SAMARA POV“Dear… Marco… hmm, haha,” natawa ako sa sarili ko. Dalawang words pa lang ang nasusulat ko sa ginagawa kong love letter para kay Marco ay kilig na kilig na agad ako. Noong nasa pool kami ay ‘di ko nasabi sa kanya na mahal ko rin siya kaya gusto kong ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko sa sulat na ‘to.Ini-scroll ko ang iPad Pro ko kung saan nagsearch ako ng maraming love letters at love quotes sa gòogle.Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang sinusulat ko ang kada natitipuhan kong basahin.Effort na kung effort, basta sisiguraduhin kong kapag natanggap ni Marco ang love letter na ‘to ay hinding-hindi na niya makakalimutan.I giggled. Ano ba yan, kinikilig akong talaga.Namimili ako ng magandang kulay ng pen nang mapansin kong iika-ikang naglalakad si Kakai. Napakunot ang noo ko sa kanya. “What's wrong with you?” nagtataka kong tanong.Bumagsak ang balikat niya na halata mong wala sa mood. “Yung takong po kasi ng black shoes ko ay nasira, wala na tuloy akong gagamit
THIRD PERSON POVNakakunot ang noo ni Aldric habang tinititigan ang phone niya. Nagsisimula na siyang mainis. Naka 50 missed calls na kasi siya kay Samara pero ni isa ay walang sinagot ang dalaga. “Shìt!” malakas niyang hinampas ang bubong ng kotse niya.Nababalitaan pa niya sa mga kateammates niya sa football na madalas na magkasama sila Samara at ang na-iisue rito na si Marco Villaflor.Mukhang may relasyon na nga raw ang dalawa.Makailang beses pa niyang hinampas ang bubong ng kotse niya dahil sa inis. Gusto niyang makuha ulit ang dalaga. Kailangan niyang makagawa ng paraan.Nang mahimasmasan siya ay napahinga siya nang malalim at tumingin sa relo niya. It's 6 PM. Plano niyang magpakalunod sa alak buong gabi hanggang makalimot siya sa problema niya at mawala ang init ng ulo niya. Kinontak pa niya ang babaeng kakakilala niya pa lang na si Monica para may kasalo siya sa lungkot niya.Panakip-butas.Hindi matanggap-tanggap ni Aldric sa loob niya ang ideyang hindi na niya muling m
THIRD PERSON POV“Tara na, babe,” hinila ni Jei ang kamay ni Monica. Mukhang wala ito sa mood.“Anong babe babe pinagsasabi mo?” agad na bara ni Monica sa kanya. Hindi pa rin kasi nawawala ang pagka-bitter ng dalaga sa binata matapos siya nitong makailang beses na sinaktan.“May date pa tayo, diba?” pagsisinungaling ni Jei. Tinitigan niya nang masama ang lalaking nakahawak sa kamay ni Monica. “Pwedeng pakibitawan ang girlfriend ko, brad? Baka ‘di kita matansya, basagin ko yang mukha mo,” pagbabanta niya sa lalaking nakahawak pa rin kay Monica.“Ano?” Tatayo sana ang lalaki pero nagsimula nang lumapit sa direksyon nila ang pitong bouncers na malalaki ang katawan. Kaya siyang pisain ng mga yun sa isang kamao lang. Napilitan tuloy siyang bumitaw na lang.“Tara na mga p're, masisira lang gabi natin,” yaya ng isa sa tatlong lalaki. Padabog naman na sumunod ang dalawa pa.Nang makaalis ang tatlo ay pinasadahan ng tingin ni Jei si Monica mula ulo hanggang paa. Agad na nakaramdam ng pagkairit
SAMARA POV“So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin.Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ko ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay.Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi ‘no, may balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat.“Ah, ganun ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking yun, mukhang importante talaga siya sayo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya.“Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa.Wala, I love myself talaga.Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse ko nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin naman ka
