Share

Chapter 2

Luna

2.48832

'Yan ang eksaktong segundo bago ako bumagsak sa lupa nang nakatayo. Ginala ko ang mga mata ko sa gubat dahil walang Fionna na bumungad sa akin.

Naigulong ko ang mga mata ko dahil nagsayang lang ako ng oras. Kaninong pakana naman kaya ito? Ang daming alam. Lokohin na nila ang lahat, huwag lang ako.

Umurong ako at isang segundo pagkatapos non ay may patalim na pumunta sa kinatatayuan ko kanina. Naputol pa ang ilang hibla ng buhok ko at matalim akong tumingin sa direksyon na pinanggalingan non. Kung sino man ang nagbato nito ay pupugutan ko agad ng ulo. Malas niya.

Walang sabi-sabi akong tumakbo papunta sa pinggalingan non. Tumalon ako at umikot sa ere para kumuha ng buwelo sa gagawin kong atake.

Mahigpit kong hinawakan ang umaapoy kong espada pero wala ring kwenta dahil walang tao na nakatayo sa posisyon na pinuntahan ko. Bwisit talaga.

Muli akong napapikit dahil kailangan kong magtimpi. Kapag napuno ako ay baka magiging abo ang gubat na ito. Ang tunog ng mga insekto at galaw ng mga damo lang ang naririnig ko.

Dumilat ako at agad na tumakbo palabas ng gubat dahil may napagtanto ko. Kung sino man ang may pakana nito ay sigurado akong may dahilan kung bakit niya ako pinag-aksaya ng oras sa gubat ng Shiera. Mahuli ko lang kung sino siya ay talagang malilintikan siya sa akin.

Halos matakpan na ng buhok ko ang kalahating bahagi ng mukha ko habang tumatakbo. Inis kong inayos 'yon bago nagtago sa isang pader nang makabalik ako sa Feria La Plasa. Hindi nila pwedeng makita ang itsura ko ngayon dahil kulay ginto ang mata at buhok ko.

My sword slowly became a thin smokey air and evaported. Kailangan ko ring itago ang espada ko.

Feria La Plasa contained a fearsome amount of people crowded around market stalls. I whined in disgust. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sila makahanda ngayon. Wala naman silang mapapala.

Maliwanag ang paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa mga lampshade.

Sumilip ako sa kumpulang mga tao mula sa malayo at agad din akong napapikit. Halo-halo ang kulay ng mga suot nila kaya nakakahilo tingnan. Ba't ba kasi sila nandito sa labas na parang may mapapala sila mamaya?

Hindi naman Santo ang mga Hari para sambahin. Kahit pa lumuhod sila sa harap ng Hari ay hindi magbabago ang buhay nila at walang mangyayari.

Pagdilat ko ay isang lalaking matangkad ang may tinutulak na isang barrel habang dahan-dahan siyang naglalakad. Mukha siyang timang dahil pwede namang kumuha ng cart para mas mapadali ang gawain. Mga tao talaga, ang hilig pahirapan ang sarili.

Katulad ko ay pinagpatong-patong din ang damit niya at hindi matingkad ang kulay. Kulay tsokolate ang buhok niya't hindi ko makita ang mukha dahil sa dilim. Pasimple akong naglakad palapit sa kanya nang hindi nagpapahalata pero napansin kong dumadami na ang taong dumadaan sa pwesto ko.

Tinapat ko ang palad ko sa lampshade na katabi ko at nagdilim ang buong paligid. Narinig ko pa ang maarteng tili ng mga kababaihan at nagkagulo ang lahat ng tao dahil biglang nawala ang mga ilaw.

Mabilis akong tumakbo palayo sa pwesto ko kanina at sinigurado kong wala akong mababangga. Kung minamalas ka nga naman. Leche talaga.

Tumalon ako sa isang pader at nang tumapak ako sa lupa ay natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng aming tirahan. Mabuti na lang at walang tao nang lumitaw ako rito. Katapusan ko na kapag may nakakita sa akin.

