Share

Chapter 49

Mabilis na kumabog ang puso niya at ibinalik ang tingin kay Marra.

"Ah, sige, cousin. Mag-usap na lang tayo sa bahay. Mag-uumpisa na ang klase ko." Mabilis siyang nagpaalam sa pinsan.

"Nope, you're staying with me. Samahan mo kaming mag-lunch," pigil ni Marra.

"But—"

"No more buts!" putol nito sa sasabihin niya. Hindi siya binigyan ng puwang upang magprotesta. "Besides, kung hindi mo siya iniisip tulad ng sabi mo, ba't mo siya iniiwasan?"

Walang nagawa si Elyssa kundi ang sumunod sa pinsan upang ipakita rito na hindi siya naapektuhan sa presensiya ni Louie. Hindi na siya nakahuma nang tuluyang makalapit sa kanila ang dalawa.

"Hi, babe," bati ni Minho kay Marra. Dinampian nito ng halik sa labi ang pinsan bago bumaling sa kanya. "Hello, Issay." Nginitian siya nito.

"Hello, Minho," matipid na sagot niya. Bahagya niyang sinulyapan si Louie. "Hello, sir."

Tumango lang ang huli pero hindi umimik. Nakaramdam muli si Elyssa nang bahagyang kirot sa dibdib dahil sa malamig na pakikitungo n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status