Share

Kabanata 20.2 - Gifts

"Gusto ko na rin mag-bukas ng regalo!" sigaw ni Iris habang nakatanaw sa regalong natanggap ko. Nginitian ko lamang sila habang ibinabalik ang regalo sa paperbag kanina.

"Oo nga, magbukasan na tayong gifts. I'll call Kendall muna," si Mads na tumayo agad at nagtungo sa labas.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila kaya umakyat na kaming magkakaibigan sa kwarto nito, hindi na sumama ang dalawang excess baggage dahil ayaw daw nilang makaistorbo.

"Oh, sinong mauuna?" tanong ni Grace na kapit na kapit sa regalo niya.

Nag presintang mauna si Kendall, inilabas nito mula sa isang cabinet ang paperbag at dahan dahang inabot yon kay Iris.

"OMG, sana hindi sex toys 'to ha?" aniya kaya nagtawanan kami.

Noong nakaraan kasi, sex toys ang regalo ni Kendall. 'Yun siguro ang pinaka worst na exchange gift namin so far.

Sabay sabay naming inabangan ang regalo ni Ken sakaniya, halos maiyak na si Iris nang makita ang regalo. Tatlong klase ng apron 'yon at may nakaburdang 'Chef Iris' sa mga ito.

"Pina-customized ko pa 'yan, bruha ka!" aniya at nagtawanan lang kami.

Sunod naman ay si Iris, binigay niya ang gift na hawak niya kay Grace. Maliit na box yon kaya na-curious siya kung ano ito.

"Girl ano 'to?" natatawang sambit nito bago binuksan ang regalo.

Locket 'yon na may litrato naming anim, gaya ni Iris ay muntik na rin maiyak si Grace dahil sa explanation kung bakit 'yun ang binigay sakaniya.

"Always wear that, okay? Para kapag malungkot ka, tingin ka lang dyan at nang maalala mong palagi lang kaming nandito para sayo," ani Iris.

Ibinigay naman ni Grace ang gift na hawak niya kay Adel, parihabang box yon. Akala ko noong una ay kwintas rin kaso medyo mataba ang box, masyadong malaki kung kwintas lang ang laman kaya pati ako ay na-curious.

"Oh my God! Ang ganda!!" emosyonal na sambit ni Adel.

"Alam kong hindi mo pa nasasabi sakanila pero girls, nagwowork si Adel sa isang bar, nakanta siya roon. Hindi ko alam kung kailan pa pero nakita ko siya one time kaya naisipan kong 'yan ang iregalo sayo," paliwanag ni Grace.

Nagulat kaming lahat sa revelation na 'yon, hindi naman nagulat si Adel sa sinabi ni Grace. Hinarap niya kami habang nagpupunas pa ng luha.

"Sorry guys, hindi ko nasabi agad. Biglaan lang kasi talaga 'yon at masyado tayong abala nitong mga nakaraan kaya hindi ako nakahanap ng tiyempo para sabihin. Pero thank you dito sa mic, Grace! Ito na ang gagamitin ko tuwing may gig ako," aniya.

Mic ang regalo sakaniya ni Grace, kulay pink ito dahil ayon ang paboritong kulay ni Adel at sa hawakan nito ay naka-customized ang mga pirma namin. Kaya pala hiningian niya kami ng pirma noong nakaraan!

Sunod naman na ibinigay ni Adel ang gift niya kay Mads. Medyo emosyonal na kami pero itong si Madison ay parang wala lang, manhid talaga ang isang 'to.

"Tadaa! My gift for you is vlogging camera kasi I know how much you love adventure so why don't you capture it 'di ba? Make memories out of it! Para kapag na-miss mo ay babalik-balikan mo nalang," paliwanag ni Adel.

Napangiti ako dahil doon, naalala ko ang regalo sa'kin ni Rio. I should give him a gift, too.

Walang kwentang inabot sa'kin ni Mads ang isang box, binuksan ko agad 'yon gaya ng ginawa nila. Halos maiyak ako nang makita ang isang clapperboard, nakaukit doon ang mga salitang 'Goodluck, Future Director'.

"Oh, 'wag ka munang umiyak, kulang pa 'yan! Ipapadala ko nalang sainyo yung director's chair," aniya.

Napabuntong hininga ako at hinarap sila.

"Alam niyo namang hindi ko magagamit 'yon 'di ba?" mapait na sambit ko.

