Share

Kabanata 25.1 - Sweet Revenge

Nakabusangot lang ako habang hindi pinapansin si Isaiah. Kanina niya pa 'ko pinapasakay sa kabayo, ako lang ang may ayaw. Paano ba naman, kanina niya pa 'ko iniinis dahil sa nangyari!

Pagtapos kong sabihin 'yon, humagalpak siya ng tawa at pinitik pa ang noo ko. Mukha na tuloy akong uhaw na babae sa paningin niya. Nakakainis! Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi niya, tuwang tuwa pa rin na naiinis niya 'ko!

"Come on, baby. We're running out of time. Who knows, maybe I could change my mind and provide your needs later,” he continue mocking me, he even winked at me!

Sinamaan ko siya ng tingin at umakyat na sa kabayo gaya ng gusto niya. Inalalayan niya 'ko bago sumakay rin, nasa likod ko siya at hawak pa rin ang bewang ko. Padabog kong tinanggal ang kamay niya sa’kin, naka crossed arms ako habang nakabusangot na nakatingin sa unahan. Mabuti at walang side mirror ang kabayo dahil kung meron, paniguradong kaiinisan ko ng bongga si Isaiah. I even heard him chuckled, hindi ko nalang pinansin.

Akmang hahawakan niya gamit ang isang kamay ang bewang ko ngunit pinalo ko agad ito at nilayo.

"Don't fucking touch me, I swear Isaiah, tatalon ako dito!" sigaw ko.

I heard him mutter curses and without a word, marahas niyang pinaandar ang kabayo. Napapamura na 'ko dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, sinasadya niya yata. Ayoko namang kumapit sakaniya dahil kakasabi ko lang kanina na huwag niya 'kong hawakan. Mabilis pa rin ito at ramdam ko nang mababagsak ako kung hindi niya lang hininto.

"Damn, Isaiah! Kung ganyan ka lang rin magpatakbo, ibaba mo nalang ako!" inis na sambit ko at pinilit na bumaba pero pinigilan niya 'ko.

"Come on baby, just let me hold you..” frustrated na sambit niya.

Natahimik kami ng ilang minuto bago niya yakapin ang bewang ko gamit ang isang kamay. Hindi na 'ko umangal, naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko bago kami tumulak paalis.

Kung saan saan kami nagtungo, ang dami na naming napuntahan pero hindi pa pala kami nakakalabas ng hacienda nila. Ipinakilala niya rin ako sa mga tauhan nila, ang sabi niya isa itong farm sa mga business nila. Wala na raw nakatira sa mansion nila dito at ginawa nalang bahay bakasyunan ng angkan nila.

"Sayang naman, ang ganda pa naman dito! Ganito yung gusto ko, e! Malayo sa syudad, malayo sa gulo tapos tahimik lang. Mapuno, maraming hayop tapos ang babait pa ng mga tao.." sambit ko.

Nang matapos niyang ilatag ang dala niyang tela ay umupo na kami, may mga pagkain din siyang dala na doon niya nilagay sa bag kanina. Hindi man lang ako na-inform na magpi-picnic pala kami under the mango tree. Mangha pa rin ako sa mga tanawin, dito sa pwesto namin ay tanaw ang palubog na araw. This is one of my favorite view, sunset.

Nilibot ko ang paningin ko, hindi ko alam kung saan ang hangganan nitong lupain nila. Sobrang lawak kasi. Kanina, pinuntahan namin yung mga alaga nilang hayop. May manok, baboy, kambing at kabayo. Pinuntahan din namin yung mga pananim nila at ngayon, nandito kami sa manggahan nila. Dito daw kasi may pinakamagandang view nung sunset kaya dito kami pumwesto. Kanina lang ay inis ako kay Isaiah pero ewan ko ba, hindi man lang nagtagal ang inis ko.

I took pictures of the view para may mai-post ako sa I* ko. Kanina pa rin nagtatanong ang mga kaibigan ko kung anong balita sa’kin, wala pa 'kong nirereplyan sakanila dahil nakatulog ako kanina.

"Come here, let's take a picture!" sambit ko sakaniya.

Tumabi naman agad siya sa’kin pagtapos ilapag lahat ng pagkaing dala niya. Gaya ng sabi ko, nag-picture lang kami. Ayaw niya pang mag wacky pero pinilit ko ito, wala naman siyang magagawa! Ang cute niya lang sa mga picture, halatang pilit yung wacky pose niya. Mabagal ang signal dito kaya mamaya ko na ipopost ang pictures namin.

Nagtitingin ako ng pictures nang tawagin niya 'ko. Nilalagyan niya na ng food yung paper plate na nasa harap ko.

"Put that down, we're eating,” seryosong sambit niya.

Ibinaba ko nalang ang phone at nagsimula na kumain. This feels romantic, first time kong makipag picnic date. Yung mga nangahas lumandi sa’kin panay fancy restaurant date, they are bragging their wealth. Kapag ganoon, hindi ko na pinapansin after dahil ayoko sa lahat yung pinagmamayabang yung kung anong meron sila kahit hindi naman talaga sila ang naghirap na mabili ang mga 'yon. Isaiah is different, wala siyang kahit anong binanggit sa’kin tungkol sa yaman nila. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganito sila kalaking hacienda. And hey! Ang bait niya sa mga tauhan nila.

Naka lean siya ngayon sa puno ng mangga, he gestured me to sit in between his thighs kaya ganoon nga ang ginawa ko. As soon as I sit, he hugged me from behind, sumandal nalang ako sa dibdib niya at sabay naming pinanood kung paano lamunin ng kadiliman ang kalangitan.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sakanya. Mukhang masyadong malalim ang iniisip niya dahil hindi siya nagsasalita.

