Share

Chapter 5

Luna

Pumikit ako at sa pagdilat ko'y natagpuan ko ang sarili ko sa madilim na lugar. Narinig ko ang tunog ng mga nadurog na dahon nang matapakan ko ang mga 'yon. Ang kadiliman at malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. How did I end up here?

Nanatili ako sa pwesto ko at pinakiramdaman ang paligid. I can hear footsteps from several feet away. Buong akala ko'y hindi na ako makakaalis sa selda kanina.

Humakbang ako ngunit wala akong natatapakan kundi mga tuyong dahon lang. I never thought of teleporting to a place like this, bakit ako napunta rito? Nandito pa rin ba ako sa boundary ng palasyo? Oh, shit. Tigok ako kapag nakita ako sa kinatatayuan ko.

Mabilis akong tumakbo paalis sa pwesto ko pero wala akong ginawa kundi umikot lang at bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Huminto ako't humingal dahil wala akong napala at nagsayang lang ako ng oras, leche saan ba talaga ako napadpad?

Inis kong nasapo ang noo ko at sinuklay ang mahaba kong buhok gamit ang kamay ko. Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa direksyon ko't sa paglingon ko sa likod ay huli na ang lahat dahil bumungad sa akin ang halos sampung Palace Maids. I froze instantly and stared back at them.

"Ano'ng ginagawa niya rito sa labas? Wala ba kayong mga paa't hindi siya sinamahan? Siya na yata ang anak ni Carding na pinadala bilang isang Kitchen Maid." maotoridad ang tono't pananalita ng matanda sa harap, sa kanan niyang kamay ay may hawak siyang isang malaking lampara.

Nangunot ang mga noo ko dahil sa sinabi niya kanina. Who the heck is Carding?

Bago pa ako magsalita ay tinapunan ako ng tingin ng matanda. Ang kutis niya ay katamtaman ang puti't ang buhok naman niya ay kasingpula ng apoy.

Ang suot niya ay mahaba ang manggas at full skirt na halos umabot sa paanan niya. Samantalang lahat sila ay may suot na maid headpiece sa ulo. Maids are only allowed to wear white and black colors. Tama nga ang hula ko.

Nagtagal ng ilang segundo ang tingin niya sa akin kaya napansin ko ang asul at bilog niyang mga mata. Hindi pa siya nakuntento't tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya at taasan ng kilay. Huwag niya akong insultuhin.

"Halina't palitan ang suot mo, kailangan mo pang pumunta sa screening." mahina niyang sabi at tinalikuran ako. Nangunot ang noo ko dahil sa narinig ko. What the hell is happening? They mistook me for someone else? Is this a trap?

Bago pa ako makapagsalita ay pumunta sa likod ko ang dalawang nakayuko na Palace Maids. Kusang naglakad ang mga paa ko't sumunod sa taong nasa harapan. Nanatili akong alerto habang naglalakad, sana ay wala kaming makasalubong ng Palace Guards dahil malilintikan ako kapag nagkataon.

Hindi man sila magsalita ay alam kong dadalhin nila ako sa loob ng palasyo. Kahit kailan ay hindi ko hiniling na makatapak sa lugar na 'yon, baka madumihan pa ang mga paa ko. I can't believe this is happening.

Ang hawak na lampara ng taong naglalakad sa harapan namin ay nagbigay ng ilaw sa paligid. At doon ko nakita na puno ng magagarbong halaman at makukulay na bulaklak ang lugar kung saan ako lumitaw.

May mga tuyong bulaklak at dahon rin sa lupang tinatapakan namin.

Malaki't gawa sa pilak ang mga paso ng mga nakahelerang halaman sa gilid. The flowers are arranged from smallest to largest. Kung sino man ang nag-ayos dito ay siguradong inabot ng siyam siyam. Naigulong ko ang mga mata ko at umiwas ng tingin. What a waste of time and money.

Bumungad sa amin ang diretsong daan at isang malaking fountain sa gitna't kailangan ko pang tumingala para makita 'yon. Sa posisyon ng buwan ay masasabi kong dalawang oras na lang bago sumikat ang araw. Saglit kong tiningnan ang tubig sa fountain at natigilan ako nang makita ko ang mukha ko.

Ang itim kong mga mata ay kulay ginto na.

Napahawak ako sa pisngi ko't tumingala at nakita ko ang nakasilip na buwan habang nagtatago sa mga ulap.

"Ano pa'ng tinatayo mo riyan?" agad na dumako ang mga mata ko nang magsalita ang taong nasa harap. Taas noo ko siyang tiningnan at hindi ako kumurap habang nakatitig sa kanya. Hindi ko gusto ang paraan kung paano niya ako tingnan.

Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin at napansin ko ang takot sa mga mukha ng kasama kong Palace Maids.

"Matuto kang hindi tumingin ng ganyan sa mga nakatataas sa'yo, kung ayaw mong madukutan ng mga mata." madiin niyang sabi at nahalata ko ang pagkairita sa tono niya. Tinalikuran niya kami't nagpatuloy siya sa paglalakad.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa sinabi niya, akala niya siguro ay matatakot niya ako. Naigulong ko ang mga mata ko habang nakatingin sa likod niya. This bitch is testing me. Kung wala kaming mga kasama ay kanina pa siya naging abo.

Naghari ang katamihan habang naglalakad kami. Palace and Kitchen Maids are nothing but a bunch of mere cowards. Nakatali sila at sunud-sunuran sa mga utos na pinapadala sa kanila. Are they expecting me to be one of them? Hell no, I'd rather die!

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan isipin ang isang bagay. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin nang subukan kong matulog sa selda.

Hindi ko rin lubos maisip kung bakit naging kulay ginto na ang mata ko. Nothing has changed, my visions are still normal. I bit my tongue because I'm so irritated. Ano'ng magagawa ko sa mga mata na 'to? pang-display?

Isang Palace Maid ang nakita kong tumatakbo papunta sa amin habang hawak-hawak ang palda niya. Hinihingal itong huminto sa harap namin at yumuko sa taong nasa harap ko.

"Kailangan po kayo sa palasyo, Miss." tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang huli niyang sinabi't napatitig ako sa likod ng taong nasa harap ko. Isang lady's maid lang pala ang posisyon niya rito, akala mo naman ay Reyna kung umasta.

"May kailangan pa akong atupagin, babalik din ako sa palasyo mamaya." diretso niyang tugon at tinapunan ako ng tingin. Hindi ako nagpatalo sa kanya at nakipagtitigan hanggang siya rin ang umiwas ng tingin sa akin. Wala ka pala eh!

Sampung minuto ang nilakad namin at wala akong ginawa kundi obserbahan ang paligid. Kung hindi ako nagkakamali, ang selda kung saan ako kinulong ay malapit sa kusina. Samantalang ang lugar kung saan ako lumitaw ay walang iba kundi ang Royal Garden.

Wala akong marinig kundi ang yapak ng mga paa namin at tunog ng mga insekto sa paligid kaya sigurado akong hindi sa kusina ng palasyo nila ako dadalhin.

Ang palasyo ay napapalibutan ng mga higanteng pader na mas mataas pa sa mga puno. The castle walls are the strongest thing for miles around.

Aabutin ako ng isang taon kung inakyat ko ang mga 'yon, paano ako makakaalis dito?

Huminto kami sa harap ng isang silid. Katamtaman ang laki non at sa tingin ko'y piniling hindi ipatayo sa loob ng palasyo. The walls are made of old bricks, ang pinto naman ay gawa sa makapal at lumang kahoy.

Napangiwi ako nang mapagtanto kong sa lugar na ganito nakatira't natutulog ang mga Palace Maids. They spent their lives serving them, and this is how they're treated? right as I thought, people who sits on high and mighty thrones only care about themselves.

"Ito ang nagsisilbing tirahan ng mga katulong sa palasyo." muling nagsalita ang taong nasa harapan naming lahat, at may diin ang salitang katulong sa sinabi niya. I can't help but to roll my eyes. Look at this bitch acting cocky. Katulong ka rin naman dito, stupid.

"Sampung oras ang trabaho sa kusina at tatlong oras ang paglilinis sa buong palasyo. Sampung minuto naman ang oras para sa agahan at tanghalian." she started murmuring things that I didn't ask, palihim akong humikab dahil nakakaantok ang boses niya.

"Pagkatapos ng paglilinis sa kusina ay kailangang panatilihing malinis ang hardin sa labas, kahit abutin kayo ng gabi basta't walang tuyong dahong makikita sa harden." Umangat ang sulok ng labi ko dahil sa sunod niyang sabi dahil sa pagkaka-alala ko ay puno ng tuyong dahon at bulaklak ang Royal Garden nang lumitaw ako. Looks like someone didn't do her job done.

Muli siyang naglakad at wala akong ginawa kundi sumunod sa kanya, habang kasama ang ibang Palace Maids. Lumiko kami't bumungad sa amin ang napakaluwang na daanan at halatang gawa pa sa mamahaling bricks. Sa gitna naman ay may isang napakahabang red carpet.

