Share

Kabanata 23.2 - Paranoid

"Kendall, did he view your I* story?" tanong ko kay Ken na nakanta ngayon.

Nagpost kasi siya ng I* story kanina pa bago kami magsimulang mag-inuman. Inabot niya sa'kin ang phone niya at ako na ang nag-check kung nakita niya ba. Bumungad sa'kin ang litrato naming anim na naka-lingerie na at ang malala, binebenta kami ni Kendall sa I* story niya! Pinost niya rin yung solo pic namin na may nakakagagong captions. Mabuti at taken ang nakalagay sa'kin, taken by Nikolai Jauregui daw, naka mention pa si Isaiah. Ay jusko, ayoko ngang madaming makaalam ng relationship namin, binulgar naman ni Kendall!

I checked the viewers, madaming nag rereact at nag rereply sa mga pictures namin, yung iba ay naka-mine sa mga kaibigan ko. Ang gago talaga ni Kendall! Inisa-isa ko na ang mga nakakita, nag view si Isaiah! Ibig sabihin, nag-online siya! But he didn't message me, bakit kaya?

I accidentally hit the messages button, madaming nagmemessage kay Kendall, hindi na 'ko nagulat doon. Ibabalik ko na sana ang phone niya nang makita ko ang conversation nila ni Isaiah, kanina lang 'to.

@inikolaij: she's already taken by me, change your caption kendall.

Yan ang una niyang message kay Ken, nag reply siya sa isang I* story nito na deleted na. Hindi ko tuloy alam kung ano 'yon.

@kendoll.dllv: chill nikolai! I'll change it na, baka i-report mo ang account ko, mahirap na. Lol

That was her reply. After that, Isaiah didn't reply back. What's this? Ano yung pinadelete niya?

"Kenny, come here!" sigaw ko dito.

Agad siyang napalingon at sinamaan ako ng tingin dahil sa tawag ko sakaniya. That's right sis, mainis ka lang. Binitawan niya ang isang mic at iniwan si Adel doon na nakanta, kasama niya si Iris na mukhang may pinagdadaanan dahil panay pang broken hearted ang kanta niya.

"Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita! Oo na, crush kita!" sigaw nito sa mic, hindi ko alam kung nakanta pa ba siya o nasigaw na. Hawak niya ang isang bote ng alak at tumutungga doon habang kumakanta. Seryoso, problemado ba sila?

Lumapit na si Ken sa'kin at tinungga agad ang bote ng alak na nasa harap ko.

"What is it Chantreia Sage?" singhal nito.

I gave her phone back before drinking the remaining liquor, inubos ko 'yon na parang tubig lang. Nahihilo na 'ko pero alam kong hindi pa 'ko lasing.

"I saw your conversation with Isaiah, ano yung pina-delete niya?" tanong ko.

Kinuha niya ang phone at may kinalikot doon bago ito hinarap sa mukha ko, tumama pa ang phone niya sa noo ko dahil biglaan ang ginawa niya. Lasing na 'tong si Kendall, sigurado ako doon. Buti at dito kami sa penthouse ni Adel, baka pag sa public place hindi ko kayanin ang mga kaibigan ko, lahat sila wasted na.

Kinuha ko ang phone niya at tiningnan ang picture ko na naka lingerie at may caption sa gilid.

@treiaaafabregar

20 y/o

BS Psychology

Pros:

Magaling kumanta, kayang kaya niyang gawig mic yang ano mo

Magaling sumayaw, dabest twerker to

Matalino at family oriented

Cons:

Masungit

Manhater

Walking heart breaker

Indenial sa feelings niya towards jauregui

Idk what's the status between them ni nikolai but better be ready for worst if you want to 'mine' her. Gez!!

P**a, kaibigan ko ba 'to? Oh my gosh, nakakahiya!

"Don't worry bitch, konti palang nakaka-view nung pina-delete ng boyfriend mo 'yan. He told me na you are taken by him na raw so I changed the caption and repost it, may mga nag mine pa naman," aniya, medyo lasing na nga.

Ibinalik ko na sakaniya ang phone niya at nakisali na rin sa kantahan at sayawan. Panay ang abot nila sa'kin ng alak na hindi ko naman matanggihan kaya hilong-hilo na 'ko. Buti nalang at nagpasya kaming umupo muna sa couch at magpahinga. They are watching 50 Shades of Grey habang ako ay nagmumukmok pa rin sa gilid. Hating gabi na at wala man lang akong mensahe na natanggap mula kay Isaiah.

