Share

Kabanata 19. 1 - Jet Ski

Hapon na nang mapag-pasyahan nilang maghanda na para mamaya. I'm wearing a gray two piece knotted bikini. Naka messy bun ang buhok ko and I'm done putting sunblock lotion all over my body.

"Did you see my sarong?" tanong ko kay Iris.

Tumigil siya saglit sa pag-aayos ng swimsuit niya at binalingan ako.

"Nakita ko kanina sa bathroom, naiwan mo yata roon," aniya.

Nagtungo ako sa bathroom para kunin 'yon. I wrapped it on my waist, tinatakpan ang pambaba ko. Nakikita naman ang isa kong legs tuwing naglalakad and I like it.

Nang matapos kami sa pag-aayos ay nagpasya na kaming magtungo sa labas. I wear my sunglasses dahil medyo may araw pa and it also completed my look. Naglalakad kami papunta kila Ate na naglalaro ngayon ng volleyball, naka assemble na ang net doon at nagsisimula na rin silang maglaro. Nandoon pala yung Hershey, akala ko naman umuwi na siya.

"Volleyball?" tanong ni Ate Cora, sumenyas pa ito sa amin.

Umiling ako bilang sagot, abala na kasi sa pagpili ng jet ski ang mga kaibigan ko. Tinanggal ko ang sunglasses ko.

"Magje-jet ski muna kami," sambit ko.

May mga nakalatag din na surfing board doon, mukhang mas gusto kong ayon muna ang pagkaabalahan bago ang jet ski, ah? Matagal tagal na rin kasi magmula nang mag surfing ako.

Humiwalay ako sa mga kaibigan ko para lapitan ang mga surfing board. Sinuri ko ang mga ito para mamaya ay kukuhain ko nalang. Balak ko talaga mag surf pagkatapos mag jet ski.

"Do you want to surf?" tanong ni Isaiah na nasa likuran ko na pala.

Nagulat ako dahil doon, I didn't expect him to come near me dahil sa nangyari kanina. I've been ignoring him, hindi niya ba maramdaman 'yon?

Hindi ko ito nilingon, mabuti nalang at may tumawag kaagad sa'kin. I'm saved!

"Treia, let's go!" sigaw ni Rio na nakasakay na sa jet ski.

I glance at Isaiah once bago naglakad papunta kay Rio. I saw him smirking kaya inirapan ko ito. Nagsisimula na ang mga kaibigan ko at kami nalang ni Rio ang hinihintay nila. Balak kasi nilang magpaunahan kami, sounds fun!

Si Kendall at Travis ang magkasama sa iisang jet ski. Si Mads at Grace doon sa isa at si Iris at Adel naman sa isa. Inalalayan ako ni Rio pasakay sa jet ski, ako nga pala ang magda-drive nito at angkas lang siya para daw quits na kami. Parang tanga talaga.

Rinig ko ang sigawan nila Ate kaya nilingon namin 'yon. They are all standing while watching us.

"Sweet niyo naman, Rio! Lovebirds!" pang-aasar ni Kuya Isagani na naka-form pa ng heart ang kamay bago umakbay sa kapatid niya at may binulong pa rito. Hindi naman umimik si Isaiah at walang emosyon kaming tiningnan. Nang magtama ang tingin namin ay agad akong umiwas.

Nagsimula na kaming magkarera, ang mga red flag ang palatandaan namin. Paunahan lang kaming makapunta roon at makabalik sa tabing dagat. Medyo malayo 'yon ngunit tanaw pa rin naman mula sa kinatatayuan nila Ate.

"Careful!" paalala nito.

Dahil gusto kong manalo ay binilisan ko ang patakbo, Rio who is behind me is uttering different curses. Napahawak na rin siya sa bewang ko dahil sa sobrang bilis ng patakbo ko.

"Namura mo na yata lahat ng mura, Almario!" pang-aasar ko rito at natawa pa.

Sobrang higpit ng kapit niya sa'kin, hindi ko alam kung natatakot ba talaga siyang mahulog o nana-nanching lang siya, e.

"Bagalan mo kasi, pucha! Sayo yata ako mamamatay!" sigaw nito dahil maingay ang makina, kailangan pang sumigaw para magka-intindihan kami.

Natawa naman ako sa reaction niya, hindi ko na mapigilan ang pagtawa. Kami ang nangunguna ngayon, nang paliko na ay mas lalong napakapit sa'kin si Rio, akala niya siguro babagsak kami. Duh, kontrolado ko pa!

Natanaw ko naman sa gilid ko si Travis na angkas si Kendall, nakatingin ito sa'kin at mukhang bothered, panay ang hampas sakaniya ni Ken. Panay rin ang sigaw nito sa kasama na bilisan niya, kailangan daw nilang manalo.

Ngumisi ako dahil seryoso ang mukha ni Travis ngayon, mukhang gusto yata talaga nila manalo. Well, hindi naman yata pwede 'yon. Pinagbigyan ko na sila sa chicken fight, this time ay kami naman.

Binilisan ko na lalo at naramdaman ko rin ang mahigpit na yakap sa akin ni Rio. Binaon pa nito ang ulo niya sa balikat ko kaya lalo akong natawa.

"This will gonna be a joy ride!" sigaw ko at pinabilis pa ang andar.

Tanaw ko na sila Ate na nag-aabang sa kung sino ang mananalo sa amin. Napapasigaw at napapatalon ang mga ito. Sinulyapan ko sila Travis na nasa likuran na namin at mukhang dehado na talaga. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagtawa ko lalo na nung kami nga ang naunang makarating sa tabing dagat. Sa sobrang tuwa ay napayakap pa 'ko kay Almario na ikinagulat niya.

