Share

Chased by the Four Kings
Chased by the Four Kings
Author: fumefleur

Chapter 1

Luna

Abala ang lahat ng tao at halos magsiksikan na sila sa pamimili. Naigulong ko ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila dahil nag-aaksaya lang sila ng oras. Another boring day for me.

Isang liham lang ang pinadala galing sa baluktot na Hari na nakaupo sa Aleria Palace pero kung magkagulo sila ay parang katapusan na ng mundo. Mga kawawang nilalang.

Punong-puno ng mga tao ang Feria La Plasa dahil ito ang pinakamaluwang na pamilihan dito. Sa sobrang siksikan nila ay nagmumukha na silang mga isda sa de lata. The crowd has a life of its own, the vibrant clothes shine in the morning light and the people move like enchanting shoals of fish.

Ngayon ay ang unang linggo ng Venosa Fiesta, na ginaganap mula unang linggo ng Marso at nagtatagal ng walong linggo. Ito ay isa mga okasyon na inaabangan at pinaghahandaan ng mga tao. Sa unang linggo ng pagdiriwang ay naghahanda ang bawat tahanan ng sari-saring putahe. Sikat ang ham de bola at pule cheese, ngunit iilan lang ang may kayang maghain ng mga 'yon dahil mabigat sa bulsa ang presyo.

Ang fiesta na ito ang pinupuntahan ng mga tao rito sa village ng Flaria. Hindi maganda ang gising ko dahil bumalagta sa akin ang balitang bibisita ang mga Nobles. Bababa sila mula sa Aleria Kingdom at pupunta rito pagsapit ng hating gabi pero ang mga tao rito ay tanghaling tapat pa lang ay naghahanda na.

Nanatiling diretso ang tingin ko sa harap habang naglalakad at pinili kong hindi dumikit sa mga tao. Pasimple kong tiningnan ang mga telang nakahelera sa daan.

Mapupula't matingkad ang kulay ng mga 'yon at kumikinang tuwing nasasanigan ng araw. Makapal ang tela at halos punuin na nila ng abaloryo ang dulo ng bawat tela. Ang iba'y ginto pa ang kulay. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa mga 'yon, at para saan naman ito?

Pinagsama't pinagdikit ang mga tela. Nang makalayo ako ay doon ko lang napansin na isang optical illusion ng isang korona ang makikita sa mga tela. Kung sino mang may gawa nito'y ang dami niyang sinayang na oras.

Napangisi ako nang isang bagay ang pumasok sa isip ko, tumingin ako nang diretso sa harap at humakbang nang mabagal. Nang malagpasan ko ang mga tela ay isang malakas na hangin ang biglang dumaan dahilan para magulo at masira ang pagka-ayos ayos ng mga 'yon.

Narinig ko pa ang sigawan ng ilang mga tao at ang sigaw ng isang matabang babaeng tumatakbo papunta sa mga 'yon, siguro ay siya ang nag-ayos non. Halos mangiyak-iyak na siya dahil nasira ang pinaghirapan niyang gawin.

Hindi nawala ang ngisi ko hanggang sa makalayo ako sa pwestong 'yon. Wala man lang silang ka-alam alam na ako ang may gawa ng pagkalitaw ng hangin na 'yon. Kawawa naman sila.

Habang patagal nang patagal ang paglalakad ko ay mas nagiging madami ang mga tao rito sa Feria La Plasa. Walang kaso sa akin 'yon dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang lugar na ito.

Abala ang lahat sa paglalagay ng dekorasyon sa paligid samantalang ako ay walang ganang sumandal sa pader at nanood sa kanila. Ang iba sa kanila ay may hawak pang pulang parisukat na tela. At nasa sentro non ay walang iba kundi ang Royal Symbol.

Ang inukit na korona ng hari ang sentro ng Royal Symbol. Nasa loob 'yon ng isang kulay gintong bilog. Samantalang mga gintong espada na pinagkrus ang nasa ibabang bahagi ng bilog.

