Share

Chapter 2

"Style niya bulok, parang bagang mo" sabi ko kay Isha habang nasa library kami at kinukulit niya parin ako doon sa ateneo guy.

"Ang dugyot Alyanna bwesit ka!" binatukan niya ako sabay tinarayan "Ayaw mo ba don sa hottie guy na captain ng bball? Seryoso kana?! Atenista na lumalapit sayo tanga!" pag pupumilit niya saakin doon sa Lace na 'yun

"Depende kung engineering siya" natatawang sabi ko

"Ang hilig mo sa engineering ayaw naman nila sayo" pang aasar sakin ni Isha

"Foul na 'yun ha punyeta ka" sabi ko at tinarayan siya

"Akin na nga kasi cellphone mo ako na mag rereply sakanya" pagpupumilit ulit ni Isha, at kinukuha ang cellphone sa bag ko ngunit pinigilan ko siya

"Rereplyan mo?" tanong ko

"Oo nga"

"Talaga?"

"Tangina OO"

"ASA KA ALISHA MARIE" pang aasar ko saka tumayo sa kinauupoan ko at iniwan siya, agad niya namang tinawag ang pangalan ko at saka siya pinagalitan ng librarian dahil sa pagsigaw niya. Loka loka talaga

Nang uwian na ay 'di pa rin tumitigil sa pangungulit si Isha tungkol doon sa atenistang 'yon. Gwapo nga 'yon pero hindi ko siya type! Kay Jasper lang kakalampag 'to. Charot!

"Tigilan mo na kasi si Jasper! Tigilan mo na ang pag papantasya mo sa mga engineering!" ang daldal talaga ni Alisha

Sumakay na ako nang tricycle papunta sa apartment ko at balak siyang iwan dahil ang daldal niya ngunit nabigla ako nang sumakay din si Isha, kahit iba naman ang way papunta sa bahay nila

"Tangina Isha, hanggang apartment kukulitin mo 'ko?" sabi ko sakanya saka umadar ang tricycle

"Kuya, Dayangdang dalawa" 'di pinansin ni Isha ang tanong ko at siya pa talaga nag bayad ng pamasahe namin sa tricycle

"Alam mo pampam ka" sabi ko kay Isha at tinarayan siya

"DYD tayo mamayang 10 pm" sabi niya na ikinagulat ko

"Hoy Alisha, kung gusto mong masira atay mo 'wag mo na 'ko idamay" sabi ko, dahil DYD, niyaya niya nanaman ako uminom. DYD ibig sabihin ay Dayangdang, malapit lang 'yun sa apartment ko since magka street lang naman. Inoman siya na malapit sa river.

"DYD o ako ang mag memessage doon sa Lace at sasabihin ko na type mo siya, oh ano pili?!" pagbabanta niya at dahil na badtrip ko hinila ko ang ilang hibla ng buhok niya

"Aray pucha!" sabi niya at tinampal ang kamay kong nakahawak sa buhok niya kaya binitawan ko na siya "Pili na Alyanna Yvonne punyeta" pilit niya ulit

"DYD hayop ka" sabi ko kaya tumawa naman siya at excited na excited na

Nang makarating kami sa apartment ko ay nagbihis ako agad at humiga dahil parang pagod na pagod ako. Habang si Isha, katawagan ang magulang niya at nagpapaalam na lalabas kami mamaya at dito siya matutulog sa akin. Only child si Isha, mayroon siyang freedom kaya walang problema.

Nag rent ako ng apartment dahil malayo sa UNC ang bahay namin, which is labas pa ng Naga City. Ang parents ko naman ang nag decide nito at pabor naman saakin dahil naging independent ako. Since first year college dito na 'ko natutong maging independent.

Habang nag iscroll ako sa twitter at nag reretweet ng mga trip kong iretweet ay may nag notif ulit sa message ko

From: @lacemart

Busy?

Napakunot naman ang noo ko sa message niya at hindi sineen yun, "Paki mo" mahinang sabi ko,

Na weirdohan naman ako sa username niya. lacemart. Ka ano ano niya si mini mart?

Natawa nalang ako sa naisip kong 'yon. Grabe kahit sarili ko lang kausap ko grabe parin ang kalokohan ko.

Nag vibrate ulit ang phone ko dahil sa panibagong notif ko sa twitter. Nang tignan ko 'yon ay napakunot ulit ang noo ko

Lace followed you

Ano bang kailangan ng bugok na 'to?! Finollow niya na ako sa twitter pero hindi ko siya ifofollow back. Iki-click ko na sana ang profile niya ng bigla akong lapitan ni Isha kaya tinago ko ang cellphone ko sa gilid.

