Share

Kabanata 22.1 - Boyfriend

We are here at Ate Dria's house again, preparing for the New Year's eve. Mas marami ang handa ngayon kumpara noong pasko. Namili rin sila ng mga paputok para mamaya. Ate Laureen's rumoured boyfriend, Marco, is here too. Hindi ko alam kung sila ba o hindi pero ang sabi sa mga blind items na nababasa ko, may relationship daw ang dalawa. Modelo rin yung Marco at sikat ito sa buong asya. Siya yung kahalikan ni Ate Laureen noong kasal ni ate, siguro nga may something sakanila.

"Ate, magkikita kami mamaya ni Isaiah pagtapos ng countdown, ha? Ikaw na bahala kila mama, sandali lang 'yon," bulong ko rito.

Tinutulungan ko siyang ayusin ang mga nasa mesa. Makahulugang tingin ang iginawad niya sa'kin bago pumayag. Siya na raw ang bahala.

Noong pasko kasi, muntik na 'ko pagalitan ni mama dahil ilang minuto nalang bago ang pasko, wala pa 'ko sa bahay. Buti nalang at tinulungan ako ni ate, ang sabi niya pinapunta niya raw ako kila Kuya Isagani para iabot ang mga regalo rito. Nang marinig ni mama ang ngalan nila ay naging ayos na siya, malamang kasi alam niyang kapatid ni Kuya Isagani si Isaiah.

Nagkita rin kami ng mga kaibigan ko noong nakaraang araw, pinaabot nila ang mga regalo sa pamilya ko. Gusto pa sana nila mag celebrate kami together bago man lang matapos ang taon kaso hindi na pwede, masyado kaming abala kaya napagpasyahan namin sa unang araw ng taon nalang. Doon nalang kami sa penthouse ni Adel magce-celebrate.

After no'n, nagkita rin kami ni Almario para maibigay ko yung gift ko sakaniya. Sandali lang 'yon at hindi rin ako nagtagal dahil may gagawin pa 'ko.

"Three.. two.. one, happy new year!"

I hugged them. Sabay-sabay naming pinanood ang mga fireworks, sunod sunod 'yon at hindi ko na alam kung saang parte titingin dahil lahat ay magaganda. Dahil sakitin si bunso, pinasok agad siya nila mama. Pinapasok na rin nila ako dahil may hika ako pero nagpumilit ako.

Nag-video call kami sa group chat para batiin ang isa't-isa.

"Happy New Year, girls!" bati ko sakanila.

Nasa labas ako at medyo malamig, naka-dress pa naman ako.

"Mamaya ha! 8 pm kailangan nandito na kayo sa penthouse, dito na kayo matutulog no'n, ha!" ani Adel. Mukhang nasa balcony siya at mag-isa lang. Nakapang-tulog na si gaga, mukhang wala na naman ang magulang niya.

"Girls' night out, I'm so excited!" sigaw ni Kendall.

May nag-abot pa sakaniya ng alak mula sa background, pinsan niya yata. Baka doon siya nag new year sa mga pinsan niya.

"Si Kenny ba 'yan?" tanong ni Travis na biglamg sumulpot sa likuran ko.

Mabuti nalang at hindi ko naihagis ang phone ko. Lumayo ako sakaniya para makausap privately ang mga kaibigan ko. Kahit kailan, epal talaga si gago!

"Is that Travis?" tanong ni Iris.

Napairap nalang ako, si Kendall naman ay mukhang affected sa tanong ni Travis kanina.

"Kenny ampucha, pumayag kang ganoon tawag sayo?" natatawang sambit ni Grasya. Maging ako ay natawa sa nickname na 'yon.

Halata naman ang iritasyon sa mukha ni Kendall, for the first time, wala siyang masabi!

"Kendall niyo, bothered na!" pang-aasar pa ni Mads.

Nagtawanan lang kami hanggang sa mag-iba ang usapan at mag-end na ang call. Pumasok na rin ako sa loob at tumabi kila mama habang hinihintay ang tawag ni Isaiah. Ang sabi niya kasi, tatawag siya kapag nasa labas na siya. Ayoko namang dalhin siya rito dahil nakakahiya sa family ni Kuya Froi. Ayos lang sana kung sila mama lang.

Ilang sandali pa ay tumawag na ito, nasa labas na raw siya kaya pasimple akong lumabas, kinakabahan pa dahil baka mahuli ako nila mama.

Nasa gilid ito ng poste nang makita ko, agad ko siyang nilapitan para yakapin. Nagulat naman siya pero kalaunan ay yumakap din sa'kin.

"I missed you.." bulong niya.

I laughed because of that. Hindi kasi kami nagkita after Christmas, gusto niyang pumunta sa bahay kaso masyado kaming abala kaya hindi ko siya pinagbigyan.

"Clingy," sambit ko rito.

Pagkasabi ko no'n ay kumalas agad siya sa pagkakayakap kaya mas lalo akong natawa.

"Sino kayang bigla-biglang nangyayakap?" malokong sambit nito.

