Share

CHAPTER FIVE

NAG-ANGAT ng paningin si Asule mula sa binabasang report nang maramdaman niya ang pagpasok ni Joji sa loob ng kanyang opisina. Simula nang bumalik sila sa Black Eagle Pack dala ang maraming bihag galing sa Gray Sparrow Pack ay kasama na rin nila ito. Ipinasara niya ang Costa Calista Manor. It already served its purpose so there's no use for them to still keep the manor. 

Ipinatayo ni Asule ang Costa Calista Manor sa Gray Sparrow Pack para maging palihim na bagsakan ng mga impormasyong nakukuha ng mga scouts ng Black Eagle Pack na nakakalat sa loob ng limang packs na nakapalibot sa Paso De Tijuca Territory at sa labas nito. Ang Gray Sparrow Pack ang pinakasentro ng Paso De Tijuca kaya naisip niyang mas mabuting doon itayo ang manor. Isa pang dahilan ay mas madali sa kaniya na pumasok sa lugar ni Criston Aldeguer na hindi nito namamalayan dahil nakapangalan kay Joji ang manor na sampong taon pa lang ay nakondisyon na ni Asule para sa magiging misyon nito. 

"What?" naka-angat ang kilay na untag ni Asule bago muling ibinalik ang paningin sa binabasa. 

Hindi kumibo si Joji bagkus ay umupo ito sa upuang nasa harapan ng mesa ni Asule. Ilang ulit itong bumuga ng hangin na siyang tuluyang kumuha sa atensiyon ng alpha. Ibinaba nito ang binabasa at sumandal sa swivel chair bago pinagkrus ang mga braso sa matipunong dibdib. 

"Spill it out."

Muling bumuga ng hangin si Joji bago tumingin kay Asule. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala na mas lalong ikinaangat ng mga kilay ni Asule. 

"C'mon, Joji, if you have something important to tell me, spill it out. But if it's not so important, you better get out of my office now before I throw you out myself. I'm busy." walang emosyong turan ni Asule habang nananatiling nakahalukipkip. 

"Si Belle kasi,"

"What about her?" walang gana at walang pakialam na tanong ni Asule. Ni walang makitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito. 

Napailing si Joji. "I'm worried about her," turan nitong hindi maitago ang pag-aalala para sa anak ni Criston Aldeguer na kasamang dinala sa Black Eagle Pack. "Ilang araw na siyang nandito at hindi kumakain. Nakatulala lang habang umiiyak." medyo alanganing dugtong ni Joji lalo na nang makitang biglang dumilim ang anyo ni Asule. 

Umigting ang panga ng alpha at ang kulay asul na mga mata ay tila mas lalong tumingkad ang kulay. Pagalit nitong hinawi ang mahabang buhok na nakatabing sa isang bahagi ng mukha bago padarag na tumayo. Mabibigat ang mga paang humakbang ito palabas ng opisina. Napasunod naman si Joji na mas lalong gumuhit sa mukha ang pag-aalala para kay Belle. Kilala nito si Asule. Belle will surely suffer more if she continues challenging him.

Tuloy-tuloy na umakyat si Asule patungo sa ikalawang palapag ng malaking packhouse. Lumiko ito sa kanan kung saan naroroon ang silid na pinaglagyan nito kay Belle. 

"Give me the key!" halos pabulyaw na turan ni Asule nang tumapat ito sa pinto ng silid ni Belle. 

Kaagad namang inabot ni Joji ang susi kay Asule na madilim ang anyo at halos magdugtong na ang mga kilay. 

Nang tuluyang mabuksan ang pinto ay pabagsak iyong itinulak ni Asule. 

"Alpha—"

Napatigil sa akmang pagsasalita si Joji nang marahas na lumingon sa gawi nito si Asule at sumigaw. 

"Shut up!"

