Share

Kabanata 21.2 - Kiss

"Why? Aren't you happy you saw me?" tanong nito.

Napangiti ako sa ideyang naisip ko.

"Nakakasawa na ang mukha mo, lagi nalang kita nakikita!" tugon ko, pinipigilan pa ang pagtawa.

Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.

"Ako, hindi ako nagsasawa sa mukha mo. I can't even wait to wake up everyday and see your face beside me early in the morning," aniya, ni walang bakas ng kahit ano sa mukha nito. Mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya.

Agad na nag-init ang pisngi ko at pasimple itong pinalo sa dibdib.

"Korni mo!" 'yun lamang ang nasabi ko.

Nagpasya kaming maglakad lakad muna, kinuha ko ang regalo ko sakaniya. Gusto na sana niyang buksan kaso sabi ko mamaya na, babalik nalang ako sa bahay kapag malapit na mag twelve. Dinala niya ko sa club house ng village nila at pareho kaming umupo sa bakanteng duyan. Natawa ako dahil halos hindi na siya magkasya sa duyan, and the fact that Isaiah is sitting here? He looks so out of place, but it's cute!

"Are you courting me?" tanong ko rito.

Biglang sumagi sa isip ko ang usapan namin ni ate kanina kaya ko natanong ang bagay na 'yon. Maybe he's courting me, manhid lang siguro ako.

Tumigil ito at bahagyang humarap sa'kin.

"What do you think?" he said before smirking.

I pouted because of that which I think I shouldn't do because he hurriedly kissed me! Smack lang 'yon, ni hindi yata tumagal ng tatlong segundo.

"I told you not to do that face.." nakangising sambit niya.

Bumaba ako sa duyan na inuupuan ko at naupo sa lap nito. Nagulat pa siya sa ginawa ko, tila hindi inaasahan na magagawa ko 'yon. I smirked.

Patagilid akong nakaupo sa lap nito, I place both of my hands on his shoulder to hug him.

"You stole a kiss from me, you'll pay for that," makahulugang sambit ko bago ito hinalikan.

It's just a smack kiss, I'm not satisfied so I kissed him again, this time it lasted for five seconds. Nang tumigil ako ay bumungad sa'kin ang namumungay niyang mga mata, nakaawang pa rin ang labi at nanghihina akong tiningnan.

Hinalikan ko itong muli, more passionate than the first two kisses. I brushed his hair using my fingers and I gently pushed him into me, hindi niya ito tinutugunan! Tumigil ako sa paghalik para makahinga, kakapusin yata ako ng hangin dahil doon.

Namumungay ang mga mata nito, tila nanghihina sa ginagawa ko sakaniya. Slowly, I kissed him again. Maingat ang bawat halik ko hanggang sa naging agresibo nang maramdaman kong tinutugunan niya na ito. I kissed him passionately and let him taste every bit of me. It feels surreal that I couldn't stop doing it. Natigil lang ako nang kapusin ng hangin. Agad kong tiningnan ang namumungay niyang mga mata, mabilis na ang pag hinga nito at agresibo ang paggalaw ng panga. Napalunok siya nang makita ako, pakiramdam ko'y pareho kami ng itsura ngayon.

"If you continue kissing me, my pants will be destroyed and my manhood will release on its own. Stand up, baby, and let me calm down first," he whispered.

Namumungay ang mga mata nito at tila hindi na makapagpigil. Agad akong tumayo gaya ng sabi niya at binalingan ang umbok sa gitna nito. Kaya pala parang may tumutusok sa'kin na matigas.

"Oh my God, is that—"

Hahawakan ko na sana 'yon nang pigilan niya 'ko. Matalim na tingin ang iginawad nito sa'kin.

To be honest, I may be bold at times but I don't really know things about it. I only had one ex boyfriend na hindi man lang tumagal ng isang buwan, thank God hindi kami nagtagal! Yes I kissed few guys and that's all, hanggang doon lang. I never try doing that thing.

"Bakit.." hindi ko maituloy ang mga sasabihin, I'm out of words. Bakit biglang nagkaganoon 'yon? What did I do? Mukhang nahihirapan siya, what should I do?

"You're making me hard, stop looking at it," aniya at matalim na tingin na naman ang iginawad sa'kin. Mukhang nanghihina na siya kaya iniwas ko na roon ang tingin ko.