Agad kong binuksan ang pinto para pumasok. Nakasalubong ko si Fionna at nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Hindi niya inaasahan na uuwi ako ng ganito kaaga? Isang diretsong tingin ang binigay ko sa kanya at napansin kong hindi siya makatingin sa akin.

"Saan ka galing?" nagtataka niyang tanong at nilapag ang hawak niyang kahon sa mesa. Yumuko siya at hinarangan 'yon para takpan habang may inaayos. 'Di ako sumagot sa kanya at diretso pa rin siyang tiningnan.

Hindi ko na kailangang itago ang mata't buhok ko sa kapatid ko dahil alam niya ang tungkol dito. Alam niya rin kung ano ang mga kaya kong gawin. Ang pinagkaiba lang namin ay hindi kami parehas ng taglay na abilidad.

Halata sa amin na magkapatid kami dahil magkahawig kami. Maganda ang hugis ng mga mata ni Fionna at mahahaba ang pilik mata. She's gifted with rosy red lips and a pointed nose. Ako'y bente anyos at siya ay kinse anyos naman.

Maiksi lang ang itim niyang buhok at hanggang balikat. Hilig niyang isuot ang damit niyang kulay berde at hanggang siko ang manggas. Mahaba 'yon at kulay dilaw ang palda. Ang sakit sa mata ng suot niya, jusko. Nakakahiya, hindi ko 'to kapatid.

"Balak pa rin ba nating mag Passonetsa?" muli niyang sabi at naigulong ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya don?

Ang Passonetsa ay isang tradisyon na paghahanda ng sari-saring putahe sa mesa. Tradisyon 'yon sa apat na Kontinente ng Arkania. Sus, ang daming ka-artehan. Gusto kong lumipat ng ibang planeta.

Ang pagkain at paglunok ng mga putahe ay ang pagtanggap sa mga makapangyarihang tao na bibisita sa isang kontinente at nayon. Bakit ko naman gagawin 'yon? Baka masuka lang ako pagkatapos.

Hindi ako nagsalita at pasimpleng dumaan sa gilid ni Fionna. Sinubukan kong silipin ang tinatakpan niya pero hindi ko pa rin makita.

Ano ba'ng tinatago niya at naiinis ako. Palutangin ko na lang kaya 'yon at ihagis sa pagmumukha niya?

Kinuha ko ang isang banga at sinilip ang loob, naamoy ko ang pinaghalong suka at asin. Sinadya kong ibabad ang isda sa asin para tumagal 'yon hanggang tatlong araw. Mabigat sa bulsa ang mga sariwang isda sa pamilihan.

Isang bariles ang tinago ko sa pinakagilid at nang sinilip ko ay wala akong nakita sa loob. Siningkitan ko ng mata si Fionna na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa akin.

"Fionna." matigas kong sabi habang naghahanda ng mga putahe para sa pagtanggap kunno sa mga Nobles na dadating mamaya.

"Kumain ka nanaman ba kagabi?" malakas kong sabi, napansin kong natigilan siya sa ginagawa niya pero hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Hindi ah!" pasigaw niyang sabi at naigulong ko ang mga mata ko. Nagkamali siya ng niloko, ako pa gawin niyang tanga.

"Neknek mo, uy. Tatlong pirasong karne ang nilagay ko rito bago tayo matulog." tumaas ang boses ko sa kanya, "Nagmarka pa ang kamay mo sa gilid, hunghang." Lumingon siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, sabi ko na nga ba'y may tinatago 'to eh.

Napatingin ako sa likod niya at napansin kong tinakpan niya ulit 'yon kaya naglakad na ako palapit sa kanya. "Ano ba'ng tinatago mo-"

"Wala!" pasigaw niyang sabi sa akin at napangiwi ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napakapit ako sa pader dahil may kirot akong naramdaman sa kalamnan ko at parang pinipiga. Mabuti na lang at hindi ko tiyan ang nahawakan niya baka nagsusuka na ako ng dugo ngayon.

