Share

CHAPTER 57: Happily in Love

SAMARA POV

“So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin.

Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ko ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay.

Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi ‘no, may balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat.

“Ah, ganun ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking yun, mukhang importante talaga siya sayo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya.

“Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa.

Wala, I love myself talaga.

Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse ko nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin naman ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status