Share

Chapter 48

Nanlulumo ang balikat na napasandal sa pintuan ng stockroom si Elyssa nang makalabas ng opisina ni Louie. Malayo ito sa workplace kung saan maraming kasamahan niya kaya't walang gasinong tao. Malaya niyang mailabas ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi niya maintindihan ang pabago-bagong ugali ni Louie. Malamig siya nitong pinakitunguhan ngunit nang silang dalawa ang natira sa opisina ay nagbago na naman ang ugali nito. Daig pa nito ang bagyo sa bilis ng ihip ng hangin. Naiinis siya rito dahil sa pagtrato nito kay Diego kanina na hindi naman alam ang tunay na dahilan kung bakit niyakap siya ng binata. Iyon ang dahilan kaya hindi niya ito kinausap nang maayos.

"Hanggang kailan mo sasaktan ang damdamin ko, Louie? Why are you treating me like this kung may iba ka na?" Tahimik na usal niya. Mariin niyang ipinikit ang mata na nag-uumpisang nagtutubig. Pero dahil sa sakit na hindi niya kayang pigilan ay tumulo pa rin ang luha niya.

Nagulantang si Elyssa nang biglang may nagsalita sa tabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status