SAMARA POVMatapos naming makapagpasa ni Marco ng worksheets kay Sir Faredes ay naisip naming dalawa na maglakad-lakad na muna sa garden ng Northford University.Kakabago palang nitong landian phase namin ay parang ayaw na naming maghiwalay. Magkahawak kamay pa nga kaming naglalakad.“Uy, ang ganda ng mga bulaklak, Marco, oh. Alam mo paborito ko ang carnation flowers,” masiglang pagbabahagi ko sa kanya.Nagtaka siya. “Bakit naman?”“Hmm,” napaisip ako. “Kasi it's symbolizes mother's love. Paborito siya ng mommy ko, eh.” Pumitas ako ng bulaklak na inamoy ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad kasabay ni Marco. Bumaling ako sa kanya. “Alam mo ba? Carnation dapat ang pangalan ko, pero sabi ni daddy baka mapagkamalan daw akong condensed milk, kaya ayun, Samara nalang. Hango yun sa pangalan ng paborito niyang artista na si Ara Mina,” confident kong sabi sa kanya.“Ara Mina?” napakunot ang noo niya. “Diba, sexy star yun?” natatawa pero naiilang niyang sabi.Napailing ako.Kahit pala bulag siya
SAMARA POVNakita kong nagtatakbuhan na ang mga estudyante palabas ng Northford University. Nagtutumbahan na rin ang mga poste. “Ano bang meron kasi?” curious ko na talagang tanong.“Hayaan mo lang yan,” nanghihina nang sabi ni Marco dahil sa sobrang pagbayo niya.Medyo mahapdi na rin ang pagkababae ko kasi malaki nga, pero sige lang, push pa!Biglang tumigil si Marco at hingal na hingal na humiga nalang sa likuran ko. Naghahalo na ang pawis naming dalawa.“Hoy, Marco? Namatay ka na r'yan?” pangangamusta ko sa kanya pero ‘di siya umimik. Kinapa ko nalang ang phone ko na kanina pa pala may tumatawag.Pagka-check ko, si Candice pala.“Hello, girl?” sagot ko sa tawag niya sa ganoong posisyon pa rin namin ni Marco.‘Agshsjaksnksksks,’ sagot ni Candice sa kabilang linya.Napakunot ang noo ko. “Ano?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang phone ko kasi baka sira lang ang signal pero okay naman. “Candice?” muling sambit ko sa pangalan niya.‘Fsjahsjdksmsmkdskkks,’ pero ganun pa r
THIRD PERSON POVSuot ang isang magarang slit dress na yumayakap sa slim niyang katawan at mamahaling alahas. Tila ba isang dyamanteng kumikinang ang babaeng mataray at sopistikada na glamorosang naglalakad sa espaltadong kalsada na tinatahak ang mansyon ng pamilya Silvestre.Malapad ang suot niyang floppy hat kaya ‘di mo maaaninag agad ang mukha niya. Tanging ang labi niyang pulang-pula ang matatanaw mo kapag tinitigan mo siya nang malayuan. Nang makarating siya sa tapat ng mansyon ng pamilya Silvestre ay tumingala siya para pagmasdan ang pamamahay na kay tagal niyang iniwan. Sa eksenang iyon ay nalantad ang kaakit-akit niyang mukha.She's Gracelyn Silvestre, na kilala rin bilang ‘Miss Grace.’ Isa siyang bigating international supermodel na napangasawa ng batikang negosyante na si Rovelle Silvestre.May mga sabi-sabing pera lang ang habol niya sa asawa niya. Makailang beses nga siyang naissue ng pangangaliwa pero patuloy pa rin naman silang nakatali sa pagsasamahan nila ni Rovelle
THIRD PERSON POV“Aw!” Napahawak si Monica sa ulo niyang binato ng kinumpol na papel ni Jei. Agad niya itong tinaasan ng kilay. Tanging hagikgik lang ang iginanti ng binata.Ilang araw na rin siyang kinukulit ni Jei. Binibigyan siya nito ng kung ano-anong bagay gaya nalang ng laruang gagamba at sawa. Nung isang araw pa ay nilagyan nito ng malaking bato yung maleta niya. Minsan naman ay binibigyan siya nito ng mga korni na jokes na nakasulat sa tissue paper. May mga pagkakataon ding minimention siya nito sa mga nakakatakot na videos sa fàcebook tuwing hating-gabi.Nawiwili na talaga si Jei na pagtripan siya. Lagi siyang kinukulit ng binata simula nung araw na tinanggihan niya ang alok nitong makipag-date sa paborito nitong café. Mukhang wala na ngang balak si Jei na tantanan siya.Pinulot ni Jei ang kinumpol na papel sa sahig na binalewala lang ni Monica. Napakamot pa siya bago ito iniabot sa dalaga. “Basahin mo kasi,” parang nagtatampo niyang sabi.“Ha? Ayoko nga,” walang pakialam na
