Share

Kabanata 10.2 - You wished

I'm now wearing maong short and gray loose shirt, hindi na 'ko nag abalang i tucked-in 'yon dahil pagod na 'ko at the same time gutom. It's almost 12 am, dadaan nalang ako sa mamihan sa may kanto para makakain. Ginutom ako sa play kanina, e. 

I was about to enter my car nang may tumawag sa 'kin, si Isaiah. May inabot siya kay Mateo bago nagpunta sa 'kin, sumunod naman ang dalawa sakaniya na patungo na sa akin. 

"Congrats, Treia. You did well kanina.." bati ni Mateo. Nginitian ko na lamang ito, I feel uneasy when someone compliments me, I don't know how to respond!

"Galing mo nga, e! Kung ikaw siguro ang girlfriend ko, sarap mo ipagyabang— aray!" ani Davis. 

Natawa nalang ako dahil binatukam siya ni Isaiah. May sinabi siya kay Mateo at may kung anong inabot rito bago sila umalis. Nagpaalam ang mga ito, I waved at them. 

"Your ticket," inilahad niya ang isang ticket sa harap ko. Kinuha ko naman 'yon agad. Hindi kami nakapagkita noong nakaraan dahil busy ako, ganoon din naman siya kaya ayos lang.

"I'll drive," sambit nito at inagaw ang susi sa akin.

Napakunot naman ang noo ko, wala naman yata sa planong ihatid niya ulit ako, 'di ba?

"You look tired, let me drive for you," sambit nito.

Wala na 'kong nagawa, ayokong makipagtalo dahil ubos na ang lakas ko kaya sumakay nalang ako. Nang makapag seatbelt na ay pinaandar niya na ang sasakyan. Nakapatong lang ang braso ko sa bintana habang nakahawak sa ulo ko at hinihilot hilot yon. Inaantok na 'ko pero hindi naman ako makakatulog dahil gutom ako.

"Let's eat somewhere, I know a famous restaurant nearby," sambit nito without facing me. Hindi na 'ko masyadong naiilang sa presence niya, siguro kasi napapadalas ang pagsasama namin.

"I don't want that famous restaurant, dyan nalang sa may kanto, may mamihan dyan," sambit ko. 

Saglit siyang sumulyap sa 'kin, hindi makapaniwala. Sa huli ay wala siyang nagawa.

"Alright." 

Wala na ni isang nagsalita. Bumaba ako agad nang ihinto niya ang sasakyan at dere-deretsong naglakad patungo sa stall ng mamihan. Hindi naman madami ang tao, mabuti nalang dahil gutom na talaga ako.

"Kakain ka rin ba?" tanong ko kay Isaiah nang maramdaman siya sa likod ko. 

Nandito kami ngayon sa tapat nung mismong nagtitinda, o-order na sana ako nang maalala kong may kasama pala ako. Si Isaiah naman ay kuryosong nakatingin sa pagkain, sinusuri ang mga 'yon. 

"Teka, nakain ka ba nito?" tanong ko nang makaharap ako sakaniya. Nakuha ko naman ang atensyon nito, umiling lang siya at ibinalik ang tingin sa nasa harap. 

Napangiti ako dahil doon, I bet he doesn't even know this food. Pangit ng life niya, joke!

Nag-order akong dalawang pares at soft drinks bago kami pumwesto sa malapit na mesa, para madaling ma-serve ang pagkain. 

"Are you sure you want to eat that? Baka hindi kayanin ng sikmura mo, mamahaling pagkain lang yata ang tinatanggap nyan." I chuckled. 

Hindi na ito nakasagot nang i-serve na sa'min ang pagkain. Nilantakan ko agad ito dahil feeling ko any minute from now ay mawawalan na 'ko ng consciousness dahil sa gutom, posible yon 'di ba? 

Kita ko namang sumusulyap siya sa 'kin at ginagaya ang ginagawa ko, hindi niya talaga alam kung paano kainin 'to kaya tinulungan ko na siya. 

"Ayan yung sabaw, kung gusto mong ganyan lang siya e 'di isabaw mo na rito sa kanin pero kung ayaw mo, pwede mo siya lagyan ng ganito, lagyan ko ba?" ibubuhos ko na sana ang chili oil, mabuti at naalala kong tanungin. 

