Share

Chapter 6

Ikatlong Persona

Ang silid ay puno ng makakapal na alikabok at ng mga tinapong kagamitan. Nanatiling magkaharap ang dalawa habang nakatayo at sa distansya nila'y halos rinig na ang kabog ng dibdib ng isa't-isa.

Napaiwas na lamang ng tingin si Fionna kay Dominick dahil nakayuko ito at halos magdikit na ang kanilang mukha. Kanina pa nagbabanggaan ang kanilang mga balikat at kahit anong pilit nilang iwasan ang isa't-isa ay hindi nila magawa.

Ramdam ni Fionna ang lamig ng pader na kanyang sinasandalan at halos mangati na ang kanyang katawan dahil sa alikabok. Nanatili siyang nakatayo sa kanyang pwesto at nang lumingon siya kay Dominick ay muntikan niya na itong mahalikan sa pisngi.

Parehas silang naestatwa dahil sa nangyari't hindi na makagalaw sa kanilang posisyon. Nanatili ang tingin ni Dominick kay Fionna dahil bakas sa pagmumukha niya ang pagkahiya. He could stare at her all day. That moment, he wished time would stop.

Napapikit siya sa kanyang naisip at kasabay non ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. How could he wished something like that? Kasalukuyan silang pinaghahanap ng mga Palace Guards dahil nabisto sila sa kanilang pagpapanggap bilang mga delivery men.

Napakagat na lang sa ibabang labi si Fionna habang nakatingin sa maduming sahig. Hanggang kailan sila mananatili sa ganitong posisyon? Sa oras na iyon ay hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng hiya at dumagdag pa ang kaba't takot na nararamdaman niya.

Muli siyang tumingin sa matalik niyang kaibigan na mukhang hirap na hirap na sa kanyang harapan. Masikip at madilim ang pagitan ng mga bariles kung sana sila nagtatago. Ramdam nilang dalawa ang dumi't dami ng mga naghuhulugang alikabok mula sa kisame at wala silang magawa kundi magtiis.

Pilit ding binabalanse ni Dominick ang kanyang sarili para hindi madaganan si Fionna. Nagroronda ang mga guwardya sa labas at wala silang takas kung nahuli sila sa silid na kanilang tinataguan. Ito kasi ang bodega ng palasyo kaya puno ng mga kahon at bariles ang loob.

Halos tumigil ang pintig ng kanilang puso nang nakarinig sila ng mga yapak. Habang patagal nang patagal ay lumalapit yapak na iyon sa kinaroroonan nila. Ramdam ni Fionna ang panginginig ng kanyang mga kamay at nagulat siya nang hawakan ni Dominick ang kanyang kamay.

Isang nagtatakang tingin ang binigay niya sa binata ngunit diretso lang itong nakatingin sa kanya. Naiilang siya kaya sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit mas humigpit lang ang pagkahawak nito.

Ramdam niya ang lamig ng kamay ni Dominick kaya 'di niya maiwasang tingnan ang kanyang mukha. Fionna then realized that Dominick was also terrified. Blanko man ang kanyang mukha habang nakatingin sa ibang direksyon ay nararamdaman niyang takot din ang matalik niyang kaibigan.

Tumunog ang lumang hawakan ng pinto na para bang pwersahan itong binubuksan. Tuluyan ng naestatwa ang dalawa sa kanilang posisyon nang marinig nila ang pagkasira nito. Halos sumabog na ang kanilang puso dahil sa tibok nito't sandamakmak na bagay ang kanilang naisip.

Ito na ba ang katapusan nila? Siguradong ang isang ordinaryong mamayan katulad nila ay agad na bibitayin.

"Batid kong tingnan ang bodegang ito," matigas na sabi ni Koofer. Nakatayo ito nang tuwid at parang Hari kung umasta ngunit ang totoo'y isa lamang siyang Palace Guard.

