Share

Chapter 2

“Are you feeling better now?” tanong ni Gab nang makapasok kami sa sasakyan niya.

I just finished bawling. Sinakitan lang ako lalo ng ulo dahil sa ginawa ko. Ang buong akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko kapag nailabas kong lahat ng sakit kanina, pero mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

Sinubukan kong ngumiti. “I think so.”

Inabot niya ang kamay ko at muli iyong pinisil. “It’s okay if you’re not. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo sa harap ko. Naiintindihan ko.”

Dahil sa sinabi niya ay bumagsak ang mukha ko at nawala ang ngiti sa mga labi ko. “This is the first time someone betrayed me like this. Kaibigan ko pa. And it hurts so damn much.” Muling may tumakas na luha mula sa mata ko na agad kong pinunasan. “Ilang taon kaming magkaibigan, Gab. Halos araw-araw kaming magkasama. Nandiyan kami palagi para sa isa’t isa. Hindi ko ma-imagine kung paano niya natiis na makasama ako sa mga taon na ‘yon nang may tinatago siyang galit sa puso niya.”

Napayuko na lang ako. Akala ko, naiyak ko na lahat kanina. Pero ito ako at lumuluha na naman. Wala yatang kapaguran ang mga mata ko ngayon.

“Hindi ko alam kung anong sasabihin sa ‘yo ngayon,” ani Gab. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “I never had a friend so close to me.”

Kumunot ang noo ko. “What about Lance? Akala ko ay magkaibigan kayo?”

“We are. Pero hindi kami gano’n kalapit sa isa’t isa. And he’s too talkative. Minsan, lumalabas na lang talaga sa kabilang tainga ko ang sinasabi niya.”

I laughed, maybe the most genuine I did today. “What about Iwatani?”

Napataas ang isang kilay niya. “You mean, your first love?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “He’s not my first love! Crush ko lang siya no’n.”

“Oh, really?”

“Wait!” Naningkit ang mga mata ko sa dereksyon niya. “Are you still jealous of him? Ni hindi ko na nga siya nakakausap dahil busy siya sa kapatid ko. He loves Carleigh!”

“I’ll forever be jealous of men you fell in love with, Chantria.”

Napangiti ako. “You jealous of yourself, then?”

Unti-unti siyang napangiti dahil sa sinabi ko pero hindi nagsalita. Umiling-iling lang siya at tumingin sa labas ng sasakyan niya pero hindi pa rin binuhay ang sasakyan.

“Thank you,” sabi ko.

Napatingin siya sa ‘kin. “For what?”

“For making me feel better.”

Hinalikan niya ang likod ng palad ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. “It’s my pleasure.” Matapos ‘yon ay hinalikan niya naman ako sa noo bago binuhay ang sasakyan niya at dumeretso sa restaurant kung saan una kaming nag-date noong high school pa kami.

Everything isn’t perfect right now. Marami pa rin akong kinahaharap na problema, at tiyak mas darami pa ‘yon sa mga susunod na araw. But who wants perfection? Certainly not me. I should be happy as long as may mga tao pa ring nagtitiwala at nagmamahal sa ‘kin.

Lorreine might not think of me as a friend anymore, pero alam ko sa sarili kong magiging kaibigan ko siya habang buhay. She was, after all, one of my best friends who had my back in school and at work.

And not to mention, I still have my precious people around me. Sa likod ng nangyari sa ‘min ni Lorreine, tinitiyak kong hindi pa rin ako mawawalan ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa ‘kin. Because as I grew up, na-realize kong may mga tao talagang dadaan lang sa buhay ko para turuan ako ng leksyon. I just have to accept it.

I smiled. Seeing this place again after four years just makes me so damn happy. Hindi ako makapaniwalang ganito pa rin ang itsura niya matapos ang maraming taon. Four years lang ang dumaan, oo, pero in-e-expect kong kahit papaano ay magkakaroon ito ng pagbabago. Pero kahit saan ako tumingin ay bumabalik lang ang lahat ng alaala ko sa lugar na ‘to.

This is where our first date took place.

Mabilis akong tumakbo papunta sa railings at tinanaw ang napakagandang lugar. Huminga ako nang malalim at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Alam na alam talaga ni Gab kung kailan ako dapat dalhin sa lugar na ‘to. Hindi mainit, pero hindi rin masyadong malamig. Papalubog na rin ang araw at ilang minuto lang ang makikita na namin ‘yon sa parteng ‘to. Hindi kasi namin naabutan ang paglubog n’on noong unang beses kaming nagpunta rito.

“This place never ceases to amaze me,” sabi ko nang maramdaman kong tumayo siya sa tabi ko. “How did you even find this place? Mas maganda ‘tong lugar na ‘to kaysa do’n sa pinagdalhan ko sa ‘yo.”

“My mom used to bring me here. Kapag nag-t-tantrums ako, dito niya ako dinadala at hindi sa mga mall o kung saan-saan. This was our secret place.”

Napatingin ako sa gawi niya. “And you brought me here?”

He looked back. “I wanted to share this place with people I hold dear.”

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. “Thank you.”

Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay ang paglubog ng araw. At halos mahigit ko ang hininga ko nang unti-unting bumaba ang araw at nilamon ng dilim ang liwanag. 

There was something magical about it. Dahil sa oras na dumilim ang paligid, muling nagliwanag ang tanawin dahil sa kumikisap na mga ilaw na nanggagaling sa mga gusali sa ibaba. Para iyong mga bituin na kumukuti-kutitap.

Hindi ko maiwasang hindi maging sentimental habang nakatayo roon. “I miss Louella.” Naramdaman ko ang pagtingin niya sa ‘kin. “Kung meron mang pinakanaapektuhan sa nangyari, si Louella ‘yon. They were best friends, you know,” I said, pertaining to Lorreine.

“That’s why she left, I guess. Hindi pa siya handang harapin ang lahat.”

Dahan-dahan akong tumango. “You’re right. Kaya kahit na gusto ko siyang makita, hindi ko magawa. I want to give her time.”

Everything was too much for all of us. Apat na taon din kaming walang contact ni Louella noong mga panahong busy ako sa paghihiganti ko. We drifted apart. Si Lorreine ang palagi kong kasama noon kaya ang hirap para sa ‘kin na tanggapin ang nangyari. I guess binibigyan din nila ako ng oras para i-sort out ang sarili ko.

Miski sina Chanel at Carleigh ay kinailangang magpalamig matapos ang nangyari. Mahirap mag-adjust lalo pa at apat na taon din ang lumipas. Nag-uusap pa rin kami sa phone at ganoon pa rin ang closeness namin, pero alam ko sa sarili kong may ilangan na rin dahil sa nangyari, especially Chanel.

I can’t control anything. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Pero naniniwala akong babalik din ang lahat sa dati. We just all need time. And I just hope hindi pa huli ang lahat para maibalik sa dati ang relasyon namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status