Share

Chapter 6

Napatakbo ako sa pinto nang marinig ang pagbukas n’on. Agad kong niyakap si Gab pagkalapit na pagkalapit ko na sinuklian niya nang mas mahigpit.

“Nasaktan ka ba?” tanong niya.

Umiling ako. “No.”

Nabuga siya ng hangin bago sinuksok ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ko. “I was so scared. Mabuti na lang at nasa malapit lang si Lance.”

Sinubukan ko siyang tingnan. “Nasaan nga pala siya? Okay lang ba siya? I need to thank him personally. Ito na ang pangalawang beses na niligtas niya ang buhay ko.”

“He said he needs to be somewhere. Kailangan niya rin makasigurado kung hindi ka ba nasundan ng sasakyan na ‘yon.” Dumeretso kami sa sala at naupo sa sofa. “I’ll tell him you said that.”

“What? Kailangan ko siyang pasalamatan nang harapan.”

“It’s his job, love. He works for me now.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Fine! I’ll set up a meeting.” He pulled me towards him and cuddled me.

I rested my head on his chest. Matapos ang nangyari, ngayon lang ako nakakalma. At ngayon ko lang naalala ang gutom nang kumulo ang tiyan ko.

Gab groaned. “I’ll cook.”

Sumunod ako sa kaniya nang tumayo siya at nagtungo sa kusina. I watched him cook. Simple lang ang putahe na niluto niya para daw mabilis lang. Kanina pa kasi ako hindi kumakain. But with a simple fried dish, sobrang nabusog ako at ang dami kong nakain.

Nag-prepare na ako para makatulog pero tinabihan niya muna ako sa kama bago umalis. He needed to tell me what’s happening.

“I still don’t know the details,” panimula niya. “But someone’s trying to harm you in any way possible. Si Lance ang unang nakapansin tungkol do’n.”

“He did? Paano? Ni hindi ko pa nga siya ulit nakikita matapos ‘yong una naming pagkikita.”

He caressed my hair. “Gusto niya raw magpakilala sa ‘yo formally noong araw na ‘yon kaya susurpresahin ka niya dapat. Pero bago pa siya makalapit sa ‘yo, he noticed someone stalking you from afar. Sa huli, tinigil niya ang balak niya at sinundan ang stalker na ‘yon. Lance thought that it was just a coincidence. Baka pareho lang talaga kayo ng pupuntahan ng lalaki. Pero nakarating siya hanggang sa gym kung saan ka nagpupunta.”

“Paano kung coincidence lang din ‘yon?”

“If watching you until you went to the bathroom is a coincidence, then tell me. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa tuwing iniisip ko ‘yon. Paano kung hindi ‘yon nakita ni Lance? Paano kung may nangyari sa ‘yo bago pa kami makatunog?”

Hinimas ko ang braso niya upang pakalmahin siya. “Nothing happened to me, okay? Mas magiging maingat na ako ngayon. I’ll hire a personal bodyguard. Matagal ko na ring plano ‘yon pero nauudlot lang talaga. Ngayon, nandito na lahat ng rason para gawin ‘yon.”

He stared at me for a long time. Sobrang intense nang titig niya na para bang may malalim na iniisip. Alam kong nag-aalala pa rin siya kaya naman h******n ko siya sa mga labi.

“I’ll be fine,” I assured him. “Hindi ito ang unang beses na may nagtangka sa buhay ko, right? Pero iba na ngayon. Alam ko na kung sino ang maaari kong kaharapin, at alam ko na kung paano protektahan ang sarili ko.”

“I know that. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. If only I can stay by your side all the time, I will.” Mahina akong natawa. “But I’ll choose your bodyguard. Hindi ako papayag na kung sino-sino lang ang makakasama mo.”

Napairap na lang ako at hinayaan siya. Parehong may mahigpit na security ang mga kompanya namin kaya kahit saan ako kumuha ay ayos lang. Kung saan siya mapapanatag, doon na rin ako. 

Maaga akong natapos sa work ko ngayon kaya naman napagpasyahan kong surpresahin si Gab sa office niya. I already called his secretary, Shaun, at ayon sa kaniya, busy pa raw ang kaniyang boss sa kung ano-anong paperworks. Good thing nasa office lang siya ngayon.

Pagkaparada ko ng sasakyan, sinigurado ko munang ligtas ang paligid. Naging mannerism ko na rin ang pagsipat sa buong lugar bago ako lumabas ng sasakyan matapos ang nangyari sa ‘kin noong nakaraan. 

Shaun also asked their security to watch over me. Sinabihan niya ang ilan sa pagdating ko para na rin sa kaligtasan ko. Sigurado akong nasabihan na rin siya ni Gab tungkol sa nangyari kaya hindi na lang ako umangal.

