Share

Kabanata 18.1 - Breakfast Date

Nagising ako nang may kamay na tumatapik sa binti ko. Inaantok pa 'ko at ang sakit ng ulo ko. Patuloy lang siya sa pagtapik sa binti ko, tinabunan ko naman ng comforter ang mukha ko para hindi ako maistorbo kaso walang epekto.

"The fuck, Iris! I'm sleeping!" sigaw ko at bahagyang sinipa ito. Tumigil siya sandali at pagtapos ay nagsimula na naman sa pagtapik sa akin.

"Bitch, ang kulit... mo," fuck!

"I didn't mean to wake you up but.. your sister told me that any minute from now, your mother will call you out for a breakfast," ani Isaiah.

Tiningnan ko ito, mukhang kagigising niya lang din at mukhang inaantok pa siya. Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Oh my God!

Hindi pa rin nag sisink in sa akin ang lahat. I am inside his room! Inalala ko ang mga ginawa ko kagabi bago ako makatulog. Shit! I kissed him! What the fuck, Chantreia Sage!

"Why am I here?" tanong ko sakaniya. Nilibot ko ang paningin ko sa room niya, did we sleep together? On the same bed?

Did we do that?

"Dinala kita rito, your room is locked and don't worry, we didn't.. sleep together. We didn't.." hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya. Gets ko na ang gusto niyang ipahiwatig. As far as I can remember, naka bikini ako. Paanong nangyaring nakadamit na 'ko ngayon? Don't tell me—

"I called your sister last night, asked her to dress you up. Siya na rin ang nagsabing dito ka na patulugin," sambit niya nang mahalata ang ipinagtataka ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"I should get going.." nagmadali akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto niya na sana pala ay hindi ko nalang ginawa. Kuya Isagani, Morris and Grae is also here, they are all looking at me.

The fuck?

"There she is, the reason why my dear brother stayed up all night sitting here on this damn couch. Good morning, my brother's beloved," bungad ni Kuya Isagani sa akin. Na estatwa ako sa pagbati niya.

Tumingin din ako kila Kuya Grae at napasapo na lamang ang mga ito sa kanilang ulo.

"I heard that Reen and Marco stayed up all night too, in Marco's room last night, have you heard of that.." hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi ni Kuya Grae dahil sinenyasan na 'ko ni Kuya Morris na lumabas na. Kinukuha nila ang atensyon ni Kuya Isagani dahil kung hindi ay kanina pa ko gisang gisa roon. Knowing him, maloko at 'di papatalo. He's just teasing me and hey! I'm pissed!

Habang naglalakad pabalik sa room namin ay nakasunod lang sa akin si Isaiah. It's a bit awkward, I kissed him and confessed my feelings for him! That's really awkward, I guess?

Huminto ako dahilan para tumama ang chest niya sa may likuran ko. Hinarap ko siya, that position is awkward. Parang halos lahat ng magaganap basta't kasama siya ay awkward.

"Hindi mo na 'ko kailangan ihatid, bumalik ka na roon," sambit ko.

"No. Seriously, it's okay," aniya. Nagkibit balikat siya habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng beach short niya.

"Uh.. what happened last night was nothing. I'm drunk and wasted and—"

"That's not just nothing to me, Treia.." seryosong sambit nito. Umigting ang panga niya na tila ba naiinis sa sinasabi ko.

I'm so doomed! I shouldn't said that! Mas lalong hindi ako makakaahon nito. But I have one more ace, if I can't stop myself from drowning. I guess I have to stop him from getting drowned.

But how will I do that?

"You know what, just go!" inis kong sabi bago siya iwang nakatayo roon.

Bumungad sa akin ang nakakalokong mga tingin nang makapasok ako sa villa namin. Hindi ko nalang sila pinansin at dali daling nag-ayos dahil any minute from now ay tatawagin na 'ko nila Mama.

Dumeretso ako sa bathroom para maligo at makapag-ayos na. Ilang minuto akong nanatili muna roon kahit tapos na 'ko, rinig ko na rin ang reklamo ni Iris dahil sobrang tagal ko raw doon. Ang totoo nyan, nag-iisip akong way kung anong gagawin ko para hindi na mahulog ng tuluyan.

Thinking about it now, I realize that I can't do it. I can't get up now that I'm already drowning. What did he do to me? I can't fall in love, I don't want to. Kaya hangga't hindi pa man ganoon kalala ang epekto niya sa'kin, dapat lang na itigil na ito. Kaso, paano?

Kalaunan ay lumabas na rin ako sa bathroom. I'm wearing yellow beach dress, bagay na bagay sa kulay ng balat ko. I took my sunglasses din before leaving our villa. Hanggang ngayon ay wala ni isang umimik sa mga kaibigan ko.

I'm on my way to have a breakfast with my family and Kuya Froi's. Naroon na sila at ako nalang ang hinihintay. Ang mga kaibigan ko naman ay naroon sa kabilang table dahil hindi kami kasya sa iisa. Gusto rin nila ate na sama-sama kaming family mag-breakfast. This is their first day as a married couple.

