Share

CHAPTER FOUR

"Kill everyone who resists surrendering!" sigaw ni Asule na walang pag-aalinlangan namang sinunod ng mga kawal nito. 

"I will kill you!" galit na hiyaw ng isang babae kay Asule na kasalukuyang hinaharap ang tatlong lobo. 

The woman jumped high and shifted into her wolf form mid-air. Asule snapped back and as the woman launched an attack, he simply bent his head down to avoid her claws before he turns around to face the woman. Umangil ang tatlong lobong kaharap niya kanina na sinundan ng babae. Ikiniling ni Asule ang ulo at iginalaw-galaw ang leeg bago ngumisi. 

"Bring it on, losers!" aniya sa mga ito at hindi na nag-abalang magpalit-anyo. 

Mas lalong sumilay ang malawak na ngisi ni Asule ng sabay na sumugod ang apat sa kanya. Nauna ang isa habang halos magkasabay naman ang dalawa at panghuli ang babae. Mabilis na umiwas si Asule sa atake ng naunang lobo bago mabilis na umikot at hinawakan ang ulo nito saka tila walang anumang inikot. Wala na itong buhay nang bitawan ni Asule at bumagsak sa lupa. Mabangis namang umangil ang dalawa pang kasunod ngunit bago pa man tuluyang makalapit ang mga ito ay mabilis na silang sinalubong ni Asule. He bent his knees and effortlessly slid down as he extends his hands to reach for his opponent's chest. Asule ripped their hearts out of the ribcage as soon as his hands landed on their chest. 

"Are you sure, you wanna follow them in hell?" tanong ni Asule sa babaeng lobo na biglang napatigil sa pagsugod. 

Sandaling sinulyapan ni Asule ang kanyang dalawang kamay kung saan hawak pa niya ang mainit-init at tumitibok-tibok pang mga puso ng dalawang lobong kagaya ng nauna ay wala na ring buhay na bumagsak sa lupa. Dilat ang mga mata at butas ang mga dibdib habang bumubulwak ang masaganang dugo. 

Umungol ang babaeng lobo bago takot na umatras. 

"Catch her!" ani ni Asule sa dalawang kawal na malapit dito. 

Mabilis namang nilapitan ng dalawa ang babaeng lobo na muling bumalik sa pagiging tao. Bakas sa mga mata nito ang pinaghalong takot at galit habang nakatingin sa mga kasama nitong wala nang mga buhay na nakahandusay sa matigas na lupa. 

"Make sure to catch every alive creature here and bring them to Black Eagle!" sigaw ni Tigen sa mga kasama nitong kaagad namang sumunod. 

"We already captured almost one-third of the Gray Sparrow Pack, Alpha." pag-imporma ng isang kawal na puno ng dugo ang katawan.

Dugo ng kalaban. 

Tumango si Asule. "How about Criston Aldeguer?" tanong niyang tumalim ang mga mata at umigting ang mga panga. 

"Clay and Ruzh captured him already. Hinihintay na nila tayo sa mansyon ng mga Aldeguer." turan ni Tigen. 

"Good!" ani ni Asule bago walang sali-salitang mabilis na tumakbo patungo sa mansyon ng pinuno ng Gray Sparrow Pack. 

Isa lang ang laman ng isip ni Asule. At, iyon ay ang pagbayarin ang mag-amang Aldeguer sa kademonyohang ginawa ng mga ito sa kapatid niya. 

"Nakatakas daw si Ariston Aldeguer, Alpha." 

"Bullshit!" 

***********

NAGISING si Belle dahil sa ingay na nariring niya sa paligid. Kumibot-kibot ang kanyang mga labi habang patuloy na nakapikit at nakikiramdam sa paligid. Dama niya ang bahagyang pananakit ng katawan dahil sa kanila ni Storm. Sumilay ang matamis na mga ngiti sa labi niya nang maalala ang lalaki. 

She already found her fated mate and he just marked her last night!

