Dumaan ang araw ko na nasa loob lang ako ng office. Tinapos ko ang lahat ng dapat tapusin sa araw na ‘yon dahil may kliyente akong kailangang i-meet bukas ng umaga. Napagdesisyunan naming sa isang mamahaling restaurant magkita upang pag-usapan ang next project namin. Pumayag na rin ako dahil masyadong stuffy sa office. Kailangan ko ng ibang malalanghap na hangin.Napahawak ako sa gilid ng lamesa ko nang pagtayo ko ay biglang umikot ang paningin ko. Nang tingnan ko ang orasan ko ay halos alas otso na naman ng gabi. Hindi pa ako nakakapag-dinner.Nagsimula akong maglakad palapit sa pinto ngunit hindi tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nang mahawakan ko ang doorknob ay sinubukan ko ‘yong buksan, ngunit biglang bumigay ang tuhod ko at dumilim ang paningin ko.*Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Noong una ay madilim ang paligid, at nang mag-adjust ‘yon ay saka ko napagtantong nasa hospital ako. Tanging lampshade lang ang ilaw na mayroon sa loob ng silid, ngunit sapat lang para maki
Nang ma-discharge ako, napagdesisyunan naming doon muna ako sa apartment niya tutuloy. He wanted to hire help but I rejected his offer. Hindi naman ako baldado. Isa pa, masyadong risky ang mag-hire ng isang tao na hindi ko naman gaanong kakilala.I can ask Lance for help lalo na kung may kailangan akong buhating mabigat. I’m sure he wouldn’t mind. At hindi rin naman ako madalas magbuhat ng mabibigat kaya hindi ko rin kailanganin masyado ng tulong niya.Habang papunta kami sa parking lot, napatingin agad ako kay Iwatani na palapit sa ‘min ni Gab. I automatically smiled at agad siyang binati.“I heard what happened,” panimula niya. “Nag-alala ako kaya pinuntahan agad kita. But I see you’re in good hands.” Napatingin siya kay Gab at bahagyang tumango.“Mauna na ako sa loob ng sasakyan,” ani Gab. He kissed my lips before walking away. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay saka ko lang hinarap si Iwatani.“I am. Thank you sa pag-alala. But I’m fine.”Napatingin siya sa kamay kong naka
Muli akong nagpasalamat sa mga kambal ko bago sila umalis.“Bumabawi lang kami sa ‘yo,” sabi ni Chanel. “Alam naman naming ang tagal naming hindi nagpakita sa ‘yo kaya hayaan mo na kami.”“Kami na rin pala ang bahala sa pagkausap bukas sa magiging venue natin tutal nakapili ka naman na kung sino ang maggagayak ng place,” sabi ni Carleigh. Muli akong nagpasalamat sa kanila at niyakap sila pareho nang mahigpit.“Sige na,” ani Chanel. “Mauna na kami at ayaw naman naming magtagal dito. Baka maabutan pa namin ang future husband mo.”Natawa na lang ako at kumaway na sa kanila. Pinapasok ko muna si Lance sa loob para makainom muna ng kape. Buong araw din kasi namin siyang kasama kaya tiyak na napagod rin siya.“Pauwi na raw si boss,” ani Lance. “Sige. Magluluto na ako ng dinner.”“Ako na ang bahala sa dinner. Magpahinga ka na lang sa sala.”Tiningnan ko naman siya nang deretso. “You cook?”Napangisi siya. “I can practically do anything.” Medyo matigas pa siyang mag-english pero nakakatuwang
Chapter 1I never knew I’d be visiting a prison all my life. At mas lalong hindi ko inaasahang magpupunta rito para dalawin ang kaibigan ko. Or should I say, dati kong kaibigan.I don’t know what to think of it. Gusto ko pa ring kumbinsihin ang sarili kong hindi magagawa ni Lorreine ang kung ano man ang sinasabi ng ibang mga tao sa kaniya. Gusto ko pa rin siyang bigyan ng benefit of the doubt matapos ang mahabang taong pagkakaibigan namin. Pero kahit anong pagkukumbinsi ang gawin ko ay ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Natatakot pa rin ako kung ano ang maaaring mangyari. Ang daming tanong sa utak ko na gustong masagot.Paano kung lahat ng sinabi nila tungkol kay Lorreine ay totoo? Paano kung isa nga siyang myembro ng organisasyon na ‘yon? Matatanggap ko ba? Kaya ko bang harapin?Isang marahang palad ang dumampi sa kamay ko at binigyan iyon ng banayad na pagpisil. Nang mapatingin ako sa kaniya ay pinilit ko ang sarili na ngumiti.“You’re going to be okay,” bulong ni Gab sa tainga
