Share

Chapter 06

“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan kong sagot sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ko ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring ekspresyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao sa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibag ang katatagan ko na panindigan ang aking mga sinabi. At masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan.

“No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaang mukha ng aking ina habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko.

“Ms. Louise Howard, nalalaman mo ba ang sinasabi mo? Dahil sa pag-amin mong ito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status