Share

CHAPTER 1

“Dalian mo, Shan!” sigaw ko sa kanya. Ang arte-arte gumalaw!

“Sandali naman, ano ba ang minamadali mo?”

“Duh, magsisimula na ‘yong laro! Sabihin mo kung ayaw mong sumama dahil aalis na ako!” Iritabli kong kinuha ang bag sa desk at lumabas na ng AVR room.

“Huy, panget, hintayin mo ako!”

Nakalayo na ako sa kanya at ngayon nagkukumahog na siyang sumunod sa akin. Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.

“Etyl, hi daw sabi ni Arlo!” dinig kong sigaw ni Rush nang dumaan ako sa Cr ng mga lalaki. Shit, ang bantot!

“Hi rin, Arlo, sabi ni Etyl. Sabihin mo!” sagot ko sa kanya at tumawa.

“Crush ka raw niya!” sigaw niya uli.

“Sabihin mo crush ko rin siya!” tugon ko naman at bahagyang natawa. “Si Shan, di niyo crush?” Huminto ako sa harap nila Rush.

“Gaga! Tara na. Akala ko ba nagmamadali ka?” Sabay hatak ni Shan sa akin palayo roon sa grupo nila Rush.

“Minsan matuto kang humarot. Hindi ‘yong puro ikaw na lang ang hinaharot.”

Boys here super maharot, Char! Pero, totoo maharot sila. Parang hindi nakakita ng babae. Kung makaharot akala mo walang mga jowa, e. Baka nga wala? Aba Malay ko sa buhay nila.

Nakarating kami sa Gymnasium ng South Institute at agad naghanap ng pwedeng upuan. Nandito rin pala sila Dhalal nanunuod hindi man lang nag-abala na sabihan kami ni Shan. Mga taksil!

Umupo ako sa tabi ni Jeralyn na sumisipsip ng milktea. Hindi naman siya nanunuod pero nakipagsiksikan pa rito. Nagsisimula na pala ang basketball, pero kakasimula pa lang naman kaya ‘di ko na inaway si Shan.

ABM vs. Humss ang labanan. Intramural kasi kaya may ganitong pakulo ang paaralan. Grade eleven ABM student kami kaya ganito na lang kami kung maka support. Maliban sa pogi ang mga player namin ay naghahangad rin kami ng panalo.

“Hi, ganda!” Nanliliit ang mga mata kong binalingan si Arthur nang kalabitin niya ako.

“Don't you ever touch me again! Ayoko sa’yo. Kung mangharot ka, make sure wala kang sabit!” Kapal ng lalaki na ‘to. Nasa tabi pa niya ang girlfriend niya.

Napailing na lang siya nang tuksuhin siya ng mga kaklase niya. Wala sa bokabularyo ko ang maging kabit.

Napatingin ako sa score board at nakitang dikit na ang labanan. Kunti na lang mananalo na kami. Kaso baka mahabol pa ng mga humss player ang laro. Ang tatangkad pa rin naman nila.

“Go, number twelve!” Joanna Cheered. Napatingin ako sa court at agad hinanap ang number twelve na sinasabi niya. Great, dalawa ang number twelve! Humss at ABM mayroon.

“Sinong number twelve? Dalawa number twelve!”

“Humss, girl! Si Santosidad. Ang gwapo!” Binalik ko ang mata sa player. Gwapo nga siya. Pero mas gwapo ang twelve sa ABM.

“Go, Balesteros!” sigaw ko. ‘Di ako papatalo. Nakita kong napatingin sa akin ‘yang si Balesteros pero pinutol din agad ang tingin. Hala, snobber!

“Kilala mo ‘yan?” Nasa akin na ang mga tingin nila.

“Hindi, feel ko lang e-cheer. Pogi, e,” ngising saad ko pa.

“Maharot ka talaga!” bulong ni Jeralyn.

“Slight lang.”

“Shan, tingnan mo mukhang daks!” tumatawang turo ko. Grabe ang umbok!

“Walang hiya ka talaga! Nanunuod ka lang talaga ng basketball para mag bilang ng mga daks, e!”

“Slight lang.”

Natapos ang laro at panalo nga kami. Panalo ang ABM talo ang Humss. Agad na kaming bumaba sa hagdan at dumiretso na sa cafeteria. Ginutom ata ako kaka-cheer doon sa mga player.

Pagkarating namin sa canteen naroon ang iilang mga player kasama na roon si number twelve. Umiinom ng tubig at nagpupunas ng pawis. Ugh baby!

“Ayan na siya, Tyl. Dadaan na siya,” mahinang sabi ni Shan.

“Anong pangalan niya?” tanong ko.

“JB ata. Daming nag-cheer sa kanya kanina, e.”

JB Balesteros, huh? Pangalan pa lang sharp shooter na!

“Excuse me.” Sinadya ko talagang humarang sa daan.

“What?” I asked, playing innocent.

“Nakaharang ka sa daraanan ko, Miss.” Luh galit na.