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at kinapa ang bahagi ng leeg kung saan siya minarkahan ni Storm. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya nang makapa roon ang bakas ng mga pangil ng lalaki. Naghilom na iyon ngunit naiwan doon ang apat na marka ng mga pangil ni Storm. 

Umunat sa pagkakahiga si Belle at itinaas pa ang dalawang braso para lang matigilan nang makarinig ng sigawan. Napabangon si Belle at hindi ininda ang biglaang pagsigid ng kirot mula sa kaibuturan ng kanyang pagkababae. Sumilip siya sa bintana para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Nanlaki ang mga mata ni Belle nang makita ang makapal na usok mula sa kalayuan habang nakakalat naman sa kalsada ang mga patay. Natutop niya ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng malakas na sigaw. 

"No..." shocked na bulong niya bago umalis sa harap ng bintana. 

Kailangan niyang umuwi. They were attacked! 

Humakbang siya patungo sa pinto at kaagad iyong binuksan para lang matigilan. Napatunganga siya sa lalaking nakatayo sa gilid ng pinto at tuwid na tuwid ang katawan. 

Ano ang nangyayari? 

Luminga si Belle sa paligid para alamin kung nasaan siya. Muli siyang natigilan nang makitang naroon siya sa loob ng Costa Calista Manor. Dahil sa pagkabigla kanina ay hindi niya nabigyang pansin ang lugar. 

Kaagad siyang humakbang palabas ng kuwarto ngunit mabilis siyang pinigilan ng lalaking nakatayo sa labas. 

"You can't go, Miss Belle!" ani nitong humarang pa sa dadaanan niya. 

Nalukot ang mukha ni Belle at nagsalubong ang mga kilay. Who is this guy?! 

"And, who says that I can't go?" tanong niya rito at bago pa man makakilos ang lalaki ay mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang-balikat at inangat ang tuhod bago malakas na sinipa ang kinabukasan nito. 

"Ouch! Shit!" halos sunod-sunod na mura ng lalaki habang hawak ang nasaktang kinabukasan. 

Sinamantala naman iyon ni Belle at mabilis ang mga hakbang na bumaba sa hagdanan. May iilan pang mga lalaking nagbabantay sa labas ng manor kaya pakubli-kubling naglakad si Belle patungo sa likod kung saan naroroon ang isa pang gate. Ubod-lakas niyang hinila ang kadenang nakagapos doon. Kaagad siyang lumabas nang mabuksan ang gate at mabilis na tumakbo patungo sa dereksiyon ng mansiyon nila. It was her father's birthday and their pack just got an attack. How could this be? 

Tumulo ang mga luha ni Belle habang mabilis na tumatakbo nang makita ang mga patay na katawan ng mga taga-Gray Sparrow Pack. Kaliwa't-kanan din ang sunog kaya makapal ang usok sa paligid. 

"Young Miss..." 

Napatigil sa pagtakbo si Belle nang makarinig ng mahinang pagtawag. Luminga siya sa paligid at nang makita ang isa nilang kawal na sugatan habang nakasandal sa nawasak na pader ng isang convenient store ay kaagad na humakbang palapit dito si Belle. 

"Go now..." ani nito sa nanghihinang tinig. Punong-puno na ng dugo ang suot nitong uniform at patuloy rin sa pagbulwak ang masaganang dugo mula malaking sugat nito sa balikat at dibdib. Maging ang braso at leeg nito ay may malalalim na mga sugat. Kapag ganoon ay nahihirapan na ang mga uri nila na pagalingin ang sarili. "You can't stay here anymore. Tumakas ka na!" patuloy nitong ang mga mata ay halos hindi na maidilat. 

"No!" tanggi ni Belle bago pinunit ang suot na malaking t-shirt. "Dadalhin kita sa hospital-"

"Wala nang oras." mapait ang boses na putol nito sa sasabihin ni Belle. Natigilan ang lalaki at suminghot. "Y-you smell like him..." gulat na turan nito. 

