Share

Chapter 15

Dumaan ang araw ko na nasa loob lang ako ng office. Tinapos ko ang lahat ng dapat tapusin sa araw na ‘yon dahil may kliyente akong kailangang i-meet bukas ng umaga.

Napagdesisyunan naming sa isang mamahaling restaurant magkita upang pag-usapan ang next project namin. Pumayag na rin ako dahil masyadong stuffy sa office. Kailangan ko ng ibang malalanghap na hangin.

Napahawak ako sa gilid ng lamesa ko nang pagtayo ko ay biglang umikot ang paningin ko. Nang tingnan ko ang orasan ko ay halos alas otso na naman ng gabi. Hindi pa ako nakakapag-dinner.

Nagsimula akong maglakad palapit sa pinto ngunit hindi tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nang mahawakan ko ang doorknob ay sinubukan ko ‘yong buksan, ngunit biglang bumigay ang tuhod ko at dumilim ang paningin ko.

*

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Noong una ay madilim ang paligid, at nang mag-adjust ‘yon ay saka ko napagtantong nasa hospital ako. Tanging lampshade lang ang ilaw na mayroon sa loob ng silid, ngunit sapat lang para maki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status