"Mag tweet ka ngayon dali!" sabi saakin ni Isha

"Bakit? Ng ano?" tanong ko

"Itweet mo, 'DYD later' o kaya 'nomo later at DYD', mga ganon" sabi niya

"Parang tanga, sige na oo na mag titweet ako" sinunod ko siya at nagpauto sa kabaliwan niya pero s'yempre gusto ko rin na mainis siya kaya habang tinatype ang ititweet ko ay natatawa na ako

Nakita kong abala si Isha sa cellphone niya kaya noong biglang umiba ang reaksyon niya ay alam ko nang nabasa niya na ang tweet ko

"Tarantado ka ba?!" sigaw niya saakin at saka ko inilabas ang kanina ko pang tinatagong tawa

"Tarantado nga ako, b*tch" pang aasar ko pa lalo sakanya at mas nilakasan pa ang tawa

"Idelete mo 'yang tweet mo bwesit ka!" sigaw pa rin niya saakin at pinagbabato ako nang unan

Habang tawa ako ng tawa ay nakita kong mayroon nang 10 likes ang tweet ko

'DYD later, sabi ni @ishahernandez hanap daw siya sugar deddy'

Natigil lamang ang tawa ko nang may nag reply sa tweet ko, nang tignan ko ay 'yung atenista guy nanaman

Lace replied

Aw Rookies kami :( 

Oh ano naman? Share niya lang?! Parang tanga naman 'to at bigla nalang rereply sa tweet ko, close ba kami?!

"Hoy gaga! Rookies nalang tuloy tayo!" biglang sabi ni Isha na ikinagulantang ko

Ang Rookies ay bar at mayroon ring billiard section. Chill doon dahil pwede ka makapag laro ng billiards. Along Francia naman 'yun, at malapit lang din sa apartment ko.

"Akala ko DYD, bakit naiba?!" pag papanic ko. Hindi pwede sa Rookies dahil nandoon 'yung ugok

"Dahil nandoon si ateneo guy" malanding sabi niya kaya napangiwi ako. Alam kong nakita niya ang reply ni ugok sa tweet ko since naka tag siya doon

"Tangina ikaw ata may type doon eh!" sabi ko sakanya, nandiri parin sa malandi niyang boses

"Hindi naman ako mang aagaw at epal" sabi niya kaya napataas naman ang kilay ko

"Sure ka na niyan?" pambabara ko sakanya kaya napasimangot siya at tinarayan din ako

"Gago. Rookies tayo, final na 'yan" seryosong sabi niya

"Gago. Ayoko" sagot ko

"Okay pag 'di ka sumama, madali lang naman i-DM si ateneo guy at sasabihin ko na-"

"Oo pucha Rookies na bwesit ka kahit kailan sana maputolan ka ng kuko" gigil na sabi ko

Alam ko kasi na once na sinabi ni Isha na gagawin niyo 'to, gagawin at gagawin niya talaga yan. Nakita ko ang matagumpay na ngiti ni Isha dahil napapayag niya ako, well napilitan lang pala ako!

Nang nag 10 pm na ay ready to go na kami ni Isha, dahil naka uniform kami kanina ay nang hiram muna si Isha ng damit saakin. Simple lang ang suot ko, white fitted crop top at high waisted black maong shorts at naka white sandals naman ako. Half pony tailed lang din ang inayos ko sa buhok ko para simple lang rin. Naglagay lang ako ng face powder, cheek tint at matte lipstick. Simple lang, iinom lang naman.

"Ang ganda, nag ready para kay ateneo guy" pang aasar ni Isha ngunit tinarayan ko lamang siya

"Type ka talaga no'n swear!" 'di parin matigil ang bunganga ni Isha

"Alam mo, kapag nagustohan ka ng isang tiga Ateneo, scam 'yun!" sabi ko sakanya

"At bakit naman?!" tanong niya, 'di sang ayon sa sinabi ko

"Isipin mo ang daming magagandang babae sa Ateneo, pero magkakagusto sila sa tiga UNC, ba't lalayo pa 'diba?" pagpapaliwanag ko

"Para mo lang rin sinabi na ang papanget ng tiga UNC, 'wag mo kaming idamay, ikaw lang 'yan" pag irap niya saakin

"Tara na, uuwi lang tayo pag 12 AM" sabi ko at sigurado na sa tono ng boses ko

"12 AM?! Ano'ng akala mo mag sa-san mig lang tayo do'n?!" pag rereklamo niya

"Tumigil ka nga Alisha at may pasok tayo bukas" sabi ko at lumapit na pinto, handa nang umalis

"Hapon pa naman ang pasok natin at dalawang subject lang 'yun" rason niya, sumunod saakin sa may pinto

"12 AM" pagkokompirma ko

"1 AM" sagot niya naman, pinipilit parin ako

"Okay 1 A-"

"1:30 hehe"

"Aba?!"

Matapos ang pag away namin at pagbabatohan ng oras, pumunta na kami ng Rookies. Kahit kaming dalawa lang ni Isha ang umiinom sa mga bar ay okay lang saakin, bihira lang ako sumama doon sa mga friends namin na ang lalakas talaga uminom.

