Share

Kabanata 17.2 - Kiss

"Laro tayo! Chicken fight!" suhestiyon ni Kendall. Pumayag naman sila. Ang unang naglaban ay si Ken at Grace, nakasakay si Ken kay Travis habang si Grace ay doon sa isang kaibigan ni Travis. In the end, natalo si Grasya. Paulit ulit na ganoon ang nangyari, paulit ulit ding nananalo sila Kendall. Madaya. 

"Si Treia naman!" sigaw ni Iris. Umiling ako kahit panay ang sigaw nila.

"Game na! Minsan lang, sinong manok mo?" tanong ni Mads. Wala naman akong choice dahil baka masabihan akong KJ ng mga 'to. Inisa isa ko ang mga kaibigan nila Travis, wala akong kakilala kundi si Rio lang kaya siya na ang pinili ko.

"Ayusin mo," bulong ko bago sumampa sakaniya. Malawak ang ngiti ni Ken na tila ba sure na siyang mananalo ulit sila, competitive ako kaya hindi ako magpapatalo no! 

Magkahawak ang kamay namin at tinutulak ang isa't-isa. Natatawa ako sa ginagawa namin, ganoon rin siya 

"Nikolai is looking at you.. with jealous eyes," sambit nito dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa tubig.

Pagkaahon ko ay panay ang tawanan nila, hinagilap ko si Rio at hinampas ang tubig papunta sakaniya. Tumama naman 'yon sa mukha niya kaya lalo akong natawa.

"Bakit mo 'ko hinayaang mahulog!" sambit ko sakaniya at patuloy na winiwisikan ng tubig ang mukha niya, patuloy din siya sa pagtakip dito.

"Teka— ah.. Aray, masakit sa mata!" dahil doon ay tumigil ako at lumapit sakaniya. Medyo na guilty ako sa ginawa ko. Inangat ko ang mukha niya para matingnan ang mga mata nito ngunit nakapikit siya. 

"Buksan mo, titingnan ko," utos ko. Sinunod niya naman 'yon, nang makitang wala namang nangyari ay hinampas ko siya sa braso niya. Humagalpak naman siya ng tawa, sabi na nga ba at puro kalokohan lang ang nasa utak nito! 

Patuloy lang ang ginagawa naming laro, mga ilang sandali pa ay sumama na sa amin sila ate at nakilaro na rin. Panay ang abot sa'kin ng alak nila Ate Laureen, siya namang tanggap ko. Medyo umiikot na rin ang paningin ko pero hindi ako tumigil lalo pa noong natanaw ko na naman si Isaiah at yung babae niya, hindi pa rin pala siya nilulubayan at may paghimas pa sa dibdib ha! Dito pa talaga sa harap ng maraming tao? Wala ba silang privacy? Respeto naman sa mga nandidiri!

"Kami naman ni Treia maglalaban!" hinigit ako ni Ate Laureen patayo. Nagulat ako sa presinta niya, halatang tipsy na siya. Trip niya ba 'ko? Kanina pa siya ha, doon palang sa barko ay panay ako na ang inaabala niya. Ganito yata talaga si Ate Laureen kapag lasing. Ayos lang din naman sa'kin dahil medyo nag eenjoy na rin ako.

"Oh sige, sinong manok niyo?" tanong ni Ate Dria. Pumili naman si Ate Laureen, si Kuya Grae daw ang partner niya pero nagpunta na si Kuya Isagani sa harap nito at pumwesto para makasampa si Ate Laureen sakaniya. Nagulat naman ang lahat, aayaw na sana si Ate Laureen nang hinigit siya ni Kuya at pinilit na sumampa sa likod nito, wala siyang nagawa.

"That was weird," sambit ni Ate Cora at nagkibit balikat. Mga ilang segundo ay nasa harapan ko na rin si Isaiah. Mukhang alam ko na kung anong dahilan kaya hindi na 'ko tumanggi, ayokong mag cause ng kahit anong scene dito.

"Kumapit ka lang.. hindi kita bibitawan," sambit nito nang maramdamang nag aalinlangan ako.

"Jauregui vs Jauregui, mag ex yung isa habang itong isa naman ay nagliligawan palang. This is exciting!" sigaw ni Kuya Berty, yung gay na may ari ng company na kaibigan din nila ate, habang napalakpak pa. Nagtatawanan naman ang iba.