I pouted because of that, mabuti nalang at natakpan ko agad ang bibig ko dahil baka manghalik bigla ito. Ganito rin ba siya sa past relationships niya? Thinking about it now, I realize that I still don't know some things about him. Hindi pa namin napag-uusapan ang mga ganoong bagay.

"Let's go—"

"Oh, Nikolai! Nandyan ka pala.." boses ni Papa.

Oh my God! I'm doomed!

"Si Nikolai ba kamo— oh hijo! Pasok ka. May bisita ka pala, Treia! Bakit hindi mo papasukin?" si mama naman ngayon.

Tiningnan ako ni Isaiah, tila nagtatanong kung anong gagawin niya.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, ibinalita agad ni mama na nandito si Isaiah. Tuwang-tuwa ang mga ito, pati si ate ay nginisian ako.

"Kumain ka na ba, hijo?" tanong ni mama.

Hindi niya matanggihan ang offer ni Mama. Tumingin pa ito sa'kin bago ngumiti.

Sa amin ngayon ang spotlight, panay ang tinginan ng mga ito at ang lawak pa ng ngiti. Si Isaiah naman ay mukhang gustong-gusto ang mga papuring natatanggap niya kila mama.

Pinagmamasdan ko lang siya habang sinasagot niya ang mga tanong nila mama.

To be honest, isa sa pinaka-kinatatakutan ko kaya ayaw ko munang mag-boyfriend ay dahil baka hindi magustuhan nila mama. Kahit pa gustong-gusto nilang magka-boyfriend na 'ko, syempre may standard pa rin sila. Lalo na dahil sa nangyari sa nakaraan, mas tumaas ang standards nila kaya nagulat ako noong nakilala nila si Isaiah, unang pagkikita palang nila parang gustong gusto na agad siya ng pamilya ko. And I'm very thankful for that..

"Mama, papa.." biglang napunta sa akin ang atensyon nila. "Boyfriend ko na po si Isaiah—"

"Weh?"

"Ano kamo, boyfriend mo na si Nikolai?"

"Kailan ang kasal?"

What the fuck? Are they really my family.

"Bakit parang di kayo makapaniwala?" tanong ko sakanila.

Hinawakan ni Isaiah ang kamay ko, mabuti nalang at hindi nila kita yon dahil nasa ilalim ito ng mesa.

Nagtawanan sila dahil sa reaction ko. Nakakahiya naman, dito ko pa talaga sinabi sa harap ng family nila Kuya Froi.

Iniwan ko sila doon dahil gusto raw makausap nila Papa si Isaiah. Nandito tuloy ako ngayon sa garden at hindi mapakali, ano na naman kayang pinag-uusapan nila doon?

"Kailan mo sinagot?" tanong ni ate.

Inabutan niya ko ng wine, mabuti naman para kumalma ako.

"Kanina lang, hindi nga niya alam, e. Biglaan yung announcement ko kanina," sagot ko sa tanong niya.

Natawa naman ito at nagbilin pa na 'wag daw akong maging sakit sa ulo ni Isaiah. Duh? As if!

Fuck. I don't know how to be a good girlfriend! Should I consult to an expert named Imogen Riese? Kapag usapang love life, siya na pambato namin dyan. May sinusunod pa nga yang rules, e. Hindi ko alam kung saan niya napupulot ang mga 'yon pero effective naman ang mga advices niya.

"Let's go?"

Napabalikwas ako nang marinig siya sa likod ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nandoon, masyado akong preoccupied kakaisip kung paano ako magiging girlfriend sakaniya.

"Saan?" kuryosong tanong ko rito.

He held my hand and guided me as we walk out of the house. Ni hindi kami sinita nila mama, kung ako lang siguro mag-isa, baka sinigawan na nila ako. Ang unfair!

"I'll introduce you to my family.." aniya.

'Yun lang naman pala.. fuck? Ano raw? Ipakikilala niya 'ko sa family niya? Oh my God!

"Bakit ngayon pa? Teka, mag-aayos muna ako!"

Maglalakad na sana ako pabalik sa bahay nang higitin niya 'ko pabalik sakaniya.

"No need, they already like you," aniya.

Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o nasasabi niya lang 'yon para hindi ako mag-panic. This is the first time someone introduce me to his family, as his girlfriend! Kinakabahan ako, baka masungit ang family niya. Wala pa naman akong alam sa mga ito, si Kuya Isagani lang ang kilala ko. My gosh!

Panay ang pagpigil ko sakaniya habang papunta kami sakanila. Malapit lang 'yon ngunit tumagal kami ng ilang minuto dahil panay ang pigil ko rito.

"Next time nalang kaya? Aalis ako bukas, e. Hindi ako pwedeng mag-puyat.." palusot ko rito.

Totoo namang aalis ako bukas pero ayos lang kahit magpuyat ako, duh?

"Samahan kita bukas."

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako at hinarap ito.

"Nope, girls' night out. No guys allowed."

Napatango-tango lang siya at hinawakan na ang kamay ko. Iginiya niya 'ko papasok sa isang malaking bahay. Labas palang ay magarbo na, ano pa kaya sa loob.

"Alright. Let go inside," aniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status