Nang malampasan namin ang bouncer ay naghanap agad kami ng upuan ni Isha at nag order agad siya ng mga pulotan at isang bote ng Embassy kaya nagulat naman ako

"May balak ka bang magpaka wasted ngayon?!" sabi ko, gulat parin

"Tanga, 'yun lang naman iinomin natin tapos beer tayo pang cool down" nakangiting sabi niya saakin sabay akong kinindatan

Habang hinihintay namin ang inomin namin ay nilibot ko ang paningin ko, ewan ko rin, baka may makita akong kakilala. Ngunit napako ang paningin ko sa kabilang side ng table, nasa may right side kami at sa ginta ay ang billiard section, sa may left side nakita ko ang limang lalaking nagtatawanan at nag iinoman. Nanlaki lalo ang mata ko nang makita si ateneo guy. Shit oo nga pala, mag ro-Rookies din pala to si ugok

Napasapo ako sa noo ko at hinihiling na sana ay 'di magawi ang paningin niya sa pwesto namin at hindi niya ako makita. Ngunit nagdarasal pa lamang ako ay nandito na agad siya sa harapan ko. Nang iangat ko ang paningin ko ay nakita ko ng malapitan ang itsura niya, nakangiti siya saakin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa.

Naka clean cut ang buhok niya kaya ang linis niyang tignan, medyo kaputian, makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapupula ang.. labi. Napapikit ako nang marealize na mas nabigyan ko ng atensyon ang labi niya.

Naka grey shirt lang siya, black pants at sumisigaw ang Balenciaga shoes! Gago ang yaman naman nito!

"I thought DYD kayo?" nataohan ako nang tanungin niya ako kaya napa angat uli ang tingin ko sakanya. Inayos ko ang upo ko at binaling ang tingin kay Isha na ngayon ay mapaglaro na ang ngiti

"Change of mind" mataray na sagot ko

"Have you order already? What are you gonna drink?" tanong niya ulit

'Di ko siya kakausapin dahil english siya ng english, wala akong time sa mga englishero!

"Paki mo ba" mahinang sagot ko, 'di pa rin siya tinitignan. Agad namang kinurot ni Isha ang kamay ko dahil sa sagot ko ngunit inirapan ko lamang siya. Tumayo ako dahil parang gusto ko nalang maglaro ng billiards kaysa makipag englishan sa ugok na 'to

"Billiards lang ako Isha" paalam ko sa kaibigan ko at dumiretso na sa billiard section. Nakita kong pinag tatawanan si ateneo guy ng mga kasama niya, siguro dahil ay hindi ko siya kinausap

Kinuha ko ang tako na nakasabit sa pader at saka inayos ang bola. Nakita ko naman sumunod parin saakin si ateneo guy. Parang tanga naman 'to!

"Wow, you're playing billiards huh" manghang sabi niya at ipinatong ang kamay sa board

"Hindi pa, inaayos ko pa ang bola 'diba?" mataray na sabi ko, pinapatuloy ang pag ayos ng bola

"Oh yeah, I see" natatawang sagot niya

Nang maayos ko na ang bola ay pinosisyon ko na ito saka tumira ng malakas. Yes! 2 agad ang nakapasok. 'Di naman ako magaling sa billiards, parang feel ko lang laruin, dahil exciting rin

"You're good. How are you interested in billiards?" dumaldal nanaman ang isang 'to! Buti sana kung hindi english lumalabas sa bunganga nito eh!

"Slight lang" maikling sagot ko, naghahanap ng magandang posisyon para tumira ulit ng bola

"What other sports do you like?" tanong niya nanaman

"Tennis" sagot ko, naalala si Jasper, kinikilig tuloy ako enebe! Kahit 'di naman ako marunong mag tennis, what do I like naman ang tanong niya eh! Like ko naman si Jasper ehe

"Oh, that's why you are friend with Jasp" sagot niya, tinignan ko naman siya, halos matunaw ako sa lalim ng titig niya saakin habang siya nakangiti pa rin

"Siguro" binawi ko ang tingin sakanya at itinuon ulit ang atensyon sa laro

"Are you interested in basketball?" tanong niya nanaman, grabe may listahan ba 'to ng mga tanong at mukhang prepared na prepared siya?!

"Are you?" binalik ko sakanya ang tanong, kahit alam ko naman ang sagot dahil obvious naman, basketball player siya

"Yeah.."

"Oka-"

"Like how I'm interested in you"

Puputolin ko na sana ang usapan namin paramatigil na siya, ngunit dahil sa sinabi niya ay ako ang natigilan. Tinignan konaman agad siya, ngunit binigyan niya lamang ako ng matamis na ngiti.

Lord, ano bang ginagawa nang lalaking 'to saakin?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status