Share

Kabanata 3.1 - Nice

Clearance day kaya narito kami ni Madison sa US short for University of the South o mas kilala sa tawag na Silangan.

Nandito ako sa isang bench sa tapat ng Engineering Department, hinihintay si Madison dahil may isang subject pa s'yang papipirmahan sa professor nila.

White tank top at high-waisted maong short ang suot ko, pinatungan ko rin ng gray cardigan dahil masakit sa balat ang araw ngayon. Tanging black slingbag lang ang dala ko at ang sunglasses ko. Motor kasi ang dala ni Mads ngayon at since nasa iisang subdivision lang kami, palagi niya 'kong sinasabay pagpasok at pauwi.

I have a car before but because of one incident, my parents did not allow me to have one again. I understand them naman and I don't think I can drive again after everything that happened in the past. It caused me trauma.

I was patiently waiting for Madison when my phone beeped. May notification mula sa i*******m ang nag pop-up kaya in-open ko 'yon.

@davisthegreat wants to follow you.

Napakunot ang noo ko sa nabasa, I don't remember someone named davis the great kaya minabuti kong i-stalk ito. Luckily, his account isn't private unlike mine. I stalked his profile and found out that he's the guy who gave me a glass of cuervo at the cloud nine last week. I approved his request and stalked him again. Halos lahat ng post nito ay puro nasa bar o di kaya'y sa beach, he's a party goer. Puro siya ang laman ng feed niya, of course account niya 'yan, e. Duh, Treia!

May IG story siya kaya minabuti kong i-view 'yon. It's a video of a basketball court, I think? Sa video, parang kakatapos lang ng game nila at isa-isa n'yang zino-zoom ang camera sa mukha ng mga kasama niya. Nahagip nito ang lalaking nakasama ko sa smoking area, umiinom siya habang nakatutok sakan'ya ang camera, mga ilang saglit pa'y itinaas niya ang middle finger niya habang hindi tinitingnan ang camera. Rinig naman sa background ang pagtawa ni Davis.

"Hey, let's go!" sigaw ni Mads. Hindi ko namalayan na tapos na pala siya.

Tumayo na 'ko at sabay na kaming nagtungo sa parking lot.

"Sa RV muna tayo, may libro akong pinakuha kay Ken, daanan ko lang," aniya bago tumigil sa motor niya para kunin ang mga helmet namin.

RV short for Roosevelt University, school kung saan nag-aaral sina Kendall at Adeline. Sa lahat ng University na alam ko, ang RV na siguro ang may pinakamahal na tuition. Tumatanggap naman sila ng scholar kaso sobrang strict nila pagdating sa grades kaya inayawan ko. Balak ko sanang mag-aral doon kaso mukhang sosyal ang mga tao, baka hindi ko kayanin ang makipagsabayan kaya sa Silangan ako napadpad, mas malapit din kasi ito sa bahay namin.

"Dadaanan lang, hindi kukunin?" pagbibiro ko, napatigil naman siya dahil doon at seryoso akong binalingan ng nakakatakot na tingin.

"Malamang, Chantreia Sage, kukunin ko rin! Ano bang utak meron ka?" inis na sambit niya at padabog na inihagis sakin ang isang helmet.

Hindi ko na napigilang matawa habang isinusuot ang helmet na hawak. Mas natawa ako lalo nung nakita ko ang mukha niyang naiinis.

"Utak maganda, sis!" sarkastikong sambit ko.

Tumigil ito ng bahagya at binalingan ulit ako. Itinikom ko na ang bibig ko at umaktong izini-zip pa ito. I lend my hand in front of her, confused siyang napatingin rito. Ako naman ay ngumiti ng pagkalawak-lawak.

"I'll drive" masayang sambit ko.

I can drive naman, yun nga lang at walang tiwala sakin ang mga kaibigan ko sa mga ganitong usapin. I can't blame them.

Ilang minuto rin kami sa ganong posisyon nang bumuntong hininga na lamang si Mads at ibinigay sakin ang susi ng motor niya. It's my first time driving after two years kaya sigurado akong kabado si Madison ngayon.

"Umayos ka, Chantreia Sage! Ayoko pang mamatay, utang na loob!" exaggerated na sabi niya.

Nagkibit balikat na lamang ako at hinintay siyang makaayos ng upo sa likuran ko bago ko pinaandar ang motor.

It feels good driving again. Minsan ay binibilisan ko tuwing walang kasabay sa daan kaya napapakurot sakin si Madison. Hindi naman masyadong traffic kaya nakapunta kami agad sa Roosevelt. Yun nga lang, napaka-init! Magpapasko na, mainit parin!

"Hintayin mo ko dyan, ah! Hanap lang akong pag paparking-an," sambit ko.

