Share

Kabanata 17.1 - Babae

Nang nawala ang liwanag at sumilip ang buwan, hudyat na simula na ng wild party, agad kaming nag-ayos. Tanaw ko na ang malaking ship na nirentahan yata ni Kuya Froi. Naka pwesto 'yon sa safe na parte ng dagat, may mga ilaw din na pinaliligiran ang buong lugar para masigurong walang mapapahamak. Kaunti nalang din naman kami, iilang mga kaibigan at bisita ni Ate at Kuya Froi at syempre, ang mga kaibigan ko. 

"Kailangan ba talagang pumunta? Pwede namang dito nalang ako sa kwarto, magpapahinga.." ani Iris. 

Kanina pa siya nagsasabi ng ganoon. Hindi ko alam kung saang part siya napagod dahil magmula noong matapos ang seremonya ay hindi ko na siya nakita pa sa reception. Pakiramdam ko'y may itinatago itong babaitang 'to pero hahayaan ko nalang muna siya, mas mabuting siya mismo ang magsabi. 

"Attending is a must, so as wearing bikini!" sambit ni Ken habang inaayos ang pagkakabuhol ng two piece bikini top niya. Red ang kaniya na pinatungan niya ng cover up na white

"Hmm, what do you think?" tanong ni Grace habang inaangat ang dalawang bikini set.

"Lavender," sagot nila, one piece bikini suit 'yon at tingin ko'y bagay nga sa kutis niya.

Si Adel naman ay nagtatali ng buhok, brown two piece bikini set ang suot niya. Pinatungan niya ng white maong short ang sa baba habang ang top ay hinayaan niyang ganoon. Si Mads ay kakalabas lang ng bathroom suot ang black two pice bikini, tube type ang top no'n at bagay na bagay talaga sakaniya dahil matangkad ito. Hindi ko alam kung anong connect no'n, basta bagay sakaniya. Pinatungan niya ito ng white see-through blazer na abot hanggang talampakan ang haba. Si Iris naman ay namomroblema pa rin kung sasama ba o hindi, wala naman siyang choice kundi sumama. Hawak niya ang isang white one piece bikini na sa tingin ko'y susuotin niya, tumayo siya para pumunta sa bathroom at magbihis.

I'm wearing pastel blue two piece na pinatungan ko lang ng manipis na loose white shirt. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko, magdadala nalang ako ng pang tali. Nang maging satisfied na kami sa itsura namin ay lumabas na kami. Kita agad ang ilaw mula rito sa tinutuluyan namin, mukhang nagsisimula na sila. 

Nang makaakyat kami sa cruise ship ay bumungad sa'min ang mga kaibigan ni Ate. Madaming alak at pagkain sa isang gilid. Ang ilaw sa loob ay parang ilaw sa mga bar, habang ang sa labas naman ay maliwanag. Malawak ang cruise ship, tingin ko'y mahal ito. Ang swerte talaga ni ate kay kuya!

"Hey!" bati ni Ate Laureen, nakaupo kami sa stool. Si Ken at Adel lang ang humiwalay sa'min, siguro'y nakikiparty na. "Margarita for this beautiful ladies, please.." sambit nito sa bartender.

"Asan si Ate Dria?" tanong ko rito. Mukhang tipsy na si Ate Laureen dahil namumula na ang kanyang mukha, nilagok niya ang margarita na hawak niya bago bumaling sa akin. 

"Nandoon, nag bebeer pong kasama ang asawa niya," sambit nito at tinuro ang isang parte ng barko kung saan nagkukumpulan ang iba.

I excused myself and walk towards my sister. I saw her playing with Kuya Froi, kita ko sa mukha nila kung gaano sila kasaya. Nanatili akong nakasandal sa isang wall habang tinitingnan sila. Hawak ko rin ang hindi pa naiinumang margarita na binigay ni Ate Laureen. I don't want to be wasted tonight.

Nang lumalim ang gabi ay mas umingay ang party. Halos karamihan ay nagwawala na, ang iba ay nalangoy na sa dagat. May inflatable island na in-assemble sa gilid ng barko may slide na pababa doon para hindi na mahirapan. Tuwang tuwa naman sila sa ginagawa nila habang ako ay nakaka-tatlong shot palang ng margarita, palagi kasi akong inaabutan ni Ate Laureen. Panay din ang higit ng mga kaibigan ko sa akin dahil hindi raw ako nag-eenjoy habang sila ay nandoon na din at nakikisama sa ibang kaibigan ni ate. Si Iris naman ay nakahawak lang sa phone nya habang nakasandal doon sa may railings, kulang nalang ay itapon ko sa dagat ang phone nito, kanina pa siya may katawagan.

"So here's the plan boys.." rinig ko si Ken mula sa hagdan paakyat kung nasaan ako. May kasama siyang tatlong lalaki, isa roon si Travis. Mukhang may binabalak sila at nang makita ako ay nilapitan ako bigla ni Ken habang ang tatlo ay nagtungo sa banda ni Iris. 

"Ano 'yon?" tanong ko at itinuro ang tatlo.

