SAMARA POV“So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin.Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ko ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay.Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi ‘no, may balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat.“Ah, ganun ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking yun, mukhang importante talaga siya sayo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya.“Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa.Wala, I love myself talaga.Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse ko nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin naman ka
SAMARA POV“Woooah!” hiyawan ng mga katulong namin sa kusina. Alas singko pa lang ng umaga ay nagkukumpulan na sila.“Kendeng-kendeng… pak!” Nag-pose si Kakai na parang isang modelo. Suot niya yung black shoes na binigay sa kanya ni Monica. Aliw na aliw naman ang ibang mga katulong sa kanya at panay ang tawanan. Muli siyang rumampa.Napailing na lang ako at napangiti na rin. “Mukhang ang saya niya talaga, ah,” monologo ko at pinagkrus ang dalawa kong braso.Kumislap ang mga mata ni Kakai nang makita niya ako. Agad siyang pumunta sa gawi ko at ibinida ang bago niyang sapatos.“Ma'am, oh, bagay ba?” nawiwili niyang sabi. Panay ang hagikgik niya.Nakangiti kong tinitigan ang sapatos na suot niya. “Bagay na bagay,” puri ko sa kanya. Tumango-tango pa ako.Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya ang leeg ko.“Uy, hala, ang ganda po ng kwintas niyo, ah, bago po yan?” namamangha niyang sabi.“Ay,” hinawakan ko ang kwintas na suot-suot ko na tinutukoy niya. “Bigay ni daddy,” nakangiting
SAMARA POVNadatnan ko sila Mandy at Candice na nagtatawanan habang nanonood ng K-Drama pagkarating ko sa locker room. “Ara, dali, watch mo ‘to, ang funny ng guy,” yaya ni Candice. Si Mandy naman ay panay rin ang tawa. May hawak siyang phone sa isa niyang kamay pero nakapatay, lowbat ata.“Tingin nga,” tumabi ako sa kanila. Pagkaupo ko ay bumungad agad ang mukha ng bidang lalaki. Nakakatawa nga ang mukha niya, tama nga si Candice. Natawa na rin ako kasabay nila.Sa sobrang aliw ng pinapanood namin ay hindi ko namalayan ang oras. Muntik ko pang makalimutan na naghihintay pala si Marco sa garden. Mabilis akong tumayo at pumunta sa locker ko nang mahimasmasan ako. Matapos pihitin ang susi ay agad kong kinalkal yun at naroon nga ang ginawa kong love letter para kay Marco. Nakahinga ako nang maluwag.“Girls, puntahan ko lang si Marco,” paalam ko sa kina Candice at Mandy.Agad na lumapad ang ngiti sa labi ni Candice. “Uyyy, ano yan? May date na naman kayo, ‘no?” tukso niya sa ‘kin. Pinagd
SAMARA POVNanlalamig ang dalawa kong kamay habang nasa labas ako ng emergency room. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa bag ni Marco. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at pasilip-silip sa salamin ng pinto ng emergency room para i-monitor ang ginagawang operasyon sa kanya ng apat na doktor at limang nurses.Gaya ng inaasahan, ay naging delikado nga ang kalagayan ni Marco. Nagdulot ng severe bleeding ang pagtama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. May posibilidad ring nasira ang electrical system ng puso niya, at maging ang normal rhythm nito. I don't want to interpret things negatively, pero maaaring huminto ang pagtibok ng puso niya dahil sa traumatic injury na natamo niya.Napatakip ako sa bibig ko dahil sa ideyang yun. Nagsisimula na naman kasing manikip ang dibdib ko at mangilid ang luha ko.Shìt! Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Marco. Ikadudurog yun ng puso ko.Nagpapalit-palit ang tingin ko sa ECG machine at kay