Napabuntong hininga rin sila. Mas lalo yata kaming naging emosyonal ngayon. Nakakainis!

"You should take the path you really want. No one's dictating to you, Treia. Kahit sila Tita, alam nilang hindi mo gusto ang career na tinatahak mo ngayon pero ikaw mismo ang nagpumilit," si Kendall.

"Kasi 'yun yung tama.." tanging nasabi ko.

Kalaunan ay naging ayos na rin kami, ibinigay ko na rin ang gift ko kay Kendall. Designer bag 'yon dahil alam kong mahilig siya sa mga bag at special ang regalo kong 'yon sakaniya dahil pina-customized ko pa 'yon, pinalagyan ko ng pangalan niya.

"This is one of their limited edition bag!" manghang sambit habang sinusuri ang bag.

"Girl, ang hassle pa maghanap ng ganyan! Pinag-hirapan ko talagang hanapin 'yan, hoy!" sabi ko pa rito.

Nagtawanan lang kami at isa-isang nagkwento kung bakit 'yon ang mga niregalo namin. So far, itong year na 'to yung may pinakamatinong gifts na natanggap namin. Noong mga nakaraan kasi panay kalokohan. Ang regalo ko may Mads noon ay isang dinner date, oo sis lalaki ang gift ko sakaniya. Galit na galit si gaga.

Nagpasya kaming lumabas na at makihalo sa mga bisita, nag-worry na din si Ken dahil medyo matagal kaming nawala. Buti nalang at ibinilin niya kay Travis ang mga bisita, I don't know what's with them pero mukhang ayos naman si Kendall.

Nakaupo ulit kami sa couch na inupuan namin kanina. Ni hindi man lang nila ako inaabutan ng alak! Bawal daw akong malasing dahil ibinilin ako ni Ate sakanila, aalis pa kami bukas, e. Magpupunta kami bukas sa bahay nila ni Kuya Froi, gift ni Kuya sakaniya. Ang swerte 'di ba. Doon din namin sasalubungin ang pasko at bagong taon kasama ang family nila kuya.

Bumusangot ang mukha ko at kinuha ang red cup na hawak ni Adel bago tinungga 'yon. Langya, juice na naman!

"Wala bang alak dyan? Bakit puro juice ang naiinom ko, peste!" singhal ko.

Ibinaba ko ang cup at nagtungo sa kitchen nila Ken. Alam kong dito nilagay kanina ang mga alak, e. Binuksan ko ang isang aparador at bumungad sa'kin ang iba't ibang klase ng alak. Kinuha ko yung Black Label, hindi ko na hinintay na makapunta sa mga kaibigan ko, binuksan ko na ito at tinungga 'yon. Mainit sa lalamunan kaya tumigil ako ng bahagya.

Hindi naman ako mabilis malasing, mataas ang alcohol tolerance ko at sa talang buhay ko, never pa 'ko nalasing ng bongga. Tipsy, pwede pa pero yung hindi mo na maaalala mga ginawa mo noong nalasing ka? Hindi pa nangyayari sa'kin 'yon.

Palabas ako ng kitchen nang sumalubong sa'kin si Isaiah, matalim ang mga tingin nito na animo'y may nagawa akong kasalanan sakaniya.

"Shit!" gulat na sambit ko, bahagyang napahawak pa sa dibdib dahil sa bilis ng tibok nito.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita simula kanina. Akala ko'y abala na siya sa mga babaeng kasama nila, e.

Napatingin siya sa hawak kong alak bago sa akin. Napalunok na lamang ako sa sobrang seryoso ng mukha niya, galit ba siya? Bakit naman siya magagalit, ha? Wala kaya siyang karapatan!

"Tabi! Dadaan ako," malamig kong tugon rito.

Hindi siya natinag, nanatili siyang nakaharang sa daraanan ko.

"You are ignoring me," he said in a matter of fact.

Umayos ako sa pagkakatayo at pinantayan ang mga tingin niya.

"Ano ngayon kung oo? Alam mo naman palang iniiwasan kita, bakit lapit ka pa rin ng lapit? Just leave me alone, okay?" inis na sabi ko rito.

Umigting ang panga nito, wala akong ibang makitang ekspresyon sa mukha niya kundi galit at pighati. Nasasaktan siya..

