Share

Chapter 44

FRANZ frowned. May ilang beses na inayos ng don ang salamin sa mga mata. Hindi pa nasiyahan ay itinaas ang album at sinipat nang husto. Napahugot ito ng hininga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa album. Hindi pa nasiyahan, tinuklap nito ang plastic at inalis ang larawan mula roon.

"Careful," babala ni Beatriz. "Baka mapunit mo, luma na iyang larawang iyan."

Mula sa pagkakatitig sa larawan ay niyuko siya ng asawa. "Bea..." Franco stared at his wife with disbelief in his eyes. "Sinadya mo bang ipakita sa akin ito? May nais ka bang ipahiwatig?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi ko alam, Franz. Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin. Pero kaninang nanananghalian tayo kasama ang dalawang bata ay nagtumining sa isip kong pamilyar sa akin ang bata. Kahit noong una ko siyang makita. Lamang ay hindi ko gaanong binigyan ng pansin. Kanina, sa kaiisip ko ay kumislap sa balintataw ko ang album mo."

Franz was incredulous. "Ano ang maaari kong isipin dito, Bea?"

Nakita niyang sunod-sunod ang pagt
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status