Share

Kabanata 15.1 - Ignore

"Are you jealous?" malokong tanong niya, napairap nalang ako. Sana pala ay nanahimik nalang ako.

Inabala ko nalang ang sarili sa pag tingin sa papel na hawak ko kung saan nakasulat ang flow ng event. Nagkunwaring wala akong pake sa narinig. 

"Wow ang unique ng name niya, are you jealous," I sarcastically said. Natawa naman si Ate. Katabi ko siya ngayon.

"That's Megan, she's a model," sambit nito. Kaya pala ang tangkad at ang ganda ng hubog ng katawan niya.

I just shrugged and focus on the paper I'm holding. Hindi naman ako nagbabasa, mukha lang akong tanga. I even heard my sister laughing beside me. 

"Niko is looking at you," bulong ni ate. Nag-angat ako ng tingin ngunit hindi si Isaiah ang tiningnan kundi ang partner nito, manghang-mangha ako sa ganda niya. I suddenly glanced at Isaiah and he's already staring at me, ibinaling ko na sa iba ang atensyon ko nang sumenyas si Oly na okay na raw.

 

There are only 10 questions na kailangan nilang masagot. Ate started asking, unang tanong palang ay ang dami na agad mali. Si Ate Cora lang yata ang tumama. Masyado ng marami ang nahuhubad doon sa Megan at hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa. Mukhang sinasadya niya yatang maliin yung sagot niya. Enjoy na enjoy naman sila!

"Kailan ko sinagot si Froi?" tanong ni Ate. 

For the nth time, mali na naman siya ng sagot. Yung totoo, kaibigan ba siya ni ate? Gusto niya ba hubarin ko na lahat ng suot niya? Duh. I'm watching them, may binulong sakaniya si Isaiah, tumawa lang yung Megan at tumango. Hinawakan niya ang buhok niya at inilagay iyon sa gilid bago tumalikod, Isaiah unzipped her top revealing a bit of her skin. She's now wearing her white bralette top na pinartneran niya ng maong short. Napairap nalang ako nang maghiyawan sila, I excused myself and walk towards the stool to get a drink. I think I'm as red as hell now.

After how many minutes ay natapos na rin, at hindi na 'ko nagulat nang malaman kung sino ang pinaka maraming nahubad. Sa sampung question yata na 'yon ay wala siyang tinama kahit isa. Ano ka girl? Hubadera ng taon? 

Nag proceed na kami sa pangalawang game. Oly explained the mechanics of this game, na-gets naman agad nila. This time ay hindi na need ang boys since madali lang naman ang game. We need 20 girls and this time kasali na si Ate at mga friends ko. Napagkasunduan namin ni Oly na salitan kami sa itatanong.

"Never have I ever.." we started the game.

Si Ate Dria, Ate Laureen and Kendall ang may pinakamababang score so far. Who will be the lucky one to chug this evil bacardi kaya? I wonder..

"Never have I ever been cheated," I uttered. Ate Dria, Laureen and Kyla only have 3 lives at ibinaba ni Ken and Ate Laureen yung fingers nila so dalawang lives nalang ang meron sila.

"Mga lalake, manloloko!" sigaw ni Ken kaya nagtawanan kami. 

"Sinabi mo pa girl, akala mo kung sinong mga gwapo e.. gwapo naman kasi talaga! Sarap nga lang putulan ng pagkalalaki!" gatong ni Ate Laureen sakaniya kaya lalo kaming natawa. Wasted na sila pareho, ikaw ba naman uminom ng iba't ibang klase ng alak, nakaka 18 shots na sila pareho so far.

"Huwag ganoon girl, 'yun na nga lang ang masarap sakanila, puputulin mo pa.l," Kendall uttered, what the hell is she saying, no wonder she's called the Unbothered Queen.

Gusto ko na siyang tanggalin sa stage dahil hindi na matino ang pag-iisip nito. Kita ko naman sila Iris na napasapo sa kanilang mga ulo. 

