Share

Kabanata 13.2 - Never Again

"CHANTREIA SAGE BUMABA KANA DYAN!" sigaw ni Mama mula sa baba. Ganoon kalakas ang boses niya, siguro ay rinig pa 'yon ng kapitbahay. Sisigaw na sana ako pabalik at sasabihing wala akong gana kumain nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Tara na, anak," marahang sambit ni Papa. Nakatingin lang ako sa pinto at napabuntong hininga.

"Mauna na po kayo, susunod ako," sambit ko. Rinig ko naman ang footsteps niya palayo.

Tumingin ako sa salamin para i-check kung maayos ang itsura ko, ayos pa naman. Nag fade na rin yung liptint na nilagay ko, pero ayos naman. Nasa bahay lang naman ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang lumabas. Hindi ko alam pero simula kanina ay may iba na kong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano 'yon, basta ngayon, ayaw ko munang makita si Isaiah. Ayoko ng ganitong pakiramdam at alam kong siya ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman, weird. 

I hate weird feelings! I hate unfamiliar feelings! I hate it.. 

Kumpleto na sila roon sa garden, nandoon na sila Mama, Papa, Ate, bunso, si Isaiah at ang tatlong helpers at isang driver na kasama namin sa bahay. Minsan kasabay talaga namin sila kumain, minsan naman hindi. Depende sa trip nila. Naghanap ako ng bakanteng upuan at isa nalang 'yon, doon pa sa tabi ni Isaiah. Tiningnan ko 'yon nang nakabusangot bago tumingin sakaniya. Umiwas agad ako nang magtama ang mata namin.

"Treia, 'wag mong paghintayin ang pagkain. Umupo kana rito," sambit ni Mama kaya wala akong nagawa kundi umupo sa tabi ni Isaiah. Bale pinag-gigitnaan ako ni Ate at ni Isaiah.

Nagsimula na kaming kumuha ng pagkain. Ang dami nilang niluto, karamihan ay seafood pero ang pinaka paborito ko ay ang ribs, sa seafood naman ay shrimp at crabs. Siguradong sasakit na naman ang panga ko kakakain nito! 

"Are you mad at me?" bulong ni Isaiah. Napatingin sa'min si ate kaya nailang ako. I didn't respond.

Nagpatuloy nalang siya sa pagkain, mabuti at nakaramdam siya! 

"Huwag kayo masyadong magkakain, naku! Baka hindi magkasya ang gown sainyo!" suway ni Mama. Natawa naman kami ni ate, kaunti lang ang kinuha niyang pagkain habang ako ay napadami yata.

"Kasalanan mo 'to, Ma. Nagpa-luto ka ng masasarap e 'di malamang kakainin namin," reklamo ko habang kumakain. Wala namang nagawa si Mama.

"Ikaw Niko, kumain ka lang ng kumain dyan. Oh heto, masarap 'yan," sambit ni Mama at nilagyan ng shrimp si Isaiah sa plato nito. Nakatingin lang si Isaiah sakaniya habang ginagawa 'yon bago ako binalingan ng tingin pero umiwas din agad. Ngumiti siya sandali bago tiningnan si Mama.

"Hindi po ako kumakain ng shrimp," sambit nito. Allergic ba siya sa shrimp? I wonder.

"Ganoon ba, hijo? Paborito pa naman 'yan ni Treia. Heto nalang," sambit ulit ni Mama at inabutan siya ng ibang pagkain. Kinuha naman ni Isaiah 'yon at kinain. Baka araw-araw na siyang hanapin ng mga magulang ko, hindi pwede 'yon! Mali 'yon! 

Kumuha ako ng isang crab at inilagay sa plato ni Papa, ngumiti ako nang tumingin siya sa 'kin. Alam niya na agad ang pinapahiwatig ko.

"Sa susunod nga, tuturuan na kita kung paano kumain ng ganito para kahit wala ako ay makakakain ka nito," natatawang sambit ni Papa.

Natawa nalang din ako dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako marunong no'n. 

"Kakain lang ako ng ganyan kapag nasa tabi kita, Pa," sagot ko habang tinitingnan siya kung paano basagin yung shell ng crab. Ang hirap niya kainin pero worth it naman dahil masarap, 'yun nga lang at hindi ako marunong kung paano siya buksan. One time kasi natusok ako ng shell niya, nagdugo yung daliri ko kaya simula no'n natakot na 'kong kalikutin 'yon.

Natapos ang dinner pero nanatili kami dito, this time ay ini-interview na nila si Isaiah. Mukha namang ayos lang sakaniya, sabagay, hindi naman nakakatakot ang mga magulang ko. Napaka-approachable nila, sana all 'di ba!