Matalim kong tiningnan si Fionna dahil kanina pa ako nagtitimpi sa kanya. Pasalamat siya at mataas ang pain tolerance ko. Masyado siyang paranoid, leche siya't ano bang problema niya?

"Hindi ko sinasadya! Hala!" Akmang hahawakan niya ulit ako pero umurong ako at hinawakan ang pulso ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" madiin kong sabi sa kanya. Nakita ko na kahon ang tinatago niya kaya siningkitan ko 'yon. Kulay pula't malaki, may mga diamante pa sa gilid at kumikinang. May takip at may nakaukit na letrang K's sa gitna. Ano naman 'to at san niya nakuha?

"Ano 'to?" Tinaasan ko siya ng kilay at inunahan ko na siyang magsalita. Nakatingin lang siya sa baba kaya napapikit ako sa inis at inayos ang buhok ko dahil hindi niya ako sinagot. Ano nanaman bang kaekekan ang ginawa nito?

Umiwas ako ng tingin sa kanya at diretsong tumingin sa pinto. Kanina ko pa nararamdaman na may nagmamasid sa akin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pekeng tili na narinig ko. At sa gubat pa talaga ng Shiera galing.

Isang gunggong ang nagtagumpay na lokohin ang mga panrinig ko, mahanap ko lang siya ay gagawin ko siyang abo agad.

"Hintayin mo muna ako at may pupuntahan lang ako sa labas." diretso kong sabi kay Fionna at tiningnan siya. Tumango naman siya sa akin at umiwas ng tingin.

"Ano'ng gagawin ko sa natirang isda?" nagtataka niyang tanong at hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Halik-halikan mo kung gusto mo." sagot ko nang madaanan ko siya.

Narinig ko ang reklamo ni Fionna sa gilid pero hindi ko siya pinansin. Padabog niya pang kinuha ang mga plato at rinig na rinig ko kung paano niya ipatong sa mesa. Kapag mahimbing na ang tulog niya ay titingnan ko kung ano ang tinatago niya.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong madami pa ring tao sa labas. Kumpara kanina ay mas dumami ang mga tao at desidido silang abangan ang pagsapit ng hating gabi. Ang iba sa kanila ay hawak ang tela ng Royal Symbol.

"Magdiwang sa pagdating ng mga Nobles!"

"Magdiwang!"

Nanrindi ako sa mga narinig kong sigawan ng mga tao mula sa malayo. Bakas sa boses nila ang tuwa at may mga pumalakpak pa. Naigulong ko ang mga mata ko dahil sa kanila, mga tanga.

"'Yong buhok mo!" Suminghap si Fionna kaya agad akong lumingon sa kanya. Nakaduro siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata at nakanganga.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya dumungaw ako sa bintana para tumingala't tingnan ang buwan.

Napahawak ako sa buhok ko dahil natakpan uli ng mga ulap ang bilog na buwan.

Wala na ang kapangyarihan ko.

Nakasimangot kong sinalubong ang mga tao sa labas kaya panay rin ang siko ni Fionna sa akin. Bakit ko naman sila ngingitian ng labag sa loob ko kung pwede ko naman silang simangutan ng bukal sa loob ko, 'di ba?

Nakahelera ang mga tao at nag-aabang sa magmamartsyang mga Nobles. Tatlong minuto na lang bago sumapit ang hating gabi kaya pinilit akong lumabas ni Fionna kasama niya.

People are dressed with shimmering gowns and some dressed presentable.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa ingay ng mga tao, mukha silang mga maiingay na baboy na pinagsiksikan sa isang kulungan.

Ang mga tao sa harap ay hawak ang Symbol of Royals. They raised it high together with the flag of Arkania waiting for the Nobles to appear. Seconds later, we heard the sound of a heralding trumpet.

Napapikit na lang ako at yumuko para magtiis dahil senyas 'yon na nandito na sila. Tumahimik ang paligid at isang yapak ng kabayo ang narinig ko't nasundan ng dalawa pa.

