Share

Kabanata 24.2 - Ride

"You should take a rest, I'll wake you up later,” he kissed my forehead.

Nasa tapat kami ng kwarto na tutuluyan ko, naguluhan ako nang aktong aalis na siya. Akala ko pa naman magkasama kami sa kwarto.

"Where are you going?" tanong ko rito.

Halos mapasabunot ako sa sarili ko dahil sa tanong na 'yon! Baka mamaya isipin niyang gusto ko siyang makasama sa iisang kwarto kahit ayon naman talaga ang totoo!

"To my room, it is the room next to yours so if you have a problem, just knock on my door,” tugon nito.

Napatango pa 'ko at hinawakan na ang doorknob para sana buksan ang pinto ngunit hindi ko na napigilan at nilingon ko ulit ito.

"Can I rest in your room?" I said without hesitation.

He looked amuse by what he just heard. Parang nagpalakpakan pa ang tenga niya sa narinig, ngumisi ito at dahan-dahang tumango. Sumunod nalang ako sakaniya nang buksan niya ang pinto ng kwartong katabi lang nung akin, ni hindi ko alam na kwarto niya pala ‘yan. Pwede naman kaming magsama sa iisang kwarto, ah? Bakit kailangan magkabukod pa? Ano ba yan, ang KJ naman!

Mas malaki ang kwarto nito kumpara sa mga guestroom dito. His room is screaming bachelor. Black, grey at navy blue and color palette nito. May malaking TV na nakasabit sa dingding, dim ang ilaw at nakababa lahat ng kurtina. Sigurado akong kwarto niya nga 'to dahil kasing amoy niya, ano kayang pabango ng lalaking 'to?

Nahihiya akong umupo sa kama niya, malambot ito gaya ng inaasahan ko. Siya naman ay ipinatong ang phone sa side table bago nagtungo sa’kin para mahalikan ako sa noo.

"Let's sleep?" aniya.

I smiled at him and nodded my head a bit. Sabay kaming humiga, niyakap niya 'ko at hinigit palapit sakaniya. Ginawa ko namang unan ang bisig nito habang ang isang kamay ko ay nagkusang pumatong sa dibdib niya. I can feel his breathing and his heart beating loudly, ramdam ko rin na ganoon ang akin.

Para akong hinehele dahil sa ginagawa niyang pagsuklay sa buhok ko. Tahimik lang kami at wala ni isang nagsasalita. Our beating hearts is like a music to my ears, ang sarap pakinggan. Sana ganito nalang palagi.

"I send those pictures because my friends told me that a guy loves to be spoiled with pictures. I also ask for their advices on how to become a good girlfriend because I don't know how. I became paranoid when you didn't message me, I'm sorry.. Please don't leave me.. because of that." I sighed.

Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sakaniya ang mga bagay na 'to. I just feel like I have to tell him everything, he deserves to know everything..

"You don't have to be a good girlfriend, okay? I want you to be yourself. I want you to feel free, you don't have to pretend when you're with me. Don't listen to those advices and just be yourself,” he gently said and kissed my forehead.

Umangat ako ng bahagya at marahan siyang hinalikan, hindi ito bumawi at hinayaan lang ako sa ginagawa ko. I stopped and looked straightly on his eyes. The window to his soul. I saw love, passion, happiness, comfort, contentment and.. home.

"Ikaw yung tahanang ipagdadamot ko sa iba.." bulong ko at muli siyang hinalikan. It was a soft kiss full of unexplainable feelings.

"I want you to do the same when you're with me.. just be yourself. I only want you." Huli kong sinabi bago ako hilahin ng pagod.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog, nagising nalang ako nang may dumamping labi sa labi ko. I saw Isaiah the moment I opened my eyes, magkalapat pa rin ang mga labi namin. Kumalas lang siya at lumayo nang makitang gising na ‘ko.

"What a scenery.." sambit ko habang nakatingin sakaniya.

Kung siya lang din naman ang makikita ko tuwing ididilat ko ang mata ko sa umaga at ipipikit ito sa gabi, aba'y sige! Yes, I do na agad!

"Your clothes are here, maligo ka na at magbihis, may pupuntahan tayo,” sambit niya.

Mukhang kakaligo niya lang, basa pa ang buhok niya at wala itong saplot pang-itaas. Mukhang abala siya dahil may kausap ito sa phone na parang radio, yung ginagamit ng mga pulis. Tumayo ako at yumakap sa bewang niya, he gently brushed my hair and kissed my forehead. Pagtapos ay nagtungo na 'ko sa bathroom ng kwarto niya, gaya ng inaasahan ay malaki rin ito, may shower at may bathtub din. I took the shower dahil baka matagalan ako kapag nag bathtub pa 'ko. Pagtapos maligo ay lumabas na 'ko, naka bathrobe lang. Wala na si Isaiah sa kwarto kaya baka nasa baba na 'yon. Binuksan ko na ang isa pang pinto sa gilid ng bathroom, walk-in closet ito at dito rin nakalagay yung mga damit na pinamili niya. Nang makapasok ay parang gusto ko nalang lumabas sa kahihiyan, tumikhim ako at hindi nagpadala sa kahihiyang nararamdaman. Isaiah is here fixing his clothes while facing at the huge mirror, nagulat pa siya sa biglaang pagpasok ko. He surveyed me from head to toe bago iniwas ang tingin.