"Kailan mo ba balak ligawan ang anak ko? Sigurado ka bang wala pa kayong relasyon? Baka naglilihim lang kayo samin ha," seryosong sabi ni Papa. Here we go again, hayaan ko nalang na si Isaiah ang mag explain sakanila na walang kami. Bahala siya dyan!

Napatingin sa 'kin si Isaiah, tila nagdadalawang isip kung sasagutin niya ang mga tanong ng magulang ko. 

"Punta muna ako sa kwarto, may gagawin lang," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at naglakad na 'ko papasok ng bahay. 

Wala naman talaga akong gagawin, palusot lang 'yon pero since narito na ko, tatawagan ko nalang si Iris. Gusto ko lang ng kausap ngayon. Humiga ako sa kama habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko, makalipas ang tatlong ring ay sinagot niya rin. 

"Anong chika, gaga?" bungad niya. Napabuntong hininga lang ako.

"Hindi ko alam, normal lang ba na pagpawisan, uminit yung pisngi tapos bigla kang kabahan kapag may kaharap kang lalaki? Normal lang naman 'yon, 'di ba?" tanong ko sakaniya.

"Normal lang 'yon kung natatae ka na at hindi mo na mapigilan," aniya sa seryosong tono. Napairap tuloy ako. 

"Seryoso kasi, Imogen Riese!" sambit ko. 

"Okay, seryoso na. Hindi normal 'yon. Ang ibig sabihin lang no'n, gusto mo yung taong 'yon," sagot nito, napaupo ako dahil sa sinabi niya. Panay buntong hininga lang ang isinagot ko.

Rinig ko rin ang pag buntong hininga niya at ilang malulutong na mura mula sa kabilang linya. 

"Damn, girl. May gusto ka na kay Nikolai," dugtong niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mga unicorn na nagkakarera sa sobrang lakas ng tibok. 

"Tingin mo?" tanong ko pa habang nakahawak sa dibdib. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok nito.

"Oo girl, may gusto ka na doon for sure. As if naman hindi ka nakaramdam nyan dati, in denial ka lang kasi nga ayaw mong i-accept yung fact na nagkagusto ka ulit sa lalaki after so many years. At kay Nikolai pa talaga? I don't like him for you, maraming nagkakandarapa dyan, marami kang kaagaw! 'Yun palang nangyari sayo noong nakaraan, grabe na, e! Paano nalang kung saktan ka nila physically? Hindi lang emotionally?" paliwanag niya.

"Iris, paano?" lugmok na tanong ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin, gulong-gulo na 'ko. 

Agad kong ibinaba ang tawag nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ko. Naka-lock 'yon kaya lumapit ako para buksan na sana'y hindi ko nalang pala ginawa dahil mukha ni Isaiah ang bumungad sa 'kin.

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko agad at inalala ang usapan namin ni Iris. Hindi niya naman siguro narinig diba? 

"Kararating ko lang. Magpapaalam lang sana kasi uuwi na 'ko. Hatid mo raw ako palabas sabi ng mama mo pero kaya ko naman na, no worries.." sambit niya. Hindi siya makatingin sa 'kin ngayon, hindi ko alam kung bakit. Pareho ba kami ng nararamdaman? Naiilang? 

"Hatid na kita sa labas," sambit ko at isinara agad ang pintuan ng kwarto ko. Seryoso pa rin ang mukha niya at hindi makatingin ng deretso sa 'kin habang tumatango. 

Nagpaalam ulit siya kila mama bago kami makarating sa labas kung saan naka park ang sasakyan niya. Tahimik lang kaming nakatayo doon, iniiwasan ang mata ng bawat isa.

"Are you free tomorrow?" pambabasag niya sa katahimikan.

Nagulat ako sa biglaan niyang tanong, mabuti nalang at hindi ako nag-panic. 

"No, may.. may gagawin kami nila Iris.." sagot ko. Wala naman talaga kaming gagawin, ayoko lang muna siyang makita.

"Friday, then?" tanong ulit niya.

I glance at him, he's already staring at me softly as if he's begging me. Weird. 

"Party, sorry Isaiah but I'm not free this whole week. Masyado kaming busy," paliwanag ko. Napatango tango naman siya, walang nagawa. 

"Alright, I'll go now," paalam niya. Tumango lang ako habang pinagmamasdan siyang pumasok sa sasakyan niya. Nag wave pa siya bago paandarin ang kotse. 

I let out a deep sigh while staring at his car that is slowly fading out of my sight. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Ayoko ng ganito, hangga't maaga pa dapat itigil ko na ito. Ayoko na ulit bumalik sa dating ako, baka hindi ko na kayanin. Ayokong maging makungkot, ayokong masira, ayokong magmahal. Ayokong magmahal kasi grabe ako magmahal, sa sobrang grabe nagmimistula na 'tong lason sa akin. Ayoko na ulit ng ganoon, not now.

Never again. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status