SAMARA POV“Dear… Marco… hmm, haha,” natawa ako sa sarili ko. Dalawang words pa lang ang nasusulat ko sa ginagawa kong love letter para kay Marco ay kilig na kilig na agad ako. Noong nasa pool kami ay ‘di ko nasabi sa kanya na mahal ko rin siya kaya gusto kong ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko sa sulat na ‘to.Ini-scroll ko ang iPad Pro ko kung saan nagsearch ako ng maraming love letters at love quotes sa gòogle.Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang sinusulat ko ang kada natitipuhan kong basahin.Effort na kung effort, basta sisiguraduhin kong kapag natanggap ni Marco ang love letter na ‘to ay hinding-hindi na niya makakalimutan.I giggled. Ano ba yan, kinikilig akong talaga.Namimili ako ng magandang kulay ng pen nang mapansin kong iika-ikang naglalakad si Kakai. Napakunot ang noo ko sa kanya. “What's wrong with you?” nagtataka kong tanong.Bumagsak ang balikat niya na halata mong wala sa mood. “Yung takong po kasi ng black shoes ko ay nasira, wala na tuloy akong gagamit
THIRD PERSON POVNakakunot ang noo ni Aldric habang tinititigan ang phone niya. Nagsisimula na siyang mainis. Naka 50 missed calls na kasi siya kay Samara pero ni isa ay walang sinagot ang dalaga. “Shìt!” malakas niyang hinampas ang bubong ng kotse niya.Nababalitaan pa niya sa mga kateammates niya sa football na madalas na magkasama sila Samara at ang na-iisue rito na si Marco Villaflor.Mukhang may relasyon na nga raw ang dalawa.Makailang beses pa niyang hinampas ang bubong ng kotse niya dahil sa inis. Gusto niyang makuha ulit ang dalaga. Kailangan niyang makagawa ng paraan.Nang mahimasmasan siya ay napahinga siya nang malalim at tumingin sa relo niya. It's 6 PM. Plano niyang magpakalunod sa alak buong gabi hanggang makalimot siya sa problema niya at mawala ang init ng ulo niya. Kinontak pa niya ang babaeng kakakilala niya pa lang na si Monica para may kasalo siya sa lungkot niya.Panakip-butas.Hindi matanggap-tanggap ni Aldric sa loob niya ang ideyang hindi na niya muling m
THIRD PERSON POV“Tara na, babe,” hinila ni Jei ang kamay ni Monica. Mukhang wala ito sa mood.“Anong babe babe pinagsasabi mo?” agad na bara ni Monica sa kanya. Hindi pa rin kasi nawawala ang pagka-bitter ng dalaga sa binata matapos siya nitong makailang beses na sinaktan.“May date pa tayo, diba?” pagsisinungaling ni Jei. Tinitigan niya nang masama ang lalaking nakahawak sa kamay ni Monica. “Pwedeng pakibitawan ang girlfriend ko, brad? Baka ‘di kita matansya, basagin ko yang mukha mo,” pagbabanta niya sa lalaking nakahawak pa rin kay Monica.“Ano?” Tatayo sana ang lalaki pero nagsimula nang lumapit sa direksyon nila ang pitong bouncers na malalaki ang katawan. Kaya siyang pisain ng mga yun sa isang kamao lang. Napilitan tuloy siyang bumitaw na lang.“Tara na mga p're, masisira lang gabi natin,” yaya ng isa sa tatlong lalaki. Padabog naman na sumunod ang dalawa pa.Nang makaalis ang tatlo ay pinasadahan ng tingin ni Jei si Monica mula ulo hanggang paa. Agad na nakaramdam ng pagkairit
SAMARA POV“So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin.Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ko ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay.Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi ‘no, may balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat.“Ah, ganun ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking yun, mukhang importante talaga siya sayo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya.“Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa.Wala, I love myself talaga.Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse ko nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin naman ka