"You are the paranoid type of girlfriend, madali kang iiwan ng lalaki pag ganyan ka sis," sambit ni Iris.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Umayos ako ng upo at hinarap ang mga ito. Hindi ko na alam ang ginagawa ko, may tama na nga yata ako dahil hindi ko na napag-iisipan ng ayos ang mga galaw at salita ko.

"Paano ba kasi maging good girlfriend. Wala naman akong alam sa ganito, e!" frustrated na sambit ko at bahagyang ginulo pa ang buhok ko.

Lahat na ng atensyon ay napunta na sa'kin. Para akong bata na nakasimangot sa isang gilid dahil inagawan ng candy. Kailan pa 'ko nagmukmok ng ganito?

"Alam mo kashe pre, kung gushto mong hindi ka iwan ni Nikolai, wag mo ipahalata na inlab na inlab ka shakanya.." sambit ni Grace, lasing na nga.

Lalong sumakit ang ulo ko kakaintindi sa drunk words niya.

"Tsaka sis, 'wag kang paranoid masyado. Ayaw ng mga lalaki yung ganyan, yung lagi silang pinaghihinalaan." si Adel.

Nakasimangot pa rin ako habang nakikinig sa mga advices nila.

"Hindi niya ko in-update, hindi man lang niya sinabi kung nakauwi na ba siya.." I pouted and looked down instead, feeling ko maiiyak ako. I don't know why!

Lumapit sa'kin si Iris at h******n ako.

"Malay mo nakatulog lang sa sobrang pagod," aniya.

Baka nga ganoon lang, baka nakatulog lang at nakalimutan akong i-message. Pero nag view pa siya nung I* story ni Kendall kanina! Hindi naman malayo ang condo niya dito kaya sigurado akong saglit lang ang biyahe niya pauwi! Ano 'yon, nakatulog agad siya ng ganoon?

"Baka naman hindi lang siya ganoong tao, yung nag u-update. Kasi sabi mo nga, first girlfriend ka niya 'di ba? Baka pareho kayong nangangapa pa." Seryosong sabi ni Kendall, may matino din palang lumalabas sa bibig nito.

Medyo gumaan ang loob ko sa mga sinasabi nila pero hindi pa rin maalis sa'kin ang lungkot. Pero.. baka nga tama sila, baka nangangapa pa kaming dalawa.

"Should I say something din?" bored na tanong ni Mads. Binato ko siya ng unan at doon na nagsimula ang pillow fight namin.

Nang mapagod ay nagpasya kaming matulog na. Si Grace at Mads ay nakatulog na sa couch, si Iris naman ay nililigpit ang mga kalat. Si Kendall nakatutok sa phone niya at inaantok na rin, si Adel ay tumutuong kay Iris. Ako, nakaupo lang ako at tinitignan parin ang phone ko.

"Let's sleep na, tama na yan Iris, si manang na ang magliligpit nyan mamaya. We should rest na.." ani Adel.

Tamad akong tumayo at nagtungo sa isa sa mga guestroom nila, papasok na ko nang magsalita si Kendall. Hilong-hilo na ko, gusto ko na humiga!

"You know what, why don't you send him your picture? Guy loves it when you spoil them your pictures. Based on experience, by the way." Kendall said and wink at me.

Inirapan ko ito at pumasok na sa kwarto, ni-lock ko agad ang pinto dahil ayokong may katabi ngayon. Hindi na 'ko naligo o naghilamos man lang, hindi na kaya ng katawan ko at hilong-hilo na 'ko!

While laying on the comfy bed, Kendall's words flashed again. Hindi naman siguro masamang mag-try 'di ba? Tsaka baka tulog na 'yon, I'll remove the pic nalang kapag hindi siya nag seen within five minutes.

I took out my phone and send him my picture, kuha nila sa'kin 'yon kanina, naka-lingerie pa 'ko.

Wala pang ilang segundo ay nag-seen ito, I didn't expect it! Akala ko tulog na siya kaya malakas ang loob kong magsend ng sexy picture. Oh my God!

Ilang sandali pa ay bigla itong tumawag, I panicked a bit. Hindi ko sinagot ang unang tawag, nang mag-ring ulit ay doon ko lang sinagot ito.

"Hey.. did I wake you up?" tanong ko.

It feels awkward! Ano nalang ang iisipin niya? Bakit ba kasi sinunod ko ang advice ni Kendall, alam ko namang hindi matino magbigay ng advice ang isang yon, panay kagaguhan!

"I can't sleep. Did you enjoy the party?" he huskily said, why does his voice sounds seductive? Oh my God, brain! Mag function ka naman ng maayos.