Ang tanging pinanghahawakan niya lang ay ang mababang rason na siya'y pinsan ni Liam, kaya may karapatan siyang umasta na mataas ang posisyon niya sa mga ibang guwardya sa palasyo.

Ang kadilim ang bumungad sa kanila kaya nagpatuloy sila sa paglalakad dahil maluwang ang bodega. Ang kanilang grupo ang inatasang dumakip sa dalawang taong nagpanggap na delivery men.

Tuwing huwebes ng umaga at sabado ng gabi lamang ang pagdadala ng mga inuming ale at mamahaling karne sa palasyo. Lahat ng delivery men ay alam iyon kaya madaling mabisto ang mga nagpapanggap lang. Hindi maiwasang mapangisi ni Koofer sa kanyang naisip. Madali talagang mahuli ang mga nagugutom na daga.

Ang mabigat at lamparang may hugis kalabasa ang nagsisilbing liwanag nila sa madilim na gabi. Walang laman ang bodega kundi mga tinapong baso't tela na hindi na kailangan. Puno rin ang lugar ng mga basag na plato.

Lingid sa kaalaman nila ay puno rin ang bodega ng mapait na ala-ala mula sa mga nilatigo at pinarusahang mga tao.

Isang kaluskos ang narinig ni Koofer mula sa mga tinambakang bariles sa gilid. Dumako ang mga mata niya sa direksyon na iyon at sinenyasan ang iba niya pang kasama.

Napailing na lang siya habang sila'y naglalakad palapit sa direksyon na iyon at umiral ang kanyang kasakiman. Kung siya ang nakadakip sa mga pinaghahanap na tao ay siguradong mas aangat ang posisyon niya.

Malapit ng masugat ang ibabang labi ni Fionna dahil sa diin ng pagkagat niya. Pinagpapawisan na ang mukha ni Dominick dahil alam niyang nakatayo na sa kanilang harapan ang grupo ng mga Palace Guards.

Nagsiksikan ang dalawa sa mga pinagpatong patong na bariles ngunit kahit ano'ng tago ang kanilang gawin ay makikita pa rin sila dahil sa katangkaran ni Dominick. Tinitigan niya ang mukha ni Fionna at siya'y pumikit dahil hindi niya kayang titigan ang dalaga. Isang bagay lang ang pwede niyang gawin.

Sinipa ni Koofer ang bariles dahilan para gumulong ito at magdulot ng ingay sa paligid. Nagsihulugan din ang mga pinagpatong-patong na bariles at nasira ngunit isang gintong estatwa lang ng tigre ang bumungad sa kanila.

Labis na pagtataka ang bumalot sa sistema ng grupo ni Koofer. Magkasalubong ang mga kilay nila at nagtatakang nakatingin sa tigre. Nakabuka ang bunganga nito kaya kita ang mahaba't matulis nitong pangil. Puno ng alikabok at mukhang napagiwanan na ng panahon.

Kailan pa nagkaroon ng estatwa ng tigre sa loob ng bodega ng palasyo? Isang tanong na dumako sa isip nilang lahat.

Isang nagtatakang tingin ang binigay ni Fionna kay Dominick at isang blankong tingin lang ang sinukli nito sa kanya. Binalik niya ang kanyang tingin sa grupo ng mga Palace Guards na kasalukuyang nakatulala sa harap nila.

Hindi maintindihan ni Fionna kung bakit bakas sa pagmumukha ng mga guwardya ang pagkalito habang nakatingin sa kanila. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa kaba't pigil hininga. 'They look confused. Bakit nakatulala lang sila sa amin?' sabi niya sa kanyang isip.

"Matagal na ba ang estatwa ng tigre na ito rito sa bodega?" nagtatakang sabi ng guwardyang may hawak ng lampara. Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Fionna dahil nakatingin sa kanila ang Palace Guards.