Nang makapasok kami sa gate ay ibinaba ko na si Madison sa may waiting shed kung saan naroon ang maraming estudyante. Mahirap din kasi maghanap ng parking slot dahil mula sa labas ay tanaw mo agad ang dami ng tao, semestral break na kasi next week at paniguradong abala ang lahat sa pag complete ng clearance nila. Halos wala nang bakante sa parking lot, mabuti nalang at may umalis na motor kaya sinunggaban ko agad yon.

Nang makababa ay tinanggal ko na ang helmet at inayos ang sunglasses pati ang buhok ko, tinali ko ito in a high ponytail at dahil mainit, tinanggal ko na rin ang cardigan na suot ko. Hinayaan ko lang itong nakasabit sa braso ko bago magpasyang puntahan na si Madison sa kinaroroonan niya. Hindi pa man nakakahakbang ay imahe ng isang lalaki ang bumungad sakin, may isang metro ang pagitan namin. Hawak niya ang isang bottle container sa isang kamay habang ang isa naman ay may hawak na duffle bag. Pawis na pawis ito at tingin ko'y kagagaling lang sa laro.

"Nice wheels," bati niya.

Napatingin ako sa tinitingnan niya bago siya muling hinarap.

"It's not mine so I don't have any rights to thank you," tugon ko rito.

He didn't say a word, I can't even saw a hint of shocked or annoyance on his face. Parang ako pa ang maiinis dahil hindi siya nainis sa sinabi ko kaya minabuti kong maglakad na palayo. And again, a call interrupted me.

Madison is calling, she may be pissed by now. Ilang minuto na rin kasi siyang naghihintay kaya sinagot ko ang tawag nito.

"I'm on my way there, stay still-"

"I'm not there anymore. Nandito na ko sa cafeteria kasama sila Ken. Dalian mo na at pumunta ka na rito, let's eat merienda first," sambit nito bago ibinaba ang tawag.

"Punyeta," bulong ko.

What the hell, Madison? I don't know this place, sa lawak nito, paano ko makikita ang cafeteria ha? Do I look like approachable? Alam naman nilang ayokong kumakausap ng ibang tao, I don't want to ask someone for direction-

"Looking for Kendall?" aniya. I turn around and faced him which I regretted.

He's half naked now and he doesn't even give a damn to anyone who is looking at him. Agad akong nag-iwas ng tingin, I can still saw him in my peripheral view at nang makitang bihis na siya ay tsaka ko lamang siya nilingon muli.

"Yeah, where's the cafeteria here?" tanong ko.

He placed his things inside the duffle bag at ipinasok ito sa loob ng sasakyang nasa gilid lang ng motor na pinag-parking-an ko. What a coincidence.

"If you're talking about the cafeteria as a whole, there's a lot," aniya. I can't even sense if he's joking, serious or what. I'm a psychology student and this is frustrating me, I can't sense this man.

"Well, I'm talking about the cafeteria where my friends is."

Finally, I saw him glance at me! I can't lose this chance so I stare at him, at his eyes, the window to his soul but I can't see anything. Why can't I see anything? Damn.

"Follow me," tugon nito bago ako nilagpasan. Ilang segundo pa kong nanatili roon bago siya sinundan.

Malayo ang agwat namin, ayokong sumagi sa isip ng iba na magkakilala kami. Ang daming estudyante ang nakakasalubong namin, halos karamihan ay mapapatingin sakaniya lalo na ang mga kababaihan, di ko naman maipagkakailang gwapo talaga siya.

"Kumain kana?" tanong niya na ikinagulat ko, why so sudden? At bakit niya ko tinatanong? Ni hindi nga kami magkakilala, at bakit nagpapanic ako ng ganito?

"Luh, pa-fall," yun lang ang nasabi ko at narinig ko naman na natawa siya. Did he just laughed?

"It's just a simple question, anong pa-fall dun?" tanong niya at mas lalong lumapit sakin, nakakailang tuloy.

"That simple question can make a girl fall in love, girls are fragile, most of us have a weak heart, konting care hulog na agad," paliwanag ko, God knows how much I love arguments at kapag alam kong nasa tama ako, ipaglalaban ko talaga yon. And in this case, I guess I've got a point.

"Paano tanungin ang isang tao nang hindi nagmumukhang pa-fall, sige nga, paano?" panghahamon niya, nag-isip ako ng pwedeng tanong bukod sa 'kumain kana ba?' at di nag-fufunction ng maayos utak ko dahil napapansin ko ang mga matang nakatingin samin.

"See? Wala. Kayo lang talaga ang nag-iisip na pa-fall yung tanong na yon," sabi pa niya, napairap nalang ako sakaniya. Mukhang naubusan ako ng sasabihin dahil mas inalala ko ang mga matang nakatanaw samin.

