Share

Kabanata 18.2 - Alone

"The fuck is that, Almario?" inis na tanong ko rito. 

He doesn't seems scared now, ngumisi ito and believe me, nakakainis ang ngisi niyang 'yon! 

"Tinulungan na nga kitang makaalis doon tapos sisigawan mo lang ako? Wala man lang bang thank you kiss?" aniya.

Mas lalo akong nainis, pinandilatan ko siya ng mata at bahagyang hinampas ang braso. Mahina lamang 'yon ngunit ininda niya pa rin. Ang arte! 

"Manigas ka r'yan!" sigaw ko at naglakad na palayo. 

"Matigas na nga, kanina pa!" sigaw naman nito dahilan ng pagtigil ko. 

Nilingon ko siyang muli at siniringan, itinaas ko rin ang middle finger ko. Natawa naman siya sa ginawa ko bago sumunod. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin kahit pa nakabuntot ito sa akin. 

"Thank you hug nalang kung ayaw mo ng kiss.." biro niya pa. 

Natanaw ko ang mga kaibigan ko, naroon sila sa sun lounger habang nakuha ng litrato, selfie time pala. Pang I* daw. Pinuntahan ko ang mga ito, kasama pa rin si Rio. I feel comfortable with his presence na. But I'm not saying that I'm not annoyed or pissed ha? Nakakairita pa rin siya.

Tiningnan ako ng mga ito pati na rin si Rio. Makahulugan ang mga tingin nito, napairap nalang ako. 

"Unggoy ko.." pagpapakilala ko rito. 

I chuckled when I heard Rio's rants behind me. Ang gwapo niya naman daw na unggoy. 

"Where are we going, dora?" pang aasar niya pa. Sinamaan ko ito ng tingin bago nakisali sa mga kaibigan kong nakuha ng litrato. 

We asked Rio to take pictures of us, mabuti nalang pala at sinundan niya ko. Inabot namin sakaniya ang camera na dala ni Adel. 

"Wow, ang ganda ng kuha! Pwede kang photographer, Rio!" sambit ni Grasya sakaniya. 

Tiningnan ko rin ang kuha ni Rio at tama nga siya, magaganda ang shots nito. Parang beteranong photographer. 

"Hindi sa pagmamayabang pero photographer talaga ako," aniya sa mayabang na tono, hinawakan niya pa ang ilong niya at basta! Nakakainis ang mukha niya. 

Tinawanan lang siya ng mga kaibigan ko at nagpakuha pa ng litrato dito. Isa isa silang kinuhaan ng litrato ni Rio, nalilibang na yata sila roon habang ako ay naupo nalang sa sun lounger at pinapanood sila. Abala si Rio sa pagtingin sa mga shot niya nang maghabulan ang mga kaibigan ko sa tabing dagat kaya sila ang pinanood ko. 

Seeing them this happy makes me happy, too. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako habang pinapanood sila. I even laughed when Grace fell, nadulas kasi siya at agad siyang pinatungan ng mga gaga.' Madumi na tuloy ang mga damit nila. Sa kaka-nood ay hindi ko rin namalayan na kinukuhaan ako ng litrato ni Rio, candid 'yon! 

I raised my middle finger instead of looking at him. Hindi naman ako naiinis na kinukuhaan niya 'ko ng litrato, ayos lang. Pagtapos niyang tingnan ang mga yon ay tumabi siya sa'kin. 

"Ganda mo rito, galing ko talaga umanggulo," aniya habang nakatingin sa camera. 

Lumapit ako rito para tingnan din  'yon. Ang ganda nga ng mga kuha niya, puro nakangiti ako at kita mo ang genuine smile sa mga 'yon. Hindi pilit o scripted. Ang ganda lang. 

"I'll post this one.." sambit ko rito. 

Ngumisi lang siya at nagpatuloy kami sa pagtingin sa mga litrato. 

"Get up, I'll take pictures of you," aniya. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa harap ko. Tinanggap ko agad 'yon at nagsimula na kami sa pagkuha ng litrato. 

