Share

Kabanata 8.2 - Friend

Ang sabi lang sa 'kin, ako raw ang magpipicture kay Laureen para makita kung may potential ba 'ko. Sleepwear ang i-momodel ni Ate Laureen, may lingerie rin. Madaming palit ang gagawin kaya mukhang matatagalan talaga kami.

Nang matapos na siya magbihis at mag-ayos ay pumwesto na rin ako para kuhaan siya ng litrato. Unang sinuot niya ay ang nude collection ng gym wear, fitted ang mga 'yon kaya kita ang hubog ng katawan ni Ate Laureen. Hindi ko na siya kailangang manduhan dahil alam niya na ang gagawin, minsan na lang.

Ang pangalawa ay yung silk collection ng pajama set. Comfy ito tingnan at dalang-dala ni Ate Laureen ang mga 'yon kahit napaka-simple lang.

Pangatlo naman ay yung lingerie collection. Nilagyan siyang body oil, nakalugay na rin ang buhok niya at sinadyang ibuhaghag ito. Ang sexy ni Ate! Ang ganda niya at ang galing niyang mag-model! Nakalimutan ko tuloy na ako ang kukuha ng litrato sakaniya dahil maging ako ay natigilan nang makita siya. Oh God! Guys will drool over her!

Mahigit isa't kalahating oras din ang tinagal namin sa studio at ngayon ay abala sila sa pagtingin sa mga kuha ko. Sana naman ay kahit isa, may pasado sa taste nila.

"Brilliant! Fabulous! Gorgeous!" sambit nung bakla, siya pala ang photographer at ang may ari ng clothing line company na 'to at may magazine company rin sila. Natuwa naman ako sa reaction niya, mukhang exaggerated pero dahil siya ang nagsabi at isa siyang batikang photographer, natutuwa ako sa compliment niya.

"The company is accepting part timers 'di ba, mars? Pwede ka muna mag work dito hangga't wala pa kayong class, Treia," sambit ni Laureen, mukhang excited siya, pati ako ay na-excite rin pero inisip ko ang sandamakmak kong gagawin.

"I'm not sure, e, pero I'll try," sagot ko naman.

"Someday, you can work with us, too. Malaking company 'to, sikat to sa buong asia kaya 'di kana lugi doon sismars, what's your course ba? Is it related to photography or something?" tanong nito, damn! Bakit kapag course ang pinag-uusapan ay natatameme ako?

"Ayun nga lang problema mars, hindi related yung course niya sa passion niya. Sayang diba," sagot ni Laureen sakaniya. Nginitian ko lang silang dalawa, wala naman akong sasabihin kaya ngingiti nalang ako.

Naghintay ako sa isang couch, ang sabi kasi ni Laureen ihahatid niya 'ko pauwi at mag bibihis lang siya sandali. Chineck ko ang IG ko at nakita ang message ni Isaiah doon.

@inikolaij: You free today?

Magrereply na sana ako nang makita ko si Laureen na papunta sa gawi ko. Halatang worried ang mukha niya, I can smell some problem..

"I can't take you home today, Treia. May urgent meeting kasi regarding sa isang magazine na irerelease next summer. But don't worry, I'll ask my brother— Froi to pick you up," nag-aalalang sabi nito. I-da-dial niya na ang number ni Kuya Froi nang pigilan ko siya.

Ayokong makaabala sakanila dahil alam kong busy ang mga 'yon sa kasal nila.

"No, it's okay. I'll ask my friend nalang to pick me up. May gusto rin kasi akong daanan, e." Nginitian ko siya para ipakitang okay lang talaga. Para hindi na siya mag-worry.

Nag sorry ulit siya, humalik sa pisngi ko bago umalis sa harap ko. After that I took my phone and message Isaiah para sunduin ako.

@treiaaafabregar: Can you pick me up?

Wala pang ilang segundo ay nakita ko na siyang typing, crush talaga ako nito.

@inikolaij: Where are you?

Dali-dali akong nagtype para mag reply sakaniya. Sinend ko rito ang address ng kinaroroonan ko. Gaya kanina ay mabilis siyang nag-reply.

@inikolaij: On my way

Hindi ko alam pero napangiti ako sa reply niya. Hindi na 'ko nagreply at naglakad na paalis doon, sa lobby na ko maghihintay. Wala pang ilang minuto ay natanaw ko na siyang papasok ng building, tinanggal ko ang shades ko para makita niya 'ko. Kita ko naman ang mga mata ng ilang kababaihan, lakas talaga makakuha ng atensyon nitong si Isaiah, palibhasa gwapo!

"Why are you here? Are you a model or something?" tanong niya nang makarating sa harap ko. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya dahil nakafocus ako sa mga babaeng tumitingin sakaniya.