Estatwa? Tigre? Hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang mga salitang sinabi nila. Napatanga siya dahil imbes na hulihin ay nilagpasan lang sila. Naiwan siyang nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Dominick upang humingi ng kasagutan.

Kumirot ang ulo ni Dominick at nawalan siya ng balanse. Halos madaganan niya na si Fionna ngunit pilit niyang tumayo nang tuwid kahit na umiikot ang kanyang paningin.

He can create and manipulate illusions, causing targets to see, hear and taste things which do not actually exist. Hindi sila ang nakita ng mga guwardya kundi isang estatwa ng tigre.

Pumikit nang mariin si Dominick at panay ang tanong ni Fionna sa kanya. Hindi niya namalayan na nakabaon na pala ang kanyang mukha sa balikat ng dalaga. Habang nakatingin sa maduming dingding ay isang pangkat ng uwak ang tumagos mula don.

Ang ingay mula sa mga iyon ay masakit sa tainga kaya hindi niya mapigilang mapadaing. He knows that using his ability causes him to experience hallucinations.

Handa niyang tiisin ang kahit ano para sa kanyang matalik na kaibigan.

Hinihingal na sumandal sa mabatong pader si Luna upang magpahinga. Nasapo niya ang kanyang noo at sunod na tiningnan ang lalaking parang aso kung sumunod sa kanya.

Napairap siya dahil hanggang ngayon ay ayaw siyang lubayan ng estranghero at wala silang ginawa kundi ang magtago. Tinapunan niya ng tingin ang lalaki at naigulong niya na lang ang mga mata niya dahil sa inis.

Napakamalas ng gabi na ito para sa kanya. Una ay kinulong siya sa selda't pinakain lang ng isang tinapay. Pangalawa ay hinahanap siya ng mga katulong ng palasyo at ang pangatlo naman ay hinahabol din ang kasama niyang lalaki dahil baliw na ito.

Yumuko siya at hinawakan ang kanyang mahabang buhok. Ang hibla ng kanyang buhok na naputol ay patay na't kailan man ay hindi na magiging ginto. This night sucks.

Namanhid na ang kamay ni Luna dahil sa hawak niyang espada na nakuha niya sa pakikipagbakbakan kanina. Tinitigan niya ang kanyang repleksyon sa makintab na espada at napapikit.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung bakit kulay ginto ang kanyang mga mata. Pagdilat niya'y agad siyang lumingon sa kasama niya at nagtama ang kanilang mga mata.

Halata sa suot niya na wala siyang dugong bughaw ngunit paano niya napatomba lahat ng guwardya sa palasyo?

Napakunot ang noo niya nang marinig niya ang boses ng lalaki. Umiwas ito ng tingin sa kanya ngunit nanatili ang tingin ni Luna sa mukha ng lalaki. Naghintay siya ng ilang segundo ngunit hindi niya na narinig ulit ang boses ng lalaki.

What the heck was that? she thought. Napataas ang kilay niya at nilapit ang kanyang katawan sa lalaki't taas noo itong tinitigan ng mata sa mata.

Sigurado siyang hindi niya guni-guni ang kanyang narinig kanina.

Hindi siya kumurap habang nakatingin sa mga matang kulay pilak. Gusto niya ring kumpirmahin kung guni-guni niya lang ba ang kanyang narinig o hindi.

Hindi nagdalawang isip si Luna na isandal ang kanyang sarili palapit sa katawan ng estranghero. Tinitigan niya ang lalaki nang hindi kumukurap at nakipagtigasan pa siya rito.

"Sino ka para titigan ako sa mga mata?" maotoridad na sabi ng lalaki sa kanya habang nakasandal sa pader. Hindi pinansin ni Luna ang kanyang narinig. Wala rin siyang pakialam kahit halos magdikit na ang kanilang katawan.

I wonder who this guy is, she thought. Sa ikalawang pagkakataon ay nagkatinginan silang dalawa at muli niyang narinig ang boses nito.