Kalaunan ay sumama na rin ang mga kaibigan ko. Hinila nila ako patungo sa dagat kaya nabasa na rin ako. Madumi na rin ang damit ko gaya nung kanila. Habang nagkakatuwaan doon ay panay rin ang kuha ng litrato ni Rio, tila wala siyang pakealam kahit nababasa na rin siya. Kami naman ay hindi na inalalang mag-pose, nakalimutan na nga namin na kinukuhaan kami ng litrato kaya kung ano man ang mga nakuhanan ni Rio ay lahat 'yon paniguradong maganda. 

"Jet ski tayo mamayang hapon, sama ka Rio!" pag anyaya nila kay Rio.

Pabalik na kami sa villa namin at hinatid kami ni Rio, nagpumilit na ihatid kami, e. Wala na 'kong nagawa. 

"Sige, sama ko na rin si Travis," aniya. Tumango lang si Kendall at pumasok sa sila sa loob. 

Nasa tapat na kami ng villa nang huminto ako at hinarap si Rio.

"Salamat kanina.." I sincerely said. Bukod sa tinulungan niya 'kong makaalis doon sa boring na breakfast date ay sinamahan niya rin kami ng mga kaibigan ko, kinuhanan pa ng magagandang litrato! Kaya tuwang tuwa ang mga gaga, lagi ko na raw siyang isasama tuwing may gala kami para may taga kuha kami ng litrato.

Huminto rin siya at tiningnan ako sa mga mata. Seryoso ito ngunit nang ngumisi ay napairap ako, nakakainis kasi ang ngisi nito. Ilang beses ko na bang nasasabi 'yon? 

"Jet ski mamaya, angkas mo 'ko para quits na tayo," sambit niya. 

Marunong naman ako mag jet ski kaya tumango nalang ako bago pumasok sa villa para makapag-ayos na. 

Pagtapos ng lunch ay umuwi na ang ibang panauhin nila Ate. Pati sila Mama at pamilya ni Kuya Froi ay umuwi na rin dahil may kailangan daw itong gawin sa Manila, gayon din ang iba. Ang ibang kaibigan nalang ni Ate ang natira pati na rin kami, nagkasundo kasi na bukas na kami uuwi para masulit namin ang stay dito. Next week ay magiging abala na ang lahat sa paparating na pasko. 

"What are your plans for the rest of the day, ladies?" tanong ni Kuya Froi.

Hinatid namin sa parking lot ang mga magulang namin. We're on our way to the villas now para makapaghanda mamaya, balak nilang ubusin ang natitira naming oras sa pagsuswimming at jet ski. 

"Magje-jet ski kami mamaya kapag pahapon na para hindi masyadong masakit sa balat," sagot ko sakaniya. 

"Sounds fun.. samahan namin kayo. Sakto dahil mag bo-bonfire kami mamayang gabi," si Ate. 

Bonfire? Sounds interesting. Kaso.. kayo? So meaning, kasama sila Isaiah? Pati ang iba nilang kaibigan na nagpaiwan din? Mukhang hindi ako mapapakali mamaya. 

Dumeretso na 'ko sa villa namin para makapag-palit. Mainit pa kaya narito ang mga gaga at hindi mapakali dahil walang magawa. 

"This is boring! We should do something.." si Kendall. 

Humawak ito sa kaniyang baba na tila nag-iisip ng magandang gagawin. Madami pa kaming oras at kung hihintayin namin ang paglubog ng araw ay siguradong mabo-bored nga kami. 

"Let's watch movies nalang.." suhestyon ko. 

Napatango naman silang lahat. Nagkasundo kami na Before Trilogy ang panonoorin namin, ilang beses na namin itong napanood at dahil ito ang paborito naming movie, panonoorin ulit namin ito. 

Nagbukas silang mga finger foods para may manguya kami. Saktong mag-uumpisa palang ang movie nang biglang may kumatok. Napairap ako at nag-presintang ako na ang magbubukas ng pinto. 

Mukha ni Isaiah ang bumungad sa'kin, halatang gulat din siya. Sa likod nito ay ang Kuya niya na tinutulak siya papunta sa'kin. Naroon din sila Ate at ang mga kaibigan niya, pati na rin sila Rio at Travis. 

Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya 'ko, napatingin ako rito bago tumalikod at pumasok na sa loob. 

"What's with the face? Sino bang kumatok?" tanong ni Adel. 

"Uninvited guests," bored na sambit ko bago naupo sa pwesto ko kanina, sa couch. 

Agad silang nagsipasukan at walang hiyang umupo sa couch. Tumabi sa'kin sila Ate Laureen na nginitian lang ako. Si Ate Cora, Laureen, ako, Mads at Iris ang nakaupo sa mahabang couch. Pumwesto naman si Adel at Grace doon sa pang isahang couch sa gilid, nagkasiya silang dalawa doon. Sa kabila naman ay si Isaiah lang. 

Sa baba naupo ang mga lalaki kasama si Ate Merliah na katabi si Kuya Morris, si Ate Dria na katabi si Kuya Froi. Pati na rin si Kendall na katabi si Travis. Sa harap ko pumwesto si Rio, nginitian pa ako nito bago itinuon ang atensyon sa unahan para manood. Nagsisimula na kasi ang palabas.

"OMG, before sunset?!" excited na sambit ni Ate Laureen. 

"OMG pabot nga nung chips!" sarkastikong sigaw ni Kuya Isagani kaya biglang napairap si Ate Reen. 

Hindi na 'ko makapag-focus sa pinapanood dahil nandito sila at nang-iistorbo! Bakit ba sila narito? 

"Seriously, why are you here?" tanong ko, may bahid na iritasyon. 

Naiinis ako dahil ang ingay ni Kuya Gani at nasa harap pa talaga sila! Pinapangunahan nila yung mga characters sa kwento! Panay ang komento ng mga ito. 

"We're bored sister-in-law, sabi ko sainyo dapat nag volleyball nalang tayo!" si Kuya Isagani na halatang walang gana manood ng movie.

"Duh? E 'di mag volleyball ka mag-isa, kita mong tirik na tirik ang araw! So tanga!" inis na sabi ni Ate Laureen. 

"So tanga ka pala, e!" pang aasar ni Kuya Grae kay Kuya Gani, sinamaan niya ito ng tingin.

"Nagsalita ang hindi.." si Ate Cora naman na nakisabat sa usapan. 

"Ano bro, tanga ka rin pala!" pang-aasar din ni Kuya Isagani na tumawa pa. 

Lalo silang umingay at nagsimula na ang mga bangayan at sumbatan. Ni hindi ko na narinig ang sinasabi nung mga characters sa movie! Damn.. 

"Will you please shut up and just watch the movie?" 

Natahimik ang lahat nang magsalita si Isaiah. Gulat man ay ginawa nalang nila ang sinabi nito. Finally, peace.. 

Nag-vibrate ang phone ko, kanina pa pala nagte-text si Mama. May naiwan daw silang gamit doon sa villa nila. Tumayo ako kaya napatingin sila sa'kin. 

"Why?" tanong ni Ate. 

"May naiwan daw sila Mama sa villa nila, kukunin ko lang," sagot ko. 

"Sabihan mo yung nasa front desk sa lobby para mabuksan nila yung villa nila Mama kanina," paalala nito sa'kin. 

Medyo malayo ang tanggapan mula rito at hindi ko yata kabisado ang daan. 

"Paano—"

"I'll join you," ani Isaiah.

"Samahan na kita!" Almario

Nakatayo na ang dalawa, ramdam ang tensyon dito sa loob ng villa. Napalunok ako at binalingan ang lahat na naghihintay ng sasabihin ko. 

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.. damn!

"Tara na, Rio. Kabisado mo ba ang daan?" tanong ko rito, nakangiti itong tumango bago ako tumalikod at naglakad na palabas. Inunahan ko na siya. Ayoko ring makita ang mga reaksyon nila. 

That's great, Treia. You're doing the right thing. Just ignore him. Make him feel like he's nothing. Make him feel like you're not worth fighting for so that he won't fight for you.. so that he can leave you easily. Make him feel like he's already defeated.

I will do everything to make him hate me.. to make him stay away from me.. to make him leave me.. 

Alone. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status