Share

Chapter 3

Chapter 2

Hinawakan ni Gab ang kamay ko na nakapatong sa railings. Doon lang ako bumalik sa reyalidad. “You’re doing the right thing,” he said.

Napangiti ako bago ko siya hinarap. “What about you?”

Kumunot ang noo niya. “What about me?”

Nagkibit-balikat ako bago tumalikod at humilig sa railings. Mas hinigpitan ko ang pagkakawak namin ng mga kamay. “I never heard of you for four years.”

“You were stalking me for four years, Seanne,” nakatawang pang-aasar niya.

Napairap ako. “You know what I mean. At FYI, hindi kita in-stalk.”

Hinigit niya ako sa beywang. “You didn’t?”

“Okay. A little. Pero ginawa ko lang ‘yon dahil kailangan kong malaman kung ano-ano ang mga ginagawa mo.”

Imbis na asarin pa ako lalo dahil sa mga pinaggagawa ko noon ay nagtanong siya. “Anong gusto mong malaman?”

Isa lang ang unang pumasok sa isip ko. “Did you have a girlfriend sa four years na lumipas?”

Walang pagdadalawang isip siyang sumagot. “None.”

Bahagya akong lumayo sa kaniya at pinaningkitan siya ng mga mata. “I don’t believe you.”

Natawa siya bago ako ulit hinila palapit sa kaniya. I rested my head against his chest. “I’m telling the truth. Wala akong naging girlfriend o kahit na fling noon pagkatapos mo. Hindi mo na maitatanong, I was so in love with you.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na mapangiti pero hindi rin ako nagtagumpay. Kaming dalawa lang naman ang nandito. I don’t have to be shy.

Nagpatuloy siya, “Sinubukan ko. At sa tuwing gagawin ko ‘yon, na-g-guilty ako. I felt unfaithful. Para bang pagtataksilan kita sa oras na makipagrelasyon ako sa iba.”

I bit my lower lip again. Kaunti na lang ay magdurugo na ‘yon sa sobrang pagkagat ko. “But we weren’t together anymore.”

“I know,” halos pabulong na sagot niya.

Huminga ako nang malalim. I guess I have to tell my story to him as well. “I also tried dating other guys before, but none lasted. But at some point, napapatigil ako. Palagi kitang kinukumpara sa kanila. Kaya sa huli, sumuko na lang din ako.”

Saglit kaming natahimik, absorbing everything that we said.

He was the first to break the silence. “It’s kind of funny. We’ve known each other for less than a year. Ilang buwan nga lang naging tayo pero parang ang tagal na nating magkakilala at magkasama.”

Napangiti ako. “Siguro nga tama sila. Hindi palagi nasusukat sa haba ng panahon ang lalim ng pinagsamahan ng tao. It varies all the time.”

Muli kaming natahimik matapos ‘yon. Pinakikinggan ko lang ang tibok ng puso niya habang panaka-naka naman niyang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. Naputol lang ‘yon nang biglang kumulo ang tiyan ko.

Napanguso ako nang tumawa siya. Inabot niya sa ‘kin ang kamay niya. “Shall we?”

Inabot ko ‘yon nang walang tanong-tanong. “Saan tayo kakain?”

“Anong gusto mong kainin ngayon?”

“Parang gusto ko ng something… homemade ngayong gabi.” Napangisi ako. I heard he can cook now. Gusto kong matikman ang luto niya ngayon.

Napakurap siya. “Well, I didn’t expect that. Kailangan nating mamalengke kung gan’on dahil walang laman ang ref ko ngayon.”

“Leave the grocery to me!”

Mabilis kaming nagtungo sa palengke. Bumili kami ng meat at kung ano-ano pang kailangan niya sa pagluluto. Matapos ‘yon ay dumeretso kami sa apartment niya.

I’ve been here before, pero wala akong oras para pagmasdan ang kabuuan ng lugar. Kaya naman ngayong nagkaroon na ako ng pagkakataon ay hindi ko maiwasang hindi mamangha.