"Why would you ask that question in the first place? Di nga tayo magkakilala, ano ka good samaritan?" sarkastikong sabi ko, nararapat na siguro ako manahimik dahil nagmumukha na yata akong tanga sa harap niya. Sana pala di ko na sinabi yung kanina, humaba pa tuloy usapan namin and I don't like it.

"Did you fall in love with me as soon as you heard that question?" aniya. Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya, bumungad sakin ang ngisi sa mga labi niya. He got me there. Cornered, checkmate.

Nakakairita siya!

"Duh? Of course not!" depensa ko.

May sasabihin pa sana siya kaso biglang sumigaw si Ken, I'm saved!Tinignan ko siyang muli bago naglakad papunta sa table na kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"I saw you with Nikolai, don't tell me-" si Ken.

I cut her off, ito talagang bruhilda na 'to puro issue, pambansang chismakers, e. Siya lagi nagdadala ng chika sa'min palibhasa ay madaming kakilala. Daming connections.

"Alam mo sana nag-masscomm ka nalang, ang dami mong chika e. Fake news naman " pambabara ko kay Ken.

Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Huli na nang mapagtanto kong makakasama pala namin sila Nikolai sa table. Kaya pala may bag sa gilid ni Kendall, kay Paul pala yon, yung lalaking nakahalikan niya sa cloud nine. At kaya pala hindi ko sila nakita sa table namin, sila pala ang nabili ng foods.

"Treia, this is Paul." turo ni Ken sa katabi niya. "Si Nikolai, yung kasama mo papunta rito." Sabay turo sa Nikolai, "Si Mateo at si Davis, yung nakipag bottoms up sayo sa bar." Pakilala niya doon sa dalawa pa.

Tinanguan ko na lamang ito at nilantakan na ang fries na dala nila. Malawak ang table ay tingin ko'y kasya ang sampung katao. Pabilog rin ito at magkatabi si Ken at Adel, Mads, at ako. Tinabihan ako nung Davis, katabi nito yung Nikolai, Mateo at yung Paul na nasa gilid rin ni Ken. Medyo may space naman sa pagitan namin nung Davis, mabuti naman.

"So, what are your plans this semestral break?" tanong ni Paul kaya sakaniya natuon ang atensyon ng lahat maliban sa akin.

Thinking about it now, ano nga bang plano ko this semestral break? May usapan kami ng mga ka-club members ko sa Performing Arts Theater na ilalaan namin ang two weeks na sembreak para makapag rehearsal. Mag peperform kasi kami sa paskuhan, ang malilikom na pera ay mapupunta sa organization na napili namin. Usually sa mga bata sa bahay ampunan at homeless people namin ibinibigay ang mga naipong funds. Annually ito at lahat ng schools ay kasali, bukod sa magiging masaya ka na, makakatulong ka pa kaya sobrang dedicated ko sa ginagawa naming ito. Lalo na ngayon dahil naging parte na ko ng production, co-director ako this year.

Aminado naman akong napakalayo ng napili kong kurso sa ginagawa ko. To be honest, I want to do filming. I want to pursue it, that is my passion. But I guess, not everyone can do what they really want. It is a matter of priorities and responsibilities.

My family is a family of doctors, may hospital kami at si Papa ang kasalukuyang namumuno roon. Firstborn kasi siya kaya siya ang napili ni Lolo na pamanahan ng ospital. Doctor si Papa, si Mama naman ay dermatologist. Si Ate ay nurse na related parin sa pag gagamot at dahil ayokong baliin ang nakasanayan ng pamilya, I took psychology. At least hindi nalalayo sa forte ng pamilya.

I don't know but.. I feel like I don't belong in my family. Oo, ramdam ko naman ang pagmamahal sa'kin ng mga magulang ko, pati na rin ng mga kapatid ko but.. I feel like I'm an outcast. Lalo na tuwing may family reunion sa father side ko, feeling ko ayaw nila sakin. My sister is always the crowd's favorite whenever we have a family reunion, of course siya ang panganay kaya naiintindihan ko yon. But when it comes to me, parang iwas silang lahat. Parang ayaw nila sakin. I only feel that whenever I'm with my father's family, sa part kasi ni Mama pantay pantay ang trato sa'min.

I sighed.

"Nakakatatlong buntong hininga ka na dyan sis," ani Madison.

Sa sobrang preoccupied ko, hindi ko namalayan na sa'kin na pala napunta ang atensyon nila. Ilang minuto ba kong tulala?

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko.

Bigla akong tinamad, siguro dahil sa sobrang pagod kaya parang gusto ko nalang humiga sa kama ko at matulog.

"Gaga, kakarating nyo lang, uuwi agad?" singhal ni Kendall.

Muli, napabuntong hininga na naman ako at itinuon nalang ang atensyon sa fries na nasa harap ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status