“Are you feeling better now?” tanong ni Gab nang makapasok kami sa sasakyan niya.I just finished bawling. Sinakitan lang ako lalo ng ulo dahil sa ginawa ko. Ang buong akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko kapag nailabas kong lahat ng sakit kanina, pero mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko.Sinubukan kong ngumiti. “I think so.”Inabot niya ang kamay ko at muli iyong pinisil. “It’s okay if you’re not. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo sa harap ko. Naiintindihan ko.”Dahil sa sinabi niya ay bumagsak ang mukha ko at nawala ang ngiti sa mga labi ko. “This is the first time someone betrayed me like this. Kaibigan ko pa. And it hurts so damn much.” Muling may tumakas na luha mula sa mata ko na agad kong pinunasan. “Ilang taon kaming magkaibigan, Gab. Halos araw-araw kaming magkasama. Nandiyan kami palagi para sa isa’t isa. Hindi ko ma-imagine kung paano niya natiis na makasama ako sa mga taon na ‘yon nang may tinatago siyang galit sa puso niya.”Napayuko na lang ako. Akala ko, naiy
Chapter 2Hinawakan ni Gab ang kamay ko na nakapatong sa railings. Doon lang ako bumalik sa reyalidad. “You’re doing the right thing,” he said.Napangiti ako bago ko siya hinarap. “What about you?”Kumunot ang noo niya. “What about me?”Nagkibit-balikat ako bago tumalikod at humilig sa railings. Mas hinigpitan ko ang pagkakawak namin ng mga kamay. “I never heard of you for four years.”“You were stalking me for four years, Seanne,” nakatawang pang-aasar niya.Napairap ako. “You know what I mean. At FYI, hindi kita in-stalk.”Hinigit niya ako sa beywang. “You didn’t?”“Okay. A little. Pero ginawa ko lang ‘yon dahil kailangan kong malaman kung ano-ano ang mga ginagawa mo.”Imbis na asarin pa ako lalo dahil sa mga pinaggagawa ko noon ay nagtanong siya. “Anong gusto mong malaman?”Isa lang ang unang pumasok sa isip ko. “Did you have a girlfriend sa four years na lumipas?”Walang pagdadalawang isip siyang sumagot. “None.”Bahagya akong lumayo sa kaniya at pinaningkitan siya ng mga mata. “I
“He admitted using the organization with violence, pero alam niya kung sino-sino ang pinupuksa nila at binabangga nila. And no, hindi niya kayang harapin ang kahit na sino sa The Big Three. He didn’t have the guts, nor the power.” Saglit siyang tumigil bago nagpatuloy. “I wanted so badly to come to you the moment I heard about that. Pero alam kong hindi magbabago ang pasya mo lalo pa at wala akong ebidensiya na hindi nga kami ang may gawa n’on. And the best way I can do para maniwala ka sa ‘kin is to find the real culprit.“My dad is sick.” Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “He was diagnosed with stage two cancer at that time. Napilitan akong i-manage ang kompanya sa edad na ‘yon kahit hindi pa ako handa. I didn’t have a choice. Pero ginawa ko ‘yong oportunidad para pag-aralan ang kompanya at baguhin ang nakagawian nito.”Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”“I stopped using the organization for anything violent, especially if it involves killing. Hindi ko kayang patigilin ang ib
Nasa harap ko pa rin ang sasakyang nag-cut sa ‘kin kanina. Napakabagal ng takbo niya kaya sinubukan kong mag-overtake. Pero napakunot ang noo ko nang bigla niyang hinarang ang sasakyan sa harap ko. I thought it was a coincidence, pero matapos ang ilang saglit, napansin kong sinasadya na niya.I honked again three times. “Ano bang problema nito?” bulong ko sa sarili.Dahil sa init ng ulo at sa gutom na rin, pinaharurot ko ang sasakyan para makapag-overtake. Hindi na niya nagawang harangan ang harap ko nang tumapat ang bumper ko sa likod ng kotse niya. Kung pipilitin niya ay tiyak magkakabanggaan na kami.Nang magkatapat ang sasakyan namin ay napatingin pa ako sa bandang driver’s seat kahit na tinted naman ‘yon. Nakita ko na lang ang sarili kong nakikipag-unahan sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang gitgitin niya ang sasakyan ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tawagan ulit si Gab. He answered immediately. “Are you home, love?”“Can you track my phone? Someone’s