"You'll see," nahihimigan ko ang tuwa sa boses niya. Nakatanaw lang kami sa tatlong lalaking palapit kay Iris. Ang isa ay lumapit at kinausap siya, habang ang isa ay kinuha ang phone niya. Nagulat si Iris sa ginawa ng mga ito lalo na noong inangat siya at pinuwesto sa may slide. Ayaw niya pang bumitaw kaya ang ending ay nasama ang isang lalaki at nag slide sila pababa sa dagat. Humagalpak naman ang tawa ng mga kaibigan ko at pati na rin ang iba. Kita sa mukha ni Iris ang pagkainis pero 'di kalaunan ay tumawa rin ito. Travis gave me Iris' phone at umalis na ito sa harap ko kasama si Ky. What's with them? 

Nilibot ko ang paningin ko, nakita ko si Isaiah nakaupo sa isang couch at may kausap na babae, sa sobrang lapit ng babae ay kulang nalang maglampungan sila doon. Ibinabalandra niya pa ang naglalakihan niyang hinaharap kay Isaiah. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Kuya Isagani na palapit. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina. Ramdam kong pinagseselos niya lang ang kapatid niya.

"I can smell jealousy.." sambit nito, wala na 'kong nagawa kundi harapin nalang siya.

"Sino?" tanong ko.

"You—" I cut him off.

"Nagtanong," pagputol ko sa sasabihin niya. Kita ang pagkainis sa mukha niya pero agad rin namang napalitan ng ngisi. 

Pumwesto ako sa counter at inilapag ang phone ni Iris doon, sumunod naman si Kuya Isagani.

"That's Hershey, she's a famous local artist. Balita ko, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya," sambit nito habang tinatanaw ang kapatid at ang babae.

Hershey? Ano 'yon? Pangalan ng kabayo? 

Hindi ko siya pinansin, inilibot ko nalang ang mata ko. Napangiti ako nang makita ko si Ate Laureen kasama ang isang lalaking nakikita ko sa mga magazine, articles at news.

"Look, Kuya! That's Ate Laureen with... oh, is he the famous model I saw on magazines?" Napalingon din siya sa tinuro ko, kita ko ang pagkairita sa mata niya. "Hala, naghahalikan sila! Is he Ate Laureen's boyfriend? Ang swerte!" dugtong ko pa nang makitang naghahalikan ang dalawa habang nasa dagat. Medyo madilim sa parte nila pero sapat lang para makita pa rin sila.

Inis ang mukha ni Kuya Isagani kaya napangiti ako ng palihim. Kumuha siya ng isang beach ball na nakakalat lang at inihagis sa pwesto nila Ate Laureen. Pagkatapos ay binuhat ako ni Kuya pabaliktad at pinuwesto sa slide. Sabay kaming nag slide pababa sa dagat. Mabuti nalang at agad kong nilapag sa counter ang hawak ko kanina. Malamig ang tubig na dumampi sa aking katawan, rinig naman ang tawanan ng iba. 

"What the hell.." bulong ko at sinamaan ng tingin si Kuya Isagani. Dahil hindi naman masyadong malalim ang tubig ay lumangoy na 'ko pabalik sa barko. Wala ako sa mood mag swimming ngayon, baka bukas ay pwede pa.

Agad akong sinalubong ni Isaiah na may dalang tuwalya. Kinuha ko naman 'yon at tinaklob sa katawan ko. Naupo ako sa isang couch habang pinupunasan ang sarili.

"Are you okay?" pag-aalala nito. 

Hindi ko ito pinansin. Mukha bang ayos lang ang ginawa ng kuya niya sakin? Duh!

"Hey, Nikolai.. bigla kang nawala sa couch natin," singit noong babae na kausap niya kanina. Nakangiti ito nang humarap sa akin, "Hi, I bet you know me already? I'm Hershey by the way," sambit nito, nginitian pa 'ko. 

Seryoso ko siyang tinignan, nakakairita ang ngiti niya. 

"I don't know you," sambit ko rito na ikinagulat niya. 

Tinanggal ko ang tuwalyang nakabalot sa akin pati na rin ang basa kong t-shirt revealing my bikini. Kita ko ang pagkagulat ni Isaiah na biglang umiwas ng tingin pero hindi ko iyon pinansin. Dumeretso ako sa counter at nag-order ng margarita, tinungga ko iyon at agad na uminit ang pakiramdam ko. 

"Hey.. what are you doing?" sambit nito, sumunod pala siya sa akin habang yung babae kanina ay nakatayo lang sa gilid habang may ibang babaeng kausap, hindi yata kami napansin.

"What are you doing?" matalim ang tingin ko sakaniya samantalang ang mukha niya ay puno ng pagtataka.

Napansin na kami nung babae at mukhang palapit na siya sa'min kaya napairap na lamang ako.

"Hinahanap ka na nung babae mo," malamig kong sabi at tinungga ang isa pang alak sa harap ko bago nagtungo sa slide. I change my mind, gusto ko na pala mag swimming, gusto ko na rin mag lasing. 

Nang ibalik ko ang tingin ko sa taas ay nandoon pa rin siya kasama ang babae ngunit ang mga mata'y nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng disappointment, umasa ba akong susundan niya 'ko? Nanlumo ako doon, mabuti at nahablot agad ako ng mga kaibigan ko. Umakyat kami sa inflatable island at doon nagligalig. Sumama kami sa grupo nila Travis, nandito rin si Rio dahil kaibigan ni Ate ang Kuya niya, yung may ari ng company na pinagtatrabahuhan ni Ate Laureen at mabuti nalang at hindi niya 'ko ginugulo magmula noong nagkita kami. Napapansin ko siyang ngumingisi sa akin paminsan minsan, iniirapan ko nalang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status