Share

Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)
Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)
Author: Precious Jasmin

Chapter 1

Chapter 1

I never knew I’d be visiting a prison all my life. At mas lalong hindi ko inaasahang magpupunta rito para dalawin ang kaibigan ko. Or should I say, dati kong kaibigan.

I don’t know what to think of it. Gusto ko pa ring kumbinsihin ang sarili kong hindi magagawa ni Lorreine ang kung ano man ang sinasabi ng ibang mga tao sa kaniya. Gusto ko pa rin siyang bigyan ng benefit of the doubt matapos ang mahabang taong pagkakaibigan namin. 

Pero kahit anong pagkukumbinsi ang gawin ko ay ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Natatakot pa rin ako kung ano ang maaaring mangyari. Ang daming tanong sa utak ko na gustong masagot.

Paano kung lahat ng sinabi nila tungkol kay Lorreine ay totoo? Paano kung isa nga siyang myembro ng organisasyon na ‘yon? Matatanggap ko ba? Kaya ko bang harapin?

Isang marahang palad ang dumampi sa kamay ko at binigyan iyon ng banayad na pagpisil. Nang mapatingin ako sa kaniya ay pinilit ko ang sarili na ngumiti.

“You’re going to be okay,” bulong ni Gab sa tainga ko. 

“I’m scared.”

Tumango-tango siya. “I know. Just remember, wala kang kasalanan. You did your best. At kahit anong mangyari, nandito lang ako.” He kissed the back of my hand before kissing my forehead. Dahil doon, bahagyang kumalma ang tibok ng puso ko. 

Bumuntonghininga ako bago naglakad papasok. Gab wanted to come with me inside, pero nagpumilit akong pumasok nang mag-isa. Gusto kong harapin si Lorreine nang mag-isa. Ayokong isipin niyang nandito kami para pagtulungan siya at i-intimidate.

“This way, ma’am,” ani isang pulis na nagturo sa ‘kin ng daan.

Hindi ko maalala kung saan kami nagdaan dahil sa sobrang kaba ko. Hinayaan ko na lang siyang gabayan ako hanggang sa makarating kami sa isang silid.

Walang ibang tao roon maliban sa iilang mga pulis. May mga lamesa at upuan sa loob kung saan nakaupo si Lorreine. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kaniya, tinitimbang ang bawat mga hakbang ko.

Nang makarating ako sa harap niya, ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Alam kong nakita na niya ang pagdating ko pero ni hindi man lang siya gumalaw sa kinauupuan niya. 

Her eyes are cold. She isn’t even blinking. Para bang gusto niya na ring umalis dito at talagang napilitan lang siyang harapin ako.

Huminga ako nang malalim bago naupo sa harap niya. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa kaniya sa pagbabaka sakaling makakita ako ng kahit anong emosyon sa mukha niya. Pero pinapaasa ko lang ang sarili ko.

Naalala ko ang sinabi ni Gab kanina sa ‘kin at pinaulit-ulit ‘yon sa isip ko. Wala akong kasalanan. I did my best.

“Aren’t you going to explain yourself?” I asked. Laking pasasalamat ko na hindi ko nakagat ang dila ko.

Ang buong akala ko ay hindi niya talaga ako papansinin. Kaya naman nang tapunan niya ako ng tingin ay halos mapalunok ako. Pero imbis na makahinga nang malalim ay mas lalo pang sumikip ang dibdib ko.

Seeing her glare at me with so much hatred hurts like hell. Para bang pinapatay na niya ako sa mga tingin niya, and I can’t take it. Hindi siya ang Lorreine na nakasama ko. Hindi siya ang Lorreine na kaibigan ko.

“Hula ko ay nasabi na nila lahat sa ‘yo. Bakit ka pa nagtatanong?” Her voice is also venomous. Damang-dama ko ang galit sa mga salitang binitiwan niya. But still, I held my ground.

“I want to hear everything from you. Gusto kong ikaw mismo ang magsabi sa ‘kin.” Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Are they telling the truth?”

“Depends on what they said.”

And that’s when I snap. “Lorreine, please!” I almost begged. “Gusto ko lang malaman. Totoo ba ang mga pinakita mo sa ‘kin? Did you treat me as a friend? Did you really care for me? Tell me. Iyon lang naman ang gusto kong malaman.”

Slowly, she smirked in my direction. “Ano sa tingin mo? I hated you! Noong malaman kong isa kang Zima, na ikaw ang tagapagmana, kinamuhian na kita. Sa tuwing nakikita kita, kailangan kong ipaalala sa sarili kong kailangan kong magtiis para maghiganti sa ginawa niyo sa papa ko. Walang araw na hindi ko naalala ang nakaraan sa tuwing nakikita kita.”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili na umiyak sa harap niya. “But it wasn’t me, Lorreine. Hindi ako ang gumawa n’on.”

“Pero ang tatay mo ang gumawa n’on. Pamilya ka ng lalaking sumira sa buhay ko, sa pamilya ko. At hindi kita mapapatawad dahil do’n.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “But I’m your friend.”

Napasinghal siya. “Noong oras na malaman kong isa kang Zima, I stopped being your friend.”

Those words stabbed me like a thousand knives. Alam kong nakakasakit ang mga salita, pero kahit na alam ko, hindi pa rin n’on nabawasan ang sakit. Mas lalo ko pang naramdaman ‘yon lalo at nanggaling sa taong tinuring kong isang kaibigan.

At nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan ay mas lalong bumagsak ang mundo ko. Ni hindi niya ako nilingon pabalik hanggang sa pumasok siya sa isang pinto at nawala sa paningin ko.

Bumalik lang ako sa sarili ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Gab. And at that moment, my tears started to fall. Napahagulgol ako sa bisig niya. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. I just want to let out everything, nagbabaka sakaling mabawasan n’on ang sakit.

But it doesn’t.

I treated Lorreine as a friend for years. Magmula noong senior high school kami hanggang sa maging college at maging magkatrabaho. She was always there for me, and I was always there for me.

Naalala ko lahat ng mga bagay na ginawa niya para sa ‘kin. Siya ang nag-alaga sa ‘kin noong nagkasakit ako at nasa ibang bansa sina Chanel at Carleigh. Siya ang nandiyan noong nagkaproblema ang kompanya at kinailangan kong matulog nang ilang gabi sa office. 

I can list all the things she did for me, at tiyak mauubusan ng tinta ang ballpen ko sa dami ng nagawa niya para sa ‘kin.

‘Tapos sasabihin niya na para lang ‘yon sa paghihiganti? Sasabihin niya na hindi kaibigan ang turing niya sa ‘kin? Bullshit! 

Pero bakit ang sakit pa rin? Bakit ganito pa rin ang pakiramdam ko? Kahit na alam kong hindi totoo ang sinabi niya, para pa ring sinasaksak ang puso ko nang paulit-ulit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status