Tumango lamang ito kaya nilagay ko na ang chili oil, bawang at sibuyas. Bahala siya kung 'di niya man magustuhan, basta kakain na 'ko!

Maya maya ay kinuha niya ang phone niya at pinicturan ako kaya napatigil ako sa pagkain.

"Hoy i-dehzhshsgd—"

"Don't talk when your mouth is full," natatawang sambit niya habang nakatingin sa phone niya. Sumimangot nalang ako at tinapos ang pagkain. Hindi niya rin naman i-dedelete 'yon kaya walang sense ang inis ko. 

"Oh, ano? Masarap diba?" tanong ko nang matapos kami sa pagkain. 

Nakadalawang hingi pa kami nung sabaw, libre lang naman 'yon. Busog na busog ako, tingin ko'y hindi ako makakatulog agad pag-uwi ko dahil full na naman ang energy ko. Tumango lang siya at ininuman ang soft drinks niya. 

Tumambay muna kami saglit doon nang matapos kami kumain. Nakatunganga lang ako habang siya ay may kinakalikot sa phone niya kaya tumayo ako para tabihan siya na kinagulat niya.

"Gago ka! Ini-story mo 'ko?" halos mapasigaw ako nang makita ang kinakalikot niya sa phone kaya napahampas ako sa braso niya.

Maging siya ay nagulat sa nangyari, hindi inaasahan ang pagtabi ko. 

"It was an accident, ginulat mo 'ko!" paliwanag niya. Kinuha ko ang phone at binuksan ang IG ko para icheck kung nagsasabi siya ng totoo, at oo nga. One minute ago yung story niya. Picture ko 'yon na puno ng pagkain ang bibig. Cute naman ako doon, pero kahit na ba! Ano nala ang iisipin ng mga viewers niya! 

"Delete that," utos ko bago ibinalik sakaniya ang phone. 

"I can't delete it, 200 plus na ang nakakita. Kahit i-delete ko, may screenshots na ang mga yan," aniya.

Napasapo ako sa ulo ko nang marinig 'yon, tatambay nalang ako sa twitter mamaya sakaling mag trending. Anyway, 'di naman ako sikat and naka private lahat ng accounts ko so less worries. Sana lang ay walang makakilala sa 'kin, sana ay si Kendall and my other girls lang makakakilala, I'm hoping!

Tahimik lang kami habang nasa sasakyan, 'di naman ako naiinis. Inaantok na siguro ako kaya ganito, palingon-lingon sa 'kin si Isaiah habang nagdadrive, kapag naman titingnan ko siya pabalik ay iiwas siya. 

"Paano ka na naman uuwi kung ihahatid mo 'ko?" tanong ko.

"Mateo will pick me up," sagot niya. Tumango nalang ako at nagpatugtog para hindi awkward. Mga ilang minuto lang ay nasa labas na kami ng bahay. 

Gaya ng dati ay hinintay namin si Mateo sa labas ng kotse, nakasandal lang kami pareho. Hindi naman awkward para sa 'kin, siguro ay nasanay na 'ko na tahimik siya. 

"You did great and.. who's that.. uh nevermind," he's hesitating to ask something, na-curious tuloy ako bigla.

"Ano yon?" tanong ko, I'm curious. Tumataas yung anxiety level ko hangga't 'di ko nalalaman kung anong itatanong or sasabihin sa 'kin. Maybe, that's our nature, human's nature. 

"Your partner," sambit nito, kumunot ang noo ko pero na-gets ko rin naman agad 'yon kaya natawa ako.

"Bakit? Type mo?" biro ko.

Bumulong siya kaya hindi ko narinig, what's that? My gosh, Isaiah! I'm curious, you're driving me nuts! Ang daya.

"Ha? Ano ulit?" 

"If only you knew," sagot niya, lalo akong naguluhan sa sinabi niya, parang lalo kong hindi na-gets.

"So type mo nga si Oly?" pagbibiro ko ulit.

"No. I like someone else," depensa nya.

"Baka ako 'yan, ah!" pagbibiro ko pa na sinabayan ng tawa. 

Natigilan siya dahil doon. Mukha namang nagulat siya pero nakabawi rin naman agad.

"You wished," singhal niya.

"Good for you, ayaw kita saktan, e," sambit ko.

I smiled at him and we peacefully wait for Mateo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status