Naguluhan si Belle ngunit hindi niya pinansin ang sinasabi nito. "Si Daddy? Did you see him?" tanong niya. 

"They captured him. Go now!" 

Nanlaki ang mga mata ni Belle. 

"No!" tanggi niyang muling nag-unahan ang mga luha sa pagbagsak. "I'll call for help. You just wait here. "Aniya bago mabilis na tumayo at tumalikod. 

Tumakbo ng mabilis si Belle patungo sa mansyon nila. Malayo pa man ay tanaw na niya ang mga kawal na nakapaikot roon. Hindi pamilyar sa kanya ang suot na uniform ng mga ito ngunit iisa lang ang tiyak niya. They're from Black Eagle Pack! Madali lang makilala ang mga ito dahil mga suot na kulay itim na maskarang may desenyong pakpak ng itim na agila sa magkabilang gilid. 

Kumubli si Belle sa makapal na halaman at nang makakuha ng tamang pagkakataon ay mabilis siyang tumakbo palapit sa mansyon. Umikot siya sa likod at payuko-yukong tumakbo patungo sa gilid kung saan tanaw niya ang grupo ng mga lalaking nakatayo. Natigilan si Belle nang makilala ang duguang lalaki na nakaluhod habang nakagapos. 

"Dad..." usal ni Belle na natutop ang bibig. Muli siyang napaiyak nang makita ang kalunos-lunos na anyo ng kanyang ama. 

Her high and mighty father... 

Dumako ang mga mata niya sa mga lalaking nakapalibot dito. Kagaya ng mga kawal na nasa labas ay pare-parehong nakasuot ng maskara ang mga ito. Natuon ang buong pansin ni Belle sa lalaking nakatayo sa pinakagitna. He was tall and possessed a Greek-like body. His braided long and red hair was gracefully flowing down on his back. He was wearing a black fitted shirt and ripped blue jeans paired with combat shoes. His clothes were covered with blood that made him look scary. 

Napalunok si Belle at kaagad na binalot ang buong katawan ng takot. 

"Look for him and make sure to bring him to me. Dead or alive!" 

Natigilan si Belle nang marinig ang boses ng lalaki. Bakit parang pamilyar sa kanya ang tinig nito? Kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil sa kaba. Her eyes widened in fear as she looked into the man who's standing in front of her father. She knew this man. No! She long heard about him already. 

Asule Shun...

The name you can't afford to mention without trembling. His name sends fear to everyone. He was the epitome of a truly ruthless and heartless man. No one else but the leader of Black Eagle Pack! 

Belle swallowed her saliva. She can't stay here anymore. It's too dangerous for her.

She was about to turn around when she suddenly saw a familiar guy. Humahangos itong lumapit kay Asule at may ibinulong. 

"Find her!" parang kulog na dumugundong sa paligid ang malakas na boses ng lalaki pagkaraan ng ilang saglit. 

Napaigtad si Belle maging ang mga kawal na nakatayo malapit dito. Aalis na sana siya nang makita niyang umangat ang kamay ng lalaki at hinawakan ang suot nitong maskara. Curiosity hit her.

Napahawak si Belle sa laylayan ng suot niyang damit habang pigil-hiningang hinihintay na tuluyang matanggal ang suot na maskara ni Asule Shun. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kabang nararamdaman niya pero pinagpawisan siya ng malapot dahil sa labis na tensyon. 

And, as the man finally took his mask off and revealed his face, Belle's body trembled in fear and shock. 

"Storm..." she whispered in horror. Pain filled her heart and tears started to run down her face. 

Or should she say, Asule—Asule Shun! 

Dumilim ang paligid ni Belle dahil sa sunod-sunod na pangyayari. At, bago pa man tuluyang bumagsak ang katawan niya sa lupa ay kitang-kita niya kung paanong bumaon sa dibdib ng kanyang ama ang matutulis na mga kuko ni Asule Shun. 

"Why?" Belle whispered before darkness finally embraced her. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status