Share

Kabanata 19.2 - No

"May daya dyan sa jet ski niyo, palit kaya tayo!" reklamo ni Kuya Isagani, hindi pa rin matanggap ang pagkatalo nila.

Bumaba na 'ko sa jet ski, aalalayan pa sana ako ni Isaiah nang tanggihan ko ito. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at naglakad na patungo sa mga kaibigan ko na ngayon ay naglalaro ng volleyball. Agad naman akong sinalubong ni Rio na may dalang towel. Inabot niya sa'kin 'yon kaya kinuha ko at ibinalot sa sarili.

"Guarding yourself, huh?" aniya sa malokong tono. Tumingin sa nasa likod ko bago tumingin sa'kin at ngumisi.

Nilingon kong muli si Isaiah na nasa tabing dagat pa rin at nakatanaw sa'min, nag-iwas agad ako nang magtama ang tingin namin bago sinamaan ng tingin si Almario.

"You can use me, you know?" malokong sambit nito.

Seryoso ko siyang tiningnan ngayon. Is he damn serious? Magpapagamit siya sa'kin? Para lang layuan na 'ko ni Isaiah? This man, I don't really know what's going on inside his dirty mind sometimes. Baliw na yata siya, hinahayaan ang sariling gamitin ng iba para sa pansarili nitong pangangailangan. That's a bad trait.

"No way.. I won't use you or anyone, never.." sagot ko rito bago makisali sa mga kaibigan.

Nagpahinga sandali sila Ate kaya kami munang magkakaibigan ang naglaro ng volleyball, sumali sa'min si Travis at Rio kaya four versus four ang laban. Kakampi ko si Iris, Mads at Rio. Kakampi naman nila Kendall si Adel, Grace at Travis.

"Out!" sigaw ko at binelatan pa si Adel na siyang humampas sa bola.

Hindi ko alam kung anong score na basta ang alam ko lang ay lamang kami kaya busangot na naman ang mukha ni Kendall.

"Madaya! 'Wag na natin isali 'yang si Treia! Jack of all trades 'yan, e! Kaya niya lahat," reklamo nito.

Mas lalo kaming natawa, inasar pa siya nila Iris kaya nabwisit ito lalo. Palit daw kami ni Adel dahil panay out daw ang tira nito, ayaw naman akong pakawalan nila Iris dahil palagi kaming nananalo.

Nag isang set pa kami bago nagpasyang magpahinga muna. Saktong katatapos lang mag picture taking nila Ate kaya narito sila ngayon.

"Laro tayo volleyball!" suhestyon ni Ate Laureen

Wala naman kaming ginagawa, nakaupo lang at panay ang asaran nila. Sumali ako dahil nag-eenjoy akong maglaro, kahit sandali ay nakakalimutan ko na may kailangan pa 'kong tapusin sa pagitan namin ni Isaiah. Hindi ko rin siya naiisip kaya mas ayos na 'to. Libangin ko muna ang sarili ko bago mag deal sa problemang 'yon.

"Kulang tayo ng isa, Hershey sumali ka rito! Magpapawis ka naman kahit saglit lang!" sigaw ni Ate Laureen doon sa Hershey.

Sabay sabay naming binalingan ito, nakaupo siya sa sun lounger kasama si Isaiah at mukhang masayang nag-uusap ang dalawa.

"Magje-jet ski kami ni Nikolai, e.." aniya.

Hindi naman malayo ang pwesto nila mula sa kinatatayuan namin kaya rinig ko pa rin ang mga sinasabi nito. Napataas ang kilay ko at iniwas nalang ang tingin, ang arte magsalita!

Naglakad si Ate Laureen patungo sakanila, hindi ko na alam ang sinabi nito basta tumayo na rin yung Hershey at lumapit sa'min. Six versus six. Ako, si Ken, Adel, Grace, Mads at Iris ang magkakakampi. Sa kabila naman ay si Ate Dria, Laureen, Cora, Merliah, yung Hershey at isang babaeng nagngangalang Penelope, kaibigan din yata nila ate.

"'Wag pairalin ang galit, sis. Baka mapalakas ang pagpalo mo sa bola, tumama roon sa mukha nung isa." bulong ni Iris sa'kin.

"Correct, artista pa naman. Yari ka dyan pag nabangasan," ginatungan pa ni Kendall.

Inirapan ko nalang ang mga ito at pinapwesto na sila. Sa'min ang first serve at ako ang unang magse-serve. Pinatalbog ko ng dalawang beses ang bola bago i-serve. Hindi naman 'yon nasalo ni Ate Laureen dahil iniwasan niya ito kaya ang ending, sa'min ang puntos.

"Lakas magyaya ng volleyball, hindi naman marunong!" sigaw ni Kuya Isagani.

Pinapanood pala nila kami, akala ko'y abala sila sa kaniya kaniya nilang ginagawa. Nakatayo na ang mga ito sa gilid at tahimik lang na nanonood, paminsan-minsan ay nagchi-cheer.

Ilang minuto na rin kaming naglalaro at nakakalamang na ang team ko. Galit ang itsura ni Ate Laureen dahil hindi naman daw inaayos ng mga kasama niya ang laro. Panay kasi ang iwas ng mga ito, lalo na nung Hershey, takot na takot mabangasan.

Mag-iisang oras na noong gumanda ang labanan, panay ang palitan ng bola, walang gustong magkamali. Nang i-set ni Mads ang bola para sa akin ay siya namang spike ko rito.

