Share

Chasing Ring (Architect Series no.2)
Chasing Ring (Architect Series no.2)
Author: JFetchhh

PROLOGUE

“Last night was a blast! Ito ‘yong pinakamemorable nating na experience na hinding-hindi ko na uulitin pa,” usal ko sa mga kaibigan nang makababa kami ng eroplano galing Iloilo City.

Hindi ko akalaing ma e-experienced namin ang ganoong klase ng pangyayari. Nagising na lang kami wala na ang matanda sa rest house nila Shan. Baka nga totoong aswang siya!

Nakita kong nagmamadaling lumapit si Charelle patungo kay Bryce na nag-aantay sa kanya sa labas ng airport. I'm happy that they’re finally back together. Back in the arms of each other. They found their way back...

“Saan kayo? Uuwi na ba kayo?” dinig kong tanong ni Dhalal.

“Bakit may pupuntahan pa kayo? Si Charelle siguradong uuwi na siya. Ayun na siya kay Bryce, o!” Turo ko sa kaibigan na nangangalambitin na sa fiancee.

“Ikakasal na ‘yan tapos mauuna pa siyang umuwi,” nakanguso na ngayon si Shan.

“Sana lang kapag nakasal na sila ay palagi pa rin siyang libre para sa atin.”

Kibit-balikat lang ang sagot ko sa sinabi ni Claire.

“She will be having her priorities, Girls. Maiintindihan niyo ‘yan kapag nag-asawa na kayo pagdating ng panahon,” si Jeralyn.

“Wow! Coming from you?” taas kilay na tanong ni Dhalal.

“Wow! May jowa?” si Gracelle naman.

“Wow! Magic?” Si Claire.

Natatawa lang kami ni Shan sa kanila. Kahit kailan talaga hindi nag-m-mature ang isip nila kapag magkasama kaming lahat. Marami na tayong napagdaanan at marami pa tayong pagdadaanan.

“Guys, I should go. Hinahanap na ako ni Shaniya,” paalam ni Shan at sumakay na sa kotse niya.

My phone ring for a call. Kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag.

“Ma’am… si Adam…” umiiyak na bungad ni Manang Wendy.

"B-bakit, Manang? Anong nangyari kay Adam?” kinakabahan kong tanong.

“Ma’am, kasi inatake na naman si Adam... nandito po kami sa hospital ngayon.” Nanikip ang dibdib ko at mabilis na tumulo ang mga luha sa aking pisngi.

Lord, huwag mo sanang pababayaan ang anak ko…

“Sige, Manang. I'm on my way.” I ended the call.

“Guys, pahatid naman sa hospital, si Adam kasi inatake na naman,” pakiusap ko sa mga kaibigan.

Dali na akong sumakay sa kotse ni Dhalal at tumungo na kami sa hospital. Habang nasa biyahe kami hindi ako mapakali sa upuan. Nababalisa ako baka kung ano na ang nangyari sa anak ko... siya na lang ang mayroon ako. Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya.

“He'll be okay, Tyl. Gagaling si Adam,” alo ni Claire sa akin. I just gave them a small smile.

Nakarating kami sa hospital, nagmamadali agad akong tumakbo sa hospital room ni Adam. Nadatnan ko siyang tahimik na natutulog at may nakasabit na oxygen sa ilong. Nanghihina akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo.

“Baby, Mommy’s here na…” I whispered and hugged him.

“Ma’am…” tawag ni Manang Wendy.

“Manang, thank you for bringing Adam here.” Nanatili ang mata ko sa anak na mahimbing nang natutulog.

“Hindi po ako ang nagdala sa kanya rito, Ma’am.”

“Sino naman, Manang? Bakit hindi ikaw?” This time hinarap ko na siya.

“Si Sir ho, Ma’am…”

My lips parted seeing him sitting on the couch. He was just staring at me coldly. I can't even compose a word to say... why? Why is he here? Bakit pa siya nagpakita rito?

“JB…” pabulong kong tawag. Hindi pa rin makuha ang sagot sa bakit siya narito ngayon.

“Ako nga,” malamig niyang tugon at lumabas ng silid.

“Anong ginagawa mo rito?” Sumunod ako sa kanya.

“Bakit?”

“A-anong baki-”

“Bakit mo tinago?” What is he talking about?

“Ano ba ang pinagsa-”

“Ang bata, Tyl! Bakit mo siya tinago? Bakit hindi mo pinaalam sa akin?!” 

Napapikit na lang ako nang sumigaw siya at sinuntok ang dingding.

“Bakit? Dapat ko pa bang ipaalam sa’yo ang tungkol sa anak ko kung... kung iiwan mo rin ako?!” Nag-uunahan na sa pag-agos ang luha ko sa pisngi. “Pipiliin mo ba ako kung sinabi ko sa’yong buntis ako noong gabing iniwan mo ako?! Sabihin mo! Ang kapal mo naman... ang kapal ng mukha mong pagpakita pa rito at sumbatan ako kung bakit ko tinago sa’yo! W-wala ka sa tabi ko n’ong mga panahong pinagbubuntis ko ang anak mo! W-wala... wala ka sa tabi ko nang isinilang ko siya sa mundo!”

“I’m sorry…”

Napasinghap ako. “Ganyan kayo palagi! Sorry na lang! May magagawa ba ang sorry mo?!” singhal ko sa kanya. Hindi siya makapagsalita at namumula na rin ang mga mata niya. Napaupo na siya sa sahig at hawak ang ulo.

"Asawa kita, e. Mag-asawa tayo 'di ba? Bakit ka napagod? Minahal mo ba ako?” naiiyak kong tanong.

“Kahit kailan hindi ako tumigil na mahalin ka, Tyl. Ikaw ang nang-iwan sa akin.” Tiningala niya ako. Pain was visible to his eyes.

“Sabi ko sayo, hahabolin kita hanggang sa simbahan ang ating punta per.o.. h-hindi ko alam na kapag nakasal na tayo iiwan mo ako…”

“Kung hindi ba kita pinakasalan, hindi mo ako iiwan? Kasi sana pinili ko na lang na tanggihan ka nang sa gano’n ay mananatili ka…”

“Nanatili ako, Tyl.”

Mapait akong umiling sa sinabi niya.

Apelyido mo lang ang siyang nanatili sa pagkatao ko…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status