Share

Chapter 7

Nang matapos, imbis na bumalik sa ginagawa ay nanatili lang kami sa sofa habang nakayakap siya sa beywang ko. Nakapikit na rin siya na parang gusto nang matulog kung hindi lang dahil sa dami ng ginagawa niya.

“You can take a nap,” sabi ko. “Gigisingin na lang kita ng around twelve midnight para makapagpahinga ka saglit.”

Tango lang ang ginawa niya. Imbis na tumayo ay ginawa niya lang unan ang hita ko habang nakayakap pa rin sa beywang ko. I caressed his hair para mabilis siyang makatulog. Sa buong gabing ‘yon ay pinanood ko lang siyang matulog. I can only see one side of his face, though, dahil nasuksok ang mukha niya sa tiyan ko.

“I’m here! What do you—” Napapitlag kami pareho sa bigla. Marahas niyang binuksan ang pinto ng office ni Gab nang hindi man lang kumakatok at mukhang nabigla naman siya nang makita ako.

“Don’t you knock, Lance?” tanong ko. Napatingin ako kay Gab nang gumalaw siya.

“I’m sorry,” sabi ni Lance. “Hindi naman nabanggit ni Gab sa ‘kin na nandito ka pala. He asked me to come here at twelve.”

Imbis na bumangon ay mas hinigpitan lang ni Gab ang yakap sa ‘kin. “Go away, Lance,” he mumbled.

“Ganito na ba ang makikita ko araw araw magmula ngayon? For your information, single ako. Maawa naman kayo,” hindi makapaniwalang sambit ni Lance bago sumalampak sa sofa. 

“I’m sorry about this,” sabi ko. “Sinurpresa ko lang din kasi talaga siya kaya hindi niya nasabing nandito ako. I can leave if you want. Ayoko namang makasagabal sa trabaho niyo.” Pilit akong ngumiti.

“Nah,” sambit ni Lance. “You’re good. Actually, tungkol naman sa ‘yo ang pinunta ko rito. Nasabihan na rin ako ni Gab. Nandito lang ako para sa mga dapat at hindi ko dapat gawin.”

Bago pa ako makapagtanong ay tumayo na si Gab mula sa pagkakahiga bago nag-inat. “He’s right,” sabi niya. “Sakto rin ang punta mo rito, love. At least isang announcement na lang and briefing.”

Bumalik siya sa office desk niya at agad naman kaming sumunod. Naupo kami sa harap ng table niya habang may hinahanap na mga papel sa tumpok niyang mga gawain. Nang makita nag hinahanap ay inabot niya sa ‘min ang tig-isang bundle ng papel.

“It’s a contract,” panimula ni Gab bago tumingin sa ‘kin. “Love, I already told Lance about this. Matapos ang pag-iisip nitong mga nakaraan, I thought he’s the right and most fit bodyguard I have for you.”

Napaawang ang bibig ko ngunit sinara lang din ulit ‘yon. “Okay,” tanging sambit ko.

“Wait,” ani Lance. “Bakit parang hindi ka masaya?”

“Well, dapat ba akong maging masaya dahil may gustong pumatay sa ‘kin?” patanong na sagot ko.

“I mean, hindi ka man lang ba masaya dahil ako ang magiging bodyguard mo? You know, may history na tayo kahit papaano.” Hindi nakawala sa paningin ko ang paniningkit ng mga mata ni Gab dahil sa sinabi niya.

“Hindi naman sa hindi ako masaya. I’m actually relieved na ikaw ang napili ni Gab. Nabigla lang din siguro ako.” Napanguso na lang siya at hindi na sumagot. 

Gab cleared his throat. “Take your time and read the contract. Kung may gusto kayong idagdag o alisin, just tell me. You don’t have to decide now.”

Tumango ako. “Puwede natin ‘tong pag-usapan kung kailan ka free,” sabi ko kay Lance. “Just tell me when you’re free para makita natin kung ano ang mga dapat at gusto nating baguhin.”

“Ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Kailan ka free?”

Napaisip ako. “You know what? I’m actually free tomorrow at lunch. We can meet at a nearby restaurant kung convenient para sa ‘yo.”

Tumango-tango siya. “Sure. I-message na lang kita bukas.”

“You have my number?”

Napatingin siya kay Gab. “Mahabang kuwento. Puwede naman nating pag-usapan bukas din.” Tumayo na siya dala ang contract. “Hindi ko na kayo iistorbohin pa, mga boss. Mukhang kailangan niyo pa ng alone time. Ang bugnutin pa naman ni bossing kapag nabibitin.”

“Shut up, Lance,” Gab grumbled. 

Malakas na natawa si Lance bago ako hinarap nang nakangisi. “See you, love.”

Natawa na lang ako habang pinapanood siyang lumabas ng office. “He looks like a good guy,” sambit ko bago hinarap ulit si Gab na nakakunot ang noo. “And funny, too.”