Humakbang kami nang isang beses para magbigay daan sa kanila bago iangat ulit ang aming paningin.

I saw them again. Riding their white horses with their shimmering clothes. Napakataas nila at kailangan pa naming tumingala. Their clothes are

decorated with an array of polished diamonds, tempting topaz, and majestic moonstones. Walang kasing puti at kinis ang mga kutis na mayro'n sila.

People started praising Sir Blair while riding his white horse. His golden brown hair is shimmering under the night sky. Kumikinang din ang pula niyang damit kaya ang sarap sunugin.

Katulad ng dati ay nakangiti siyang sumalubong sa mga tao. Meh, his devilish smirk won't work for me. Makakangiti pa kaya siya kapag sinaksak ko 'yong kabayo niya?

Sunod namang dumako ang mata ko kay Sir Owen na diretso lang ang tingin sa harap. He has a darker shade of gold and wears different from his younger brother - Sir Blair. Madalas at purong ginto ang suot niya walang kolorete sa damit.

Panghuling dumaan ay si Sir Logan, ang pinakamatanda sa kanilang tatlong magkakapatid at malaki ang pagkakahawig nilang dalawa ni Sir Blair.

Napawis ako ng tingin sa kanila dahil hindi ko pwedeng igulong ang mga mata ko. Ang tagal umusad ng mga ito, daig pa ang prusisyon. Wala naman kaming napala sa panonood.

Lumipat ang tingin ko kay Fionna at nangunot ang noo ko dahil nakatingin lang siya sa mga Nobles na may kalayuan na sa amin. Ano'ng problema nito at tulala siya?

"O, buhay ka pa ba?" I snapped my fingers in front of her face. Nagulat pa siya sa ginawa kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Nanlalaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin at hindi siya nagsalita. Nauubos na talaga ang pasensya ko sa batang paslit na ito.

"Ano'ng iniisip mo? Nag-iilusyon ka ba?" Walang preno kong sabi at magsasalita na sana ako nang tumunog ulit ang trumpeta.

Gano'n lang pala ang ginagawa nila eh, bakit sila inaabangan ng mga tao? Akala mo naman mga santo.

Yumuko ulit ako bilang pagbigay galang sa pag-alis ng mga Nobles sa nayon namin. May respeto pa rin naman ako kahit katiting.

Pagkatapos ng ilang segundo ay umangat ulit ang mga ulo namin. Panay pa rin ang pagpupuri ng mga kababaihan sa harap ko kay Sir Blair kahit na sobrang layo na nila sa amin. Naigulong ko ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila, hindi kayo mapapansin no'n, mga panget.

"Umuwi na tayo." mahinang sabi ni Fionna sa akin at napansin kong panay ang tingin niya sa paligid. Humawak siya sa akin pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko at diretso siyang tiningnan.

"Ano'ng problema mo?" diretso kong sabi. Puno pa rin ng mga tao sa paligid pero wala akong paki sa mga ingay. Hindi ko titigilan ang kapatid ko hanggang wala siyang sinabing matino.

"Nagugutom ako." umiwas siya ng tingin sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon. Naigulong ko ang mga mata ko dahil sa walang kwenta niyang palusot.

"Tatlong platong kanin at isang isda ang kinain mo kanina lang, sino'ng niloloko mo?" walang preno kong sabi sa kanya. Kanina pa siya hindi makatingin sa akin na parang may hinahanap sa paligid. Kapag hindi siya nagsalita baka tirisin ko na siya.

"Umuwi na tayo." Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingin ulit sa akin, "Sige na, umuwi na tayo."

Hindi ko mabilang ko ilang beses ko na siyang inirapan, "Nagpapatawa ka ba? Pinilit mo akong lumabas at samahan ka rito tapos agad tayong uuwi? Nag-aksaya lang tayo ng oras." umiling ako at tinalikuran ko siya.

