Share

Chapter 4

Ikatlong Persona

Hinihingal at halos basa na sa pawis si Fionna nang makarating siya sa harap ng bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Dominic.

Sumandal siya sa pader upang punasan ang kanyang noo gamit ang kanyang palad. Halos isang oras siyang umiyak dahil hindi siya sigurado kung buhay pa ang kanyang kapatid.

Kumpara sa bahay nilang simple ay magara ang bahay ng kanyang kaibigan. Their house is made of expensive bricks and a thatched roof. Samantalang ang mga bintana naman ay gawa sa kahoy. Napapaligiran ng halaman ang kanilang bahay kaya halos wala siyang makita mula sa kanyang pwesto.

Ramdam na ramdam ni Fionna ang hapdi ng kanyang mata kakaiyak dahil sinalo uli ng kanyang nakatatandang kapatid ang ginawa niya. Napagtanto niyang nasa huli talaga ang pagsisisi.

"Bakit kasi ang bilis kong maniwala?" mahina niyang bulong. Her eyes started to sting again but she tried her best to hold back her tears. Halos manginig pa siya sa kinatatayuan niya dahil walang tao sa labas at madilim.

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para lumabas mag-isa at kung kailan tapos na ang hating gabi.

Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay ang puntahan si Dominic dahil siya ang kanyang karamay tuwing may problema siya.

"Hoy."

Nanlaki ang mga mata niya dahil isang mababang boses ng lalaki ang narinig niya. Agad siyang lumingon sa likod niya't bumungad sa kanya si Dominic. Nakatayo ito sa harap niya habang may hawak na basket na walang laman kundi mga keso at isda na binalot sa manipis na tela.

Magulo ang buhok ni Dominic at ang itim niyang suot ay gusot-gusot na. He bought his simple wool tunic for a high price. And paired it with leather belt worn over- top the lunic. Suot niya rin ang kanyang leather boots at woolen cap.

Maputi ang kutis ni Dominic at asset niya ang kanyang puti at kumpletong ngipin. Sa tangkad na mayron siya ay hanggang balikat niya lang si Fionna.

Lagpas na ang hating gabi ngunit bukas pa rin ang pamilihan sa kabilang bayan. At nakaugalian nang bumili ni Dominic ng mga ihahain niya kinabukasan.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Mukha kang basang sisiw." diretsong sabi ni Dominic kay Fionna pero wala siyang nakuhang sapak na lagi niyang natatanggap. Nanatiling nakatulala si Fionna sa harap niya pero kahit hindi niya sabihin ay alam niya.

He knows when she is sad because he's giving all his best to make her smile.

Ginulo ni Dominic ang kulay tsokolate niyang buhok, he combs his hair because of frustration. Ang kanyang asul na mga mata ay nakatingin lang sa namumulang mukha ni Fionna na halatang nagpipigil ng luha sa harap niya.

"Fionna." Umangat ang ulo ni Fionna nang marinig niya ang tono ng boses ni Dominic. She bit her lip because her eyes started to sting again. Ang dami niyang gustong sabihin pero magulo pa ang isip niya at hindi niya alam ang uunahin.

"Si A-ate nasa palasyo, kasi-sabi niya tutulungan niya ako kaya kinuha ko 'yong singsing-" nauutal at hindi klaro ang mga sinabi ni Fionna dahilan para mangunot ang noo ni Dominic. Napakagat na lang si Fionna sa ibabang labi dahil pakiramdam niya ay nauubusan siya ng oras.

"Ano? Hindi kita maintindihan, humimahon ka muna." mahinang sabi ni Dominic at nagulat na lang siya dahil unti-unting tumulo ang mga luha ni Fionna at humagulgol sa harap niya. Napasapo na lang siya sa noo dahil 'di niya alam kung ano ba'ng dapat niyang gawin.

Nanatili ang tingin ni Dominic kay Fionna habang humahagulgol ito sa harap niya at panay ang sabi niya na gusto niyang puntahan ang kapatid niya sa Aleria Palace.

"Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya," nabasag ang boses ni Fionna. Kanina pa niya iniisip kung binitay na ba ang kapatid niya o hindi. She's blaming herself and all she can do is to cry. Mas lalong umagos ang luha sa pisngi niya.

"Ano ba ang nangyari? Anong singsing? Pupunta ka sa Aleria Palace ng ganitong oras? Naririnig mo ba ang sarili mo?" walang prenong sabi ni Dominic kaya mas lalong humagulgol si Fionna sa harap niya. Muli siyang napasapo sa noo.

Hindi niya man maipakita ay apektado siya sa tuwing nakikita niyang umiiyak ang kaibigan niya. Sa loob ng limang taon nilang pagkakaibigan ay minsan niya lang nakitang ngumiti si Fionna.

"Hindi kaya..." saglit na natigilan si Dominic at pinagmasdan si Fionna. Napailing siya sa naisip niya at umiwas ng tingin.

'Impossible,' sabi niya sa kanyang isip.

Mahigit sampung minuto na silang nakatayo sa harap ng kanilang bahay. At nangangalay na rin ang kamay ni Dominic sa hawak niyang basket dahil hindi biro ang bigat ng mga keso na binili niya pero tinitiis niya ang pangangalay na nararamdaman niya para kay Fionna. He can't leave her like this.

"Naglibot sila d-dahil..." muling kinagat ni Fionna ibabang labi niya.

She is hesitant to tell the truth. At nakikita ni Dominic 'yon sa mga mata niya-he knows her very well.

Si Dominic lang ang may mahabang pasensya pagdating sa kanya. Kung ibang tao man ang kaharap ni Fionna ngayon ay malamang iniwan na siya dahil wala siyang sinabing matino at puro iyak lamang ang ginawa.

"Dahil?" tumaas ang kilay ni Dominic pero nanatiling kalmado ang boses niya.

"Dahil ninakaw k-ko 'yong-" yumuko si Fionna dahil nahihiya siya sa ginawa niya't hindi niya matanggap na ang dali lang niyang mauto.

Nagtiwala siya sa isang lumulutang na apoy na nakita niya sa kanyang panaginip. Isang misteryosong apoy na lumiliyab ng berdeng kulay, kung saan isang boses ng babae ang narinig niya at sinabing matatagpuan ang isang singsing sa gubat ng Shiera.

All she wanted was to prove herself. Ang gusto niya lang naman ay makita ng iba na hindi siya pabigat.

"Ano?" nangunot ang noo ni Dominic dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Fionna.

"Naniwala ka sa panaginip mo?" muling napasapo sa noo si Dominic at wala namang magawa si Fionna kundi yumuko.

The voice that she heard in her dream is familiar. Pakiramdam niya ay narinig niya na ang boses na 'yon noon pa.

"Isang boses ng babae ang na-narinig ko, tapos..." saglit siyang huminto at nagisip ng susunod niyang sasabihin. "Sinabi niya sa akin na nasa isang tagong gubat ang singsing. Kapag kinuha ko raw 'yon ay gaganda ang buhay naming magkapatid at hindi na kami maghihirap." Halos paos na ang boses niya at masakit na rin ang lalamunan pero pinilit niyang magsalita.

"Hindi ko naman alam na..." saglit siyang tumingin kay Dominic na tahimik lang habang nakikinig sa kanya, "Hindi ko naman alam na ang kinuha kong singsing ay pagmamay-ari ng Hari." Nanlaki ang mga mata ni Dominic dahil sa sunod na sinabi ni Fionna.

Tama nga ang naisip niya. Nang puntahan niya si Fionna upang bigyan ng isda at keso ay hindi siya pinayagan ng mga Palace Knights para makapasok sa boundary ng kanilang lugar dahil kasalukuyan daw ang pag-iimbestiga nila sa nawawalang singsing ng hari.

Bali-balita sa palasyo na isang salarin daw ang nakapasok sa loob para nakawin ang singsing ng hari. Mahigpit ang bantay sa palasyo pero sa hindi malaman na dahilan, ay lahat ng guardya ay nakatulog ng mahimbing nang nangyari ang pagnanakaw.