Sinundan ko ng tingin ang daanan at bumungad sa akin ang likod ng palasyo. From a distance it is uniform grey, from up close it is a mosaic of humble rocks.

If this fort of stone, built on blood and bone, could talk, you'd beg for deafness.

Umiwas ako ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa harap, ngunit wala rin akong magawa nang maglakad kami papunta sa palasyo. Pakiramdam ko ay bumigat ang mga balikat ko habang palapit kami nang palapit.

"Ang pinto na ito lang ang maari niyong daanan." diretso niyang sabi at tinapunan ako ng tingin, "Ang sino mang lalabag sa patakaran ay hindi kakain ng tatlong linggo." Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa mga naririnig ko galing sa bibig niya. Hindi na makatao ang ginagawa nila.

Bumukas ang magara't malaking pinto sa harap namin at halos masilaw ako nang makita ko ang loob. The floor and wall are all made in gold. Kahit ang mga maliliit na mesa ay gawa rin sa ginto.

Puno ng nakasabit na paintings ang dingding at napaiwas na lang ako ng tingin dahil masakit sa mata ang naghalong mga kulay. Sumunod ako nang pumasok sila sa loob at nagmasid sa paligid.

Kailangan ay hindi ako makita ng mga Palace Guards dito sa loob. If people get caught, they will run for their lives, but I'm different, wala akong inuurungan.

"Panatilihin ang distansya sa mga gamit sa palasyo dahil baka ay magasgasan kapag nahawakan." hindi ko na mabilang kung ilang beses kong ginulong ang mga mata ko sa buong durasyon ng pagsasalita niya. Parang pinagsisisihan ko ng magkaroon ng ganitong panrinig, malapit na yatang dumugo ang mga tainga ko dahil sa boses niya.

I remained calm and displayed a bored face nang makita ko ang loob ng palasyo. I guess this is the reason why they offer their lives, and work as a maid. Ayaw ko mang aminin ay ang mga katulad naming nasa ilalim ng tatsulok ay hindi naranasang manirahan sa isang lugar na gawa sa ginto ang sahig at dingding.

Ang mga katulad namin ay nasanay sa matigas na tinapay at walang lasang gisantes. Nasanay kaming tatlong beses lang makatikim ng masarap na karne't isda sa isang taon.

"Nabalitaan mo na ba? may nakakita raw kung sino ang totoong kumuha ng singing ng Hari." nangunot ang noo ko dahil narinig kong nagbubulungan ang dalawang babae sa likod ko.

Parang gusto ko na ring makipagchismisan sa kanila, what the hell are they talking about? Hindi ba ang kapatid ko ang kumuha ng singsing kaya ako nandito?

"Ang usap-usapan kanina'y isa raw sa mga chamber maids ang kumuha ng singsing." sagot ng isang babae na may matinis na boses.

Natigil ang pagchichismisan nila nang lumingon siya sa amin at sa akin unang dumako ang mga mata niya, "Ang daan naman papunta sa kusina ay-" naputol ang sasabihin niya dahil isang babae ang tumakbo papunta sa direksyon namin. Pawis ang buong mukha niya't hinihingal, gusot ang suot niya at masasabi kong malayo ang tinakbo niya mula rito.

"M-may isang tao po s-sa labas ng palasyo." nauutal at nakayuko niyang sabi. Tinapunan niya ako ng tingin at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Payat at mukha siyang bata, samantalang ang suot niya ay lumang damit na pinagpatong-patong. Ang mga mata't buhok niya ay itim.

Sa kayumanggi niyang balat ay masasabi kong walang tigil siya sa pagtratrabaho. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko akalain na sa ganitong edad ay nagagawa niyang magtrabaho para lang sa pilak.

"Pilit pong sinasabi ng tao sa labas na siya ang anak ni Carding." Lahat sila'y tumingin sa direksyon ko at bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Nakita ko ang pagdududa sa mga mata niya kaya agad akong kumuha ng buwelo para umurong. Sinasabi ko na nga ba'y malilintikan ako.

Humakbang ako't pumikit at sa pagdilat ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng palasyo. Sumandal ako sa pader para itago ang sarili ko at nakarinig ako ng yapak ng mga paa.

"Hanapin niyo ang babaeng impostor!" nanrindi ang mga tainga ko dahil narinig ko ulit ang nakakairita niyang boses.

Hindi ko naman sinabi na ako ang pinadala para magtrabaho bilang Kitchen Maid, mga hunghang. Sumakay lang naman ako sa katangahan niyo.

