Share

Kabanata 20.1 - Party

Dalawang araw nalang bago mag pasko at may pa-party ngayon si Kendall sa isa sa mga properties nila. Annually kasi siyang nagpapaganap every christmas break at wala dapat siyang balak magpaganap ngayong year dahil gusto niyang mag-bakasyon abroad. Kaso pinilit raw siya ng iba niyang kaibigan kaya napilitan si gaga.

Last year ay nag rent siyang isang buong bar, ngayon naman ay sa isa sa mga bahay lang nila dahil hindi siya masyadong nakapaghanda.

"Put it there, Kuya! Be careful, baka mabasag!" stressed na sambit nito.

Tuwing may mga ganitong party ay hands on talaga siya, gusto niya palaging maganda ang kalalabasan. Gusto man naming tumulong ay alam kong kaya niya na, kung ano kasi ang gusto niyang mangyari ay ayon talaga ang susundin niya. Hindi naman namin ma-visualize ang gusto nito kaya hinayaan nalang namin siya.

"Where would I put this?" tanong ko at itinaas ang isang box na hawak.

Napagkasunduan kasi naming mag exchange gift ngayon, lagi naming ginagawa 'yon at naisipan namin na isabay nalang ang christmas party naming magkakaibigan sa pa-party niya para hindi hassle.

"Yung mga gifts natin ilagay niyo nalang sa kwarto ko, doon nalang tayo magbukasan ng regalo mamaya," aniya at iniwan na kami para lumabas sa pool area nila.

Kukuin ko na sana ang mga regalo nila ngunit sinamaan ako ng tingin ng mga ito. Yakap na yakap sa mga dala nila at ayaw ibigay sa'kin.

"Baka makita mo kung sino ang nabunot ko, 'wag na!" parang batang sambit ni Adel bago umakyat ng hagdan.

Sinundan ko nalang sila hanggang sa makarating kami sa harap ng kwarto ni Kendall, alam kong kwarto niya ito dahil ito lang ang may bukod tanging 'restricted area' sign. Nilagay namin isa isa ang mga regalo sa maliit na couch sa gilid. Tumambay rin muna kami doon dahil nag-aayos palang sa baba. Maaga kaming pinapunta ni Kendall para may kasama siya sa pag-welcome ng mga bisita.

Ano kami, palamuti?

Unti-unti ng lumalim ang gabi, dumarami na rin ang mga bisita kaya nagpasya kaming lumabas na. May ilan kaming kakilala kaya panay ang tigil namin para batiin ang mga ito.

May natanaw ako hindi kalayuan sa'min, nasa pool area na ito at may hawak na red cup, nagmamasid lang. Iniwan ko ang mga kaibigan ko para puntahan siya.

"Oliver!" sigaw ko rito.

Tumakbo ako palapit sakaniya para mayakap siya. Huling kita namin ay noong bridal shower pa ni Ate. Medyo matagal na rin, na-miss ko ang presensya niya!

"Sabi na nga ba't nandito ka." aniya nang kumalas ako sa pagkakayakap.

"Ikaw, why are you here?" tanong ko rito.

Inabot niya sa'kin ang cup na hawak niya at ininom ko agad 'yon. Juice lang pala! Akala ko naman alak na.

"Sinama lang ako nung kaibigan ko, oh.. there she is.."

Sabay naming nilingon ang babaeng paparating. Maganda ito, morena, mahaba at tuwid na tuwid ang itim na buhok. Para siyang modelo, ang ganda niya!

"Hi, Treia right?" masiglang bati nito at hinalikan agad ako sa pisngi at niyakap na ikinagulat ko.

Hinampas naman sya ni Oly dahil sa biglaang pagyakap nito.

"Feeling close ka, teh?" sarkastikong sambit ni Oly. Tumawa lang ang babae.

Nagpakilala siya bilang Nori. Grabe ang mga papuring natamo ko rito, pati ang suot ko ay hindi niya pinalagpas! Ang sabi niya ay nakilala niya raw ako dahil kay Isaiah. Isa siya sa nakakita nung I* story nito.