Nanatiling blanko ang mukha ni Dominic dahil sa sinabi ni Fionna. Ayaw niyang ipakita na nagulat siya dahil baka mas lalong umiyak sa harap niya si Fionna.

"At ano'ng nangyari sa kapatid mo? Paano siya napunta sa palasyo?" kalmadong tanong ni Dominic at agad namang tumingin si Fionna sa kanya kaya mas lalong nahalata na mugtong-mugto na ang mga mata niya.

"Sinabi niyang siya ang may sala," saglit na tumigil si Fionna dahil sa naging sagot niya. Kumuha siya ng buwelo para sa susunod niyang sasabihin.

"Sinalo niya ang ginawa ko at siya ang dinakip ng mga Palace Knights."

Wala nang magawa si Fionna kundi ang humingi ng tulong sa iba, at wala siyang mahihingan ng tulong kundi si Dominic lang. Humawak siya sa braso nito at tinitigan ng mata sa mata.

"Tulungan mo akong makapasok sa Aleria Palace at mabawi ang kapatid ko," nabasag ulit ang boses ni Fionna at hindi niya pinansin ang pananakit ng lalamunan niya.

Seeing her cry hurts him a lot so he's willing to take all risk to help her at any cost.

The Palace was high upon the hill overlooking the town, it's many pointed towers giving it the look of an eccentric crown. The walls were a white stone that glistened in the shiny moon and the roof was grey slate.

It was as big as twenty of the ordinary houses of the town and employed a good number of the townsfolk as servants. King Kleester wants perfection, so he had never been out of the palace or it's grounds. For him all floors were marble and the walls were all designed with gold.

Around the palace were the horse pastures and kitchen gardens for the royal family, and around that was a stone wall topped with iron spikes and guarded day and night. Katulad ng utos ng Hari ay hindi natulog ang lahat ng tauhan ng palasyo.

Kailangan pang tumingala ni Fionna para makita ang kabuoan ng palasyo at napanganga na lang siya. Ilang beses pa siyang kumurap dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya at panay naman ang siko sa kanya ni Dominic.

"Hoy, tumino ka nga, mahahalata tayo dahil sa'yo eh," bulong ni Dominic sa gilid niya. Fionna frowned in response while murmuring at pinandilatan siya ng mga mata ni Dominic.

Mainit at makati sa balat ang suot ni Fionna kaya panay ang reklamo niya dahil napilitan siyang magsuot ng woolen cap at damit panlalaki. Ito ang naisip na paraan ni Dominic, ang magpanggap silang delivery men.

Dominic's father works as a delivery man, nagagawa rin ng magulang niya na maglabas pasok ng mga ale sa loob ng palasyo at ngayon ay pinapasa sa kanya ang trabaho. Habang buhat ang tig-iisang wooden box na puno ng mga inumin ay nakatayo sila sa labas ng palasyo, at hinihintay kung pagbubuksan ba sila.

Ale is a popular alcoholic drink made from grain, water, and it is fermented with yeast. Everyone drinks it, even the Royals. Ito sa mga inumin na kayang gawin ng mga magulang ni Dominic. Ang mga nauna nilang nagawa ay binibigay sa palasyo at ang mga natira ay dinadala sa Feria La Plasa para ibenta.

Isang grupo ng Palace Guards ang lumapit sa kanila, pigil hininga si Fionna nang dumako sa kanya ang mga mata ni Liam-he felt something-and saw her eyes.

"Good morrow. I, Dominic Cohen Carterrs is here to offer a delivery," mahinang sabi ni Dominic at yumuko para magbigay galang. Nataranta naman si Fionna at yumuko rin sa tabi niya.

"Hi." napakagat sa ibabang labi si Fionna dahil sa nasabi niya bunga ng pagkataranta.

Napapikit naman si Dominic sa tabi niya dahil do'n. Samantalang si Liam ay nanatiling blanko ang mukha habang nakatingin sa kanilang dalawa.

'So she have a sibling,' he thought and looked away.