Hindi ko narinig ang mga yapak niya at naiwan yata siyang nakatayo sa pwesto niya. Naglakad pa rin ako palayo sa kanya at lumingon dahil hindi talaga siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"O ano? Akala ko gusto mo nang umuwi?" diretso kong sabi. Agad naman siyang naglakad palapit sa akin at naiirita ako dahil sobrang bagal niyang gumalaw.

"May prusisyon ba akong hindi nakikita sa harap mo at ang bagal mong maglakad?" matigas kong sabi bago ko siya irapan at naglakad ulit.

Narinig ko ang mga yapak niya palapit sa akin at pagkatapos ng ilang segundo ay katabi ko na siya.

Puno pa rin ng tao ang daan nang umalis kami. Ano pang ginagawa nila rito sa labas? Mukha silang mga timang na naghihintay ng grasyang babagsak mula sa langit, stupid people.

Tumingala ako para tingnan ang buwan, nakatago pa rin 'yon sa ulap at mukhang hindi na lalabas.

Nag-aksaya lang ako ng oras sa gubat ng Shiera at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap kung sino ang kumag na gumawa non. Kapal ng mukha para gamitin ang boses ng kapatid ko para lokohin ako.

Hindi pa kami nakakarating sa bahay namin ay tanaw na tanaw ko na ang mga tao mula sa labas. Each houses are full of Knights outside. Standing straight with their shimmering silver armor.

Sinubukan kong pakinggan kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga tao sa labas, pero sumakit lang ang tainga ko dahil lahat sila ay sabay-sabay magsalita. Mga chismosa't chimoso!

Lumabas ang isang Knight mula sa isang bahay at nakita kong umiling ito. Pagkatapos no'n ay nangunot ang noo dahil papunta naman sila sa bahay namin. Lumingon ako kay Fionna at nakita kong namumutla na ang mukha niya.

Ano'ng kalokohan ito? Bakit sila pumapasok bahay-bahay? Naningkitan ang mga mata ko dahil nagtagal sa bahay namin ang pumasok na Knight at nang lumabas siya ay isang kahon ang hawak niya.

"Ano'ng ginagawa niyo at!-"

Natigilan ako nang hugutin nila ang kanilang espada at tinutok mismo sa mukha ko. Konting galaw ko lang ay masusugat na ang mukha ko ng espada. Nadagdagan ang ingay mula sa paligid at nanatili ang tingin ko sa harap. Hindi ako nagpakita ng kahit ano'ng takot sa mukha ko.

Nilapitan kami ng may hawak ng pulang kahon na kinuha sa bahay namin. Hindi ko maipaliwanag ang gulat ako dahil 'yon ang kahon na tinatago sa akin ni Fionna.

"Ang alahas na ito ay nagkakahalagang tatlo't kalahating milyon."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at tiningnan si Fionna. Nasa likod ko lang siya at malapit nang umiyak. Humawak siya sa kamay ko at naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay niya. Nagulat ang buong sistema ko pero nanatili akong kalmado.

"Ang kahon at ang laman nito ay pagmamay-ari ni Haring Kleester! Kung sino man ang saralin sa inyong dalawa ay umabante't humanda sa parusang kamatayan!"

Pinasok ko't nilabas ang narinig ko sa mga tainga ko. Dismiyado kong tiningnan si Fionna at nakita kong nakayuko lang siya habang nakahawak sa kamay ko.

Binuksan ang kahon at kinuha ang takip, tinapat sa amin ang marka ng signature ng Hari na nasa likod non.

Saglit akong napapikit at hinigpitan ang hawak sa kamay ng kapatid ko sa huling pagkakataon. Bakit niya 'to nagawa?

Binitawan ko ang kamay niya at diretsong tumingin sa harap. Nakatutok pa rin sa akin ang espada at wala akong paki don. Mas mabuting ako ang tumanggap ng parusa.

"Ako." diretso kong sabi dahilan para tumahimik ang paligid. Hindi ko binawi ang sinabi ko at don ko na narinig ang paghagulgol ni Fionna sa likod ko.

"Ako ang may sala." dagdag ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status