Agad na nangunot ang kanyang noo dahil sa pagkakaalam niya'y hindi siya nakakabasa ng isip ng iba. What the fuck is happening? she cursed six times inside her head.

Napakunot ng noo si Luna at dumistansya sa lalaki dahil napagtanto niyang nababasa niya ang iniisip ng iba. Sinuklay niya ang kanyang buhok at sumandal sa pader.

Kanina pa hindi mawala sa isip niya ang pagiging ginto ng kanyang mata ngunit ngayon ay napagtanto niya na kung bakit.

Agad ding napakunot ang kanyang noo. Hindi ba't nakipagtitigan ako sa isang Lady's Maid kanina? Bakit hindi ko naman nabasa ang iniisip ng timang na iyon? Mas lalong nag-apoy ang kuryosidad sa sistema niya.

Kunot noong binalik ang tingin sa estrangherong katabi niya. Tiningnan naman siya nito pabalik at muling napabuntong hininga si Luna at ginulo ang kanyang buhok dahil sa mga nangyayari.

Napailing na lang siya't natawa dahil ilang segundo pa ang lumipas bago niya napagtanto kung ano'ng nangyayari sa kanya. Holy shit! I'm really cursed! she laughed inside her head like a psycho bitch.

Para sa kanya ay nagtatago ang buwan sa mga ulap at naghahasik ng lagim. Tumingala siya upang masilayan iyon habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok at isang bagay lang ang pumasok sa kanyang isip.

Hanggang kailan siya magiging alipin ng buwan?

"Madugo ang patakaran ni Kleester." Agad na lumingon si Luna sa estranghero. Napakunot ang kanyang noo dahil hindi man lang nagbigay galang ang kasama niya sa Hari.

"Maaring putulin ang iyong mga kamay dahil sa ginawa mo at kung hindi naman ay itatapon ka sa karagatan." Nakahalukipkip ang lalaki at kung tumingin sa kanya ay parang napakababa niyang tao.

Naigulong ni Luna ang kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig. Alam niya ang uri ng mga parusang pwedeng ihatol sa kanya. Napapikit siya nang maisip niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi siya papayag na dito na lang matapos ang lahat.

"Alam kong lusutan ang mga pinapasukan kong butas," walang emosyon na sabi ni Luna at nanatiling blanko ang mukha. Tumaas naman ang kilay ng lalaking kasama niya.

Nanatili silang nakatayo sa kanilang pwesto habang nakatingin sa kawalan. Madilim ang paligid at tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.

Isang diretsong tingin ang nakuha niyang sagot galing sa estranghero. Tiningnan niya ito pabalik

upang mabasa ang kanyang iniisip ngunit agad din siyang bumitaw ng tingin sa kanya.

Puno ng magagarbong halaman ang lugar kung saan sila nakatayo at hinahalik ng sariwang hangin ang kanilang balat. Nakarinig ng mga yapak si Luna mula sa kanan kaya agad siyang na-alerto. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng estranghero at hinila.

Hindi pinansin ni Luna ang reklamo ng lalaki at halos kaladkarin niya na ito paalis sa kanilang pwesto. Mula sa kanilang kinatatayuan ay nakarinig siya ng kaluskos na bagay na hindi niya mapaliwanag.

Magulo na ang kanyang buhok habang sila'y tumatakbo at halos matakpan na ang kanyang mukha, ngunit nanatiling diretso ang tingin niya sa harap.

Kasabay non ang paglitaw ng isang grupong nakabalot sa itim na balabal. Lahat sila'y may hawak na espada at tago ang mukha. They surrounded them in a circle and pointed their weapons at them.

Hindi mapigilan ni Luna ang mapairap sa kanilang sitwasyon dahil mukhang magsasayang uli siya ng oras. Matalim niyang tiningnan ang grupo na humarang sa kanila't inunat unat ang kanyang leeg pagilid.

You'll regret facing me, motherfuckers.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status