"That's bullshit, Treia.. After everything you've confessed that night, you even fucking kissed me! Now, you are expecting me to leave you? Damn baby.. I will fucking chase you!" he groaned. He looks frustrated now.

Dahil sa gulat ay hindi ako nakaimik pa. Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko to the point that it hurts already. Hindi ko na masabayan ang paghinga ko, feeling ko aatakihin ako.

"Don't make this hard for me.." mapait na tugon ko, 'yun lang ang tanging nasabi ko.

I am near defeat, I know.. Pero hindi ko hahayaang lamunin ng emosyon ko. Utak ang dapat pairalin ngayon, hindi puso.

Pero.. paano kung iisa lamang ang sinisigaw nito?

Humakbang siya palapit sa'kin kaya napaatras ako. Please, don't go near me. I don't want him to hear how my heart beats so loudly when he's around.

"Then don't make this hard for the both of us, too.." he whispered with so much pain.

I bit my lip when I felt his hand gently caressing my face. Nanghihina na 'ko, nanginginig na ang mga kamay ko. Naramdaman niya siguro yon kaya kinuha niya ang bote ng alak sa kamay ko at ipinatong yon sa countertop before holding my waist using his other hand.

"If you can't fight for us, then I will.. Just don't ignore me again, I hate seeing you with other guys. That would be the death of me, baby.." he whispered.

Slowly, I hugged him. Ramdam ko ang pagkagulat niya ngunit nakabawi rin agad. Tinugunan niya ang yakap ko, mas hinigpitan pa 'yon. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko kaya ibinaon ko ito sa leeg niya. I can smell his perfume, ang bango niya.

"I hate seeing you with other girls, too.." bulong ko, sapat na para marinig niya.

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. He gently caressing my hair, tila sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay. It gives me comfort.

"Really, Treia? Tell me you're drunk tonight," malokong sambit nito.

Hinampas ko siya ng mahina sa likod dahilan ng pagtawa na naman niya. I can almost feel his heartbeats now, o baka tibok ng puso ko ang nararamdaman ko? Ewan.

"I'm not drunk, parang hindi nga nabawasan yung iniinom ko, e." tugon ko.

Sandali kaming natahimik, ganoon pa rin ang pwesto. Parang ayokong matapos ang gabi, sana 'wag na matapos ang gabi. Dahil natatakot ako sa mga mangyayari kinabukasan, baka mag-iba na naman ang takbo ng utak ko at iwasan na naman siya. Pabago-bago.

"So my baby isn't drunk. Wala ka ng mairarason sa'kin bukas.." he chuckled.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Naalala ko na naman 'yung gabing hinalikan ko siya, ang sabi ko lasing lang ako kaya ko nagawa 'yon. Nakakahiya!

He loosen his grip, kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin para iharap ako sakaniya ngunit mas lalo kong ibinaon ang ulo ko sa leeg niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.

Ramdam ko na naman ang pagtawa nito. Is he making fun of me?

"My girl wants to cuddle," he said in a matter of fact.

Bumusangot ako at hinampas siyang muli bago ito hinarap. I pouted because he's obviously making fun of the situation. I just want to hug him, ayaw niya ba 'kong i-hug?

"Come on, your friends are looking for you.." aniya at bahagyang hahawakan pa ang kamay ko.

Iniwasan ko ito kaya mas lalo siyang natawa. I pouted and crossed my arms para hindi niya mahawakan ang kamay ko. He is using my weaknesses as his advantage! Madaya.

"Oh please.. don't make that face," frustrated na sambit nito.

Hinarap ko siya, nakanguso pa rin at tila naiinis sakaniya.

"Make what—"

He kissed me!

Smack lang 'yon at hindi man lang ako prepared! Ni hindi ako nakabawi sa halik niya, madaya talaga! Bakit ba siya nambibigla?

"That face.. it makes me wanna kiss you," aniya.

Pakiramdam ko'y sing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hinampas ko ito ng mahina sa dibdib.

"Magnanakaw ka ng halik!" inis na sambit ko rito pero ang totoo'y kinikilig ako.

Nagsimula na 'kong maglakad paalis doon, baka hindi ko na kayanin kapag nagtagal pa 'ko roon.

"Magnanakaw ka ng puso!" aniya na kalaunan ay sumunod na rin sa'kin.

Napangiti ako ng mapait. Felt defeated.

Paano kung ang puso at utak ko ay nagkasundo sa iisang desisyon?

Paano na 'ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status