"Hello dear brother, mabuti at kumikilos ka na ngayon," sambit ni Kuya Isagani sakaniya. Hindi ko na sila inintindi, kailangan matapos agad ito.

"Push me really hard, Treia. This game sucks! Wag na nating patagalin 'to," bulong ni Ate Laureen sa'kin, naguluhan naman ako sa gusto niyang ipahiwatig.

"Push me! Yung malakas, Treia," sambit pa nito. Mas lalo kong nilakasan ang tulak sakaniya pero tila malakas si Kuya Isagani at hindi sila mabagsak bagsak.

"Ibagsak mo 'ko," sambit ko kay Isaiah, ramdam ko naman ang pagtataka niya. "Now, push me Ate Laureen," sambit ko. Isang tulak lang ay nahulog agad ako. Umahon akong nakakapit sa braso ni Isaiah at gaya ng sabi niya, hindi niya nga 'ko binitawan. 

Umalis na kami roon, patuloy lang sila sa paglalaro at hindi namalayan na umakyat na 'ko sa barko. Paika ika pa ang lakad ko paakyat, muntik pa ko madulas nang humakbang na 'ko sa hagdan. Mabuti nalang at may humawak sa bewang ko para maalalayan ako.

"Oh please, Isaiah! You don't have to follow me, baka mamaya ay hinahanap ka na nung babae mo." Napairap ako sa sinabi ko, I sounded like jealous girlfriend. Gosh!

Kinuha ko ang isang towel at pumwesto sa counter. Kita ang ngising pilit niyang itinatago. Nag order pa 'kong margarita. Pipigilan pa sana ako ni Isaiah pero tinungga ko na agad. Ganoon din ang ginawa ko sa pangalawa at noong pangatlong shot ay hinila niya na 'ko paalis doon. Hawak niya ang shirt ko sa isang kamay habang ang isa ay nasa bewang ko at inaalalayan ako maglakad. 

Hindi ko alam kung bakit ako nasunod sakaniya gayong kanina lang ay may ibang babae siyang kasama. At bakit ko ba siya kasama? Bakit wala siya doon sa babae niya? Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"Doon ka na sa babae mo! Alis!" Pagtataboy ko sakaniya dahilan para mapaupo ako sa buhanginan. Masyadong masakit ang ulo ko, umiikot na rin ang paningin ko. Gusto ko nalang humiga sa kama ko at matulog na. Nakakapagod ang gabing ito. 

"Hey.. get up," malambing ang pagkakasabi niya. Parang tinutunaw ako ng bawat salita niya. Parang nalalasing ako lalo sa bawat titig niya. 

"Don't touch me! Ano nalang ang sasabihin ng babae mo—"

He held me. 

"Wala akong ibang babae.." maingat ang pagkakasabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay tinulak palayo. Ramdam ko na ang mga buhangin sa katawan ko dala ng pagkakaupo ko rito sa buhanginan habang si Isaiah ay nasa harap ko at pilit akong tinatayo. Tumigil siya sa ginagawa niya at marahan akong tinitigan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. Nakakalunod ang mga tingin niya, tipong kahit marunong ka lumangoy ay malulunod ka rito.

"Wala akong iba.." aniya. Bakas ang sinseridad sa boses nito.

Bumibigat na ang talukap ng mata ko ngunit mas pinili kong tingnan siya. Ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas na tingnan siya sa mga mata. 

"Why.. why do I like you?" bulong ko, sapat na para marinig niya. Tila nagulat siya sa sinabi ko pero agad rin namang nakabawi.

Inilapit ko ang mukha ko sakaniya. I was about to kiss him nang umiwas siya. Damn! 

"Do you like me?" tanong ko, halos hindi ko na makilala ang boses ko. I'm begging now. 

"If only you knew how much I like you—" aniya.

"No, you don't. You don't even want to kiss me!"

Para akong batang nakikipag away ngayon sa asta ko. Hindi ko alam kung dala ba 'to ng alak o ng nararamdaman ko. I was about to cry! 

"Lasing ka, ayokong—" Isaiah. 

"No, you don't like me, Isaiah. Ang mabuti pa, lubayan mo na 'ko. Doon ka na sa babae—" again, he cut me off. Not by his words. He shut me off with a kiss.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status