SAMARA POV“Sinong Poncio Pilato yang kapatid mo? Anong motibo niya sa pagbàril kay Marco at bakit ang kapal ng mukha mong humarap pa sa ‘kin?” tahasan kong tanong sa babaeng kaharap ko.Napalunok siya at napaatras sa takot. Mariin ko pa siyang tinitigan.Mabuti naman at nakuha niya agad na kumukulo ang dugo ko sa kanya. Gayun pa man ay pinilit niya pa ring magsalita.“S-Si Eli… s-siya yung nanghampas ng upuan kay Marco dati. S-Siya rin ang bumàril sa kanya ngayon. Nakita na ng admin ang cctv footage. My brother is there, holding a gun. Ayokong maeskandalo ang kapatid ko, Samara, or worse makulong pa. Papaano na ang future niya? He's just madly in love with you. Sa tingin ko ay nadala lang siya ng damdamin niya. H-Hindi niya naman yun sinasadya,” nagkukumahog niyang paliwanag sa akin.Mas lalong uminit ang ulo ko sa walang kwenta niyang sagot.“Ano?” Lalapitan ko sana siya para sabunutan at kalbuhin pero pinigilan ako ni Candice. Dinuro ko na lang siya. “What if bàrilin din kita ngay
THIRD PERSON POVLumagaslas ang tubig mula sa shower sa matipuno at hubad na katawan ni Aldric. Malalim ang iniisip niya at makailang beses niyang tinitigan ang singsing sa daliri niya na ibinigay ng misteryosong tao sa kanya.Bahagya siyang natawa.“Isang daang milyon kapalit ng pagsusuot ko ng singsing na ‘to? Ang wirdo talaga ng taong yun,” napapailing niyang sabi.Nangako pa ang misteryosong tao sa kanya na pababalikin nito si Samara sa piling niya basta sundin lang ni Aldric ang gusto niya.Tinanggap naman ni Aldric ang panibago nilang deal na yun. Hindi naman siya lugi sa usapan nila dahil puro naman yun pabor sa kanya.Kailangan niya ng pera at kailangan niya rin si Samara. Ang utos lang naman sa kanya ng misteryosong tao ay maghintay. Pinatày ni Aldric ang shower at isinandal ang dalawang kamay niya sa dingding. Hindi niya napigilang mapangiti dahil sa wakas ay tila umaayon na naman sa kanya ang tadhana.“Iba talaga ang epekto kapag may pera ka na naman at alam mong hindi ka pa
THIRD PERSON POV“Great job, napabilib mo ‘ko run. Pang-FAMAS. Muntik na akong maiyak,” puri ni Mandy kay Emily saka siya mahinang pumalakpak.Malakas na natawa si Emily. “Ikaw rin, ang lakas mong maka-main character. Impromptu ba yun?” tukso niya kay Mandy.Magkakilala ang dalawa dahil magkasama sila sa Photography Club. Alam din ni Emily na peke lang ang pakikitungo ni Mandy kay Samara at may malalim itong galit sa dalaga. Hindi nga lang idinetalye ni Mandy sa kanya ang totoong dahilan.Inihagis ni Mandy ang bag ng pera sa patawa-tawa pa ring si Emily. Agad naman itong nasalo ng dalaga.“Bilangin mo,” nakangiting utos ni Mandy. “May bonus pa yan kasi napaiyak mo si Ara. Mula sa usapan nating five million, ay eight million na lahat-lahat yan,” paglalahad nito.Nanlaki ang mga mata ni Emily. “Eight million? For real?” napapasinghap nitong sabi. Aligaga niyang binuksan ang bag na binigay ni Mandy at hindi magkamayaw sa pagbibilang ng perang nasa loob nun. Sumagi agad sa isip niya ang b
THIRD PERSON POVBumalik si Mandy sa reyalidad nang tumunog ang phone niya.Pagkatingin niya rito ay nakita niya ang pangalan ni Candice. Napairap siya bago niya sinagot ang tawag.‘Hello, Mandy. Pwede bang mag-sorry ka na lang sa nasabi mo kay Ara? Mukhang naging apektado kasi talaga siya run. It bothers me. Ayoko rin na magkalamat ang pagkakaibigan niyo dahil lang kay Marco,’ nag-aalalang sabi ni Candice sa kabilang linya.Lihim na natawa si Mandy. Yun nga ang gusto niya. Ang ipamukha niya kay Samara na bawal siyang sumaya. Pero kailangan niya munang magbait-baitan kasi hindi pa tapos ang lahat ng plano niya.“Candice, alam mo namang gusto ko lang protektahan si Marco. Lagi na lang siyang napapahamak nang dahil kay Ara. Alam mong gusto ko siya kaya nasasaktan ako sa t'wing nangyayari yun. Valid din naman siguro ang nararamdaman ko, diba?” pagpapa-awang tugon ni Mandy. Magaling din talaga siyang magmanipula.Hindi agad na nakasagot si Candice. Naniwala rin ata.‘Fine, I'll call you l