Naigulong ko ang mga mata ko habang nakatingin doon at umiwas ng tingin. Grabe, ang sakit sa mata. Mas gugustuhin ko pang mabulag kaysa makita ang simbolo na 'yon araw-araw.

Kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang Royal Flag. Ang iba ay nakasabit pa sa poste at katabi mismo ang watawat ng Arkania. Masyado silang bastos, bakit nila itatabi ang watawat ng Arkania sa isang basura?

Kung ako'y tatanungin, mas pipillin ko na lang matulog mamayang hating gabi kaysa tumunganga at makipagsiksikan sa labas. Hindi ko ikakayaman ang panonood sa gagawing pagmartsya ng mga Nobles.

Muli akong naglakad at ginulo ng malamig na simoy ng hangin ang itim at mahaba kong buhok. Napapikit na lang ako dahil sa inis, umabot na hanggang beywang ang buhok ko pero hindi ko ito pwedeng putulin. Wala akong ibang magagawa kundi ang magtiis sa ganitong buhok.

Maluwang ang Feria La Plasa at halos malapit na ring mapuno ng mga tao kaya minabuti kong bilisin ang paglakad ko.

Napansin ko ang pag-angat ng ulo ng ilang kalalakihan sa gilid at tumingin sa akin. Kumpara sa suot ko ay matingkad ang kulay ng kasuotan nila. Pinagpatong-patong 'yon ngunit hindi madumi tingnan.

Nahagip ng mata ko ang suot na medalyon ng isa sa kanila, senyas na hindi sila nakatira rito sa Flaria pero wala akong paki. Hindi ako nagpatalo at tumingin rin sa kanila pabalik.

Sinundan naman nila ako ng tingin habang naglalakad ako. Tiningnan ko sila isa-isa nang mata sa mata nang hindi kumukurap hanggang sa nailang sila at umiwas ng tingin.

Ilang beses na akong napamura sa isip dahil gawa sa lumang bricks ang tinatapakan ko kaya hirap akong maglakad. Dumagdag pa ang hapit at mahaba kong suot. Mahaba rin ang manggas ko at halos umabot na sa paanan ang palda ko.

Pinaghalong itim at asul ang suot ko't luma na. Kita rin ang liit ng beywang ko dahil sa hapit ng suot ko kaya iniisip ko kung masyado akong agaw pansin. Hindi ko gusto tuwing nasa akin ang atensyon ng lahat. Hindi ako natutuwa.

"Luna! Luna!"

Napapikit ako sa ikalawang beses nang isang matinis na boses ng babae ang narinig ko. Napabulong na lang ako sa kinatatayuan ko upang pakalmahin ang sarili ko. Pwede namang mamaya na lang siya lumitaw, bakit ngayon pa? May kailangan akong puntahan.

Siksikan ang mga tao ngunit sa panrinig na mayron ako ay alam ko kung saan nanggaling ang boses na 'yon pero pinili kong hindi lumingon. Diretso pa rin ang tingin ko sa harap at nagpatay malisya na lang.

I can hear the breathing of everyone, the foot steps, a mixed conversations between sellers and buyers and people catching up. And her, yelling my name in a distance like the world will end any minute.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad dahil malapit nang masira ang mga tainga ko sa naghalong ingay sa paligid. Mas lalong sumasakit ang tainga ko dahil ang Hari ng Aleria ang bukambibig ng karamihan na kulang na lang ay sambahin nila. Pathetic people.

Isang puting tela ang bumagsak mula sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nasundan 'yon ng paghulog ng ilang pulang mansanas kaya nangunot ang noo ko. Umuulan na ba ng mansanas ngayon?

Nagsigawan ang mga katabi ko babae dahil pati sila ay nahulugan ng mga mansanas. Agad silang umalis sa pwesto nila at ako lang ang naiwang nakatayo do'n.

"Luna! Luna!"