He held my hand and played with it. Tinignan ko lang ang kamay naming magkahawak.

"I'm just thinking about what happened earlier. You almost fell yet you didn't touch me, not even once because you told me not to touch you.. and it is so hypocrite if you touch me cause you told me not to,” aniya.

Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung anong pinupunto niya sa mga 'yon.

"And what about that, hmm?" tanong ko.

He stopped playing with my hand and intertwined it instead.

"You stand your own principles. You have one word, if you say no, it is indeed no. Kahit anong pilit sayo, hindi mo gagawin dahil ayaw mo,” sambit nito na lalong nagpagulo sa utak ko.

Tumayo ako ng bahagya at humarap sakaniya para makita ang reaction nito. He is just staring at me like a hawk observing his prey.

"Is that a bad or good personality?" I chuckled.

Napailing siya at ngumiti bago ako hinalikan sa labi.

"It doesn't matter, let's go home?" sambit niya.

Tumango ako, medyo madilim na rin at napagod ako sa mga pinuntahan namin. On our way home, I am thinking of a sweet revenge. Hindi pwedeng ako lang ang nainis ngayong araw, dapat siya rin! I laughed on the thought formed into my mind.

Hinatid niya 'ko sa kwarto ko but before I enter, nilingon ko muna ito. He looks composed.

"Can I sleep in your room again?" I asked.

The side of his lips rose and I can sense it, any minute from now he will mocked me. I'm not surprised, I expected him to do that.

"No, baka kung ano pang gawin mo sa’kin." Pang-aakusa niya.

Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Expected ko na 'yon pero nainis pa rin ako. Inirapan ko nalang ito at padabog na pumasok sa loob ng kwarto. It's time to execute Plan B.

Naligo na 'ko at nagbihis, dinala niya na dito ang ibang gamit ko kanina pa. Tumagal ako sa bathroom dahil nakakarelax ang bathtub nila, mabuti at natauhan ako. I need to do my plan!

Lumabas ako ng bathroom suot ang black lingerie na nabili ko, mas showy ito kumpara doon sa maroon kaya sigurado akong kakagat siya sa mga plano ko. I can't wait to see his reaction and lauged hard! This is my sweetest revenge for you my love.

Naghintay pa 'ko ng ilang oras bago maisagawa ang plano ko. Nag lotion na 'ko at nagpabango, nagtatalo ang amoy ng honey at vanilla sa katawan ko.

When the clock strikes at eleven, sinimulan ko na ang plano ko. I took out my phone and texted him.

To: Boyfriend

Can you get me some glass of milk? I can't sleep :<

I giggled at my message. I waited for his reply and he said okay kaya medyo kinabahan na 'ko. Akala ko pa naman tulog na siya, mabuti nalang hindi pa! Akala ko failed ang plano ko.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang katok niya. Napatayo agad ako at naghintay pa ng ilang segundo, inayos ko lang ang sarili ko at nang satisfied na ‘ko sa itsura ko, binuksan ko na ang pinto.

The door is wide open kaya kitang-kita ang itsura ko, madilim na pero alam kong kita niya pa rin ako dahil sa chandelier sa labas. Kita ko kung paano siya nagulat at napalunok nang makita ako. Muntik niya pang mabitawan ang baso sa gulat, mabuti at kinuha ko agad 'yon mula sakaniya.

I was watching him as he surveyed me from head to toe. His jaw moved aggressively, so as his adams apple. He's affected, I knew it!

"Need anything?" I sensually asked dahilan para mabalik sa mata ko ang tingin niya.

I smiled seductively kaya napaiwas ito sabay iling. Napalunok din siya nang muling magtama ang tingin namin.

"Okay.." mahinang sambit ko.

Lumapit ako rito at tumingkayad para maabot ang labi niya. Napahawak pa ko sa balikat niya at bahagyang naglapat ang dibdib naming dalawa. I felt my boobs squishing on his hard chest, alam kong ramdam niya 'ko kaya napalunok ito. Para siyang estatwa, hindi makagalaw habang hinahalikan ko siya.

I kissed him, smack lang 'yon at lumayo rin agad ako dahil baka mag failed ang plano ko kapag tinagalan ko pa. Lumayo na 'ko dito at isasara na ang pinto.

"Goodnight.." huli kong sinabi bago tuluyang sinara ang pinto.

Nakahawak pa rin ako sa doorknob at nagbilang ng ilang segundo bago marinig ang isa na namang katok. I knew it! I got you, Isaiah Nikolai!

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko ito buksan, konting siwang lang ang kita hindi tulad kanina.

"You.. you can sleep in my room if you want.." he whispered, sapat na para marinig ko.

Oh, Isaiah. You're so cute, baka pumayag ako nyan! Pero hindi, hindi ako pwedeng maging marupok ngayon. The side of my lips rose in amusement.

Lumapit ako rito at hinila ang damit niya para magkapantay kami. Konti nalang ang distansya ng mga labi namin nang magsalita ako.

"Manigas ka..” I sensually said before finally closing the door.

Pinipigilan ko ang tawa ko at inilapat ang tenga ko sa pinto para marinig ang mga sasabihin niya, kung meron man.

I heard him uttered some curses before banging the door of his room. Doon na 'ko nakatawa ng malakas. Poor Isaiah, hindi napagbigyan ang gusto. I laughed hard that night, hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status