"Crush na crush ko 'yon si Nikolai but don't get me wrong, ha? Hindi ako isa doon sa mga nang-babash sayo. I actually admire you, ang ganda ganda mo at ang genuine mo pa, kaya siguro na-inlove sayo si Nikolai. You two are dating, right?" aniya.

Ang daldal niya, jusko! Mabuti nalang at mahaba ang pasensya ko, si Oly naman ay mukhang nahihiya na.

"Uh.. we're not dating. We're not even friends!" sagot ko at natawa pa ng bahagya para naman hindi awkward.

Nagulat naman si Nori sa sinabi ko, tila hindi makapaniwala. May kung anong binulong sakaniya si Oly kaya nanahimik na ito. Nagpaalam na rin ako sakanila para hanapin ang mga kaibigan ko, patuloy na nadadagdagan ang mga tao, feeling ko mapupuno namin ang bahay na 'to!

"Hoy, Treia!"

Napalingon ako sa kung sino ang tumawag, si Almario lang pala. Patungo ito sa'kin kaya sa ibang direksyon ako nagtungo na sana pala ay hindi ko nalang ginawa dahil seryosong mukha ni Isaiah ang sumalubong sa'kin. Nakapwesto sila sa kabilang parte ng pool kasama sila Mateo. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin habang pinaglalaruan sa kamay ang hawak niyang red cup. Natigilan ako dahil doon, mabuti nalang at hinawakan ako ni Almario sa braso.

"Tatakasan mo pa 'ko, ah! May regalo kaya ako sayo," aniya.

Hindi ko ito nilingon at nanatili lang akong nakatingin kay Isaiah na seryosong nakatingin sa'min ngayon. Nagtatakang binalingan ni Rio ang tinitingnan ko at nang makitang si Isaiah 'yon ay agad siyang napakapit sa bewang ko para igiya ako paalis roon.

I should thank him for doing that. Hindi ko na alam kung saan kami patungo basta nakasunod lang ako sakaniya. Nang tumigil siya sa paglalakad ay doon ko lang inangat ang tingin ko. Nasa kitchen kami, walang tao rito dahil lahat ay nagsasaya na sa labas. Inalis ko ang kamay niya sa aking bewang at maingat na hinarap ito.

"Kaya ko na, salamat.." pagod na sambit ko.

Natulala sa akin si Rio, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Sa totoo lang, komportable na 'kong kasama siya. Hindi na 'ko masyadong naiirita sa presensya nito. Sa mga nagdaang araw, may kakaiba siyang pinaparamdam sa akin. Hindi naman ako ganon ka-manhid para hindi maintindihan ang ipinapahiwatig niya. At yung katotohanang ayos lang sakaniya na gamitin ko siya para layuan ako ni Isaiah, sinong nasa matinong kaisipan ang makakaisip no'n? Hindi ba?

I glance at him for the last time before walking away. Hinanap ko ang mga kaibigan ko, mabuti nalang at narito sila sa loob dahil kung nasa labas sila ay sigurado akong magkikita na naman kami ni Isaiah na siyang ayaw kong mangyari.

"Anong mukha 'yan, sis?" kuryosong tanong ni Grace nang makarating ako sa isang mahabang couch na inuupuan nila.

Nag-uumpisa na silang mag-inom pero hindi naman hard ang iniinom ng mga ito, ayaw din yatang malasing.

"Magandang mukha," bored na sambit ko bago umupo sa tabi nila.

Hindi na nila ulit ako pinansin pagtapos no'n, tahimik lang akong nakaupo, malalim ang iniisip.

Hindi ko alam kung saan nagsimula o paano, basta bigla ko nalamg naramdaman 'to. Kahit pa ilang beses kong i-deny sa ibang tao, sa sarili ko alam na alam kong may nararamdaman na 'ko sakaniya. Bakit ba 'ko nagtatago? Bakit ba 'ko umiiwas?