Muli kong narinig ang sigaw ng kaibigan ko pero hindi ko 'yon pinansin. Tumingala at nakita ko ang paghulog ng isang gintong kumot sa kinatatayuan ko. Malayo pa 'yon sa akin at mataas ang pinanggaligan. Sigurado akong aabutin pa ng pitong segundo bago bumagsak sa akin.

Isang ideya ang pumasok sa isip ko habang pinapanood 'yon, pwede na siguro rito. Bumalik ang tingin ko sa harap at naglakad. Kasabay ng bawat yapak ko ang pagbilang ko sa aking isip.

Sa pagpatak ng pitong segundo ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kumot sa aking ulo. Tama nga ang naging bilang ko. Nagdilim ang paningin ko nang dalawang segundo dahil sa pagbagsak no'n sa akin.

Pagdilat ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa isang tahimik na gubat. Nawala ang mga maingay na tao at napalitan nang mahahabang damo ang tinatapakan ko. Sa sobrang tahimik ay tanging tunog lang ng mga insekto ang naririnig ko.

Nag-unat unat ako habang nakatayo habang ninanamnam ang sariwang hangin. Mabuti na lang ang mayron ang kumot na 'yon kaya nakakuha ako ng pagkakataon para mag-teleport sa lugar na ito.

Sigurado akong halos mabaliw na si Helena dahil bigla akong nawala sa pwesto ko kanina. Baka ay isipin niya pang kumukuha ng tao ang kumot na bumagsak sa akin.

Napailing-iling na lang ako habang nakangisi at umupo sa tabi ng lawa. Nilubog ko magkabilaan kong mga paa sa malamig na tubig ng lawa at ginalaw ang mga paa ko na parang isang batang naglalaro.

Ang gubat na ito ay tinatawag na Gubat ng Shiera at ang lugar na ito ang takbuhan ko lagi tuwing hindi ko na kayang tiisin ang gulo ng mundo.

Isa pa ay hindi ko masikmurang manirahan sa isang nayon na pinamumunuhan ng isang Hari, masyadong nakakadiri.

Hindi rin ako pwedeng makihalubiho sa ilang pangkat ng tao dahil mahirap na 'pag nagkataon. Piling mga tao lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil kailangan kong mag-ingat.

Tumingin ako sa lawa at tumitig don.

I saw a girl with a petite face. She was staring at me with her almond eyes.

Her arched eyebrows are thick enough to create a balance with her face down to her pouty lips.

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan ang repleksyon ko dahil puro sakit at paghihiganti lang ang nakikita ko sa mga mata ko.

Bakit mas madali pa ang mamatay kaysa mabuhay?

Nanatili ang tingin ko sa mga puno ng mansanas na kaharap ko. May kalayuan 'yon sa akin pero kitang-kita ko pa rin. Under the sun, the apples glowed more rosy than they do. The branches of each tree spread out as if

so proud of the bounty they brought.

Berdeng-berde ang kulay ng dahon ng mga puno at buhay na buhay.

Mabuti pa ang mga puno sa gubat na ito ay malaya. Mabuti pa ang lawa na nasa harap ko ay walang bakas ng dugo at malinis.

Kung ikukumpara ko ang Hari na nakaupo lang magdamag ay isa siyang punong walang bunga at may lantang mga dahon.

Napatigil ako sa pagmuni-muni nang isang yapak ng paa ang narinig ko. Lumingon ako sa likod ko dahil doon nanggagaling ang naririnig ko. Magaan ang mga yapak ng paa na 'yon at sigurado akong isang babae ang paparating.

Nangunot ang noo ko at agad na tumayo para sumandal at magtago sa isang puno. Ako at ako lang ang nakaka-alam ng gubat na ito, paanong may paparating dito? Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko at naging alerto.

Pagkatapos ng ilang segundo ay isang babaeng nakatalikod ang nakita ko. Nakapusod ang pula niyang buhok samantalang puti at itim lang ang kulay ng suot niya. Her dress is black with white trim and it's a full skirt.