Ang laki ng apartment niya para lang sa kaniya. Miski ang kitchen niya ay kasinlaki na halos ng kitchen sa bahay namin kung saan kasama namin si dad. I also love the minimalist look. Hindi masyadong masakit sa mata with all the black, white, and red accent.

There was also a huge glass wall overlooking the entire city. Ang ganda ng view mula rito. Walang katabing malalaking mga gusali kaya hindi natatakpan ang tanawin.

Nakalimutan ko na ayusin ang grocery dahil nakatanaw na ako sa labas. Wala naman akong narinig na pag-angal kaya hinayaan ko na siya. He must be busy cooking now.

“This place looks fantastic!” bulalas ko. “You really know a lot of great places. Meron ka pa bang lugar na hindi sinasabi sa ‘kin na may ganito kagandang view? Tell me now.”

Naglakad ako patungo sa kaniya at naupo sa isang silya kaharap ang kitchen. His sleeves are folded on his arms at may suot na siyang itim na apron. A man can’t get any manlier than that!

“Sadly, this is all I’ve got. Kung meron man akong makita na gaya nito, dadalhin kita agad-agad.”

“Great!” Nagpangalumbaba ako at pinanood siya sa ginagawa niya. I was smiling the whole time. 

Hindi ko maiwasang hindi kiligin habang pinagmamasdan siya. Ang sexy talaga ng boyfriend ko. Mas lalo siyang gumwapo at naging mas makisig after four years. Sabi niya ay nag-w-work out na raw siya, and damn, I can see it.

The way his muscles flex? Napapalunok na lang ako.

Kinakailangan ko pang umiwas ng tingin at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Maghunos dili ka, Chantria! Gutom lang ‘yan.

“I’ll be done in a minute,” sabi niya matapos ang ilang minuto. “Manood ka muna sa sala para hindi ka mainip.”

Tumango lang ako at sinunod siya, para sa gano’ng paraan ay mapakalma ko saglit ang sarili ko. Hindi ko namalayang tumabi na pala sa ‘kin si Gab sa sofa upang tawagin ako.

“You were so engrossed that you didn’t hear me,” bulong niya sa tainga ko.

Nahigit ko ang hininga ko at sinubukang magsalita. “Sorry. It’s been a while since the last time I’ve watched T.V.” And I know, he knows. Isang kompanya rin ang hawak niya gaya ko. Madalang kami magkaroon ng day off gaya nito.

“Let’s eat?”

Tumango ako at sabay kaming tumayo papunta sa kusina. Agad akong napanganga dahil sa ganda ng presentation. Not to mention, ang bango ng niluto niya. Muli na naman tuloy kumulo ang tiyan ko.

“Is this italian?” tanong ko. Hinila niya ang isang upuan para makaupo ako bago siya naupo sa harap ko.

“Si. Pollo alla cacciatora.” Mahina akong natawa. “Dig in.”

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagsimula nang kumain. Imbis na magsimula, pinanood niya muna ang magiging reaksyon ko. Napataas pa siya ng kilay nang tuluyan ko nang malunok ang karne.

“So?” he asked.

I slowly smiled before giving him a thumbs up. “Ang sarap!” bulalas ko. “I heard you can cook, pero hindi ko inaasahang ganito ka kasarap magluto. I mean, natikman ko na dati ang luto mo pero this is different.”

Nakahinga siya nang maluwag dahil sa naging reaksyon ko bago nagsimulang kumain. “I live alone for four years kaya kailangan kong matutong magluto para sa sarili ko.”

Napatigil ako sa pagnguya. “Really?”

Napaangat ang tingin niya sa ‘kin ngunit agad ring umiwas. Akala ko ay hindi na siya magsasalita, ngunit nang matapos kaming kumain ay huminga siya nang malalim. “When we broke up, I confronted my father. Tinanong ko siya tungkol sa nangyari at gano’n na lang din ang pagtataka ko dahil mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko.”

Hindi ako nagsalita. “Ang sabi niya, wala siyang alam sa nangyari.”

Tinulungan ko siyang mag-urong. Nang matapos kami ay nagtungo kami sa sala upang ipagpatuloy ang pag-uusap. We cuddled on the sofa as he caressed my hair.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status