Share

Kabanata 9.2 - Couple

"Let's go na, sis. Malapit na matapos yung 30 minutes natin, sapat na siguro pagpapantasya mo sa mga 'yan," sarkasikong sabi ko kay Oly, sinaman niya ko ng tingin kaya natawa ako. Inubos niya ang mango shake niya tapos ay tumayo na rin.

Nang tumalikod ako para umalis na sana doon ay nabunggo ako sa chest ni Travis.

"Punyeta," sambit ko at tinulak siya palayo, natawa naman siya sa ginawa ko. Hinawakan ko nalang si Oly sa braso para higitin paalis doon pero hinawakan ni Travis ang kabilang braso ko dahilan para mapatigil ako.

"What do you want ba?" iritable kong tanong sakaniya, napunta sa'min ang atensyon ng iba, pati ng mga ka-team niya.

"Sabay ako sayo pauwi " sambit niya na ikinagulat ko pati na rin ni Oly. I just gave him the 'why-the-fuck' look bago inalis ang kamay niya sa braso ko, tinaas niya ang phone niya kaya nagtaka ako. Mga ilang saglit ay nag vibrate ang phone ko, may text mula kay Ate.

From: Ate Dria

Isabay mo na si Trav papunta dito.

Holyshit. Napairap ako at hinila na si Oly paalis doon. Rinig ko pang tinawag niya 'ko pero hindi ko nalang pinansin. Nang makapasok na kami sa auditorium ay nag-simula na agad. Tanaw ko naman na papasok si Travis dala ang duffle bag niyang black at naupo sa isang upuan malapit sa stage. Naagaw niya naman ang atensyon ng karamihan, more on kababaihan. Lakas talaga ng charisma nitong gagong 'to. 

"START NA!" sigaw ko. Sumimangot sila at pumwesto na, nang tumugtog ang kanta ay nagsimula na kami.

Humawak sa bewang ko si Oly at sinimulan na ang pagsayaw, ganoon din ang ginawa ko dahil magkapartner kami. 

"Here we go again. Chantreia Sage Fabregar, the epitome of perfection," sarkastikong sambit niya, hinampas ko siya ng mahina kaya natawa siya. Siya lang yata ang kaibigan kong lalaki, well kung hindi siya naging bakla baka jinowa ko na 'to, ang gwapo e! Niloloko ko pa siya minsan na kami nalang sana kaso ayaw niya talaga, ang choosy! 

After an hour ay nag decide kami na ipagpabukas nalang ang ibang gagawin. Until now ay naghihintay pa rin si Travis, hawak ang phone niya at mayroong kung anong nilalaro doon. Nagulat ako nang mapatingin siya sa gawi ko, sumenyas na sa labas nalang muna siya maghihintay, hindi ko ito pinansin. 

May meeting pa ang production team para sa magiging flow ng event na kami mismo ang nag conduct, saglit na meeting lang 'yon at natapos rin agad. Nagpalit muna akong shirt dahil pinagpawisan ako sa ginawa namin. I'm now wearing white loose shirt na naka tucked-in ang unahan sa black pants ko.

Pagkalabas ko ay bumungad sa 'kin si Travis na nakasandal sa wall, nagce-cellphone at pinagtitinginan ng mga kababaihan, is he not aware of the shameless stares? Or wala lang talaga siyang pake? 

"Ay, bonggacious! May pa-couple outfit, oh pak!" sambit ng kalalabas lang na si Oly kaya napatingin ako sa suot ko, bago ay sa suot ni Travis. 

Damn, bakit mukha kaming couple? 

"Let's go?" sabi nito, hindi man lang pinansin ang sinabi ni Oly. Parang wala siyang pakealam like duh? Baka ma-issue kami, mahirap na. At ayoko no'n, i-issue nyo na ko kay Oly wag lang kay Travis, no way! 

Naglakad na 'ko paalis, sinisiguradong malayo ang agwat sa 'kin ni Travis. Buti naman at malayo layo rin siya sa 'kin, bukod sa naiirita ako ay ayoko sakaniya, duh. Nang makita ko ang sasakyan ko ay dali-dali akong sumakay.

"May dadaanan ako sa RV," sambit ko, nagkibit-balikat lang siya at binalik ang atensyon sa phone niya. Kanina pa siya tutok doon, ano bang mayroon? Ah, naglalaro siyang basketball kahit katatapos niya lang maglaro kanina. Anyway, wala naman akong pake!

Kikitain ko si Kendall sa RV para ibigay ang librong hinihiram niya. Pati na rin si Isaiah para iabot ang tickets na bibilhin niya. 

