Share

Kabanata 26.1 - Bestfriend

Naging abala na kami pareho ni Isaiah nang matapos ang Christmas break, pareho kaming nag-focus sa studies at kanya kanya naming buhay pero hindi pa rin mawawala ang quality time namin together. There are times he would visit me in school, minsan naman ako ang napunta sakanila. Napunta rin siya sa bahay, at kapag nakila ate ako, nagkikita rin kami. Minsan nga doon pa siya nakikitulog, magkahiwalay kaming kwarto dahil ayaw ni ate na magkasama kami, baka makabuo daw ng milagro pero dahil makulit ako, tuwing madaling araw nalipat si Isaiah sa kwarto ko para magtabi kami matulog. Minsan naman doon kami sa condo niya at sa ilang buwan naming pagsasama, never siyang nag take advantage sa’kin.

Minsan nga ako pa ang nangunguna at sa kalagitnaan, pipigilan niya 'ko. Parang takot na takot siyang gawin namin 'yon, hindi naman na kami bata. But still, I'm happy that he respects me.

On Valentine's Day, he surprised me with a gift and it's a combination of black and tan chihuahua! We named her chichay. Sa akin siya nakatira noong una pero dahil may asthma ako, doon nalang siya sa bahay nila Isaiah. We usually visit her and hang out together. She's so cute! I feel like I have a daughter, inaayusan ko talaga siya ng damit like a fashionista.

I'm there when he graduated with latin honors, I surprised him with a picnic date doon sa usual spot namin sa Tagaytay bilang graduation gift. We were both happy that day and I'm very much proud of him kasi finally! He's an architect! My Isaiah is an architect!

Hindi siya nahirapang magtrabaho sa company nila dahil noon pa man, kahit nag-aaral palang siya ay natulong na siya doon. Bilib nga 'ko sakaniya, hindi ko alam kung paano niya napagsasabay sabay lahat.

Summer vacation at nandito ako sa company nila Almario dahil kinuha nila akong part-time photographer, wala rin naman akong ginagawa sa bahay kaya pumayag na 'ko para naman makaipon din ako. Gusto ko kasing bumili ng sarili kong camera.

"My dear Treia, I have a good news for you,” boses ni Rio.

Boses pa lang niya, alam ko na. He's been pain in the ass these past few months, naging malapit na rin kami sa isa't-isa but still, it has limitations. Tinuring ko na siyang guy bestfriend at pakiramdam ko naman, ganoon din  siya sa’kin.

I am editing pictures, inaaral ko na rin kung paano ang digital arts dahil naging interesado ako, nakita ko kasi si Almario na ginagawa 'yon. We have a lot in common when it comes to passion kaya nakasundo ko rin 'tong gagong 'to.

"Open na yung enrolment doon sa sinasabi kong film school sa New York! Nakapagpasa na 'ko ng requirements, ikaw ba?" aniya.

Right, the prestigious film school he's talking about. Gustong-gusto ko makapasok doon kaso inalala ko kung bakit nga ba hindi ako nag-take ng film course dito sa pinas.

"Alam mo namang pass ako sa ganyan, ‘di ba? Tsaka as if makakapasa ako!" singhal ko.

"Yun na nga, e! As if makakapasa ka kaya i-try mo na, hindi ka naman makakapasa ‘di ba?" he burst out laughing.

That's it, sinabi niya lang sa’kin para inggitin at inisin ako. Bwisit talaga ang Almario na 'to! Tumayo na 'ko at hindi na tinapos ang ginagawa dahil sa inis, kinurot ko pa ang braso niya bago tuluyang naglakad paalis.

"Saan punta mo, hoy!" sigaw niya.

Napapatingin na sa’min ang iilang empleyado ng kuya niya, wala lang pake si gago.

"Sa boyfriend ko, may date kami!" sagot ko without looking at him.

I will be sleeping in Isaiah's condo pero pupunta muna ako sa condo ni Iris na kabibili lang sakaniya ng parents niya last month. Gift sakaniya 'yon dahil birthday niya ngayon, hindi naman malayo sa condo ni Isaiah 'yon.

I texted my friends na magkita kita nalang kami sa lobby ng building dahil ako lang ang nakakaalam kung saan ang unit ni Iris. Isusurpresa kasi namin siya ngayon. Nag effort pa talaga akong mag-bake ng cupcakes para sakaniya! Hindi ko nga lang alam kung masarap ba 'yon.

Natanaw ko agad ang mga impakta sa lobby, naghahasik ng lagim. Ang iingay pa, akala mo sila lang ang tao rito. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao, parang gusto ko nalang tuloy dumeretso sa elevator at huwag silang lapitan.

"Hoy Chantreia Sage, saan ka pupuntang gaga ka!" sigaw ni Kendall.

P*****a, nakakahiya ang bunganga nitong babaeng 'to! Rinig na yata 'yon sa buong building, bwisit!

I gestured them to follow me nalang dahil masyado na kaming nakaka-attract ng attention. May kanya kanya silang dala, regalo yata kay Iris.

"Madadaya kayo, nung birthday ko wala man lang kayong regalo!" reklamo ni Adel nang makapasok kami sa elevator. Buti nalang talaga wala kaming kasabay sa loob.

Natawa ako dahil totoo nga, wala akong regalo sakaniya nung birthday niya, two days after New Year ang birthday nito pero ginanap 'yon one week after dahil gusto ng parents niya ng engrandeng birthday party. Nagkasundo kasi kaming huwag na siya regaluhan.

"Mayaman ka na, hindi mo na kailangan ng regalo,” sambit ni Mads na walang pakealam, as usual.

