Share

Chapter 5

Nasa harap ko pa rin ang sasakyang nag-cut sa ‘kin kanina. Napakabagal ng takbo niya kaya sinubukan kong mag-overtake. Pero napakunot ang noo ko nang bigla niyang hinarang ang sasakyan sa harap ko. I thought it was a coincidence, pero matapos ang ilang saglit, napansin kong sinasadya na niya.

I honked again three times. “Ano bang problema nito?” bulong ko sa sarili.

Dahil sa init ng ulo at sa gutom na rin, pinaharurot ko ang sasakyan para makapag-overtake. Hindi na niya nagawang harangan ang harap ko nang tumapat ang bumper ko sa likod ng kotse niya. Kung pipilitin niya ay tiyak magkakabanggaan na kami.

Nang magkatapat ang sasakyan namin ay napatingin pa ako sa bandang driver’s seat kahit na tinted naman ‘yon. Nakita ko na lang ang sarili kong nakikipag-unahan sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang gitgitin niya ang sasakyan ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tawagan ulit si Gab. 

He answered immediately. “Are you home, love?”

“Can you track my phone? Someone’s trying to mess with me. Ayaw niya talaga akong tigilan.”

“Anong nangyayari?”

“Ginigitgit na ako ng sasakyang nag-cut sa ‘kin kanina. He was going slow kaya nag-overtake ako. Pero ito siya ngayon, sinasabayan ko at halos gitgitin na ako. Nasa highway na kami.”

“Listen to me, okay?” Narinig ko ang pagbuhay ng makina sa kabilang linya. “I’m on my way. Stop the car as soon as you can.”

Naghanap agad ako ng lugar kung saan pwedeng huminto pero wala akong nakikita. Hindi naman ako pwedeng huminto basta-basta dahil nasa highway ako. At isa pa, nasa kaliwang bahagi ako ng daan at nahaharangan ako ng sasakyan sa bandang kanan.

“Malayo-layo pa ako sa pwedeng paghintuan,” sabi ko.

“Then, slow down. Go to the slow lane.”

“I can’t. Ginigitgit niya ako sa fast lane. Wala akong choice!”

Narinig ko ang pagmumura niya kasabay ng pagharurot ng sasakyan. Napapamura na lang din ako nang mahina dahil isang maling galaw lang ay magtatama na ang mga sasakyan namin. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Muling napamura nang malakas si Gab. “Traffic pa. Bwisit!” Sunod-sunod niyang pinindot ang kaniyang busina.

“I need to call someone,” aniya.

I panicked. “You’re going to end the call?”

“No. It’s a conference call.”

Hindi nagtagal ay may ibang nagsalita sa kabilang linya. “Na-miss mo ba ako agad? Kagagaling ko lang sa office mo, ah?” Kumunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang boses ng lalaki.

“Tigilan mo ‘ko, Lance. I’ll send you coordinates,” utos ni Gab. “Drop everything you’re doing and drive like your life depends on it.”

“May problema ba, boss?”

“They’re here.”

Hindi na sumagot si Lance at agad binaba ang tawag. Hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin do’n pero ayon sa tono ng boses ni Gab, hindi ‘yon maganda.

“Anong nangyayari?” tanong ko.

Ilang sandali pa bago siya nakasagot. “I’ll explain everything later. Magulo pa ang utak ko ngayon. Just… stay focused. Huwag mong ibababa ang tawag. Just talk. I need to know you’re okay.”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Tinatagan ko ang loob ko at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Two of the things I’ve learned for the past four years are how to drive a car smoothly and how to drive roughly. Sa oras na ‘to, kung ayaw kong magpagewang-gewang sa highway, I need to drive as smoothly as I can.

“Is someone after my life?” Hindi ko na rin napigilan pa ang mapatanong pero hindi niya sinagot. “Kailangan ko na sigurong mag-hire ulit ng bodyguard. I wonder if Iwatani’s up for it again.”

Akala ko ay aangal siya pero iba ang sinabi niya. “Kung pwede lang akong maging bodyguard mo 24/7, gagawin ko.”

“Why not? Mukhang exciting ‘yon.” Pilit pa akong tumawa.

Nagitla ako nang may sumingit na sasakyan sa harap namin. Mabuti na lang at hindi ko nagalaw ang manibela ko. Huminga ako nang malalim upang kumalma. Anything can happen now. I need to prepare myself.

Tumapat ang isang itim na sasakyan sa kotse na pilit akong ginigitgit bago binagalan ang pagpapaandar. Hindi na ako nagdalawang isip pa at muling pinaharurot ang sasakyan ko kaya mabilis akong nakaalis doon.

Tumingin pa ako sa rearview mirror kung saan tanaw ko kung paano harangan ng bagong dating na kotse ang kanina lang na gumigitgit sa ‘kin. Nang matanaw ko na kung saan ako liliko ay agad akong nagtungo roon. Nang hindi sumunod ang sasakyan sa ‘kin at dumeretso lang sa toll gate ay doon lang ako nakahinga nang maluwag.

“Hindi na niya ako sinusundan,” sabi ko.

Hindi sumagot si Gab kaya napatingin ako sa phone ko. Akala ko naputol ang tawag pero bukas pa rin naman ang phone ko at naririnig ko pa ang tunog ng mangilan-ngilang busina sa kabilang linya.

“Are you okay?” tanong ko.

“Of course not. May gustong manakit sa ‘yo, Chantria. Paano ako magiging okay?” He is mad, but he isn’t mad at me. Galit siya sa kung sino ang gustong manakit sa ‘kin. And I’m feeling just the same.

Sasabihin ko sana na baka prank lang ‘yon o ano, pero naalala ko ang sinabi niya kanina. “Who’s here exactly? May hindi ba ako nalalaman?”

“I’m on my way to your house,” aniya imbis na sagutin ang tanong ko.

Binaba na namin ang tawag nang makarating ako sa bahay. Sinigurado ko sa mga guwardiya na higpitan ang pagbabantay sa vicinity pero hindi ko muna sinabi kung ano ang nangyari. I don’t want to stir any confusion. Kailangan ko munang malaman kung ano ang nangyayari.

I took a mental note na mag-add ng security na maaaring mag-roam sa labas ng bahay lalo na tuwing gabi. I also need a personal bodyguard and a good driver. Mas maganda kung two in one na. Ayoko namang maraming taong nakapalibot sa ‘kin.

Sa sala ko piniling hintayin si Gab. Hindi pa ako nakakakain pero hindi ko ramdam ang gutom. Nandito pa rin ang adrenaline dahil sa nangyari kanina. Hindi pa rin ako makakalma nang tuluyan. The thought that someone wants to hurt me brought back a lot of memories. Paano kung mangyari na naman ‘yong dati? What if someone gets hurt because of me again? 

Lance could’ve gotten hurt a while ago trying to block that car for me. Paano kung siya ang mawalan ng kontrol? Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. I swore to myself that Joaquin would be the last. Ngayong may kakayahan na ako, hindi na ako papayag na may masaktan pa dahil sa ‘kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status