Share

CHAPTER 46: Monica's In Love

THIRD PERSON POV

Nababagot na tinitigan ni Jei ang mga damit na hawak-hahak ni Monica. “Walang babagay sayo r'yan,” puna niya rito. Prangka talaga siya.

Napasalubong ang kilay ng dalaga sa sinabi niya. Nung isang araw lang ay sinaktan siya ng lalaking ‘to. Ngayon naman ay nilalait ang mga damit niya.

“Ano bang pakialam mo? Kahit magmukha akong clown, ako naman ang magsusuot,” pababog na binalik ni Monica sa malaking maleta niya ang mga damit niya. Isasarado na sana niya yun pero hinawakan ni Jei ang kamay niya.

“Teka lang,” nanunuksong ngumiti si Jei.

Asset pa naman yun ng binata. Kapag nginitian ka niya ay hihimatayin kang talaga.

Pinipigil ni Monica ang sarili niyang kiligin. Alam niyang ang Ate Ara niya ang gusto nito kaya ayaw na niyang paasahin ang sarili niya. Baka makisuyo na naman ito na gawin siyang tulay.

“Hindi kami close ni Ate Ara, ok? H'wag ka nang mag-aksaya ng oras dahil wala kang mapapala sa ‘kin,” pagmamaldita ng dalaga.

Tatayo na sana si Monica pero hinawakan ni Je
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status