Nangangawit na ang mga kamay ni Fionna dahil sa bigat ng hawak niya. At malapit ng manginig ang mga kamay niya kaya agad siyang tinapunan ng tingin ni Dominic.

Isang tango lang ang binigay na tugon sa kanila ni Liam kaya agad na umurong ang ibang Palace Guards na kasama niya para magbigay daan sa kanila. Saglit na tiningnan ni Liam ang suot na singsing ni Dominic, luma man 'yon pero hanggang ngayon ay sinusuot niya pa rin dahil bigay ng kanyang Ama.

it's the ring of a page-the ring of an attendant to a nobleman, a knight or a Castellan. He knows that Dominic is a son of a page, so he wondered why he stayed as a commoner.

Dama na dama ang lamig ng simoy ng hangin sa labas ng palasyo. Napansin ni Dominic na kanina pa tumitingin sa kanya si Fionna kaya nilakihan niya ito ng mga mata.

'Ano nanaman ba?' he mouted.

'Ang bigat, hindi ko na kaya.' Fionna mouted too, napapikit naman si Dominic at umiling dahil sa kanya.

'Kayanin mo, hunghang.' Dominic mouted back, at dinikit ang balikat niya kay Fionna, muli niya itong sinulyapan kaya nakakuha naman siya ng pagkakataon para ayusin ang paghawak niya sa wooden box.

Kahit magtinginan lang sila at hindi magsalita ay naiintindihan nila ang nais iparating ng isa't-isa. Sa unang tingin pa lang ay alam na.

Puno ng mga magagarbong halaman ang labas ng palasyo at tanaw na tanaw ang malaking fountain mula sa malayo. Panay ang baling ng ulo ni Fionna sa paligid hanggang sa makarating sila sa Royal Garden.

"Anak ka ng isang page, tama?" Liam's deep and manly voice echoed in the Garden. Saglit niyang tiningnan si Dominic at agad na umiwas ng tingin.

Sabay na tumingin sila Fionna at Dominic dahil sa biglaang pagsalita ni Liam sa gilid nila, agad namang yumuko si Dominic bago sumagot.

"Opo," mahina niyang sabi, "Isa po akong anak ng dating page."

Nanatiling tahimik si Liam habang nakatingin sa kalawan at hindi na nagsalita pa. Sigurado siyang pinarating na ng mga kasamahaan niya kay Fredego ang balitang may dalawang tao na nais magpasok ng mga inumin sa loob ng palasyo, they are commoner people-delivery men.

Little did they know that Fredego already delivered the message to King Kleester. This is how fast he works.

Isang seryosong tingin lang ang natanggap ni Fredego sa Hari bilang tugon kaya agad siyang yumuko at tumingin sa baba. No one should stare directly into a King, that is one of the law.

Unti-unting sumilay ang ngisi sa mga labi ng Hari dahil sa narinig sa narinig niyang balita. He only allows delivery Thursday morning and Saturday night, he knows that something is fishy.

"So we have another rats." tugon ng hari at lumawak ang ngisi sa labi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang tunay na salarin sa pagnanakaw ng singsing niya. He loves collecting expensive jewerlies, and knowing that someone inside the palace is the culprit makes his blood boil.

Tumayo ang hari sa trono at nanatiling nakayuko si Fredego sa tabi niya. Nilagpasan niya ito at walang imik na naglakad palabas. Nakayuko't takot na sumalubong sa kanya ang mga Palace Maids at Kitchen cooks. He loves to witness how people shiver in fear when he's mad.

Rinig na rinig ang yapak niya sa gintong sahig ng palasyo kaya halos lahat ng tauhan ay natataranta dahil sa biglaang pagtayo ng Hari sa trono niya. Nagtungo siya sa sikretong daan papunta sa selda, at do'n niya nakita ang taong kinulong nila na walang iba kundi si Luna.

The King stared at her sleeping face, nakahiga ito sa malamig na sahig at mahimbing ang tulog. Her long black silky hair is already messy.

When the King laid his eyes on her, he knew that she's the one that he is looking for.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status