"Hinalikan lang naman kita, bakit.." again, I didn't finish my sentence. I shouldn't be asking it in the first place, baka mas lalo itong mahirapan.

"Believe me, baby. Even if you're just smiling or staring at me.. or even your presence makes me hard. That's how you affect me.."

Lumayo na 'ko sakaniya at tahimik lang na umupo sa kabilang duyan.

"You should open my gift for you to kill some time. Para na rin ma-divert yung attention mo sa ibang bagay," sambit ko.

Inabot ko sakaniya ang paper bag na hawak ko. Wala siyang nagawa kundi kunin at buksan 'yon.

"Why sketch pad?" tanong nito nang mabuksan ang regalo.

Nakangiti ito habang nakatingin sa gift ko sakaniya. Mabuti nalang at nagustuhan niya.

"You like to draw and that is not just a sketch pad! That is the dreamer's sketch pad, you can draw your dreams and goals there. May it be your dream house, buildings you want to build, cars or things you want to have, businesses or what. Basta make sure you'll get everything you draw there," paliwanag ko.

Ibinalik niya na ang sketch pad sa loob ng paper bag at inilabas ang isang box na nanggaling din doon. He opened it, still smiling.

"This is a couple bracelet, does it mean we are a couple now?" malokong tanong nito.

Agad na naglaho ang ngiti sa labi ko. Oo nga naman, why would I give him a couple bracelet if we're not a couple yet? Hindi pa ba kami sa lagay na 'to? We're kissing and hugging and cuddling tapos hindi pa kami? Gosh, Treia!

"E 'di kung ayaw mo, akin na lang! Bibigay ko nalang sayo kapag tayo na." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa gawi niya para kunin ang bracelet.

Inagaw ko rito ang bracelet, hindi naman ako nagtagumpay. Hinawakan niya ang kamay ko, niyakap ako patagilid, at walang kahirap hirap na isinuot doon ang isang bracelet. Napangiti ako dahil doon ngunit nawala din nang mapagtantong nakaupo na naman ako sa lap nito. Tatayo sana ako nang pigilan niya 'ko.

"But.."

"Shush, I can control," sagot nito.

He lend me the other bracelet, nagtaka pa 'ko nung una kung anong gagawin ko doon ngunit napagtanto ko agad ang gusto niyang ipahiwatig. I took the other bracelet from him and put it on his wrist. Sinuot ko sakaniya 'yon at sandaling pinagmasdan.

I intertwined our hands, yung mga kamay namin na may bracelet para kuhaan ng litrato.

Habang ginagawa ko 'yon ay may kung ano siyang kinuha sa bulsa niya gamit ang isang kamay at inilahad sa harap ko ang isang maliit na box. Natigilan ako dahil doon.

Slowly, he opened it and revealed what's inside.

"I want to prove that I seriously want you to be part of my lifetime. I will marry you, whatever it takes.." he whispered.

Hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Naramdaman niya siguro 'yon kaya siya na ang kumuha nung singsing at marahang isinuot sa ring finger ko. Pinagmasdan ko lang 'yon.

Minimal lang ang disenyo, mga maliliit diamond lang na nakapalibot sa buong singsing. Parang isang singsing lang na palamuti, hindi mo aakalaing proposal ring or wedding ring.

Nang makabawi ako sa pagkagulat ay agad kong hinampas ang dibdib niya, mahina lang 'yon kaya natawa siya. Niyakap ko ito, hindi pa rin maalis ang tingin ko sa singsing na binigay niya.

"Hindi pa nga tayo, kasal agad?" mahinang sambit ko habang pinagmamasdan ang singsing.

Maingat niyang hinahagod ang likod ko, it gives me comfort. Parang ayaw ko na matapos ang araw na to.

"I'm not pressuring you, I just want to assure you that I'll marry you someday. I want to be part of your future," he huskily said.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sakaniya. Parang ayoko na bumitaw, pwede bang ganito nalang palagi?

"Sealed your promise, then.." I whispered.

He loosen his grip kaya napabitaw na rin ako sa pagkakayakap sakaniya. Unti-unti niyang inilalapit sa akin ang mukha niya, dahan-dahan din akong napapikit nang maramdaman ang labi niya sa labi ko.

He kissed me gently, full of sincerity. Like a promise of a lifetime.. waiting to fulfill.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status