"Ay sabagay, 'yun na nga lang mapapala natin sakanila kaya 'wag na natin putulin," Ate Laureen let out a laugh, ganoon din ang iba.

"Never have I ever begged someone to stay," sambit ni Oly.

"Kayo ha, hindi na 'ko natutuwa sa mga tanong niyo," reklamo ni Ate Laureen na tinuro pa kami ni Oly bago ibaba ang isang daliri niya.

"Dinadaya na yata tayo dito girl," dugtong ni Ken sa sinabi niya bago ibaba ang isang daliri nito. They both only have one live, sino kaya sa dalawang 'to ang matatalo?

"Ganda gandahan niyo naman yung tanong, dapat itong si Chandria ang matatalo e. Siya itong ikakasal na!" reklamo ni Ate Laureen.

"Kay Ate Laureen ako,  bata ko 'to," dugtong ni Ken. She's really wasted, napapa face palm nalang ako. Namumula na ang mga pisngi nito. 

"Never have I ever been ghosted," sambit ko. That makes Ate Laureen frowned.

"Foul yan sis, nakaka-ilan kana ha!" sigaw ni Ate Laureen. Napuno ng tawanan ang bar, nag cheer din sila noong pina-chug na kay Ate Laureen ang bacardi. Mukha namang ayos lang sakaniya 'yon, sanay na siguro unlike me. Ayon ang pinaka ayokong alak!

Nang matapos ang game 2 ay nagpahinga muna kami sa laro at pinakinggan lang sila Adel at Iris na kumakanta ngayon sa mini stage. I'm on my way to the VIP room kung nasaan sila Kuya Froi, mukhang 'di pa yata sila nakain so I'll ask them muna before bringing food. I knocked first before entering the room. They looked nervous at agad din naman 'yon nawala nang makita ako, some of them was about to put on their mask pa. Akala siguro nila ay iba ang papasok.

"Do you need something? I'll bring food here" panimula ko. Wala naman sila masyadong ginagawa, ang iba ay nag uusap, ang iba ang nag po-phone lang.

"Buti naman at naisipan mo 'yon sungit," sambit ni Travis habang may nilalaro sa phone niya. Matalo sana siya doon!

"Anything you want?" tanong kong muli at ibinaling ang paningin kay Kuya Froi.

"Beer," sambit ni Kuya Morris at nginitian ako. 

"Cuervo," sabi naman ni Kuya Isagani habang may inaabala sa phone niya. Nang wala na silang sinabi ay umalis na 'ko para kumuha ng food. Ate insist to help me kaya pumayag na 'ko.

Inilapag namin sa mesa ang mga pagkain nila, si Kuya Isagani naman ay akmang kukunin ang cuervo nang paluin ni Ate ang kamay niya.

"Eat first before drinking liquor," aniya pero hindi nagpatinag si Kuya Isagani at kinuha pa rin ang alak, wala ng nagawa si Ate.

"I already ate dinner, sa plane pa lang," sambit nito.

"So dumeretso ka agad dito as soon as you landed? How sweet!" masiglang sabi ni Ate. 

"Yep, I asked Niko to pick me up. Sabi ko ihatid niya lang ako pero nagpumilit na sumama, I wanna know why.." makahulugang sambit nito at tinungga ang cuervo na sinalin niya sa shot glass bago ngumiti ng nakakaloko sa 'kin. I thought he's always serious pero may kakaibang personality din pala siya like his brother.

Nag usap lang sila roon habang ako ay nakaupo sa isang sulok, hawak ang phone. Minsan ay napapatingin ako sa gawi ni Isaiah at nahuhuli ko siyang nakatingin din sa 'kin kaya umiiwas ako agad. Ate and her guy friends seemed to be close, I can see it by the way they talk to each other. They were laughing until someone entered the room and all of us got shocked!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status