SAMARA POV“Woooah!” hiyawan ng mga katulong namin sa kusina. Alas singko pa lang ng umaga ay nagkukumpulan na sila.“Kendeng-kendeng… pak!” Nag-pose si Kakai na parang isang modelo. Suot niya yung black shoes na binigay sa kanya ni Monica. Aliw na aliw naman ang ibang mga katulong sa kanya at panay ang tawanan. Muli siyang rumampa.Napailing na lang ako at napangiti na rin. “Mukhang ang saya niya talaga, ah,” monologo ko at pinagkrus ang dalawa kong braso.Kumislap ang mga mata ni Kakai nang makita niya ako. Agad siyang pumunta sa gawi ko at ibinida ang bago niyang sapatos.“Ma'am, oh, bagay ba?” nawiwili niyang sabi. Panay ang hagikgik niya.Nakangiti kong tinitigan ang sapatos na suot niya. “Bagay na bagay,” puri ko sa kanya. Tumango-tango pa ako.Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya ang leeg ko.“Uy, hala, ang ganda po ng kwintas niyo, ah, bago po yan?” namamangha niyang sabi.“Ay,” hinawakan ko ang kwintas na suot-suot ko na tinutukoy niya. “Bigay ni daddy,” nakangiting
SAMARA POVNadatnan ko sila Mandy at Candice na nagtatawanan habang nanonood ng K-Drama pagkarating ko sa locker room. “Ara, dali, watch mo ‘to, ang funny ng guy,” yaya ni Candice. Si Mandy naman ay panay rin ang tawa. May hawak siyang phone sa isa niyang kamay pero nakapatay, lowbat ata.“Tingin nga,” tumabi ako sa kanila. Pagkaupo ko ay bumungad agad ang mukha ng bidang lalaki. Nakakatawa nga ang mukha niya, tama nga si Candice. Natawa na rin ako kasabay nila.Sa sobrang aliw ng pinapanood namin ay hindi ko namalayan ang oras. Muntik ko pang makalimutan na naghihintay pala si Marco sa garden. Mabilis akong tumayo at pumunta sa locker ko nang mahimasmasan ako. Matapos pihitin ang susi ay agad kong kinalkal yun at naroon nga ang ginawa kong love letter para kay Marco. Nakahinga ako nang maluwag.“Girls, puntahan ko lang si Marco,” paalam ko sa kina Candice at Mandy.Agad na lumapad ang ngiti sa labi ni Candice. “Uyyy, ano yan? May date na naman kayo, ‘no?” tukso niya sa ‘kin. Pinagd
SAMARA POVNanlalamig ang dalawa kong kamay habang nasa labas ako ng emergency room. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa bag ni Marco. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at pasilip-silip sa salamin ng pinto ng emergency room para i-monitor ang ginagawang operasyon sa kanya ng apat na doktor at limang nurses.Gaya ng inaasahan, ay naging delikado nga ang kalagayan ni Marco. Nagdulot ng severe bleeding ang pagtama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. May posibilidad ring nasira ang electrical system ng puso niya, at maging ang normal rhythm nito. I don't want to interpret things negatively, pero maaaring huminto ang pagtibok ng puso niya dahil sa traumatic injury na natamo niya.Napatakip ako sa bibig ko dahil sa ideyang yun. Nagsisimula na naman kasing manikip ang dibdib ko at mangilid ang luha ko.Shìt! Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Marco. Ikadudurog yun ng puso ko.Nagpapalit-palit ang tingin ko sa ECG machine at kay
SAMARA POV“Sinong Poncio Pilato yang kapatid mo? Anong motibo niya sa pagbàril kay Marco at bakit ang kapal ng mukha mong humarap pa sa ‘kin?” tahasan kong tanong sa babaeng kaharap ko.Napalunok siya at napaatras sa takot. Mariin ko pa siyang tinitigan.Mabuti naman at nakuha niya agad na kumukulo ang dugo ko sa kanya. Gayun pa man ay pinilit niya pa ring magsalita.“S-Si Eli… s-siya yung nanghampas ng upuan kay Marco dati. S-Siya rin ang bumàril sa kanya ngayon. Nakita na ng admin ang cctv footage. My brother is there, holding a gun. Ayokong maeskandalo ang kapatid ko, Samara, or worse makulong pa. Papaano na ang future niya? He's just madly in love with you. Sa tingin ko ay nadala lang siya ng damdamin niya. H-Hindi niya naman yun sinasadya,” nagkukumahog niyang paliwanag sa akin.Mas lalong uminit ang ulo ko sa walang kwenta niyang sagot.“Ano?” Lalapitan ko sana siya para sabunutan at kalbuhin pero pinigilan ako ni Candice. Dinuro ko na lang siya. “What if bàrilin din kita ngay