Nangunot ang noo ko nang makita ko rin ang suot niyang puting apron, sa beywang niya ay may isang malaking puting ribbon. Isang magarang kahon ang nakapatong sa gilid ng paanan niya, ginto ang kulay no'n at puno ng diamante ang gilid.

Napataas ang kilay ko nang makita ko 'yon, mukhang magara at mahal. Saan niya nakuha ang bagay na gano'n?

Lumingon sa gawi ko ang babaeng 'yon kaya agad akong nagtago sa likod ng puno. Tumingin ako sa paligid at inisip kung ano'ng pwede kong gawin dahil hindi ako pwedeng magdalos-dalos.

Narinig ko ang ingay galing sa tubig at ang ingay galing sa pagkusot ng mga damit. Pinakiramdaman ko ang presensya ng taong 'yon dahil baka ay isa lamang 'tong patibong. Paano at saan niya nalaman ang gubat na ito? Ako lang ang nakadiskubre ng lugar na 'to.

The person started to hum at isang pamilyar na boses ang narinig ko pero nanatili ako sa pwesto ko. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko ma-alala kung kaninong boses 'yon. Napapikit na lang ako sa kinatatayuan ko, so frustrating.

Blanko ang mukha ko nang umalis ako sa pwesto ko at taas noong humarap sa taong nasa harap ng lawa. Samantalang siya ay nanlalaki ang mga mata nang makita ako kaya nangunot ang noo ko. She also looks familliar. Saan ko nga ba siya nakita?

Pagkatapos nang ilang segundo ay nanlaki na rin ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya. Hindi ko siya agad nakilala dahil sa tindig at suot niya. Bumaba ang tingin ko sa isang simbolo na nakatatak sa ibabang bahagi ng palda niya, kahit maliit 'yon ay kitang-kita ko pa rin.

Royal Symbol.

Binalik ko ang tingin ko sa maamo niyang mukha at isang mapait na ngiti ang binigay niya sa akin. Ang bilog at mahaba niyang pilik mata ang una kong napansin. Katamtaman ang tangos ng ilong niya. Pula ang mga labi niya at senyas na dapat ay palagi siyang maayos tingnan.

"Ang sabi nila sa akin ay tago at walang nakaka-alam ng gubat na ito. Bakit ka nandito? Hindi ko inaasahan na magkikita tayo ulit at dito pa. Naiwan mo pa ang suot mo pang paa rito." mahina niyang sabi at binalik ang tingin niya sa ginagawa niya. Pinagpag niya ang damit na hawak niya sa ere at naningkit ang mga mata ko nang titigan ko 'yon.

Mahinhin ang boses niya at gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Nahawa yata agad ako ng katangahan ng ibang tao. Siguro ay kailangan ko nang bawas-bawasan ang paglalakad sa siksikang lugar, transmitted na yata ang katangahan.

Kasing pula ng rosas ang tela at kumikinang pa dahil sa sinag ng araw. The fabrics are finer than people can afford and only Royals are allowed to wear red and violet silk. Ibig sabihin ay pagmamay-ari ng miyembro ng Royal Family ang mga damit na nakalagay sa magarang lalagyan na nasa tabi niya.

Pati ang mga kulay ng kasuotan namin ay kontrolado nila na parang pagmamay-ari nila ang mundo.

"Naninirahan ka pa rin ba sa Finola Village?" Nilagay niya ang damit sa magarang lalagyan na nasa paanan niya at binuhat niya 'yon. Nahulog pa ang isang kulay pilak na medyas at tumingin ako nang diretso sa kanya.

"Hindi ko kukunin 'yan dahil ayaw kong madungisan ang mga kamay ko." diretso kong sabi at nanlaki ang mga mata niya. Mukhang hindi niya inasahan ang sinabi ko.

"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! kung may nakarinig sa'yo ay baka mapugutan ka agad ng ulo sa palasyo!" Luminga-linga siya sa paligid at bakas ang kaba sa mukha niya pero wala akong paki.