“Paanong harang ba?” I raised my brow. Hindi pa rin umaalis.

“Stop playing dumb. You're not good at it.”

Bakit ba ang suplado nito? Ang choosy mo, ah! Ikaw na nga itong pinapansin ko nang kusa!

“Excuse me, may space ka pang pwedeng daanan. You're not blind and stop acting like one. You're not good at it too.” 

Ako na mismo ang bumangga sa balikat niya. Balikat niya talaga ang sadya kong banggain pero sa taas niya bisig niya lang ‘yong nasagi ko.

“Wow, girl! For the first time in history, may hindi tinablahan sa ganda mo!” Humagalpak na si Shan kakatawa.

Tama siya. Siya pa lang ang gumanito sa akin. Siya pa lang ang piniling sungitan ako kaysa sa makipagharotan sa akin pabalik. JB Balesteros, humanda ka. Tatagan mo ang loob mo dahil hindi kita susukuan.

You're challenging me.

“Jojowain ko siya tapos pagbabawalan ko maglaro.” I smirked.

Ibang-iba ka..

Jb, humanda ka dahil hahabol-habolin kita kita hanggang sa simbahan ang bagsak nating dalawa...

“Talaga? E, hindi ka nga pinapansin no'n, e. Mukhang virgin!” Pang-aasar niya pa.

“Hindi mo ba nakita? Ikaw na mismo ang nagsabi sa lahat, siya lang ang trato sa akin ay parang hangin.”

“O, anong gagawin mo riyan? Mukhang grade twelve ‘ata ‘yan.”

“Hahabulin ko siya hanggang sa kama ang bagsak naming dalawa.” Ngumiti ako ng nakakaloka sa kaibigan.

“As if mahihila mo siya patungong kama.” She rolled her eyes.

“I find him thrilling… you know…”

“Thrilling? Girl, my goodness! Hindi ka niya papansinin! Hindi ka nag-eexist para sa kanya! Hangin ka, Girl!”

she exaggeratedly explained. Napairap na lang ako sa kanya. Over kasi may kasama pang wagayway ng kamay at tinuturo pa ang hangin as if she could see it. She's dumb.

“Haler? Unang interaction pa lang namin ito! ‘Wag kang OA r’yan. Hindi naman ikaw ang hahabol sa lalaking iyon.”

Nagsisimula na akong humakbang palabas ng canteen. Hindi ko na nakita ‘yong Jb na 'yon.

“Sabagay... pero kung pinapansin ka niya, papatulan mo?”

I stopped walking and face her. Binaba ko drinks na iniinom at pinagkakatigan ang kaibigan. She's curious, halata sa mukha niya.

“What do you mean?”

“Like what you have said, hahabulin mo siya kasi you find him thrilling... kung katulad siya ng mga ibang lalaki na may gusto sa’yo, tingin mo hahabulin mo pa rin siya?”

Sandali akong natahimik sa tanong niya. Napaisip din ako… if he is one of those flirty guys, would I still chase him? He has these manly features. Red thin lips, perfectly angled jawline, thick pair of brows, small dark and deep set of eyes. Tall and his body built was confident. His aura was a bit dangerous. Obviously, he's a serious type.

“Siguro, daks naman siya. Walang problema,” sagot ko kay Shan at sinuot na ang shades sa mata para matabunan ang masilaw na sikat ng araw.

“’Yang bibig mo talaga walang preno.”

I just shrugged my shoulder and continue walking. Tahimik lang na naglalakad si Shan sa tabi ko. Paminsan-minsan ay naririnig kong nagrereklamo siya sa cellphone niya. Siguro may kaharotan din ito.

Dumating kami sa AVR naroon na ang mga classmates namin at nagpapa-sign ng attendance sa adviser namin. Every hour you need to go back here and let your teacher sign your attendance. Because in the end, it will serve as one of those requirements for signing clearances.

Kinuha ko ang maliit na papel kay Christine at agad nangunot ang noo ko nang makitang mali ang pangalan na nilagay nila.

Ethyl Ann Guanzon Grade 11ABM-2

“Hoy, sino sumulat ng pangalan ko?!”

“Why, is there a problem?” tanong ni Ms. Zaldivar, Adviser namin.

“Hindi po ako alcohol, Ms.” Ngumuso ako sa kanya.

Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko sa aking sinabi. Tawang-tawa talaga sila kapag naiinis na ako. Pumangalumbaba na lang ako sa aking desk.

“Bakit? Ano ba dapat?” tanong niya.

“E.T.Y.L. alone. Etyl without eytch.”

She nodded and stepped forward to where I am. She's fat but she's cute and also nice to everyone. Kinuha niya ang attendance ko at pinalitan ang maling pangalan.

“At bakit ka nanaman nandiyan? Go back to your respective chair. Para kang mushroom pasulpot-sulpot. Hindi mo ba alam na walang araw sa loob ng silid na ito? Tanggalin mo ang sun glasses mo dahil mukha kang naligaw na bubuyog!”