"Yeah, kakatapos lang namin. It was fun.." the first part was fun, the last part, I don't know. I think I'm gonna cry.

Huminga ako ng malalim para maibsan ang bigat na nararamdaman ko. My heart feels so heavy, hindi ko alam kung bakit. Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako, e, wala naman siyang ginawa? Hell! 'Yun na nga, wala siyang ginawa. I want an update, ang needy ko na ba no'n? Bakit parang ang selfish ko naman sa part na 'yon, I don't even know his reasons.

"What's with the sigh, baby? Are you tired? Do you want to rest?" bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Gosh, why so childish, Treia? You are being immature, you should understand him! Bakit kailangan pang umiyak?

"I want an update, you didn't even message me when you got home." I bit my lower lip to stop myself from speaking.

Tumulo na rin ang luha ko at panay na hikbi ang binibigkas ko. I heard him utter curses on the other line.

"I'm sorry, I thought you don't like clingy boyfriend. I want you to enjoy your night out so I tried my best not to disturb you. Sorry, I should've update you. Are you crying? I'm sorry, baby.." his voice gives me comfort at mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita, panay lang ang iyak ko. I covered myself with comforter at ayon ang pinangpupunas ko sa mga luha ko. Ilang minuto rin kaming natahimik, wala ni isang nagsalita. Tanging tunog lang ng aircon at ng hikbi ko ang maririnig.

"I badly want to see you.." aniya.

Napaahon ako dahil sa sinabi niya. He seems serious, kinabahan tuloy ako dahil baka mamaya bumiyahe pa siya papunta dito, for Pete's sake, madaling araw na!

"It's almost three am, ang sabi ni Adel bawal daw magpapunta ng lalaki dito but.. I can sneak out"

What the hell, Treia? Bakit parang uhaw na uhaw ka sakaniya? Ang sabi ng mga kaibigan mo 'di ba, huwag daw ipahahalata na inlove na inlove ka sakaniya? Bakit kabaligtaran ang ginagawa mo?

"Let's do video call then.." sambit nito at in-end agad ang call.

I panicked! Ang laswa ng suot ko, hindi ako naligo o naghilamos man lang tapos magvi-video call kami? Oh my God, I'm a mess!

Hindi na 'ko nakapag-ayos, pinunasan ko nalang ang mga luha ko, tumawag agad siya kaya wala na 'kong nagawa. Hindi ko na rin na-on ang ilaw dahil nahihilo na 'ko kaya ang lampshade sa gilid ng kama nalang ang binuhay ko. Binalot ko rin ng comforter ang katawan ko hanggang bibig 'yon kaya mata at ilong lang ang kita sa'kin, medyo madilim dahil lampshade lang naman ang nagbibigay liwanag pero kita pa rin naman ako.

Laptop ang gamit niya sa pagtawag samantalang phone lang ang akin. He's not wearing anything on top kaya kitang kita ang kabuuan ng upper body nito. He looks hot and the liquor inside me isn't helping, todo naman ang aircon pero bakit biglang uminit.

"Hindi ka ba giniginaw? Magdamit ka nga!" reklamo ko.

I heard him chuckled, napanguso tuloy ako. Pinipigilan ang ngiti dahil sa pagtawa niya. He's cute, how can a man like him be hot and cute all at once?

"You send me your sexy picture, you should expect that the moment you hit the send button," malokong sambit nito.

Inirapan ko nalang siya, halata pa rin ang mugto sa mata ko. Sana ay hindi niya mapansin, buti at madilim.

"My baby cried, I deserve a punishment. What do you want me to do?" sambit nito.

Bakit parang tuwang tuwa pa siya at gusto niya pang parusahan ko siya? Honestly, wala naman siyang kasalanan. I understand his reasons and I appreciate his efforts..

"Kantahan mo 'ko hanggang sa makatulog ako." I said and smiled widely, alam ko kasing hindi niya gagawin dahil hindi ko naman alam kung maganda ba ang boses niya. I saw him dancing and I can say that he's not a bad dancer, he's not good either. Sakto lang.

"Alright.." he huskily said.

Nagulat pa 'ko dahil pumayag siya, kalaunan ay nanahimik nalang ako at hinintay siyang kumanta. He started singing, his voice is too gentle, I didn't know he is this great at singing! Can't Help Falling In Love ang kinanta nito at para akong hinehele sa bawat salitang binibigkas niya. Wala na akong nagawa, unti-unti na 'kong nilamon ng antok.

"For I can't help.. falling in love with you.."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status