*******

NAPAPITLAG si Belle nang marinig ang tila kulog na boses na umalingawngaw sa apat na sulok ng malaking silid na kinaroroonan niya. Kilala niya ang nakakatakot na boses na iyon. 

Mapait na sumilay ang isang halos walang buhay na ngiti sa tuyot nang mga labi ni Belle. Ang boses na minsan nang nagparamdam sa kanya ng kapayapaan at kapanatagan ng loob. Ang boses na ang may-ari ay ang lalaking minsan ay inakala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na kahit minsan ay hindi pa niya naramadaman mula sa sarili niyang pamilya. She knew that she wasn't the best but still, she was hoping that maybe, he could love her even if she's the worse mate. 

But no...it was all just a product of her wishful thinking.

Dinig ni Belle ang mga yabag ni Asule palapit sa kinahihigaan niyang malambot na kama ngunit hindi siya nag-abalang kumilos. Nanatili siyang nakapikit habang nakatagilid. Naramdaman niyang tumayo ito sa gilid ng kama niya at lumipas muna ang ilang sandali bago ito nagsalita. 

"Are you going to get off that bullshit and fix yourself or you want me to pull you up, force you to eat and all?! You choose!" may diin ang bawat salitang sabi nito.

Dama din ni Belle ang tinitimpi nitong galit na naghatid sa kanya ng takot. Muling pumasok sa alaala niya kung paanong tila walang anumang dinukot ni Asule ang dibdib ng kanyang ama at hinila ang puso nito palabas. It was still so clear on her mind like it just happens yesterday. 

Ang kaliwa't-kanang mga bangkay na nakakalat sa bawat kalye ng Gray Sparrow. Ang mga iyakan at sigawan. Ang duguang mga kawal na pilit pa ring lumalaban. At, ang katawan ni Asule na balot ng dugo ng mga nakalaban nitong kalahi niya. 

Isang impit na hikbi ang pilit na kumawala sa bibig ni Belle. She tightly closed her eyes, trying to take the horrible memories away from her mind. 

Asule hissed as he heard her sobbed. "Bullshit, Belle!" he cursed. 

Hinila ni Asule si Belle mula sa pagkakahiga at pilit na ibinangon. Isinandal nito ang babae sa headboard ng kama bago pagalit ng tinawag ang isang tagasilbi. 

"Alpha?" kaagad na bungad ng babaeng bumungad sa pinto ng silid. 

"Ready her bath and leave!" utos ni Asule na ang mga mata ay nakatutok kay Belle na tila walang buhay na nakasandal sa headboard. "Open your eyes and look at me!" utos ni Asule kay Belle. 

Belle took a deep sigh before she slowly opens her eyes. Mas lala namang dumilim ang anyo ni Asule nang makitang mugtong-mugto ang mga mata nito dahil sa walang tigil na pag-iyak. Magulo rin ang mahabang buhok ni Belle na tila kaytagal nang hindi nakatikim ng suklay. 

"Fix yourself, woman! Wala akong oras para sa iyo at sa kapritso mo." halos paangil na turan ni Asule kay Belle. 

A crooked smile made its way into the corner of Belle's lips. "Then, bring me back to my home." ani nitong sinalubong ang mga mata ni Asule. 

Ngumisi si Asule bago hinawakan ng isang kamay ang magkabilang pisngi ni Belle. Pinisil niya iyon bago inilapit ang sariling mukha sa mukha nito. 

"You shouldn't order your alpha like that, woman," pabulong na sabi ni Asule bago inilabas ang dila at tila walang anumang dinilaan ang mukha ni Belle na basa pa ng luha. "And, remember —you are mine!" dugtong pa nito pagkaraang paglandasin ang dila mula sa pisngi hanggang sa gilid ng mga labi ni Belle. 

"Damn you!"

Asule laughed sarcastically. "Oh, I want you too, my sweet Belle." he mumbled before he jumped off and pulled Belle out of her bed. "Now, it's time for your bath, you stinky she-wolf!" he added. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status