Humagalpak na naman kakatawa mga classmates ko sa sinabi ni Miss. That's how nice she is. I just rolled my eyes under my shades before removing it.

“Makatawa kayo, ano? Happy?” sita ko sa kanila at bumalik na sa upuan ko sa tabi ni Christine.

“Shalala!” sabay nilang sagot na may kasamang tonong pakanta. Napangiwi na lang ako.

“Ang sama niyo!” Patuloy pa rin sila sa pagtawa.

“May, nanuod kayo ng basket?” pangungusisa ko sa katabi.

“Hindi, bakit?”

“May pogi kasi,” sabay hagikhik ko.

“E ‘di tinigasan ka nanaman?” 

“Tinigasan?! Lalaki ba ako, ha?!” bulyaw ko sa kanya. Siraulo!

“GUANZON AND CORDERO, GET OUT!” galit na sigaw ni Ms. Zaldivar nang marinig ang sinabi ko.

“Hala, Ms. Si Mimay lang po.” Turo ko sa katabi. Pahamak ka sa buhay ko Christine!

“Anong ako? Huy, ikaw ‘yong nagpuro pogi ang kwento! Nanamihik ako rito tapos kukwento ka na may poging basketball player kanina?!” angal niya pa.

“Sinong player, Tyl?” biglang tanong ni James.

“Secret, mamatay kayo sa inggit!"

“Hindi ka naman pinapansin ni Balesteros!” Shan shouted.

“Ah, si JB?” Ngumisi ako kay James. Mukhang magkakilala sila, ah!

“Kilala mo? Lakad mo ako sa kanya!” I giggled.

“Nasa iisang lugar lang kami nakatira. Hindi kami close kaya…” he then shook his head.

I was about to speak but I didn't when the door went wide open. My eyes went grew bigger in shock seeing him entered the room! His eyes laid on me and of course, pinutol agad ang tingin. Snob talaga!

“Yieeeee!” tinutukso na nila ako ngayon. Ngumiti lang ako na kunyari parang wala lang.

Nakabihis na siya. He's wearing black pedal pants, black polo shirt and black top sider shoes. Ang gwapo sa suot niyang ‘yan. Hindi halatang favorite color niya black.

“Uh... ano favorite color mo?” Tumungo ako malapit sa table ni Ms. Kung nasaan din siya. Nagtatawanan na ang mga kaklase ko pero binalewala ko iyon.

“Huh?" gulat at nagtataka ang hitsura niya

“Girl, Halatang black!” Pinandilatan ko ng mata si Claire. Nag peace sign lang siya at binaling ko uli ang atensyon kay JB.

“Alam mo, bagay sa’yo ang black... pero, sana alam mo rin na mas bagay ako sa’yo,” medyo malandi kong sinabi sa kanya.

“Etyl galawan one oh one!”

“Woof! woof! woof!”

“Oink! Oink! oink!”

Nagkakagulo na ang buong klase. Natatawa akong bumalik sa upuan ko. Natatawa ako hindi dahil sa nakitaan ko ng gulat ang mukha ni JB sa sinabi ko. Kundi, ang stress na mukha ni Ms. Zaldivar nang magkagulo ang buong section. Parang pinakawalan sa hawla na mga hayop.

“ETYL ANN GUANZON! GO OUT NOW!” Umalingawngaw na naman ang sigaw niya sa buong klase. Everyone went silent, lahat takot na gumawa nang ingay pero si Mimay pigil ang lang tawa.

“Ms, Christine is laughing,” sumbong ko sa kanya.

Ms. Zaldivar glared at me. Kinuha ko na ang bag ko at tahimik na lumabas. Hindi pa ako umuwi, hinintay ko munang makalabas si JB sa AVR. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang sadya niya kanina. Pahamak kasing Mimay, e!

Hindi naman tumagal at nakita kong lumabas na si JB sa classroom namin. Tumayo na ako at tumayo sa kung saan siya dadaan.

“Hey!” Pigil ko sa kanya nang lampasan ako.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako gamit ang boring na expression ng mukha.

“What do you want?” he asked coldly.

“You!” deritso kong sinabi at ngumiti sa kanya.

“What the fuck?” malutong niyang mura.

“Kadyot?” hindi ko sure na sagot.

Umawang ang labi niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wala kang magagawa ganito na bibig ko.

“Ay sorry, pasmado!” pahabol ko.

“You're crazy, aniya at umiling.

“Crazyy for you.” I winked at him.

“Get lost, hindi kita gusto.”

Ako naman ngayon ang umawang ang labi sa sinabi niya. Mabilis akong nakabawi sa pagkagulat. Bago pa man siya tumalikod nagsalita na ako.

“Ngayon. Hindi mo ako gusto ngayon. Pero magugustuhan mo rin ako. I'll make sure of that. You will crawl reaching me, JB. At sa oras na mangyari ‘yon, you will be the one who will chase me.”

Just like that, I left him shocked and unspoken.

I may be have a bold mouth but I meant what I say…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status