"I put your clothes there,” aniya at itinuro ang isang malaking closet, binuksan ko agad 'yon at bumungad sa’kin ang mga damit na pinili ko, ang iba rito ay hindi ko naman binili so I assumed he bought more clothes without my permission. Sinamaan ko siya ng tingin dahil halos mapuno ng mga damit pambabae yung closet. For God's sake, tatlong araw lang ako rito!

"We will be riding a horse,” sambit niya nang mapansing dress ang kinuha ko mula sa closet.

Padabog kong binalik 'yon at pumili ng panibago. Sa huli, yung black pants at white sweetheart top ang sinuot ko. Bahagyang tumaas pa ang kilay ni Isaiah nang makita ang suot kong top, medyo croptop kasi 'yon at medyo kita ang cleavage ko. Hindi ko ito pinansin, naglakad ako palapit sa malaking salamin, may maliit na drawer sa gilid at may nakita akong blower doon kaya kinuha ko para patuyuin ang buhok ko.

Napapailing siya habang tinitingnan ang suot ko, hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa. Gusto ko mang matawa sa reaction niya, hindi ko ginawa dahil alam kong mas lalo siyang maiinis, baka hindi na matuloy ang balak naming gawing ngayon.

Balak kong ipitan ang buhok ko into high ponytail dahil paniguradong pagpapawisan kami mamaya kaso wala akong ipit na hawak ngayon, nasa bag ko ang mga panali ko.

"Babe, can you get my ponytail? Nasa bag ko lang—"

Agad na bumaling ito sa’kin, nakakunot ang noo at parang galit.

"What did you say?" masungit na tanong nito.

Inalala ko ang mga sinabi ko, bakit ba nagagalit to?

"I said, can you get my ponytail?" nagtatakang sagot ko.

"No, not that one,” malamig na tugon nito.

Inalala kong muli ang mga nasabi ko, teka ano bang mali roon? Bakit grabe siya maka-react?

"Babe?" patanong na sabi ko.

Umayos siya sa pagkakatayo at dahan-dahang lumapit sa’kin. Nabitawan ko tuloy ang buhok ko nang ilagay niya sa magkabilang gilid ang mga kamay para makulong ako, mukhang masungit ito habang nakakunot ang noo. What's wrong with calling him babe?

"I don't like that one, that jerk called you that way. You should call me baby,” masungit na sambit niya.

Jusko, ‘yun lang pala! Ilang saglit kaming natahimik bago ako tumawa ng malakas. Hindi ko naman alam na ganito siya kaseryoso sa mga ganoong bagay.

"You're cute!" sabi ko pa habang nakaturo sa mukha niyang nakabusangot ngayon.

Padabog itong lumabas ng walk-in closet, hindi ko alam kung saan siya pupunta basta nanatili lang ako sa loob dahil hihimatayin na yata ako sa kakatawa. Akala ko hindi na siya babalik ngunit bumalik siya, dala na ang ponytail na pinapakuha ko. Aabutin ko na sana 'yon mula sakaniya kaso iniwas niya.

"Let me.." sambit niya.

Hinayaan ko nalang siyang talian ang buhok ko. Nakatingin lang ako sakaniya mula sa salamin, maingat ito sa ginagawa niya at mukhang hirap na hirap. Sa huli ay low ponytail ang ginawa niya, medyo maluwag pa kaya pinasikipan ko sakaniya bago kami sabay na lumabas doon.

Pinaupo niya 'ko sa kama habang may kung ano siyang kinuha sa loob ng walk-in closet, paglabas niya ay hawak niya na ang isang pair ng boots na ginagamit sa pangagabayo. Maingat siyang lumuhod sa harap ko para isuot 'yon sa’kin.

Despite of his cruel look, he's too gentle when it comes to me. And I fall for him even more, every single day that we're together.

Nang matapos ay tumayo na kami pareho. I hugged him tightly, tumingkayad ako para gawaran siya ng halik. I am not this touchy and clingy but when it comes to him, parang lumalabas lahat ng ugaling nakakubli sa akin. Yung mga ugaling pilit kong dinedeny maging sa aking sarili. Walang hiya silang lumalabas kapag si Isaiah ang kasama ko.

Hindi siya tumutugon sa bawat halik ko, ramdam ko ang pagpipigil niya at konti nalang ay bibigay na ito, panigurado.

I put both of my hands on his nape to deepen our kiss, he let my tongue enter his mouth and taste every bit of him. Nang maramdaman kong wala talaga siyang balak tumugon, huminto na 'ko sa paghalik. Mapupungay ang mga matang sumalubong sa’kin, kabaligtaran nito ang panga niya na agresibo sa paggalaw, halatang pinipigilan ang emosyong bumabalot sakaniya.

"Can we stay here and ride something else.." I seductively said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status