"Oh my God!" sigaw nila.

Shookt. Tumama pala ang bola sa ulo nung Hershey dahilan ng pagkabagsak nito. Agad silang nagsipuntahan sa gawi niya para i-check kung ayos lang ba siya. Hindi ko naman magawang lumapit dahil gulat pa rin ako hanggang ngayon.

"Sabi sayo, 'wag mo pairalin ang galit, e. Tsk, tsk." si Iris.

"Gago, hindi naman malakas ang pagkakapalo ko," depensa ko na ikinatawa nila.

Ilang sandali ay nakatayo na si Hershey at nakahawak pa rin sa ulo nito. Panay din ang sabi niyang ayos lang daw siya at wala namang galos.

"Normal lang 'yan girls, laro lang 'yan.." sambit ni Kuya Froi at nginitian ako na parang sinasabing ayos lang talaga ang lahat.

Itinigil na rin namin ang laro dahil doon, nagpasya silang magpahinga muna bago mag jet ski ulit. Yung Hershey naman ay nakaupo lang sa sun lounger habang hawak ni Isaiah ang ice pack na idinadampi niya sa ulo nito. Ang sweet nilang tingnan sa posisyong 'yon.

"Kamay kasi ang ginagamit sa volleyball, Hershey, hindi ulo!" pang-aasar ni Kuya Isagani. Nagtawanan lang sila.

Ako, hindi ko alam kung worried ba 'ko kay Hershey dahil natamaan ko ito o worried ako dahil baka akalain nilang sinadya ko 'yon dahil galit ako rito. Sana naman ay hindi nila maisip ang pangalawa.

Nagpaalam ako sa mga ito na mag re-restroom lang ako. Gusto pa 'kong samahan ni Rio, pati ba naman sa pag-ihi bubuntot siya? Piningot ko nalang ito at umalis na doon. Kanina ko pa talaga gustong umalis dahil hindi ko gusto ang mga nakikita ko, I needed time alone.

Pagkalabas ko sa cubicle ay nakita ko si Hershey na naglalagay ngayon ng liptint sa labi niya. Magsuswimming kami tapos nag-gaganyan pa siya? Hindi niya ba alam na nagfe-fade yon?

"It's water base, isa sa product na ine-endorse ko. Padalhan kita, you want?" aniya sa nakakairitang tono bago ako nginitian mula sa salamin.

Tumabi ako rito para maghugas ng kamay, nagpatuloy lang siya sa ginagawa at pasimple akong pinagmamasdam mula ulo hanggang paa. What's with the stare?

"Sorry pala roon sa nangyari kanina, hindi ko sinasadya," sambit ko.

Napaangat ang tingin niya dahil doon, nginitian ko ito. Sincere ang paghingi ko ng tawad sakaniya, ah! Hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko basta sincere 'yon!

"Ano ka ba, it's okay! Hindi naman ako nasaktan, it's just an act to make Nikolai worry. Mukha namang nag-worry siya so mission accomplished," aniya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. So all this time, palabas niya lang pala 'yon? No wonder she's an actress, magaling nga siyang umarte.

Hindi na 'ko sumagot, pinatuyo ko na ang kamay ko at akmang bubuksan na ang pinto palabas when her sudden question made me stop.

"By the way, may something ba sainyo ni Nikolai?" tanong nito without even glancing at me.

She's now curling her lashes. Tiningnan ko ito at bahagyang nagulat sa tanong niya.

"Wala," sagot ko.

I saw her lips forming a smile. Isinara niya ang mascara bago humarap sa'kin. She looked at me from head to toe, bagay na nakakainsulto. Kanina pa siya, ah!

"Just as I thought. I mean, Nikolai won't fall for a girl like you, look at yourself. You're not bagay. Tama nga sila, you're too low for him.." what the..

Huli na nang naproseso ang mga sinabi niya. Minamaliit niya ba 'ko? How dare her! Hindi na 'ko nakaapela dahil nagsalita siyang muli. Hindi ko rin naman siya papatulan dahil nangako ako sa sarili kong hinding hindi ako makikipag-away para lang sa lalaki. Never!

"Do you like him?" tanong niyang muli, this time she's already facing me.

"No.." napalunok ako.

I lied. That's a lie, yes it is a lie!

"I doubt it but it doesn't matter anyway, he will never like you." aniya.

Hindi ko na ito hinintay at inunahan ko na siya sa paglabas. Baka kung ano lang ang masabi ko kapag nagtagal pa ko roon.

Am I too low for him?

Maybe yes, that's why I'm doing anything I can to pushed him away.

"Treia.. can I talk to you privately?"

Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko. Si Isaiah, napatingin ako sa paligid, medyo malayo sa'min ang iba at natatakpan kami ng mga halaman kaya hindi kami mapapansin nino man, unless lumabas yung two-faced bitch na 'yon sa restroom. Siguradong makikita niya kami.

Iniwas ko ang braso ko sakaniya dahilan para mabitawan niya 'ko.

I can't talk to him, I'm doing my best to ignore him. Sana naman ay maki-cooperate siya kasi ang hirap, sobrang hirap! But I need to ignore him..

Because I promised myself to pushed him away..

"No, I don't want to talk to you," malamig na tugon ko habang deretsong nakatingin sa mga mata nito.

Even if it caused me pain..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status