"Photographer," pagmamayabang ko, ang kapal talaga ng mukha ko!

Yayayain ko na sana siyang umalis nang bigla kaming makita ni Laureen na kakalabas lang ng elevator kasama si Alberto na mas kilala sa tawag na Berty, yung may-ari ng building na 'to.

"Treia! Akala ko nakauwi kana?" lumapit siya sa 'kin at nabaling ang atensyon niya kay Isaiah na nasa tabi ko.

"Is he your friend?" tanong niya ulit.

"Ye—" Isaiah cut me off.

"No," may diing sabi niya. Walang emosyon at halatang seryoso. What's with the sudden change of mood?

"Ingat ka dyan, sis. Danas na danas ko na mga galawang Jauregui," bulong ni Laureen at halatang inis kay Isaiah, umirap pa siya bago sumunod kila Berty na nasa labas na.

"Do you know Laureen?" tanong ko agad sakaniya. Bigla na naman nag iba ang mood niya, ngayon ay medyo okay na.

"My brother's ex girlfriend," sagot nito. I shrugged and started walking outside, sumunod naman siya. Napahinto ako nang ma-realize na 'di ko alam kung saan naka parking ang sasakyan niya kaya pinauna ko siya bago ako sumunod.

Huminto siya sa tapat ng BMW na black. What the.. hindi ito yung sasakyan na nakita ko noon sakaniya. Napaka-yaman naman talaga, ano kayang business ng magulang nito? Nagdadalawang isip pa 'ko kung sasakay ba 'ko o hindi kasi napakagara ng sasakyan niya. Nabalik lang ako sa realidad nang pagbuksan niya kong pinto, hinawakan ko agad 'yon at pumasok na sa loob, ramdam kong nagdampi ang kamay namin pero wala na 'kong pake doon.

"Nice wheels," panimula ko para mabawasan awkwardness namin. Napatingin siya sa 'kin saglit at napangiti.

"This isn't mine so I don't have any rights to thank you," sagot niya at ngumisi. It's like my own words slapped me, the fuck?

"Then whose car is this?" tanong ko ulit habang nakasandal ang isang kamay sa may bintana at nakatingin sa labas.

"This is my parent's car, even my condo, sakanila 'yon. Pera nila pinang bayad dito kaya hindi akin 'to," sagot niya, that puts me in awe. I thought he was a kind of guy who loves bragging expensive shits— nevermind!

"Do you want me to take you home or what?" he asked.

"Daan muna tayong Starbucks then sa bahay na, ibabalik ko na rin sayo yung damit mo," sagot ko at kinalikot nalang ang phone ko para maglaro ng COD.

Gusto kong mag-mura nang mapatay ako ng kalaban pero mas pinili kong manahimik nalang. In-off ko ang phone nang makitang nasa labas na kami ng Starbucks. Lumabas agad ako at dali-daling pumasok sa loob, ramdam ko naman na nakasunod siya sa 'kin.

I ordered 2 chocolate chip brownies, 2 iced caramel macchiato, choc chunk cookie and cinnamon. Habang na-order ako ay nasa likod ko lang si Isaiah at nakapamulsa.

"Yung boyfriend niyo po ma'am, ano pong order?" what the? Boyfriend? Seriously? Do we looked like a couple?

Tsaka ang dami ko nang order, hindi niya ba naisip na baka kasama na doon ang order ni Isaiah? Duh! Gusto niya lang makausap si Isaiah, e. Mga galawan talaga ng babae.

"Ah no—," again, he cut me off.

"Yes, one iced latte please," sagot nito, kita ang ngisi sa mukha niya. Inalisan ko siya doon at naupo sa isang vacant table para doon maghintay, sumunod naman siya sa 'kin. Hindi kami nag-usap, after ilang minutes ay na-serve na yung order namin kaya umalis na kami doon. Tahimik pa rin kami at walang nagsasalita, masyado yata akong napagod ngayong araw though kaunti lang ang ginawa ko, medyo masakit na rin sa paa ang heels.

"Is it that important para mag heels ka na naman?" tanong niya nang mapansing namumula ang paa ko

"Kailangan ko masanay," sagot ko at ibinaling na sa labas ang tingin. Mga ilang saglit ay nasa subdivision na kami kaya umayos na 'ko. Nang hininto niya ang kotse sa tapat ng bahay ay bumaba agad ako, nagtataka pa 'ko kung bakit hindi pa siya sumusunod kaya bumalik ulit ako

"Hey, let's go!"

Medyo nabigla pa siya pero bumaba din naman. Kinuha niya ang mga dala ko para siya na ang magbitbit, binigay ko nalang din sakaniya. Gusto niya yan e!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status