Share

Chapter 07

“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito.

“Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa.

Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pintuan at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha.

“Nakita mo na ang pagiging iresponsable mo, Denice? Nang dahil sa katigasan ng ulo mo ay maraming nadamay na inosenting tao! Ano ang meron sa lalaking iyon at nagpakatanga ka!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status