"We won!" sigaw ko rito.

Mula sa pagkagulat ay unti-unting nag-form ang ngiti sa labi nito, genuine smile. Napangiti rin ako at naramdamang hawak niya pa rin ang bewang ko.

"Madaya ka bruha," sigaw ni Kendall na nakababa na sa jet ski nila.

Nakababa na rin kami, mabuti nalang at bumitaw na si Rio. Tinatanaw ko naman sila Mads na parating palang, kita ang pagkadehado sa mga mukha nito. Lalo akong natawa sa reaction nila.

"Oh, sinong lalaban sa'min dyan?" mayabang na tanong ni Almario sakanila.

Sinuntok ko ito ng mahina sa braso bago binalingan ng tingin sila Ate. Mukhang hindi natutuwa si Ate. Worried ang mukha nito nang tingnan niya 'ko bago tumingin kay Isaiah. Nakatingin din ito sa'kin at mukhang malungkot siya, ilang minuto rin kaming nagtinginan bago siya umiwas at naglakad patungo sa mesang inihanda nila kung saan nakalagay ang mga pagkain. Nakita ko rin na nag-iihaw sila Kuya Grae doon.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Si Laureen, tatalunin niya raw kayo sabi niya kanina!" sambit ni Kuya Isagani na sinundan ng tawa.

Unprepared, Ate Laureen looks shocked nang banggitin ni Kuya Isagani ang pangalan niya. Ilang sandali pa ay nagbago ang reaction nito at matalim na tiningan si Kuya Isagani.

"You're such a liar! Wala akong sinasabing ganoon, duh?" iritableng sambit nito at ibinalik ang atensyon sa phone niya, mukhang may kausap siya.

"Come on, babe. Magpapatalo ka ba sa mga bata? Show them what you've got!" sambit pa ni Kuya Isagani na mas ikinagulat ni Ate Laureen, maging nila Ate.

Namumula na ang mukha ni Ate Laureen, hindi sa galit kundi sa kilig, I know. Hindi niya na namalayang nahulog niya na pala ang phone niya dahil sa pagkagulat.

"Oo nga, Ate Laureen. Show us what you've got!" ani Kendall at napa-palakpak pa.

Nilapitan siya ni Kuya Isagani, hinawakan sa kamay bago hinila papunta sa isang jet ski, walang kahirap-hirap niyang inangat ito. Hindi pa rin maalis ang pagkagulat sa mukha ni Ate Laureen, hindi pa rin siya nakaka-get over.

Gaya nila ay sumakay na rin ako sa jet ski, paakyat na rin si Rio nang may pumigil rito. Kumunot ang noo ni Rio at binalingan ako, para bang nagtatanong kung anong gagawin niya. Kung hahayaan niya ba ito o hindi.

Sa huli, tinanguan ko si Rio. I also smiled at him to assure him that it was fine. Walang kahirap-hirap naman itong sumakay sa likuran ko.

"Jauregui vs Jauregui round two!" sigaw ni Kuya Morris.

I already started the engine, hinihintay nalang namin ang go signal ni Kuya Froi. Isaiah who is behind me looks uncomfortable, ni hindi siya humahawak sa akin.

Binitawan ko muna ang manibela at hinawakan ang mga kamay nito. Iginiya ko ito patungo sa bewang ko. He's now hugging me from behind, his touch is very gentle and it gives unfamiliar feeling all over my body. I glance at him, bakas ang gulat sa mga mata nito. I smiled to assure him.

Narinig ko na ang go signal ni Kuya Froi kaya nagsimula na ang karera. Ate Laureen who looks shocked kanina ay mukhang nakabawi na. Pinapalo nito ang kamay ni Kuya Isagani na mahigpit na yumayakap sakaniya, bakas ang iritasyon sa mukha nito ngunit may nakikita akong pagkagalak. I can even saw her smiling, pinipigilan niya lang.

Isaiah looks calm now habang nakayakap sa'kin. He lean forward to hug me more tighter, hindi naman ako umapela. Pakiramdam ko ay namumula na 'ko ngayon, lalo pa't naramdaman kong ipinatong niya ang chin niya sa balikat ko. Sobrang lapit na ng mukha niya sa tenga ko. Sobrang higpit na rin ng pagkakayakap niya sa'kin.

I think I'm gonna die, not because of his tight hug but because of this weird feeling I'm feeling the moment he touched me.

"I missed you.." he whispered.

Hinayaan kong ang isang kamay ang kumontrol sa manibela habang ang isa ay nakahawak sa mga kamay niyang nakayakap sa'kin. I'm gently rubbing it. I can feel the cold breeze touching my body but his warmness is giving me comfort.

Taliwas sa lamig na ipinaparamdam ng hangin ang init na nararamdaman ko mula sakaniya. The burning feelings is suffocating me, my heart is beating faster than the usual beat, I think it might explode any minute from now.

But it won't, I won't let my heart meddle with what my mind is telling. I won't let myself be drowned by the thoughts of him. I won't let my guard down..

Tanaw ko na sila Ate na naghihiyawan sa tabing dagat. Kuya Isagani is shouting at our back now, feel defeated. Dinaya raw namin sila, natawa nalang ako. Nang malapit na kami sa tabing dagat ay tinapik ko na ang kamay ni Isaiah, telling him to remove it.

"Masikip, hindi ako makahinga.." palusot ko kaya niluwagan niya ang kapit hanggang sa bumitaw na. Umayos na rin ito ng pagkakaupo, mabuti nalang dahil huminto na rin ako sa tabing dagat. Kita ko agad ang mga makahulugang tingin ng ilan sakanila

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status