I stopped the car at the parking lot and immediately went outside, naglakad na 'ko papunta sa cafeteria. I was in the hallway nang mapansin kong sinundan pala ako ni Travis. Wala naman kami masyadong nakakasalubong na students dahil uwian na at nakauwi na siguro ang iba— oh crap, nagtipon pala sila rito sa cafeteria!

Umupo ako sa isang bakanteng upuan, tumabi naman sa 'kin si Travis na hawak pa rin ang phone niya. He's playing, how can he manage to play habang naglalakad? Multi-tasking. 

Nang mapansing nakatingin ako sakaniya ay itinigil niya ang ginagawa niya at ngumiti sa 'kin. Inirapan ko lang siya, his smile pisses me off. 

I already message Ken and Isaiah na nandito na 'ko kaya I know they will be here in few minutes. Ken ask me to lend her my books, yung matagal niya nang hinihiram sa 'kin at nakakalimutan ko laging dalhin, good thing naalala ko ngayon kasi she kept on messaging me about those books.

"Hoy bitch!" sigaw ng pamilyar na boses, I looked at her. She's waving her hands at naglakad na parang model, wala siyang pake sa mga nakakakita sakaniya, that's Kendall Delleva, The Unbothered Queen.

Dahil sa sigaw nito ay naka-attract kami ng atensyon. Nakakaloka! 

She looked at me and sat in front, then looked at the guy beside me with brow raised, she's wondering, I know. Kinuha ko muna ang tickets na nakaipit sa books bago binigay sakaniya ang libro, Travis is now doing nothing. Nakatingin lang siya sa'min, naghihintay ng susunod na sasabihin. Well, kung inaakala niyang ipapakilala ko siya, hell no! 

"Kung paano ko pinahiram sayo, ganoon mo rin sana ibalik, bruha ka!" paalala ko sakaniya habang sinusuri ang mga libro. I can see in her eyes that she's excited.

"Uh, by the way. You wanna join in fun run ba? I have tickets, you can buy it from me. Those four freaks are running some errands daw so they won't come, how about you bitch?" she asked, I was about to tell something nang matanaw ko si Isaiah 'di kalayuan na nakatingin sa 'kin, inilipat ang tingin kay Travis at sa suot naming dalawa kaya napatingin agad ako sa suot ko. 

What the fuck, nakalimutan kong para kaming couple sa suot namin, why did he followed me here ba? Kainis!

"Nice outfit," pang aasar ni Ken nang mapansin 'yon, pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Isaiah is just standing there, next to Ken. 

"Dude!" bati ni Travis kay Isaiah na nakapamulsa ngayon habang seryoso ang mukha. Tinaas ni Travis ang kamay niya para makipag high-five pero tinanguan lang siya ni Isaiah. Para hindi mapahiya, si Ken na ang nakipag high-five kay Travis na ikinagulat naman nito habang si gaga ay natatawa lang at nagkibit balikat.

"Here's your tickets," inilahad ko ang kamay ko para maabot niya 'yon, ganoon din naman ang ginawa niya. Inabot niya yung bayad sa tickets, kinuha ko rin naman yon at inilagay sa wallet na para lang sa napagbentahan ng tickets. 

"Dinayo mo talaga ang Roosevelt para mag benta, ha! Dadayuhin ko din ang silangan bukas," sabi ni Ken kaya inirapan ko lang siya, kota na lagi siya sa irap ko. Well, magdusa siya! 

"How about your tickets?" tanong ko kay Isaiah na seryosong nakatingin sa damit namin ni Travis, napatingin siya sa 'kin at nag-iwas din. What's his problem ba? 

"Oh, so may ticket ka na pala. Anyway, I have to go. Catch up soon, bitch!" she kissed me on my cheeks before leaving us, nag wink pa siya sa 'kin bago tuluyang umalis.

"I'll give it to you next week," sagot nito. Tumingin muli sa 'kin, sunod ay kay Travis bago naglakad paalis. I just shrugged my shoulders, weird. 

Naglakad na rin ako palayo, hindi na hinintay si Travis kasi alam kong susunod naman 'yon. As soon as we entered the car, I drove away. Napagod ako buong araw, I need to rest. 

"He likes you," he said out of nowhere, he's now holding his phone, playing some online games, basketball na naman ba 'yon? I don't know.

"Ha?" I asked.

"Sabi ko he likes—" I cut him off. 

"Habang buhay kang tanga," dugtong ko.

That stops him from what he's doing, his face looks annoyed. I bit my inside cheeks to hid my smirk.

Three points for Treia!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status