Nanatili ako sa pwesto ko at nang sumilip ako ay nakita ko ang nagtatakbuhang mga Palace Guards. Agad kong tinago ang sarili ko't tumingin sa buwan at napakagat labi.

What can I do with these golden eyes?

Sumilip uli ako sa likod at natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko ang nakakabata kong kapatid na si Fionna, kasama ang kanyang kaibigan na si Dominic.

Nangunot ang noo ko nang maglakad sila palayo at mukhang may pupuntahan. Mukhang hindi nila ako nakita. What are these idiots up to? Ano ang ginagawa nila rito sa palasyo?

Gamit ang buo kong lakas ay tumakbo ako papunta sa kanila at malas ko lang dahil natakpan ng buhok ko ang aking paningin. Inis kong inayos 'yon at nagulat ako dahil isang lalaki ang lumiko papunta sa akin at nagkauntugan kaming dalawa.

"Aray!" singhal niya at hinilot ko naman ang ulo ko upang mabawasan ang sakit. Ang tigas naman ng ulo ng kumag na 'to.

"Sino ka para banggain ako!" tinapunan niya ako ng tingin habang panay ang haplos niya sa ulo niya kaya napansin ko ang mga daliri niya na halos mapuno na ng mga singsing.

Umirap ako sa kanya at tiningnan siya ng mata sa mata. "Ikaw ang lumiko papunta sa akin, 'wag kang tanga." madiin kong sabi sa kanya.

Matangkad ang lalaki at maputi ang balat. Napataas ako ng kilay nang dumako ang paningin ko sa suot niyang damit. He wears a long fur robe paired with a cloak and a tunic decorated with gold lacing. Sa unang tingin pa lang ay mukhang mamahalin ang suot ng kumag na kausap ko.

"Puputulin ko ang matabil mong dila. Hinahatulan kita ng parusang kamatayan!" singhal niya uli kaya nilakihan ko siya ng mga mata at tiningnan mula ulo hanggang paa. Nasiraan na yata 'to ng ulo.

Tiningnan ko siya at don ko napansin ang buhok niyang kasingitim ng dilim. He has shimmering grey eyes. Samantalang makapal at pula ang kanyang mga labi. Saan galing ang lalaking ito? para siyang kabute na lumitaw na lang bigla.

Tinalikuran ko siya't hindi pinansin dahil ayaw kong magsayang ng laway, pero natigilan ako nang makarinig ako ng yapak palapit sa amin.

"Nandito siya!" nanlaki ang mga mata ko dahil dumating sa harap namin ang limang Palace Guards. Pinalibutan nila kami habang hawak ang mahahaba nilang espada at tinutok sa amin.

Akala ko ay ako ang pakay nila pero don ako nagkakamali, dahil lahat sila'y nakatingin sa lalaking katabi ko. Sa tingin ko ay hindi sila ang grupo ng mga guardya na nagbabantay sa selda.

"Ang lakas ng loob niyong tutukan ako ng espada!" muling singhal ng lalaking nasa tabi ko kaya muli ko siyang tinapunan ng tingin. Could he just stop the fuss? Ang sakit niya sa tainga.

"Huluhin ang baliw na ito!" sigaw ng isa kanila habang nakatingin sa katabi ko.

"Ingatan mo ang mga salita mo! Ako ang kaiisang Har-" naputol ang sasabihin niya dahil tumakbo ako't tumalon ako ng napakataas at kumuha ng buwelo para sipain sa mukha ang isang Palace Guards. Tinapakan ko ang nahulog niyang espada't dali-daling kinuha 'yon gamit ang kanan kong kamay.

Umurong ako para iwasan ang espadang papunta sa gilid ko't kitang-kita ko pa ang pagputol ng ilang hibla ng buhok ko. Sa inis ko ay agad kong sinipa ang kamay ng isa sa kanila, dahilan para mabitawan niya ang hawak niyang espada. At agad ko 'yon sinalo gamit ang isa kong kamay.

Sparks flew as my swords collide with their swords. Yumuko ako at iniwasan ang espadang muntik nang hatiin ang katawan ko sa dalawa. Matalim kong tiningnan ang Palace Guard sa harap ko. I kicked him in his groins with my knee, where it hurts the most.

Salitan kong ginamit ang mga hawak kong espada para tamaan ang mga balikat at binti nila. Sinigurado akong madiin ang iniwan kong sugat sa kanila para hindi na sila makatayo pa.

Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nasa likod ko at nakita kong nakanganga lang ito habang nakatingin sa akin kaya 'di ko napigilan ang sarili ko na irapan siya.

My instinct is telling me that this guy will only give me a headache.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status