, right now you can't tell.. But stay a while and maybe then you'll see.. a different side of me.."

Itinuon ko nalang ang atensyon sa gitara at paminsan-minsa'y napapapikit na lamang. Damang dama ko ang kanta, kalaunan ay nawalan na 'ko ng pake sa reaction ng crowd dahil na-enjoy ko na ang pagkanta. It feels good singing again! 

"I'm just a little unwell.."

Mga ilang minuto ay natapos na. Akala ko'y hindi nila nagustuhan ang pagkanta ko dahil tahimik ang crowd nang tingnan ko ang mga ito. Ilang saglit pa ay umingay na ito, napuno ng hiyawan at palakpakan ang venue. I smiled because of that. I bowed my head before leaving the stage, still smiling.

Nagtapos ang play sa isang masigabong palakpakan. Hindi muna nagsiuwian ang mga manonood pati na rin kami, nanatili kami sa stage para magbigay pasasalamat sa mga narito ngayon. At bilang isa ako sa may pinakamahalagang role dito, isa ako sa hiningian ng speech. I'm not prepared!

"Uh, I just wanna say thank you to all of you for watching this event for a cause, God knows how much this little act will help hundreds or even thousands of kids and homeless people, so thank you and again, see you next year." I chuckled and bow my head. Nang matapos 'yon ay nagpunta na 'ko backstage para magpalit. Iris called me, nauna na raw siyang umalis dahil pinapauwi na siya. Okay lang naman sa 'kin, at least she watched me. Siya lang kasi ang hindi busy ngayon kaya siya lang din ang nakapunta. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status