Share

Chapter 17

Muli akong nagpasalamat sa mga kambal ko bago sila umalis.

“Bumabawi lang kami sa ‘yo,” sabi ni Chanel. “Alam naman naming ang tagal naming hindi nagpakita sa ‘yo kaya hayaan mo na kami.”

“Kami na rin pala ang bahala sa pagkausap bukas sa magiging venue natin tutal nakapili ka naman na kung sino ang maggagayak ng place,” sabi ni Carleigh. Muli akong nagpasalamat sa kanila at niyakap sila pareho nang mahigpit.

“Sige na,” ani Chanel. “Mauna na kami at ayaw naman naming magtagal dito. Baka maabutan pa namin ang future husband mo.”

Natawa na lang ako at kumaway na sa kanila. Pinapasok ko muna si Lance sa loob para makainom muna ng kape. Buong araw din kasi namin siyang kasama kaya tiyak na napagod rin siya.

“Pauwi na raw si boss,” ani Lance.

“Sige. Magluluto na ako ng dinner.”

“Ako na ang bahala sa dinner. Magpahinga ka na lang sa sala.”

Tiningnan ko naman siya nang deretso. “You cook?”

Napangisi siya. “I can practically do anything.” Medyo matigas pa siyang mag-english pero nakakatuwang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status