Ang babaeng kaharap ko ay walang iba kundi si Silvanna at siya ang kababata ko. Lumaki ako sa Finola Village na tatlong oras ang biyahe papunta rito sa Flaria. Ang mga magulang ni Silvanna ay sampung taong nanilbihan sa Royal Family at sa huli ay gano'n din ang naging kapalaran niya.

Kinuha rin siya sa palasyo at naging isang Chamber Maid, sa tatlong klase ng mga katiwala ay sila ang pinagkakatiwalaan. May karapatan silang pumasok sa kwarto ng mga Hari at sila rin ang naghahanda't nag-aayos ng kanilang damit.

Diretso ko siyang tiningnan habang siya ay abala sa pag-aayos ng mga damit. Sipain ko na lang kaya ang lagayan ng damit sa lawa para wala na siyang problema?

Pinulot niya ang medyas sa muling inayos ang mga damit. Tumayo siya at binuhat ang lagayan gamit ang maliit niyang mga kamay at payat niyang mga daliri.

"Kinagagalak kong makita ka ulit, pasensya na at kailangan kong umalis agad baka ay hanapin na ako sa palasyo." mahina niyang sabi sa akin at isang diretsong tingin lang ang binigay ko sa kanya.

"Bakit mo pinagsisilbihan ang mga nakaupo't nagpapakasarap lang samantalang naghihirap ang mga tao?" hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at diretso siyang tiningnan.

Tumingin siya pabalik sa kin at nakita ko ang kalungkutan sa mga mata. Sa ikalawang beses ay isang mapait na ngiti ang naging sagot niya sa akin.

"Pasensya na at kailangan ko na talagang umalis ngayon." mahina niyang sabi at tinalikuran ako. Mas lalong nag-apoy ang galit sa buong sistema ko. Ang nag-iisang kababata ko at sampung taon kong hindi nakita ay kinuha nila.

Hindi yata maganda ang desisyon kong pumunta sa gubat na ito ngayon.

Inis akong dumilat dahil sa ingay ng mga tao sa labas. Bumungad sa akin ang mesang gawa sa makapal na kahoy. Nakapatong do'n ang tatlong aklat at isang pluma. Patagilid akong nakahiga at kahit anong posisyon ang gawin ko ay maingay pa rin.

Umuwi ako dahil gusto kong matulog at magising kinabukasan pero sa ikatlong beses ay nagising ulit ako. Napansin kong madilim ang paligid kaya bumangon ako, tumingin ako sa bintanang may kalayuan sa akin at nakita kong gabi pa lang, hindi pa umaga.

Napapikit ako sa inis dahil gusto kong batuhin ang mga kalalakihang naririnig kong nagtatawanan sa labas. Siguro ay may inumang nagaganap. Isang mabilis na yapak ng mga paa ang narinig ko at palapit nang palapit 'yon.

Pagbilang ko ng tatlo ay bumukas ang pintong gawa sa makapal na kahoy at bumungad sa akin si Fionna, ang nakababata kong kapatid at limang taon ang agwat namin.

"Tatlong oras na lang bago maghating gabi! dadating na ang mga Nobles mamaya!" masigla at nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi ko tinatanong." diretso kong sabi at siningkitan niya naman ako ng mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay kahit na nakahiga pa rin ako sa kama.

"Halika na! Samahan mo ako sa labas at mag-abang!" Halos masira ang mga tainga ko sa tinis at lakas ng boses niya. Naigulong ko na lang ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi mo kailangang sumigaw dahil kahit malayo ka ay naririnig pa rin kita. Ang sakit ng boses mo sa tainga." walang preno at madiin kong sabi. Tinalikuran ko siya at tumagilid upang pumikit. Pero dumilat ulit ako

dahil napagtanto ko kung ano ang sinabi niya. Tatlong oras na lang? Bilog ba ang buwan ngayon?