Nang makapasok ako sa building, hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha. Noong unang beses na nagpunta ako rito ay noong nag-confess ako sa kaniya. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na rin nagawang ma-appreciate ang lugar.

Para sa isang building na pagmamay-ari ng isang mafia boss, sobrang elegante at ang luxurious tingnan ng lugar kahit na nasa lobby pa lang ako. Pero sabagay, isa naman kasi talaga ‘tong five star hotel para sa mga higher class kaya hindi na rin nakakabigla.

Walang nakakaalam sa labas na isang mafia boss si Gab. For all I know, isang billionaire ang tingin sa kaniya ng maraming tao, isang guwapo at hunk na billionaire. After all, ang isang mafia organization ay ilegal sa bansang ‘to.

May bukod na elevator ang mga importanteng tao sa building na ‘to at iilan lang ang mayroong access. Pero imbis na ‘yon ang gamitin ay sa normal elevator ako pumili at naghintay ng elevator. Malalaman kasi ni Gab sa tuwing may gumagamit ng lift na ‘yon lalo pa at konektado ‘yon sa kaniyang office.

Nang makapasok sa loob, napatingin pa ako sa suot kong simpleng jeans at white blouse. Ang mga kasabay ko ay kung hindi naka-formal dress ay mga naka-suit and tie. Napaayos na lang ako ng blouse ko kahit na hindi naman ‘yon magulo.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makarating na kami sa pinakadulong floor. Nagbabaan na silang lahat pero napatingin sa ‘kin dahil hindi pa rin ako bumababa gaya nila. Nasa pinakadulong floor kasi ang office ni Gab at tanging siya lang ang may access doon kabilang si Shaun.

Napayuko na lang ako at pilit na tinago ang mukha ko gamit ang buhok ko. Mabuti na lang at nagsara na ang pinto ng elevator. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga dahil sa sobrang kaba. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagtatago. Wala naman akong ginagawang masama.

Sinalubong ako ni Shaun sa elevator. Agad ko siyang nginitian bago niya ako ginaya sa office ni Gab.

“Buong araw ba siyang nasa office?” tanong ko.

“Opo, ma’am Chantria. Hindi pa siya lumalabas mula kaninang umaga.”

Kumunot ang noo ko. “What about his breakfast and lunch?”

“Dinalan ko lang po siya kanina at sa loob niya lang din kinain. Kadarating lang din po ng dinner niya.”

Tumango ako bago nagpasalamat sa kaniya. Iniwan naman niya ako roon at bumalik na sa sarili niyang office bago ako kumatok.

“What is it?” dinig kong sambit ni Gab sa loob. 

Napangiti ako bago binuksan ang pinto. Hindi pa rin niya ako nililingon at busy pa rin sa binabasang papel. Suot niya ang kaniyang reading glasses at nakabukas ang unang dalawang butones ng kaniyang white polo. Gulo-gulo rin ang kaniyang buhok na para bang ilang ulit niya ‘yong inayos pero sa huli ay sumuko na lang din.

Hindi ko maiwasang hindi mapakagat sa ibabang labi ko. “I’m starting to get jealous of that paper you’re holding,” sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin at unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Dahan-dahan niyang binaba ang binabasang papel bago sumandal sa kaniyang swivel chair. Huminga siya nang malalim bago sinambit, “Seanne…”

Mahina akong natawa bago naglakad palapit sa kaniya. He offered me his hand, which I gladly accepted. Hinila niya ako hanggang sa mapaupo ako sa hita niya. Agad kong pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya bago siya ginawaran ng halik sa mga labi.

“What are you doing here?” he asked in between our kisses. “I mean, I’m glad you’re here, pero ang aga pa, ah? Are you done with your work?” I nodded. “Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?”

“Then, hindi na magiging surpresa, right?” Mahina siyang natawa nang mabaling ang tingin ko sa ilang tupperware sa lamesa. “Is that your dinner?”

Napatingin siya sa tinuro ko. “Nah. That’s my breakfast and lunch. Hindi ko pa nagagalaw ‘yong dinner ko.” He kissed my neck.

Napanguso ako bago tumayo. He didn’t want to let go, but I glared at him. “Pinagluluto mo ‘ko para maging healthy pero ‘yong sarili mo hindi mo iniintindi. Are you kidding me?”

Hindi siya nakapagsalita lalo na nang kinuha ko ang dinner niya at binuksan ‘yon. Hinila ko siya sa bukod na lamesa at doon pinaupo dahil puno ng mga papel ang office desk niya. Hindi ko siya pinaalis hangga’t hindi niya nauubos ang pagkain niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status