"Oo nga, nag expect nga 'ko no'n na reregaluhan mo kami, e,” dugtong ni Grace.

Nagtawanan lang kami habang hinihintay na makarating sa tamang floor.

"So anong gusto niyong iparating? Na mahirap si Iris kaya reregaluhan natin siya?" malokong tanong ni Kendall.

Lalo kaming natawa dahil doon.

"Pangit nung term na mahirap sis, siguro.. nangangailangan lang!" dugtong ko pa.

Malakas ang tawanan namin habang naglalakad palabas ng elevator. Pinatahimik ko lang sila noong nasa tapat na kami ng unit ni Iris, kumatok ako ng dalawang beses.

Nang maramdamang bubuksan niya na ang pinto ay naghanda na kami para i-greet sana siya kaso iba ang bumungad sa amin.

"Happy Birthday—"

Natigilan kami nang ibang tao ang bumungad sa'min. Isang pamilyar na lalaki, hindi ako pwedeng magkamali!

"Awit sis, ibang unit yata ang napuntahan natin,” pambabasag ni Grace sa katahimikan.

No! Tama ang napuntahan naming unit. Ang pinagtataka ko lang, bakit narito ang lalaking 'to? Kaya ba bukas namin ice-celebrate ang birthday ni Iris dahil sa lalaking 'to? Akala ko ba may sakit siya ngayon?

"Chantreia Sage Fabregar, long time no see.." he said in his usual annoying voice.

Bahagyang nagulat ang mga kasama ko, si Mads lang yata ang hindi dahil sigurado akong kilala niya rin ang lalaking 'to!

"Gavin Valencia, it's not good to see you. Where's my friend?" sambit ko.

Matalim ang tingin ko dito at parang wala naman siyang pake, binuksan niya ang pinto at iginiya kami papasok. Kanina pa ko inis magmula nang makita ko siya, he's irritating the hell out of me, lalo na 'yang poker face niyang mukha? Naaalala ko na naman kung paano niya 'ko pinahiya sa harap ng maraming tao!

"She's in her room, I'll wake her up.." aniya at nagtungo roon sa kwarto ni Iris.

Ni hindi niya man lang pinaliwanag kung bakit siya narito sa condo unit ng bestfriend ko! Hindi niya rin sinabi kung bakit sila magkakilala. Paano, kailan at saan?

"Hala gago, namumukhaan ko siya! Siya yung exchange student galing silangan na crush ni Iris! Hala si gaga, naka score na yata!" Grace said kaya napatingin kami sakaniya. Siya kasi ang madalas kasama ni Iris dahil schoolmate sila, sa West U sila nag-aaral.

Mukhang lahat sila ay naguguluhan, wala kasing nakukwento si Iris tungkol sa love life niya kaya ang alam namin, wala siyang gusto ngayon.

"Seriously, who is he? At bakit kilala ka niya Treia?" naguguluhang tanong ni Adel.

Napairap nalang ako dahil naalala ko na naman ang kahihiyang dinulot ng lalaking 'yan sa school life ko! Nakakainis siya, ipinagdasal ko pa naman na sana hindi na mag-krus ang landas naming dalawa tapos narito siya ngayon sa condo ng kaibigan ko? How dare he!

"Siya yung nakalaban ni Treia sa debate.. pero nanalo ka naman doon 'di ba Treia? Kasi ang alam ko, pinipilosopo ka niya no'n tapos napunta na sa personal life mo yung usapan kaya tawanan mga audience pero sa huli, nanalo si Treia,” pagkukwento ni Mads.

That's true, pilosopo ang hayop na 'yon! Debate tapos gagaguhin niya, buti nalang talaga at nanalo ako nung araw na 'yon. Panay katarantaduhan lang naman ang mga sinasabi niya, e, we're talking about life and death and he suddenly asked me if it's our last day on earth, would I date him daw. Sabi ko hindi! And he fired back, 'good to know, cause I won't date you, too.’ Grabe ang kahihiyang inabot ko no'n, muntik na 'kong mag walk out pero dahil matured ako, hindi ko ginawa. In the end, ako pa rin ang nanalo.

Kalaunan ay lumabas na si Iris, mukhang may sakit nga ito at nagulat pa siya dahil hindi niya inaasahan na narito kami. Malamang, may surprise bang pinapaalam?

"Surprise!" masiglang sigaw ni Kendall. Siya lang yata ang hindi na awkward-an dito.

Nakaupo kami sa couch, sa kabila ay naroon si Iris. Si Gavin naman ay nakaupo sa tabi nito at may kinakalikot sa phone, wala yatang balak umalis. Duh, hindi niya ba alam yung privacy?

Kinuha rin ni Iris ang phone niya at may kinalikot din doon saglit bago ibinaba. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Gavin bago bumaling kay Iris tsaka umalis, nandoon siya sa kitchen pumwesto.

"Oh my God, girl! Akala ko mag-stay siya rito habang nagchichikahan tayo about him!" sambit ni Adel na tumayo at lumipat sa kabilang couch, sa tabi ni Iris.

Iris is looking at me, alam kong alam niya na nagtatampo ako sakaniya dahil wala man lang siyang sinabi tungkol kay Gavin. Kinwento ko sakaniya ang tungkol sa Gavin na 'yon kaya alam niyang galit ako roon and duh? Sakaniya ko unang sinasabi kapag pakiramdam ko nagkakagusto na 'ko sa isang lalaki, siya ang unang nakakaalam dahil saming anim, siya ang pinaka bestfriend ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status