Narinig ko ang yapak niya palapit sa akin at naramdaman kong sinindot niya ang balikat ko habang nakahiga ako.

"Natutulog ka ba? Luna, luna, luna, luna." walang preno niyang sabi at inulit niya pang banggitin ang pangalan ko. Nagtimpi ako at napapikit sa inis, pati ba naman sa pagtulog ay guguluhin niya ako? "Luna, natutulog ka ba?" mahina niyang sabi.

"Hindi, nag-prapractice lang akong mamatay." pabalang kong sagot habang nakapikit. Hinawakan niya ang balikat ko at kumapit don kaya nangunot ang noo ko.

"Sige na, halika na. Ito ang unang beses na bibisita sila sa atin." malambing niyang sabi pero hindi ako nagpadala doon.

"Ano'ng mapapala ko? Yayaman ba ako kapag pinanood ko sila?" pabalang kong sabi, hindi siya nagsalita pabalik at pilit akong hinila paalis nang kama. Naigulong ko na lang ang mga mata ko at lumingon sa kanya.

"Bitawan mo ako at baka masapak kita." madiin kong sabi sa kanya at naramdaman ko na lumuwag ang kapit niya sa akin bago niya ako bitawan.

She pouted her red lips while frowing and started murmuring. Pasalamat siya at wala akong ganang tumayo, baka ay pinasok ko na sa bunganga niya ang nakapatong na pluma sa mesa para manahimik siya.

Padabog niyang sinara ang pinto at napamura ako dahil masakit sa tainga. Umupo ako at inis na bumangon sa kama. Tumayo ako at natigilan ako nang isang kakaibang presensya ang naramdaman ko.

Agad akong bumangon ng kama at tumakbo papuntang pinto para buksan 'yon. Ang daming tao sa labas at puno rin ng iba't-ibang ingay ang paligid pero hindi ko 'yon pinansin.

Ginala ko ang mga mata ko sa paligid para hanapin si Fionna pero kahit saan ko ibaling ang ulo ko ay hindi ko siya makita. My instinct is telling me that tonight will be the worst night of my life. Bakit ngayon pa siya nag-inarte at saan siya nagpunta? 'Nangyan.

Nanatili akong kalmado kahit na hindi ko nakita ang kapatid ko sa paligid. Tumingala ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong full moon ngayon. Tago ang buwan sa ulap at malapit nang lumabas.

Tumakbo ako at walang paki kung may mabangga man ako. Narinig ko ang reklamo at mura ng mga nababangga kong tao pero wala akong paki. Bilang ang oras ko dahil sa buwan at kailangan kong hanapin ang kapatid ko.

Nakarating ako pabalik sa Feria La Plasa at hanggang doon ay puno pa rin ng tao. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa mukha kasabay ang paghingal ko. Tumingala ako para makita ang langit at napamura na lang ako sa nakita ko. Malilintikan yata ako ngayon.

Narinig ko ang matinis na tili ni Fionna kaya umangat ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nanggaling 'yon sa gubat ng Shiera. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para tumakbo papunta do'n, kasabay ng paghingal ko ay ang pagpatak ng pawis ko. Ano'ng nangyari sa kanya? Paano siya nakapunta sa gubat na 'yon?

Tumalon ako nang napakataas at agad kong naabot ang sanga ng isang puno. Tumapak ako don at kumuha ng buwelo para tumalon uli.

Kasabay ng paglabas ng buwan sa mga ulap ay ang unti-unting pagbabago ng kulay ng buhok ko. Ang itim kong buhok ay nagiging kulay ginto. Kumikinang ang buhok ko sa madilim na langit habang ginugulo ng hangin.

A burning silver smoke came out from my palm and started to spread in the mid air. Kumalat 'yon hanggang sa naging hugis espada at mahigpit kong hinawakan. Ito ang puweba na ako ay kakaiba sa lahat.

At ang dahilan kung bakit ako hinahanap ng mga Hari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status