“Funny?” He scoffed. “I don’t think so.” Mas lalo akong natawa. “You really find that funny? He’s making fun of me!”

“Maybe. Pero may katotohanan naman ang sinabi niya, ah? Bugnutin ka naman talaga kapag nabibitin.” Natatawa na lang akong tumayo at bumalik sa sofa at nahiga. Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay pinaniningkitan na niya ako ng mga mata.

“Are you seducing me right now?”

Pabiro akong suminghap. “Of course not. Might be your imagination,” natatawa kong sambit.

Napailing na lang siya bago tinuon ang atensyon sa kaniyang ginagawa. Natatawa na lang akong nahiga sa sofa at naghanap ng komportableng posisyon. Dito na lang ako matutulog. Tinatamad na ‘kong umuwi pa sa bahay. At least mas malapit ‘to sa company namin.

Mayamaya ay lumapit siya sa ‘kin dala ang isang blanket at kinumutan ako. He kissed my forehead before whispering a good night. Akmang tatayo siya para bumalik sa upuan niya nang hawakan ko ang braso niya.

“You’re not really going to join me here?” 

Muli siyang umupo sa harap ko. “Marami akong kailangang tapusin. I’ll join you after I’m done. Mauna ka nang matulog.”

Nginisian ko siya. “Who told you about sleeping?”

Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa ‘kin. “You’re going to regret saying that.”

I only giggled before he kissed me.

*

Hinihingal akong naupo sa harap ng hapag kung saan nakaupo si Lance at sinabi, “I’m sorry I’m late. Hindi ko inaasahang late matatapos ang meeting namin kanina. I drive as fast as I can to get here.”

He smirked. “Okay lang. Halos kararating ko lang din.”

“Let’s eat first, is that okay?”

“Sure.”

Lance is a great company. Sa buong lunch namin, walang dull moment. He knows when to lift the mood up. Napansin ko rin ‘to noong unang beses kaming magkakilala. Hindi ko lang gaanong napansin dahil hindi ko pa naman siya kilala. Not to mention, hindi maganda ang unang encounter namin.

He’s an inborn joker. Kaya naman tawa ako nang tawa kahit na sobrang simple lang naman ng mga biro niya. I guess madalas lang ako palibutan ng mga seryosong tao kaya ang makakilala ng gaya niya ay nakakabigla.

“Shall we start?” tanong ko. Tango lang ang sagot niya.

Sabay naming binasa ang laman ng contract. Habang binabasa ang kontrata, walang nagsasalita sa ‘ming dalawa. Nagsusulat lang kami sa papel sa tuwing may nakikita kaming gusto naming baguhin o alisin. Matapos basahin ay saka namin pinasadahan ang mga sinulatan namin kanina.

“Nag-j-jogging ako tuwing umaga around six,” sabi niya. “Sa mga oras na ‘to, I’m on my own since ayon kay Gab, alas otso ka umaalis ng bahay.”

Tumango ako. “I can join you if you want.”

Napataas ang kilay niya. “Masyadong maaga ang alas sais para sa ‘yo. Alas dos ka na palagi natatapos sa work.”

“I changed my schedule for that. Alas dose na ako nag-o-out sa work kaya maaga na akong nagigising. Imbis na tumambay at maghintay ng oras, I can join you every morning.” Tango lang ang ginawa niya bago nagsulat sa kontrata niya. “You can also join me for lunch and dinner if you want.”

“Nah. Puwede akong kumain nang mas maaga kung nasa office ka lang naman.”

“Are you sure? Wala namang masama kung sabay tayong kakain. I don’t mind.”

Binaba niya ang kontrata bago ako tinitigan nang mariin. “Aware ka ba kung gaano kaseloso ang jowa mo?” Napaawang ang bibig ko. “Noong nalaman niyang may stalker ka, halos halughugin na niya ang buong mapa ng pilipinas para lang mahanap ang lalaking ‘yon at ipalibing nang buhay. Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa ‘kin kapag nalaman niyang kasama at kaharap mo ako buong araw?”

“Pero bodyguard kita at siya pa mismo ang pumili sa ‘yo.”

Sarkastiko siyang napangiti. “Dahil ayaw niyang may ibang lalaking aaligid sa ‘yo na hindi niya kilala. Sa tingin mo, bakit may nakasulat ditong limit kung gaano lang ako kalapit puwedeng dumikit sa ‘yo?”

Napailing ako. “Kailangan nating baguhin ‘to. How the hell are you going to protect me kung may ganito?”

Napapalo siya sa lamesa. “‘Yan din ang sinabi ko sa kaniya pero nasapak lang ako.”

Muli akong napailing. Alam kong hindi papayag si Gab tungkol sa ilang rules na gusto kong baguhin pero kailangan ko siyang pilitin. Kahit si Iwatani ay tiyak matatawa na lang kapag nabasa ‘to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status