Kasi masakit, alam kong sa huli ako lang ang masasaktan kaya hangga't maaga pa, tatapusin ko na. Hindi ko na hahayaang mas lumalim pa yung nararamdaman niya sa'kin kasi yung akin? Wala na 'kong magagawa dito, lubog na lubog na 'to. Hindi na kayang umangat nito. Kaya imbes na ako, siya nalang.

Isinandal ko ang ulo ko sa couch at bumuntong hininga.

"Treia, nakaka-pitong buntong hininga ka na magmula nung umupo ka rito!" sambit ni Iris.

Hindi ko ito pinansin, unti-unti na ring lumalalim ang gabi at unti-unti nang nagsisiuwian ang mga bisita ni Kendall. Mula sa malayo ay natanaw ko si Almario kasama si Travis, may dala itong isang paperbag at patungo sila sa'min.

"Sup, sungit," bati ni Travis, inirapan ko lang ito.

Umupo ito sa kabilang couch, si Almario naman ay umupo sa gilid ko. Close na rin kasi sila sa mga kaibigan ko, lalo na 'tong si Rio dahil gustong gusto nila ang mga kuha nito. Napag-alaman ko ngang photographer talaga siya at nagtatrabaho siya sa company ng kuya niya, working student kumbaga.

"I told you, I have a gift for you," aniya at ibinalandra sa mukha ko ang black paperbag na hawak niya.

Napatingin naman sa'min ang mga kaibigan ko, kita sa mga mukha nito ang makahulugang mga tingin. Lahat nalang ay binibigyan nila ng meaning!

"Madaya, bakit kami walang gift?" ani Adel na sinundan ng iba.

Sabay sabay silang nagsasalita ngayon, ni hindi ko na alam kung sinong pakikinggan ko.

"Kinulang sa budget, next time nalang kayo," tugon ni Rio na sinundan ng tawa.

Kinuha ko na ang paperbag at binuksan 'yon. Isang malaking black box ang bumungad sa'kin, mas malaki pa yata 'to sa kahon ng sapatos, may ribbon din na itim 'yon. Binuksan ko 'yon at may isa na namang box na bumungad sa'kin, itim rin. Napatingin ako kay Rio na hindi maalis ang ngiti ngayon, anong trip nito? Binuksan ko ulit ang box at may box na namang bumungad sa'kin, paliit ng paliit ang mga box, nang-iinis yata 'to, e!

"Trippings ka, gago!" sambit ko rito dahil sa dami ng box. May mga wrapper pa ang mga ito kaya mahirap buksan.

Pati ang mga kaibigan ko ay natatawa na rin sa nangyayari. Lakas ng trip ni gago, box lang yata ang regalo nito, e!

"Ayan na, last na talaga 'yan, buksan mo na dali!" excited na sambit nito.

Naka-anim na box yata siya, ang effort sa pagbabalot ha! Pinapahirapan niya lang ako, e!

Binuksan ko na ang huling box, ayon sakaniya, at bumungad sa akin ang isang photo album. Naka-sealed pa 'yon sa plastic kaya tinanggal ko ito.

"Nasabi ni Kuya sa'kin na mahilig ka rin daw sa photography kaya naisipan kong bigyan ka ng photo album, you can put the photos you captured there. Para once na gusto mong balikan ang mga ala-alang 'yon, you can just simply stare at the pictures," aniya.

This time, ibang Almario ang nakikita ko. Napangiti ako sa sinabi niya. I hugged him na halatang ikinagulat niya. Sandali lang naman 'yon pero hindi pa rin yata siya nakakabawi.

"Thank you, Rio!" masiglang sambit ko rito habang binubuksan ang photo album.

Kung tutuusin, simple lang ang regalo niya pero may meaning, e. And the fact that he think about giving me a gift, it is the thought that counts nga talaga.

Sa unang pahina ay nakalagay na roon ang tatlo kong picture, kuha 'yon sa beach kung saan kinasal sila Ate. Ayon yung candid photo habang nakatanaw ako sa mga kaibigan ko at nakangiti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status