"What took you so long, Treia?" tanong ni Mama, ni hindi inalintana na narito ang pamilya nila Kuya Froi.

Napatingin ako ay ate at humihingi ng tulong.

"Masyado siyang nalasing kagabi, Ma. Kaya siguro late nagising," aniya. Her reasoning isn't a good reason pero mas okay naman 'yon kaysa sabihin niyang nakatulog ako sa kwarto ni Isaiah!

"I felt bad, ako kasi ang nagpainom dito kay Treia, tita. Panay ang abot ko sakaniya ng alak," dugtong ni Ate Laureen, she glance at me and smiled. I only gave her a smile, too.

Si Travis ay nakangisi lang sa tabi ko habang nakain. Mabuti nalang at hindi na nila ako tinanong. Patuloy silang nag-kwentuhan doon nang tawagin ni Mama sila Isaiah na kararating lang.

"Dito na kayo maupo, hijo," aniya.

Biglang sumimangot ang mukha nung Daddy nila Kuya Froi nang makita si Kuya Isagani sa likod ni Isaiah. Naguguluhan man ay naupo sila sa dalawang bakanteng upuan. Kita agad ang inis sa mukha ni Ate Laureen, ganoon din ang sa akin.

"Pleased to meet you, ma'am," magalang na sagot ni Kuya Isagani kay Mama. Ipinakilala kasi ito ni ate dahil hindi siya kilala nila mama.

"Kaya pala familiar kayo, masyado kasi kaming abala sa trabaho noon kaya wala kami madalas sa bahay, magkamukha kayo ni Niko, pareho kayong gwapo!" natutuwang sambit ni mama.

Ngumiti lang si Kuya Isagani at halatang gustong gusto ang papuri na ibinibigay sakaniya.

"How are you, Isagani?" tanong nung Mommy nila Kuya Froi.

Muntik na 'kong mabulunan dahil doon. Alam naman siguro nilang may past sila ni Ate Laureen 'di ba? Kasi base sa mukha nung Daddy nila, parang galit ito kay Kuya Isagani.

"I'm fine, Tita. It's good to be back after so many years, I missed my life here.." aniya.

Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan. Pasimple naman akong tinitingnan ni Isaiah ngunit tuwing magtatama ang tingin namin ay umiiwas ako kaagad. Tapos na kaming kumain ngunit pinili nilang manatili muna rito para mag-usap. Hindi ko na kaya ang awkwardness ngunit hindi ko naman alam kung paano ko ito tatakasan, baka hindi ako payagan nila mama na umalis!

Naramdaman ko ang siko ni Travis sa siko ko. Akala ko noong una'y aksidente lang 'yon ngunit nang maulit ay masasabi kong nananadya na siya. Sinamaan ko ito ng tingin, mabuti at hindi nila kami napapansin.

"Do you want to get out of here?" bulong niya.

Napatingin ako rito at napairap, as if kaya niya 'kong alisin dito. Isa rin siyang bored na at hindi makaalis, e!

"I know someone who can.." dugtong niya.

"Just get me out of here, 'wag kang puro satsat," pabulong ngunit may diin kong sabi rito.

Napangisi siya dahil doon bago inilabas ang phone niya at may kung anong ginawa roon. Ano? Akala ko ba tutulungan niya 'kong makaalis dito?

Bumusangot ako at saktong napatingin kay Isaiah na nakakunot ang noo habang nakatingin sa'min. Kinakausap na siya ngayon nila mama kaya roon napunta ang atensyon nila. I rolled my eyes.

Naghintay pa 'ko ng ilang minuto nang mapansing nanahimik sila. Huli na nang mapagtanto kong nasa likuran ko pala si Rio, malawak ang ngiti nito. Nakakairita.

"I'd like to excuse your daughter, Treia, for a while Ma'am, Sir. I want to talk to her privately." Yumuko ito ng bahagya nang humarap sa magulang ko.

Napangiti naman si Mama sa ginawa nitong paggalang. Si Papa naman ay parang walang reaction.

Nagtataka kong binalingan si Rio, bakit siya narito at anong kailangan niya sa'kin?

"My name's Almario, your future son-in-law, Tita.." sagot nito sa tanong ni Mama.

Napasapo ako sa narinig ko. Nagtawanan naman sila at halatang nagugustuhan ang mga nangyayari habang ako ay naiinis na sa mga kasinungalingang pinagsasabi nitong si Rio! Oh, God!

"I love the guts of this guy," sambit nung Mommy nila Kuya Froi at sinundan ng tawanan.

Si Mama naman ay gustong gusto ang nangyayari. My gosh, mama! Bakit tuwang tuwa ka pa?

"Sige na, Almario. Kunin mo na ang anak ko at siguraduhin mo lang na ibabalik mo 'yan nanf buo, ah! Go ahead.." si Mama.

Napatingin ako kay Isaiah na ngayon ay nagpupuyos sa galit. Tumayo agad ako at hinila palayo si Rio doon. Tumigil lang ako nang makarating kami sa tabing dagat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status